"Lorelay, anak!!" tawag ni auntie sa akin. Nasa carenderya niya kami at nasa kusina ako dahil naghuhugas ako ng sandamakmak na plato at iniwan ko ang kambal sa labas.Nagmamadali ako sa paglabas, at para akong ka statwa sa kinatatayuan ko nang makita ang hindi inaasahang bisita.Hawak ni Shiela si Musico at hawak ni Jax, si Lyrico. Napasinghap ako at gumilid ang luha sa aking mga mata nang makita sila na masayang nakangiti sa akin."Bes!!!" Umalingawngaw ang boses ni Shiela at ibinigay Kay auntie si Musico bago tumakbo sa akin at niyakap ako."Na miss kita beees!!" Umiiyak ako habang gumaganti sa yakap niya kasi noong umalis ako, hindi kami nakapag usap noon.Sinabi ko lang sa kaniya na pabayaan na niya ako at respituhin ang desisyon ko. Sinabi ko lang sa kaniya ang lugar na pupuntahan ko, at nagpapasalamat ako sa kaniya dahil hindi niya sinabi kay Mr. Shein kung nasaan ako."Naku! Sa bahay niyo na ituloy 'yan. Iligpit na natin ito para makauwi na tayo," ani ni auntie. Ipinakilala ko
-5 years after- "Mama!" Halos magkandaugaga na ako sa gagawin ko lalo't hindi ko na alam kung ano ang uunahin. Una, kailangan ko pang magtrabaho dahil na e benta na namin ang pwesto namin ni auntie dito dahil sa pampa-hospital niya. Nabaon pa kami sa utang. My diabetes si auntie kaya may maintenance siya ng insulin mula pa no'ng mga nakaraang buwan. Pero bago iyon ay pabalik balik pa kami sa hospital. Nag-aaral na ang kambal at halos wala na kaming pera pantustos sa pangangailangan namin sa pang araw-araw. Marami pang bayarin na tubig, kuryente at halos hindi na nagkasya ang natitirang ipon namin ni auntie para sa susunod na buwan. "Mama, ayos na po. I'll be the one to help Musico sa assignments niya." Ngumiti ako kay Lyrico. "Bakit? Mahirap ba 'yan?" tanong ko sa dalawa. Ngumiti sa akin ang makulit kong anak na si Sico short for Musico at umiling naman si Lyrico. "No mama. Papansin lang talaga si Sico." Nang tignan ko si Sico, natatawa siyang tumayo at tumakbo sa akin. "I love
“Kuya, dito ba iyong sinasabi nilang sikat na kainan? Bakit walang tinda yata?” kunot noong tanong ni Dave kay Lee dahil kanina pa siya nagugutom at ang Lorena’s kainan ang pinaka sikat na kainan sa Valencia na sinadya pa ng dalawa. “Yeah. Dito daw e but mukhang sirado naman,” aalis na sana ang dalawa nang marinig nila na may tao sa loob kaya nagkatinginan si Lee at Dave at napagpasiyahan na tumuloy. Naabutan nila sa loob ang isang bata na tumatalon-talon habang may hawak na cookie at isang chocolate bars. Natigilan si Zee nang makita ang mga taong pumasok. Ganoon rin si Lyrico na tumakbo palapit kay Zee at nagtago sa likuran nito. Nagkatinginan ang dalawang lalaki nang makita ang bata. ‘Ate?’ ani ni Dave sa kaniyang isipan habang nakatingin kay Rico na nakasilip mula sa likuran ni Zeebal. ‘Lorelay,’ ang sabi naman ni Lee sa kaniyang isipan habang sinasalubong ang asul na mata ng bata. “Yes? Anong kailangan niyo?” agad na nawala ang paningin ng dalawa sa bata at tumingin kay Zee. “
“SASAMA KAYO?!” Hindi maitago ni Zee ang ngiti sa kaniyang mga labi nang sabihin ni Lorelay sa kaniya na sasama sila dito pagbalik sa Luzon. Pinapabalik na si Zeebal ng mga magulang niya sa kanila dahil sa mga personal na bagay na pilit tinatakasan ni Zee.“Oo. Hinahanda ko na ang bayarin namin sa plane tickets. Actually, naisip ko nga na susunod nalang kami dahil magba-barko lang kami para makatipid.” Ani ni Lorelay na nahihirapan e budget ang natitirang pera nila.“Ako na bahala sa plane tickets niyo,” presenta ni Zee kay Lorelay na agad na sinimangutan ni Lorelay. “Tumigil ka Zeebal!” Sabi nito sa kaibigan. Gumilid ang labi ni Zee dahil alam niyang nahihiya na ang dalaga sa kaniya."You're a family to me. Kayo ng mga bata at si auntie Lorena. Pamilya na ang turing ko sa inyo." Sabi ni Zee kay Lorelay na hindi siya pinansin.‘Masiyado ng malaki ang naitulong mo sa amin ni Zee. Nakakahiya na,’ ani ni Lorelay sa kaniyang isipan."Alam ko namang ipipilit mo na isasabay kami kaya sige n
Malakas ang tugtog sa loob, papalit-palit ang ilaw. Nasa loob ng opisina si Lorelay, ni ri-review ang dapat niyang ipasa sa boss niya ngayong buwan nang biglang tumakbo ang isang staff sa kaniya at tinawag siya. “Ma’am Lorelay, may nag-aaway po sa ibaba.” Napahilot si Lorelay sa sentido niya at napipilitang tumayo para puntahan ang sa ibaba. Masakit sa ulo itong laging siya ang nag-aayos ng mga away ng iba. ‘Nasaan na ba kasi ang mga guard?’ tatlong buwan palang siyang nagsisimula dito ngunit parang gusto na niyang sumuko. Pagdating niya sa ground floor, napaghiwalay na ang dalawang lalaking involve. Sa bar na ito, hindi nila gawain mag benta ng katawan sa mga Entertainer nila. Kung gusto man nila pagbigyan ng serbisyo ang kliyente nila, ay labas na ang bar doon. Lahat ng extra service ay decision iyon ng mga staffs at kung pilitin man sila ng manyak na kliyente at ayaw nila, hindi sila magdadalawang isip na paalisin ang kliyente sa bar nila kaya kampante si Lorelay sa trabaho niya.
