Medyo mabigat ang atmospera sa loob ng bahay dahil sa kabadong puso ko. Pakiramdam ko ay masyado akong nasasakal sa nararamdaman ko ngayon. Makita ko lamang si Hanna nang malapitan ay parang malalagutan na ako ng hininga. Eh, sino ba naman ang hindi mapra-praning at magkakanda-loko-loko ang nararamdaman kung kaharap mo ang taong hinahangaan mo?Maganda talaga si Hanna. Parang mga bituin sa kalangitan. Ngunit, hapon pa lamang ngayon at hindi pa madilim sa labas kaya maihahanlintulad ko lamang siya ngayon sa isang magandang musika. Palihim ko siyang sinisipat nang tingin sa tuwing sumusubo siya ng spaghetti. Panay ang sukbit niya sa likod ng kanyang tenga ng mga kumakalas na hibla ng buhok. Natatanaw ko nang maayos ang maamo niyang mukha at ang nangungusap niyang mga mata."Anong year mo na ngayong susunod na pasukan?" tanong nito sa akin at tuluyan nang natapos ang lumang kanta sa radyo."Magfi-first year na ako," ilang na sagot ko. Parang hindi pa ako komportable sa kanya ngayon. Hirap
Magkasama kami ni Hanna sa pamamalengke. Hindi ako makapaniwala na nangyayari talaga ito ngayon at tila ba na parang nananaginip pa rin ako. Nakahawak sa kaliwang balikat ko si Hanna habang sinusuri niya nang maigi ang mga isda kung presko pa ba ito o hindi. Sabi niya kasi kanina ay balak niya sanang magluto ng escabeche. Bahagyang nagningning ang mga mata ko kanina nang banggitin niya iyon kaya't tinanong niya ako kung paborito ko ba ito at tumango naman ako."Sigurado po ba kayong sariwa 'yan?" tanong ni Hanna sa tindera."Aba't oo naman, hija. Hindi kami nagtitinda ng hindi sariwa." Sabi ng tindera."Sigurado po kayo, ah?" bungisngis na tanong ni Hanna at tumango naman ang tindera.Binayaran na ni Hanna ang nabiling isda. Akmang kukunin niya na sana ito sa tindera ngunit inunahan ko na ito."Ako na," pagboboluntaryo ko at mahigpit na hinawakan ang plastic bag na may laman na isda."Sigurado ka, Iris? Dadalawa na ang dala mo." Alalang tanong nito sa akin ngunit umiling lamang ako."A
"Uy, may tsismis ako!" anunsyo ni Mary Anne nang makarating ito sa tambayan namin. Umarko naman ang kilay ni Jolo at umupo sa may ugat ng puno."Ang aga-aga may tsismis ka na naman," inis na sabat nito."Eh, huwag kang makinig." Pagtataray ni Mary Anne.Nagkamot ng ulo si Jolo. Wala siya sa mood. Nakabusangot ang mukha."Kung nando'n lang si Ate Hanna sa bahay nila eh, 'di sana nando'n tayo ngayon." Nanghihinayang na wika nito.Tinabihan ko naman siya sa pag-upo. "Uy, huwag naman nating araw-arawin. Nakakahiya," sabi ko."Sus, baka gusto mo lang siya masolo." Singit ni Jimboy.Napapalatak si Rhea. "Ang mahirap kasi sa inyo, magkakagusto na nga lang kayo sa iisang babae pa.""Gaya-gaya kasi," bulong ni Jimboy."Gaya-gaya mo ang mukha mo," si Jolo na ang nagsabi.Nakakabagot nga. Wala sina Hanna at Ninang Carmen nang magpunta kami sa bahay nila. Ang sabi sa amin ay mukhang nagpunta raw sila sa lungsod. Hindi nga lang nasabi kung anong oras sila uuwi."Siya nga pala, kasama ka ba sa saga
Halos mahimatay na ako sa nerbiyos kahapon nang malaman kong dinatnan na ako. Ganito pala ang pakiramdam kapag nagkaroon ka na ng dalaw sa unang pagkakataon... nakakatakot. Akala ko may malubhang sakit na ako at mamamatay na.Pinaalam ko kaagad 'yon kay Nanay pagkarating ko sa bahay. Tuwang-tuwa naman ito at sinabihan na ako raw ay isang dalaga na. Napakamot ako ng ulo no'n at medyo nakaramdam ng inis. Hindi pa naman kasi ako dalaga, bata pa ako.Ngayong dalaga na raw ako ay kailangan ko na raw mag-ingat at higit sa lahat ay alagaan ko na raw ang sarili ko. Hindi lang 'yon ang naging paalala ni Nanay. Bawas-bawasan ko na raw ang katigasan ng ulo ko dahil hindi na raw ako bata.Sa unang beses na paggamit ko ng napkin ay naiilang ako sa paglalakad. Kasi naman eh, pakiramdam ko may suot akong diaper. Hindi ako makapaglakad ng maayos. Hindi ako komportable.Isa pa 'tong prino-problema ko ang pagsasagala ko mamaya. Napilitan na nga akong magsagala, maglalakad na naman akong naiilang dahil
