Love's POV Hindi ko dapat marinig ‘yon. Nang gabing ‘yon, habang nag-aayos ako ng mga baso at plato sa loob ng karinderya, nakarinig ako ng mga boses na tila nagkakasagutan. Si Razen at Josh. Napatigil ako, pilit pinapakinggan ang bawat sinasabi nila. Hindi ko alam kung lalabas ba ako para pigilan sila, o mananatili na lang sa loob. Pero ang mga boses nila, punô ng tensyon, punô ng bigat. Para silang dalawang alon na nagbabanggaan sa gitna ng dagat. “Ex-boyfriend na siguro, bro. She doesn’t even look at you anymore.” Si Josh ‘yon. Kalmado pero mabigat ang boses. Napakagat ako ng labi, pilit nilulunok ang kabang nararamdaman. “Don’t get too comfortable. Just because you’re playing hero now, doesn’t mean you’ll replace me.” Boses ni Razen. Mababa, buo, pero halatang pigil ang galit. At doon, pakiramdam ko huminto ang mundo ko. Pinikit ko ang mga mata ko. Gusto kong isara ang pandinig ko, pero hindi ko kaya. Bawat salitang binibitawan nila, tumatama diretso sa dibdib
Razen’s POV I didn’t plan it. I didn’t mean for it to happen. But that night after Raze gave me advices, Josh and I really crossed paths. It was late, halos sarado na ang karinderya nina Love. Nakaupo ako sa gilid ng kalsada, nagtatago sa dilim, waiting for just one more chance. Nang hindi na ako makapaghintay, lumapit na ako sa karinderya. Gusto kong kausapin si Love kahit alam kong ipagtatabuyan lang niya ako. Then the door creaked open. He came out—Josh. May hawak siyang helmet sa isang kamay, at sa kabila, may dalang plastic bag na tingin ko ay may lamang pagkain. And I know, kahit hindi niya sabihin, si Love ang nagluto no'n para sa kanya. Nagkatinginan kami. Mata sa mata. Parehong malamig, walang balak umatras. Silence. The kind of silence that weighs heavier than shouting. The air felt different, as if it shifted. It was like all the lights around us grew brighter and focused only on us. Two men. One woman as the reason. He smirked, raising an eyebrow slightly,
Razen's POV After what happened at the gym, everything went to hell. And since then, I can’t stop blaming myself. I should’ve done something, I should’ve stopped it… but I froze. Now, all I can do is regret the one moment that ruined everything. Chloe kissed me. In front of everyone. In front of her. In front of Love. Kung puwede ko lang balikan at burahin ‘yon. Kung puwede ko lang itulak si Chloe palayo bago pa siya makalapit. Pero hindi ko nagawa. At iyon ang pinakamalaking pagkakamali ko. Kinabukasan pagkatapos ng nangyari, buong araw kong hinanap si Love para magpaliwanag. Dumaan ako sa bahay nila, kina Lira, sa karinderya, kahit sa palengke. Wala. Hindi ko na alam kung saan pa siya hahanapin. And when I finally asked Nicole, derechong sagot ang nakuha ko. “Don’t, Razen. Huwag ka munang lumapit. Don't try to explain. I don't think pakikinggan ka niya. Hindi ikaw ang kailangan niya ngayon.” It was a slap on my face. Tama siya. After ng pangyayaring 'yon, I don't think p
Ilang araw na rin akong abala sa karinderya. Paulit-ulit lang ang routine, gigising nang maaga, luto, asikaso sa mga customer, linis, tapos ulit kinabukasan. Para bang iyon na lang ang paraan ko para hindi masyadong isipin ang sakit na iniwan ng gabing ‘yon sa gym. Pero isang hapon, habang nagsasara kami, may dumating. “Love!” tawag ng isang pamilyar na boses. Paglingon ko, nandoon si Josh. May hawak na malaking bouquet ng bulaklak. Kitang-kita agad iyon ng lahat ng tao sa paligid lalo na nang kumaway ito sa akin. Nakangiti itong lumapit, naniningkit ang mga mata. Mukhang pagod at tingin ko kagagaling niya lang sa isang racing? Ganun kasi ang suot no'ng mga nakikita ko sa tv na nagre-race. Pawisan pa. “Para sa’yo,” nakangiting sabi niya, iniabot sa akin ang hawak na bulaklak. “Kamusta? You look tired." "Ikaw rin. Racing ulit?" Napakamot siya ng buhok bago tumango. "Yeah, the usual. But I'm good now. Nakita na kita, eh. Busy kasi sa pagppractice kaya ngayon lang nakapunta. Sensy
Mula no’ng gabing mangyari 'yon, hindi na ako umuwi muna sa mansyon. Ayokong makita ang mukha ni Razen. Ayokong marinig ang mga paliwanag na baka sa huli, ikadûrog ko lang. Kaya nagdesisyon akong dito muna tumira sa karinderya na dapat sana'y matagal ko nang ginawa. Maliit lang ang espasyo rito, katabi ang isang bakanteng silid na ginawang storage ng mga gamit. Doon ako pansamantalang nanuluyan. Hindi ito kumportable gaya ng sariling higaan ko kina Lira, ganun din sa mansyon, pero sapat na basta may matulog lang. Ang mahalaga malayo ako kay Razen. Hindi ko siya nakakasalubong. Nandito pa rin ang sakit. Ang bigat ng gabing 'yon pero kailangan kong iwaglit para umusad. Kung lulunurin ko lang ang sarili ko sa emosyon, walang mangyayari sa akin. Bukod doon, ayoko ring makaabala sa mga kaibigan ko. Sobra-sobra na ang pinakita nilang pagdamay sa akin no'ng kasagsagan na hindi ko na makilala ang sarili ko dahil sa sakit. Sa mga sumunod na araw, naging abala ako sa pagtulong sa karinderya
Halos trenta minutos din bago kami makarating sa paborito kong tambayan noon, ang tabing-dagat na malapit sa pier. Tahimik ang paligid, tanging alon at ihip ng hangin ang naririnig. Maliwanag ang buwan, tila ba nanonood din sa nangyayari sa akin. Huminto si Josh at pinatay ang makina. Napapikit ako nang tumama sa mukha ko ang malamig na simoy ng hangin. Para bang biglang gumaan ang dibdib ko kahit papaano, dahil naroon ang dagat, laging handang makinig, laging nandyan kahit gaano kagulo ang buhay. "Love," mahinahong tawag ni Josh habang tinatanggal ang helmet niya. "We’re here. Take your time." Dahan-dahan akong bumaba. Tinanggal ko ang helmet na suot ko at niyakap 'yon. Umupo ako sa buhangin, malapit sa tubig pero hindi abot ng alon. Sinundan ako ni Josh, tahimik lang, saka naupo sa tabi ko. Hindi siya nagsalita. Alam niyang kailangan ko munang maglabas ng sama ng loob bago sumabat. Nakatitig ako sa malawak na dagat. Hindi ko alam kung paano ko sisimulan. Pumikit ako, saka napas