Share

FATE 2

Author: Maejin
last update Last Updated: 2022-12-05 23:46:53

Nakahiga sa isang queen size bed si Shanella habang sinasalo ng malapad at malambot na unan ang kaniyang mga luha. Hindi niya makalimutan ang ginawa sa kaniya ng ilan sa mga taong lobo na kasama niya kanina. Nagalit kasi si Kai sa pagtanggi niya sa sinasabing kapalarang nakalaan sa kaniya. Dahil doon, he ordered some of their men to drag her out from there. Si Thallon lamang ang tumutol ngunit mas sinusunod ng karamihan si Kai dahil naipasa na umano ang pagiging alpha ni Thallon sa anak nitong si Kai. She needs to learn a lesson, that's what Kai said there.

"Sit down and we'll talk."

Napalingon si Shanella sa nagsalita. It was Gara.

"Get out of here. Wala kang sasabihin na makakapagpabago ng tingin ko sa inyo..." matigas na sagot ni Shanella.

"Nandito ako para ipakilala sa 'yo kung sino ka ba talaga at kung anong papel mo sa buhay ng anak namin," malumanay namang sagot ni Gara.

Nagtitimpi sa galit na bumangon si Shanella at hinarap na nang tuluyan si Gara. Makikita sa mga mata nito ang magkahalong lungkot at galit.

"Fine. Explain to me. Siguraduhin mo ring legit lahat ng sasabihin mo. Alam na alam ko kapag sinungaling ang isang tao," sagot ni Shanella.

"Well, we are half-human, Shanella," pagngisi naman ni Gara na tila mas lalong nagpakulo ng dugo ni Shanella.

"Hindi ako kagaya niyo..." masama ang tinging ipinukol ni Shanella kay Gara.

"Now listen to me. You are a werewolf too, just like us. Pero hindi ka mataas na klase ng lobo, Shanella. You are a breeder," tinaasan nito ng kilay si Shanella.

Tila nagpanting naman ang mga tainga ni Shanella. Kahit paano naman kasi ay alam nito kung ano ang ibig sabihin ng salitang breeder.

"Stop messing up with me..." may gigil na saad ni Shanella.

"No, you listen carefully," sa halip ay sagot naman ni Gara. "Ipinanganak ka sa mundong ito upang bigyan ng mga supling ang aking anak, sa ayaw at sa gusto mo. Nasa kapalaran mo ang maging ina ng mga magiging apo ko."

Namula ang magkabilaang pisngi ni Shanella dahil sa galit at pandidiri sa mga pinagsasabi sa kaniya ni Gara.

"Bago ka rin tuluyang magalit, gusto kong malaman mong ang pagiging breeder mo ay ang siya ring magliligtas sa lahi ng Gibbous White Moon Pack. Huwag mo sanang sayangin ang pagpapapawis ng iyong mga magulang upang mailuwal ka lamang," mahabang paliwanag ni Gara.

"A-anong pinagsasabi mong pagpapapawis..." parang pakiramdam ni Shanella ay siya ang pagpapawisan sa mga lumalabas sa bibig ni Gara.

"Pati ang sakripisiyo nila at ng karamihan ay huwag mo sanang sayangin," sa halip ay sagot ni Gara.

"Hindi kita maintindihan... A-ano ba talagang plano ninyo sa akin?" para na ring nakaramdam ng panghihina si Shanella. Anumang sandali ay tutulo na muli ang luha sa kaniyang mga mata. Hindi niya na alam kung anong gagawin. Parang hindi naman siya makakatakas doon at maisip niya palang na patay na ang kaniyang mga magulang ay mas lalo na siyang pinanghihinaan ng loob.

Dahan-dahan namang naupo si Gara sa tabi ni Shanella nang makita nito ang pagbabago ng emosyon sa mukha ni Shanella.

"Hayaan mong ikuwento ko sa 'yo ang mga nangyari..." mahinang bigkas ni Gara at hinawakan niya ang kaliwang kamay ni Shanella. "Tayo ang Gibbous White Moon Pack. Si Thallon ang dating Alpha o namumuno sa Gibbous at ako ang kaniyang Luna. Hanggang isang araw ay lumabas sa libro ng tadhana na maglalaho na nang tuluyan ang Gibbous dahil sa Sturgeon Black Moon Pack. Sila ang mga itim na lobo."

