Share

Chapter 33: Ride with him

Isang mansyon na may mahabang hagdan ang aking nakikita. Dahil sa sobrang taas ng hagdan ay kulang na lamang matumba ako sa lula. Tirik na tirik ba naman ang araw at ito ay tumatama sa kulay ng mansyon.

Nakatayo kaming dalawa ni Akihiro sa ibaba ng hagdan habang hinahayaan niya akong libutin nang paningin ang nasa paligid.

“Sobrang yaman niyo talaga!”

Akmang maglalakad na ako sa hagdan ng pigilan ako ni Akihiro. Kaya nagtataka ko itong nilingon.

“Hindi pa ba tayo maglalakad?” ani ko.

“Hindi tayo pupunta diyan,” tukoy niya sa mansyon.

“Bakit? Dinala mo lang ba ako dito para pagmasdan sa malayo ang mansyon mo? Edi sana tumambay na lang ako sa resthouse mo,” masama ang loob na sabi ko.

“Easy. Makakapasok ka rin d'yan mamaya, may pupuntahan pa tayo.”

“Saan?” excited kong sabi. Siguro kakain kami sa isang resort? Tapos may isang buong lechon sa table namin. Bigla akong natakam sa pagkaing iniisip ko.

Ano ka ba Camilla? Kakakain mo pa lang pero gutom ka na kaagad! Dinaig mo
Locked Chapter
Continue to read this book on the APP
Comments (1)
goodnovel comment avatar
James Austin
wow Sana all sweet
VIEW ALL COMMENTS

Related chapters

Latest chapter

DMCA.com Protection Status