Share

Kabanata XVIII: Back to School

Balik eskwela na naman ulit kami ng mga kaibigan ko, sila mukhang excited samantala ako naman ay kinakabahan. Maninibago kasi ako sa bago kong paaralan at mga kaklase, parang gusto ko tuloy bumalik ulit ng elementary.

Kagabi ko pa kasi iniisip kung ano ang magiging araw ko ngayon, natatakot ako na maging palpak ang unang araw ng klase ko. Minsan kasi ay parang tatanga-tanga ako, iyong tipong lumilipad talaga ang utak ko sa tuwing inaatake ako ng kaba.

Maaga pang gumising si Nanay kanina upang ipaghanda ako ng agahan, plinantsa pa niya ang bago kong uniporme at nilagyan pa ng kiwi ang black shoes ko. Parang nakaka-excite rin naman dahil lahat ng mayroon ako ngayon ay bago pero parang nakakailang din dahil nakapalda ako pagkatapos ay pang-lalaki pa ang gupit ko.

Kung alam ko lang na ganito ang mararamdaman ko baka siguro hindi ko na tinuloy ang pagpapagupit kay Mang Domeng.

Hindi ko naging kaklase ang mga kaibigan ko: sina Jolo at Rhea ay nasa section two, si Mary Anne naman ay nasa sect
Locked Chapter
Continue to read this book on the APP

Related chapters

Latest chapter

DMCA.com Protection Status