"H-hindi lang kayo a-ang mga l-lobo rito?" natagpuan na lamang nga ni Shanella ang sarili na nakikipag-usap na rin nang maayos kay Gara.

Umiling si Gara. "Dalawang lahi. Sila at tayo ay pare-parehas na may malaking nasasakupan. Ang iba ay namumuhay bilang tao, ang iba ay pagala-gala lamang. Marami ang lahi natin pareho. Hanggang sa maging gahaman sa kapangyarihan ang mga Sturgeon. Nalaman nila na maaaring taglayin ng alpha at mga susunod pang alpha sa kanila ang kapangyarihan ni Serena kapag iisang lahi na lamang ng mga lobo ang matitira rito sa mundo. Maaari rin nilang masakop pati ang mga tao kaya hindi magiging problema ang pagpaparami ng lahi nila. Dahil doon ay pinatay nila ang tagapagbantay ng libro ng tadhana," sandali itong tumigil upang tumayo mula sa pagkakaupo at naglakad nang bahagya.

Sinundan lang ng tingin ni Shanella ang pagtayo ni Gara. Gusto niyang marinig pa ang kuwento.

"B-bakit nila pinatay ang tagapagbantay?" halata sa boses ni Shanella na gusto niyang marinig ang buong kuwento.

"Upang manipulahin ang libro ng tadhana. Kapag namatay kasi ang tagapagbantay nang hindi pa nito naipapasa sa bagong tagapagbantay ang libro, kahit sino ay maaaring maglagay sa libro ng mga mangyayari sa hinaharap... Isang beses lamang iyon magagawa at magsasara na ang libro. Magbubukas lamang iyong muli kapag mayroon ng bagong tagapagbantay. Ang hinaharap na nilagay ng Sturgeon sa libro ay ang extinction ng Gibbous..." paliwanag ni Gara.

"Upang taglayin din ng mga mamumuno sa kanila ang kapagyarihan ni Serena at masakop ang mga tao?" paniniyak ni Shanella sa mga naririnig niya.

Tumango si Gara.

"P-pero bakit napakadali nilang napakialaman ang sinasabi mong libro ng tadhana? Base sa kuwento mo, lumalabas na mahalaga ang librong iyon pero ganoon kadali iyong makuha?" parang gusto sanang sabihin ni Shanella na hindi nag-iisip ang tagapagbantay.

"Kusang nawawalan ng proteksiyon o harang sa libro kapag sumasapit ang hatinggabi at nawawala rin ang kapagyarihan ng tagapagbantay. Hindi rin ito kaagad naramdaman o nahinuha ni Serena," sagot ni Gara.

"Sino si Serena? Ang tagapagbantay ng libro ng tadhana?" tanong ni Shanella.

Umiling si Gara. "She's the goddess of the moon..."

'Goddess of the moon na walang utak?' iyon ang inihiyaw ng utak ni Shanella.

"Malaki ang ibinigay na tiwala ni Serena sa Gibbous at Sturgeon kaya hindi niya inaasahang gagawin iyon ng Sturgeon. Isa pa ay isang sikreto lamang na maaaring taglayin ang kapangyarihan niya kapag iisang lahi na lamang ng mga lobo ang natira," kita ni Gara ang pagtataka sa mukha ni Shanella kaya naman nagpaliwanag pa siyang muli rito.

"Kung talagang nasa kapalaran na ninyo ang extinction, bakit niyo pa ako kukunin? Maliwanag na kahit bigyan ko ng supling ang anak mo ay magiging extinct pa rin ang lahi niyo," matapang na saad ni Shanella.

"Lahi natin, Shanella... Lahi mo rin ang Gibbous at kami ang tunay mong pamilya. Para naman sagutin ang tanong mo, nakipagkita kami kay Serena upang maisalba pa ang aming lahi. Walang magagawa si Serena dahil libro iyon ng tadhana. Maaari mo lamang lagyan ng nais mo ang libro ngunit sa napakabihirang pangyayari at hindi na rin puwedeng baguhin ng kahit sino ang kung anong nandoon," paliwanag ni Gara.

"Hindi mo sinagot ang tanong ko," pakli ni Shanella.

