Kinakabahan akong nakatayo sa harap ng office library niya. Magpapaalam sana ako kung pwede maglibot-libot sa lugar at baka may bawal na puntahan kaya maigi na 'yong magpaalam. Pag-angat ng kamay ko para sana kumatok nang biglang bumukas ang pintuan. Napaatras ako at agad na ibinaba ang kamay. "Uh..." hindi matuloy-tuloy na sabi ko, nakalimutan ang dapat sabihin. "P-Pwede bang maglibot sa lugar?" Hindi siya umimik. Sumandal lang siya sa frame ng pinto at humalukipkip na tumingin sa akin. "Sinong kasama mong maglilibot? Ikaw lang?" tanong niya. Tumango ako. "Oo sana. Balak ko maghanap ng ilog para maligo." "Maligo? Ba't hindi ka sumabay sa mga kasama mo? Sa pool? May shower naman sa kwarto niyo," dere-deritso niyang sabi na nagpayuko sa akin. "Don't tell me... bawal din?" Dahan-dahan akong tumango. "Nangangati katawan ko," nahihiyang pag-amin ko. "Hindi naman sa maarte pero—" "Samahan na kita." Mabilis akong napatingin sa kanya. "H-Hindi na. Kaya ko naman. Saka maliligo ako."
"A-Anong nangyari?" bungad ko nang imulat ko ang mga mata, napahawak sa sentido dahil sa sakit ng ulo. "N-Nasaan ako?" "Finally! Gising na rin!" Si Ara na agad tumabi sa akin. "Oh, inom ka muna nito nang mawala 'yang hangover mo. Grabe ka naman kasi 'te." Tinanggap ko ang binigay niya, uminom pero napangiwi nang malasahan ko. "Lemon with honey?" takang tanong ko pagkatapos kong inumin lahat. Tumango siya at inagaw 'yon sa akin. "Yes, mahal na prinsesa." Inilibot ko ang tingin sa lugar. Wala kami sa amin. Ibang lugar 'to. Hindi ako pamilyar. Mabundok—teka, nasa kalagitnaan kami ng kakahuyan? Mansyon? Nahilot ko ang noo at napapikit ng mariin. "N-Nasaan ba tayo? Ang mga kasama natin?" "Sa mansyon ni Arkin. Teh, ang yaman pala no'ng tanod na 'yon. Akalain mo may resort tapos mansyon. No wonder lakas manglibre. Tinalo pa si Van," binulong niya ang huling sinabi. "Nalula ako teh. Pero mas nagulat ako sa ginawa mo kagabi. Matapos mo kasing halikan si Arkin, sumuka ka. Like what the he
Ilang oras na silang nagk-kwentuhan, nagkantahan na rin pero ito ako, kain pa rin nang kain. Iyon lang yata ang ambag ko dito, ang kumain. Nawala na yata sa isip nila ang rides. Bahala sila. Hindi naman nila ako kinakausap, maski si Van dahil siya ngayon ang nag-gigitara, alangan naman na abalahin ko pa. Kanina kasi, inasar nila na sample daw since alam ni Jessa at Ara na marunong siyang tumugtog. Ayaw na sana niya dahil wala raw akong kausap pero ako na ang pumilit at baka masabihan pa akong masyadong pa-baby, eh ayoko no'n. Habang patuloy ang kantahan, lumiban ako dahil pakiramdam ko masusuka ako. Ang dami ko yatang nakain. Halo-halo na. Dali-dali akong pumunta sa madilim na parte sa may puno at doon na nilabas ang sama ng loob. Masakit din ang tyan ko kaya hindi ko mapigilan mapangiwi. Ayan, kain pa ng kung anu-ano. Napakapit ako ng mahigpit sa puno at muling sumuka. Nang wala nang maisuka, pupunasan ko na sana ang labi ko gamit ang likod ng kamay ko nang may maglahad ng ti
Lira's POV "Uy, ayos ka lang? Kanina ka pa tahimik." Kalabit sa akin ni Ara. "Kanina mo pa pinaglalaruan 'yang pagkain mo. Di mo bet? Sabihan mo si Van oh." Umiling ako. "Huwag na. Paubos na 'to," tanggi ko at napatingin kay Van nang sumilip siya sa amin. "Gusto mo ba? I mean, I can order again if you want. Pansin ko rin na kanina mo pa pinaglalaruan 'yang pagkain mo. Ubusin ko na lang?" Marahas akong umiling. "Hindi na. Kaya kong ubusin. May iniisip lang." "Oh, iyong tanod ba?" biglang tanong niya. Tumungo si Ara at sumulyap sa akin. "Hm, parang 'yon nga," dagdag nito. "May nakaraan kayo?" Hilaw akong ngumiti. "Wala. May kamukha lang siya na kilala ko noon," sagot ko at pinagtuunan ng pansin ang kinakain. "Kumain na kayo. Huwag niyo 'kong pansinin." "Akala ko sasabihin mo huwag niyo kong tadtadin ng tanong." Tumawa si Ara at napapailing na kumuha ng barbecue. Pagkatapos kong ubusin ang pagkain, inisang lagok ko ang kape na medyo malamig na. Sandali akong napatingin
Third Person POV Hindi nagpatinag si Lira at nakipagsukatan ng tingin kay Arkin. Kahit maingay, kahit ang daming tao, sa kinaroroonan nila nakulong ang tensyon. The smell of grilled food, the laughter of kids, and the colorful rides all blurred out in the background. She couldn’t take her eyes off him. Blonde hair catching the neon light, sharp eyes locked on her. Everything about him screamed Kael, but at the same time… hindi na siya ang Kael na kilala niya noon. “Arkin?” halos pabulong na tawag ni Lira, nagbabakasakaling sagutin siya nito. He didn’t answer right away. Instead, he toyed with the crown-shaped keychain, letting it dangle between his fingers before suddenly clenching it tight. Then his voice came, low and cold. “You. You are the problem.” Bahagyang nagulat si Lira. “B-Bakit? A-Ano bang ginawa ko?” Bago pa ito makasagot, dumating na sina Van, Jessa, Ara, at pati na rin ang grupo ni Lexi. May dala silang trays of food, tumatawa pa habang naglalakad, walang a
"Lira?" Napatingin ako sa tumawag sa akin, si Van. "What's happening here? Did he hurt you?" The man scoffed. "Hurt her? Nakita mo ba ang nangyari?" he said coldly, eyes never leaving me. Isang lalaki ang dumating at umakbay kay K-Kael. Hindi ako sigurado kung siya nga ba pero may kutob ako na siya talaga 'tong lalaki na kaharap ko. Bumigat ang tensyon. May ilang lumapit para maki-chismis pero napansin kong bumaba ang tingin ni Kael sa kung saan nakapulupot ang kamay ni Van, sa baywang ko. Napalunok ako. "H-Hindi," sagot ko at nag-iwas ng tingin nang magtama ulit ang mata namin. "H-He saved me. Muntik na akong masagasaan ng traysikel kanina." "Ayon naman pala!" sabat ng kasama niya. "Oh, sorry," si Van. "Thank you for saving her. Hindi ka naman nasaktan, Lira? Galos? O ano?" puno ng pag-aalalang wika nito. Mahina akong umiling. "Ayos lang ako. M-Mabilis naman niya akong nahatak palayo. S-Salamat." Hindi makatingin na sabi ko. "Anong meron? Pasensya na! Napasarap kain n