Share

Kabanata XIII: Tsismis

Miyerkules ng tanghali ay isinama ako ni Nanay sa bahay nina Aling Mylene dahil kukunin niya raw ang in-order niyang sapatos ko para sa darating na pasukan.

Naiisip ko pa nga lang ang first day of class ko sa isang mataas na paaralan dito sa aming probinsya ay hindi ko na mapigilang ma-excite. Bagong paaralan, guro, ka-eskwela, at mga kaibigan --- lahat nakaka-excite, pwera na nga lang ang mga bagong lessons kasi sabi sa akin nina Rhea at Jimboy mahirap na raw ang mga lessons sa high school.

Sabi raw kasi ng mga nakakatandang kapatid nila, parang nakamamatay na raw sa hirap ang mga lessons nila... parang pang-college! Pero, sabi ni Nanay, huwag daw ako maniniwala, palusot lang daw 'yon ng mga estudyanteng tamad mag-aral. Wala raw lessons na mahirap kapag nagpupursigi ka talagang matuto. Gusto ko nga sabihin 'yon kina Rhea at Jimboy pero napag-isip-isipan kong huwag na lang baka kasi magalit pa sila sa Nanay ko.

"Mareng Gina, nandito na pala 'yong in-order mo. Ipasukat mo nga kay Iris
Locked Chapter
Ituloy basahin ang aklat na ito sa APP

Kaugnay na kabanata

Pinakabagong kabanata

DMCA.com Protection Status