Bumuntonghininga si Gara. "Hindi pa dumarating ang itinakdang araw, ang sinasabing mauubos na ang ating lahi, ngunit sinugod na ng Sturgeon ang Gibbous. Pinatay nila lahat at nakatakas lang kami ni Thallon sa pamamagitan ng pagta-traydor sa sarili naming nasasakupan..." masakit para sa kaniya na maalala ang ginawa nilang pag-iwan ni Thallon sa mga kasamahan nila noon.

"P-paano ako nasali sa kuwento ninyo?" tanong ni Shanella habang titig na titig kay Gara.

"Naniniwala kami ni Thallon na kaya lang kami nakaligtas nang gabing iyon ay dahil hindi pa talaga sumasapit ang extinction ng Gibbous na isinulat ng Sturgeon sa libro ng tadhana. Naisipan naming magpunta kay Serena, humingi kami ng tulong at nagbakasakaling matutulungan niya kami dahil isang kasakiman at pagtatraydor ang ginawa ng mga Sturgeon. Sinabi namin kay Serena na plano naming magkaroon ng anak kung saan dito ipapasa ni Thallon ang pagiging alpha. Hiniling namin sa kaniyang hindi maisama sa extinction ang magiging anak namin ni Thallon at naibigay niya ang kahilingang iyon. Maaari lamang mapagbigyan ni Serena ang mga kahilingan kung ito ay upang maitama ang maling ginawa. Sa sitwasyong iyon, ang anak namin ang magtatama sa maling ginawa ng mga Sturgeon. Kaya naman nang isilang namin si Kai ay alam naming hindi siya mapapatay ng Sturgeon. Si Kai ang nagsilbing tagapagligtas ng Gibbous. Mula sa kaniya ay maaaring lumaki muli ang lahi ng Gibbous," mahabang paliwanag muli ni Gara.

"A-at ako ang gusto niyong maging paanakan niya?" mapait na ngumiti si Shanella. "Akala ko ba si Kai ang tama sa mga maling ginawa ng Sturgeon? Paano siyang magiging tama kung pinipilit niya lang naman akong maging ina ng mga anak niya?"

"You are a breeder, Shanella. Nakatadhana ka talaga para kay Kai. He doesn't have a mate because he's part of a wish we asked for," depensa ni Gara.

"Sino ang mga tunay kong magulang? Nasaan sila? Paano ako maniniwalang hindi ako parte ng lokohan sa pagitan ninyo ng Sturgeon?" Nananantiya ang mga tinging tanong ni Shanella.

"Anak ka ni Serena, Shanella."

*****

Matapos marinig ni Shanella ang umano'y tunay na kuwento ng buhay niya, nagpasya siyang makipagkita kay Serena, ang sinasabing goddess of the moon na siya niya ring tunay na ina. Kasama niya si Gara sa pagpunta sa kinaroroonan ni Serena. Hindi niya pa alam kung anong sasabihin sa sandaling makita niya na ina. Pero mayroong isang bagay siyang nais itanong dito, 'Bakit hinayaan mo akong maging breeder o paanakan?'

"Be gentle, Shanella. Ang lahat ng ito ay nangyari dahil sa Sturgeons. Sana ay huwag kang magpakita nang matinding galit kay Serena," untag ni Gara habang naglalakad sila sa gitna ng kagubatan.

"You're not suppose to tell me that. Pati ba naman nararamdaman ko kailangan ay kontrolado ninyo?" pakli naman kaagad ni Shanella.

Ilang sandali pa nga ay nakarating na sina Shanella sa eksaktong lugar kung saan umano makikita si Serena.

"Where is she?" iginala ni Shanella ang paningin. Mula sa may kasukalang dinaanan nila ni Gara ay lumabas sila sa isang malinis na na lugar. Mayroong bunton sa harapan niya na hanggang leeg niya ang taas. Mayroon ding lawa roon kung saan malinaw na nakikita ang repleksiyon ng buwan. Makapal at berdeng-berde rin ang damong tinatapakan nila.

"Serena?" tawag naman ni Gara sa katamtamang boses.

Hindi naman na kailangan pang ulitin ni Gara ang pagtawag dahil kaagad ng lumitaw si Serena sa tabi ng bunton na naroon.