Isang malaking palaisipan sa akin kagabi kung bakit umiyak ng gano'n si Hanna. Kagabi ko lang siya nakitang umiyak nang gano'n dahil madalas ko siyang makitang nakangiti at nag-uumapaw sa kasiyahan. Parang piniga ang puso ko nang masaksihan ko ang pag-iyak niya mismo. Pakiramdam ko ayaw kong nasasaktan ng gano'n si Hanna dahil nasasaktan din ako.Lihim kong pinagmamasdan si Hanna na malungkot at matamlay na nakatambay sa kanilang may balkonahe ng bahay. Nakaupo lamang ito at hawak-hawak ang kanyang cellphone. Nakatingin sa kawalan na para bang may hinihintay na kung ano at makikita mo sa kanyang mga mata ang kakulangan ng tulog.Napapabuntong hininga na lamang ako sa mga oras na ito. Naisin ko mang lapitan siya ngunit hindi ko magawa. Parang may pumipigil sa akin na huwag ko siyang lalapitan.Gusto ko sanang yakapin siya nang mahigpit at pasiyahan kagaya ng dati. Gusto kong mapakinggan ulit ang mga tawa niya at masaksihan ang matatamis niyang ngiti.Ngunit hindi pwede. Malalim ang kany
Nang makauwi ako ng bahay ay mayroong kakaibang emosyon akong naramdaman. Gusto kong magsisigaw hanggang sa kumawala na ang kaluluwa ko sa aking katawan. Gusto ko ring magwala --- magwala nang magwala. Lumabas ako ng bahay nang walang pasabi kay Nanay. Nagpunta ako sa likod at kinuha ang dos por dos na nakapatong sa may sirang upuan. Naglakad ako hanggang sa makalayo ng bahay. Ramdam ko ang pag-init ng aking ulo at ang pag-init ng sulok ng aking mga mata. Paulit-ulit na pumapasok sa isipan ko ang mga ngiti ni Hanna para sa kanyang nobyo. Nararamdaman ko ngayon ang bigat ng aking nararamdaman. Sa may lilim ng puno ako pumwesto. Inihanda ko ang hawak kong dos por dos at sinimulang paghahatawin ang puno dahil sa galit. "Bakit, Hanna? Bakit mo ako ginaganito?!" sigaw ko habang pinapalo ko ng malakas ang puno gamit ang dos por dos na hawak ko. Nagsisigaw ako. Sinigaw ko nang paulit-ulit ang pangalan ni Hanna. Sinigaw ko kung gaano akong nasasaktan sa nasaksihan kanina. Patuloy pa rin
"Susmaryosep kang bata ka!" gulat na sambit ni Nanay nang makauwi ako ng bahay. "Ano nangyari sa buhok mo? Anong ginawa mo diyan?"Hindi ako nakaimik dahil sa sunod-sunod na tanong ni Nanay sa akin. Pakiramdam ko mas malala pa 'to kumpara sa tindi ng tensyon sa loob ng korte. Napako na lamang ako sa aking kinatatayuan habang sinasalubong ang mga matatalim na tingin ni Nanay."Magsalita ka, Iris! Anong ginawa mo?" pasigaw na tanong ulit nito sa akin. Napausal ako ng munting panalangin. Galit na talaga si Nanay. Galit na galit."P-Pinagupitan ko po..." sagot ko ng sa wakas ay mahanap ko na ang aking boses.Hindi na pinatagal pa ni Nanay ang kanyang balak. Pinalo niya kaagad ako gamit ang hawak niyang sinturon. Napasigaw na lamang ako sa sakit sa unang palo pa lamang. Sa ikalawang palo ay nakatakbo na ako at kaagad na pumasok sa loob ng kwarto saka nagtalukbong ng kumot."Kahit kailan talaga hindi ka nagtatanda! Matigas pa rin ang ulo mo!" sigaw ni Nanay sa labas. Buti na lang at hindi n
Miyerkules ng tanghali ay isinama ako ni Nanay sa bahay nina Aling Mylene dahil kukunin niya raw ang in-order niyang sapatos ko para sa darating na pasukan.Naiisip ko pa nga lang ang first day of class ko sa isang mataas na paaralan dito sa aming probinsya ay hindi ko na mapigilang ma-excite. Bagong paaralan, guro, ka-eskwela, at mga kaibigan --- lahat nakaka-excite, pwera na nga lang ang mga bagong lessons kasi sabi sa akin nina Rhea at Jimboy mahirap na raw ang mga lessons sa high school.Sabi raw kasi ng mga nakakatandang kapatid nila, parang nakamamatay na raw sa hirap ang mga lessons nila... parang pang-college! Pero, sabi ni Nanay, huwag daw ako maniniwala, palusot lang daw 'yon ng mga estudyanteng tamad mag-aral. Wala raw lessons na mahirap kapag nagpupursigi ka talagang matuto. Gusto ko nga sabihin 'yon kina Rhea at Jimboy pero napag-isip-isipan kong huwag na lang baka kasi magalit pa sila sa Nanay ko."Mareng Gina, nandito na pala 'yong in-order mo. Ipasukat mo nga kay Iris