'When life is getting harder, lahat nalang ay gagawin magka pera lang. Lorelay Sugala married to Oliver Shein na hindi pa niya nakikita kahit kailan. Marriage for convinience may say but her journey is not what she thinks it is. Marrying to unknown is the hardest thing to do. Living with the unknown is the craziest thing she can do, but falling for someone she didn’t see, drives her to find her lost sanity. She felt desire, pleasure, and love in the midst of darkness. She lives with the man who can’t bring himself to her front. Mr. Shein is a man who can make a life hell easily, and his wife is not an exception to what he has done in the past. The curse has been lifted, and it is up to them to break it. Tying in bed and moaning in your name won’t guarantee happiness. Loving endlessly won’t guarantee infinity. Acceptance will end the misery. Forgiveness is the key to a life of prosperity. ----------------------- “Run Oliver, run!” Agad akong nagmulat ng mata nang mapagtantong p
"Once you sign the paper, you are already bound by him. There’s no escape, only death." Naiinip na kinuha ko ang ballpen para permahan ang papeles para maging legal ang lahat. ‘Para sa pang-ospital ng kapatid ko, lahat ay gagawin ko,’ ang siyang laging tumatatak sa isipan ko. Indeed I am bound by him. “Congratulations Lorelay, you are an officially wife to Mr.Shein,” ang mga katagang sabi ni mayor na hindi ko magawang e selebra. Araw ng kasal ko sa lalaking hindi ko kilala. Kinasal ako sa lalaking sinasabi ng iba na isang matandang hukluban na nakatira sa haunted mansion. “Wala kang dapat na ipag-aalala dahil sagot na ni Mr. Shein ang bayad sa ospital ng kapatid mo.” Huling sinabi nito bago umalis. “Bes, tama ba kaya itong desisyon mo sa buhay?” tanong ng kaibigan ko na si Shiela. Tama ba kaya itong desisyon ko sa buhay? Ang sagot ay hindi ko rin alam. Ang importante sa ‘kin ngayon ay ma operahan ang kapatid kong may sakit. “Oh ready na ang mga maleta mo. Kailan ka ba aalis mamay
Bumalik lahat ng kaba sa dibdib ko nang sabihin niya na hindi siya si Mr. Shein. Kung ganoon ay maari ngang isang matandang hukluban si Mr. Shein?“Kumain ka muna. Mukhang na istorbo ko pa yata ang pagkain mo.” Nanlulumo akong umupo sa mesa at pinagpatuloy ang pagkain.Kinausap nong lalaki si manang habang ako naman ay sinusubukang pakalmahin ang sarili. Nananalangin na sana ay hindi isang mafia boss o drug lord o drug dealer ang totoong Mr. Shein.Baka nga naman kasi isang madman ‘yang si Mr. Shein kaya kailangan niya ng mag-aalaga sa kaniya. Bakit asawa ang kailangan niya? Bakit hindi nalang nurse o psychiatrist?Umupo ‘yong lalaki sa harapan. Nakatingin siya sa ‘kin. Sobrang gwapo niya talaga. Ang swerte ko na siguro kung siya nga si Mr. Shein.“By the way, ako si Richmoon. Nautusan ako ni Mr. Shein na paalalahanan ka sa mga dapat mong gawin sa bahay niya.” Napalunok ako ng ilang beses at napa inom ng tubig sa sobrang kaba.Paaanong nagagawa niyang makapag-utos sa iba? Hindi ba siy