Sandaling nagkatitigan sina Shanella at Serena. Kita kaagad ni Shanella na may tila lungkot sa mga mata ni Serena habang nakatitig sa kaniya. Alam na kaagad niya na dahil sa ngayon lang sila nagkita. Gusto niya kaagad itong sumbatan ngunit naunang nagsalita si Gara.

"Nais ka niyang makita, Serena. I already told her about you and about her fate..." mahinang saad ni Gara.

"S-sa w-wakas ay nagkita na rin tayo, Shanella..." sambit naman ni Serena.

"You do look surprised but I don't feel any love from you... Why?" mabilis na nangilid ang mga luha ni Shanella. Tila ba ang mga magulang na pinatay ni Thallon ang nakikita niya kay Serena.

"Shanella," tila suway naman kaagad ni Gara.

"Back off... This is my moment... May karapatan akong sumbatan siya kahit pa siya ang diyosa ng buwan o kahit pa siguro siya ang diyos ng lahat ng diyosa," asik ni Shanella kay Gara.

"I'm really sorry, Shanella... The truth is, hindi katulad sa mga normal na tao ang naging pagbubuntis ko sa 'yo... Matapos isilang si Kai, alam ng Gibbous na siya lang talaga ang matitira. Siya lang ang hindi mapapatay ng Sturgeon... Ngunit sa halip na mabuo sa isipan ni Kai na maghiganti rin sa Sturgeon, mas ginusto niyang palakasin at paramihin muli ang Gibbous... Sa maniwala ka't sa hindi, Kai decided to let you go. Hindi niya maatim na maging paanakan ka niya kaya sinabi niya sa mga magulang niya na hayaan ka na. N-natuwa ako bilang iyong ina... Bilang simula, they turned humans into werewolves..."

Napasinghap si Shanella. Kaya pala nagtataka siya kung bakit may mga nasasakupan pa rin sina Thallon o ang Gibbous, iyon pala ay mga tao iyon na pinakialaman lamang nila...

"You can imagine what it is. That's how they made werewolves from humans. Biting them and leaving them no choice. Pero hindi sila hundred percent na mga lobo. Wala silang mga kakayahan ng isang tunay na lobo at maaari silang muling mapabagsak ng Sturgeon. Nangangahulugan na mauubos ang lahi ng mga tao kapag nagkataon. Kaya kinailangan kang ibalik, Shanella. Kinailangang sundin ang papel na nakaatang sa 'yo," malungkot na pahayag ni Serena.

"Gibbous still ruined other lives..." anas ni Shanella sa kabila ng katotohanang sinubukang alisin ni Kai ang marka niya-breeder.

"Are you hearing yourself, Shanella? Hindi mo man lang ba ipagpapasalamat na sinubukan kang hayaan ng anak kong mamuhay bilang isang tao?" may pangungunot sa noong komento ni Gara.

Saglit na natahimik si Shanella. Naiintindihan niya naman ang mga sinabi ng mga ito.

"A-anak-"

"Tinatanggap ko na," walang emosyong putol ni Shanella kay Serena.

Bigla namang umaliwalas ang mukha ni Gara at mabilis na nilapitan si Shanella bago pa man maunang makalapit dito si Serena.

"Y-you m-mean..." hindi maitago ni Gara ang galak sa mukha.

"Narinig mo ako. Pumapayag na ako sa kapalarang ginawa ninyo..." may tapang sa mukhang ani Shanella at saka nilingon si Serena. "Thanks for being my birth mother but not my real mother," may pait nitong dagdag bago tuluyang naglakad para umalis na doon.

Nakangiti namang tinapunan ng tingin ni Gara si Serena at mabilis na itong nagpalit anyo sa isang malaking puting lobo. Kita ni Serena na isinakay ni Gara si Shanella at tila kidlat na nawala na ang mga ito sa kaniyang paningin...

Habang tumatakbo naman si Gara ay lihim na pumapatak ang luha sa mga mata ni Shanella habang nakasakay siya sa likod nito.

'If this is my only fate, then I am biting it now...' bulong ni Shanella sa hangin.

