Dahil anniversary ng kumpanya, nagkaroon ng party. Naghalo ang mga empleyado at royalties sa malaking hall. Lumabas muna si Lylia dahil pakiramdam niya nahihilo na siya. Hindi na siya makahinga. Siksikan, maingay, at punung-puno ng mga matang sumusunod sa bawat kilos niya. Kanina pa siya pinapakiramdaman ng mga bisita, lalo na ng ilang royalties na naroon dahil sa koneksyon ni Rafaela. She needed air. She needed space. And most of all, she needed clarity. Dumiretso siya sa isang side ng corridor kung saan madalang ang tao. Suot pa rin niya ang cream-colored midi dress na binagay niya ng emerald earrings na regalo ni Rafaela noong gala. Habang naglalakad, napaisip siya ng malalim, tama pa ba 'tong ginagawa ko? Hindi pa siya nakakalayo nang may humablot sa braso niya. “Lylia,” tawag ng pamilyar na boses. “Raze?” Nagulat siya, napaigtad at agad na pumalag. Pero mabilis ang lalaki, hinatak siya nito papasok sa isang emergency stairwell at hindi na siya binitiwan. “Anong ginagawa
Lumipas ang ilang araw… May malaking event ang kumpanya. Isang Royal Partnership Gala kung saan iimbitahan ang mga kasosyong pamilya mula sa iba't ibang bahagi ng bansa, pati mga foreign representatives. At dahil dito, abala ang buong staff sa paghahanda, mula sa dekorasyon, catering, media coverage, logistics, at siyempre, mga pastry creations. Lylia barely had time to breathe. Pero dahil gusto niya ang ginagawa, halos hindi niya maramdaman ang pagod. Mas nag-e-enjoy siya. She was in the kitchen fifteen hours a day. Umiikot sa ingredients, nagpapatest ng flavors, nagbabalanse ng fondant, at naghahabol sa delivery schedules. Pero kahit pagod, hindi siya nawalan ng determinasyon. May mga pagkakataong napapaisip siya sa katahimikan ng gabi kung tama bang tinanggap niya ang spotlight, pero lagi’t laging bumabalik sa kanya ang goal na, "Make something of herself. Para sa sarili ko naman." Dumating ang araw ng event. Queen Rafaela, in a dazzling gold gown, personally introduced her to
Kinabukasan, maagang pumasok si Lylia sa kumpanya. Suot ang kanyang simpleng cream blouse, dark slacks, at isang maliit na sling bag. Hanggang ngayon hindi pa rin siya makapaniwala sa nangyari sa gala. Marami ang lumapit, humanga, at nagtangkang kunin ang contact information niya. Pero ang pinaka-hindi niya inaasahan, 'yong exposure niya dahil kay Queen Rafaela. At ngayong araw… ramdam niya na may magbabago. Pagkababa niya mula sa jeep sa harap ng kumpanya, napansin niyang may kakaiba. Maraming tao sa entrance. Cameras. Lights. Boom mics. Microphones. Reporters. At nang makita siya ng isang cameraman, bigla itong sumigaw— “Ayan na siya! Si Miss Lylia!” Napalunok si Lylia, saglit na napatigil. Pero bago pa niya mapagtanto ang lahat, napalibutan na siya ng media. “Miss Lylia! What inspired you in your creations for the gala event?” “Is it true you’ll be working for royalty abroad?” “May involvement ba si Raze sa success mo?” “Are you the rumored ex-lover of Raze
Lumipas ang ilang araw na sunod-sunod ang event ng kumpanya. Halos walang tulugan ang buong staff, lahat nagkukumahog sa preparasyon para sa isang malaking corporate gala na inihanda ng pamilya ni Raze. Isa itong taunang pagtitipon ng mga pinakamalalaking stakeholders, foreign dignitaries, at ilang piling miyembro ng royal families sa Asia. Isa rin itong pagkakataon upang i-showcase ang mga bagong project ng kumpanya, partnerships, at siyempre, ang mga taong may mahalagang ambag sa tagumpay ng korporasyon. At sa kabila ng lahat ng kaguluhan, nanatili si Lylia sa kusina, tahimik, at focused sa ginagawa. Pero sa loob ng ilang araw, palihim siyang pinupuntahan ni Rafaela upang kausapin sa mga hinahanda niya. Isa, dalawa, hanggang sa naging regular na ang pagbisita nito sa kusina. “You’ll be featured in the gala banquet,” anunsyo ng reyna sa isang hapon habang si Lylia ay abalang naglalagay ng sugared violets sa ibabaw ng mini pavlovas. “Po?” Napalingon si Lylia, gulat na gulat. “Yo
Kinabukasan, maaga pa lang ay nasa royal kitchen na si Lylia. Hindi siya halos nakatulog buong gabi. Hindi rin mawala sa isip niya ang babala ni Ylona, at ang alok ni Rafaela sa kanya. Paulit-ulit na bumabalik sa isip niya ang mga boses ng mga ito habang minamasa niya ang bagong batch ng dough. Hindi siya makapagdecide. Gusto niyang paniwalaan na kaya niyang manatili rito at maging invisible. Pero paano kung tama ang reyna? Na maging daan 'yon para sa pangarap niya? Habang nag-iisip, nakarinig siya ng katok pero tila naging bulong 'yon sa kanya. “Lylia.” Napalingon siya. Si Kael. Nakasuot ng dark green polo, maayos ang bihis pero may pilyong ngiti sa labi. May hawak siyang tumbler sa isang kamay. “Can we talk?” kaswal nitong tanong pero parang nagmamadali. “Sa lobby. I won’t take long, promise.” Nagtaka si Lylia. “Ngayon na?” “Yes. Now. Before everyone gets busy again. Don’t worry, I’ll return you in one piece.” And he winked. Napatingin siya sa paligid. Buti at wala si Ylona
“Miss Lylia, right?” tanong ng ginang, na may matamis na ngiti sa labi. “O-Opo.” Tumango si Lylia at mabilis na inayos ang apron niya. “Are you the one who made that pistachio cake a few weeks ago?” “Opo. Ako po ‘yung gumawa.” “My dear, I still dream about that cake. The texture, the flavor… It was divine. Truly memorable.” Namula si Lylia. “Maraming salamat po.” Queen Rafaela turned to Kael and smiled. “See? I told you it was her. I've been trying to find her. I was hoping… maybe we could talk? I have something important to discuss with you, dear.” Lylia glanced at Kael then to the queen. “Ngayon na po?” “Why not? If you’re not too busy,” the woman said kindly. “I—uh…” She hesitated, until Kael took a step forward. “Sige na. Ako na bahala sa cakes mo. I’ll personally deliver them to Ylona. Trust me.” He assured her. Kilala naman niya si Kael at may tiwala siya rito kaya nagpaubaya siya. Opportunity niya ito as a chef. It was her dream na makilala ang isang que