Share

Kabanata IV: Kakaibang Nadarama

Para akong kinuryente nang sa kauna-unahang pagkakataon ay nahawakan ko ang malambot na kamay ni Hanna. Pati na yata ang puso ko ay sumabay na sa pagsabog dahil sa kaba.

Nakangiti pa rin si Hanna sa akin. Patuloy pa rin kaming nagkakamay. Hindi ko na kasi nabitiwan pa ang kamay nito dahil sa pagkatulala sa kanyang maamong mukha.

"Ahh, Iris?" untag sa akin ni Hanna kaya't nabalik ako sa realidad na hindi pala anghel ang nakikita ko kundi si Hanna.

Agad kong binitiwan ang kamay niya. Bakit ba kasi gano'n? Pakiramdam ko hawak-hawak ko pa rin ngayon ang malambot na kamay ni Hanna.

"Ayos ka lang ba, anak?" nag-aalalang tanong sa akin ni Nanay kaya't idinampi niya ang likod ng kanyang kamay sa aking noo. "Bakit parang natulala ka? May sakit ka ba?"

Nahiya ako sa sinabi ni Nanay. Hindi naman siguro halata na natulala ako kanina. Ngunit, bakit nasabi 'yon ni Nanay? Kung gano'n nga ay mukhang klaro talaga na natulala ako kanina. Nakakahiya naman.

"W-Wala, Nay." Kabadong sagot ko.

Kung magtataga
Locked Chapter
Ituloy basahin ang aklat na ito sa APP

Kaugnay na kabanata

Pinakabagong kabanata

DMCA.com Protection Status