Isa sa dahilan kung bakit nagdedisyon na siya ay dahil sa nalaman niyang ginawa ng Gibbous sa ilang mga tao. Pakiramdam niya ay kasalanan niya kung bakit may mga taong napilitang manirahan doon kasama ang Gibbous at iwan nang tuluyan ang pamilya ng mga ito. Suwerte na lang siguro kung buong pamilya ang kinukuha noon ng Gibbous. Maliban sa dahilang iyon, ang isa ay dahil sa kaniyang tunay na ina-kay Serena. May nabubuong galit sa dibdib niya habang tinititigan si Serena.

Bakit pakiramdam niya ay walang pakialam o kahit kaunting pagmamahal man lang siyang makita sa sinasabing tunay niyang ina?

Continue to read this book for free
Scan code to download App

Latest chapter

  • Biting Her Only Fate   Epilogue

    ShanellaHindi ko alam kung may isang oras o mahigit na ba akong nandito sa sementeryo. Kanina ko pa hinahaplos ang lapida kung saan nakasulat ang pangalan ng una at huling lalaking mamahalin ko. Si Kai Leo Harrison, ang ama ng aking tatlong mga anak."Mommy!"Napalingon ako sa pagtawag na iyon ng aking mga anak. Judging by their looks, I can tell that they're feeling sad for me again. Paano ba naman ay araw-arawin ko ang pagdalaw dito sa puntod ni Kai."You've been here for hours again, mom," nakapamulsang wika ni Kasper sa akin."And we've been waiting for you for hours," saad naman ni Kassie."Dapat sinasama mo na lang ako, mommy. Kasi kapag sa bahay binubully lang naman ako nina Kasper at Kassie," nakasimangot namang sambit ni Shin.Napangiti ako. Ilang taon na nga ba ang lumipas mula nang mamatay si Kai? Sampung taon. Ganoon na katagal ngunit napakasariwa pa rin ng sugat sa aking puso. That's how Kai left me, with deep wounds. Na kahit panahon ay hindi kayang gamutin ang aking pa

  • Biting Her Only Fate   Fate 19

    BASANG-BASA ng luha ang mukha ni Shanella matapos marinig ang buong kuwento ni Thallon. She wanted to unhear everything but it's the truth..."Y-you allowed this to happen? H-hindi niyo man lang inisip ang mararamdaman ko?" disappointment were all over Kai's face while looking at his father Thallon."W-Wala na kaming ibang maisip na paraan ng iyong ina, anak... W-we j-just need to survive Rome's greediness..." paliwanag ni Thallon.Then Rome chuckled while still looking at Logan's head. "Siguro nga ay wala talagang kabutihang para sa ating mga lobo. You're talking about my greediness but look at what you've done too. Sa tingin mo ba ay mabuti na kayo sa lagay na ito?" pagpapatungkol niya kay Thallon."I never wanted this... Kung sa tingin mo ay sang-ayon ako sa lahat ng nangyari ngayon, nagkakamali ka. Ikinahihiya ko ang maging isang Gibbous at maging isang ama ang katulad mo," Kai gritted his teeth. Gusto niyang pakawalan ang galit na nararamdaman sa ama."Y-you a-are my real father?

  • Biting Her Only Fate   Fate 18

    GULAT na gulat si Rome habang nagbabagong anyo si Kai. Ngunit hindi siya gulat dahil sa nagaganap kay Kai kundi sa isang munting liwanag na nakikita niya sa bandang batok ni Shanella na panaka-nakang nagkukulay berde. Kahit na nasa ilalim ng balahibo sa batok ni Shanella ang liwanag na iyon ay sigurado siyang iyon ay isang tanda na tinataglay ng isang tunay na Luna ng mga Sturgeon. Ibig sabihin, si Shanella ay anak ng isang Alpha at Luna. Anak niya si Shanella.Kahit na hirap sa paghinga at halo-halong emosyon, sinubukang tawagin ni Rome ang pangalan ni Logan. Kailangang malaman ni Logan na kapatid nito si Shanella o si Niah. Kung ano man ang tunay na kuwento ay hindi muna mahalaga. Kailangang mabalaan niya si Logan bago pa sila magkapatayan ng kapatid nito. Buong akala niya ay patay na ang bunsong anak nila ni Doreene ngunit malinaw na nakikita ng kaniyang mga mata na buhay ang kanilang anak at iyon ay si Shanella.Pinilit na Rome ang sariling gumapang na lamang palapit sa kinaroroon

  • Biting Her Only Fate   Fate 17

    NAGUGULUHAN si Desa sa mga nangyayari sapagka't hindi dapat iyon ang nangyayari. Hindi dapat si Logan ang inaatake ni Shanella kundi si Kai. Hindi niya lubos maisip, para sa kaniya ay imposibleng maapektuhan ng pagmamahal ni Shanella ang misyon nitong patayin si Kai. Something is not right. She turned in a she-wolf too and jumped to Thallon. Si Thallon lang ang maaaring makasagot sa mga katanungan niya dahil napansin niya na kanina kung gaano kakalmado ang lalaki kaya sigurado siyang alam nito kung ano ang tunay na nangyayari."Ipaliwanag mo kung ano ang mga nangyayari," angil kaagad ni Desa kay Thallon.Isang ngiti ang isinagot ni Thallon kaya sinugod kaagad siya ni Desa. Bawat atake ni Desa ay madali lamang na naiilagan ni Thallon.Samantala, patuloy naman ang palitan ng atake nina Shanella at Logan sa isa't-isa. Ngunit habang pinagmamasdan sila ni Rome habang hawak-hawak ang sugat sa dibdib nito ay napapailing ito. Kita kasi ni Rome na mas lamang ang lakas at bawat atake ni Shanell

  • Biting Her Only Fate   Fate 16

    NAGLAKAD si Rome papunta sa cage na kinaroroonan ni Kai. Makikita ang kasiyahan sa mukha nito. Tila ba mababasa ng kahit sinuman ang tagumpay sa mukha nito."Watch her, Kai, then suffer... Just like what you all did to my Doreene..." magkahalong galit at sayang sabi ni Rome kay Kai."H-Hindi k-ko a-alam ang s-sinasabi m-mo... L-layuan niyo s-si Shanella..." nanghihina man ay sinagot ni Kai si Rome."Why don't you ask your father here?" naniningkit ang mga matang tinanaw ni Rome si Thallon na nasa di-kalayuan. Hindi nito binibigyang pansin ang tila kalmadong mukha ni Thallon sa pag-aakalang maaaring tinanggap na lamang ni Thallon na tuluyan na nilang mapapabagsak ang Gibbous.Mayamaya ay nakita ni Kai na mas lumapit pa si Logan kay Shanella."G-get a-away f-from h-him..." muling nagbago ang kulay ng mga mata ni Kai. Tila ba pinipilit nitong ipunin ang lahat ng lakas na natitira pa upang iligtas si Shanella sa nakikitang kapahamakan."No, don't waste your energy. Sayang naman kung hindi

  • Biting Her Only Fate   Fate 15

    NAGKANYA-KANYANG talon at salubong ang mga Gibbous sa pagbagsak ng mga Sturgeon sa kanila. Tuluyan na kasing nasira ang harang at ngayon naman ay kailangan na nilang harapin ang tunay na laban."Aahhhhh!"Lahat ng lobong nagtatalunan papunta kay Shanella ay sinasalubong ni Thallon na noo'y nasa anyong lobo na rin. Kung mula sa kalangitan, tanging kulay puti at itim na mga lobo ang makikitang nagsasagupaan."Anong problema, Shanella? Bakit hindi ka pa nagbabagong anyo nang maipamalas mo naman sa akin ang iyong lakas at kapangyarihan?"Alertong napaatras si Shanella nang marinig ang boses ni Logan sa kaniyang likuran. Mula naman sa cage na kinaroroonan ni Kai, nanghihina itong pilit na humawak sa bakal na kinaroonan niya. Bumibilis ang tibok ng puso nito dahil sa galit habang nakatingin kay Logan. Ang kaniyang mga mata ay nagiging pula na rin ngunit kaagad din namang bumabalik sa normal dahil nga sa kaniyang panghihina."Hindi ko kailangan ng pagbabagong anyo para harapin ang mga ganid

More Chapters
Explore and read good novels for free
Free access to a vast number of good novels on GoodNovel app. Download the books you like and read anywhere & anytime.
Read books for free on the app
SCAN CODE TO READ ON APP
DMCA.com Protection Status