Share

Fate 16

NAGLAKAD si Rome papunta sa cage na kinaroroonan ni Kai. Makikita ang kasiyahan sa mukha nito. Tila ba mababasa ng kahit sinuman ang tagumpay sa mukha nito.

"Watch her, Kai, then suffer... Just like what you all did to my Doreene..." magkahalong galit at sayang sabi ni Rome kay Kai.

"H-Hindi k-ko a-alam ang s-sinasabi m-mo... L-layuan niyo s-si Shanella..." nanghihina man ay sinagot ni Kai si Rome.

"Why don't you ask your father here?" naniningkit ang mga matang tinanaw ni Rome si Thallon na nasa di-kalayuan. Hindi nito binibigyang pansin ang tila kalmadong mukha ni Thallon sa pag-aakalang maaaring tinanggap na lamang ni Thallon na tuluyan na nilang mapapabagsak ang Gibbous.

Mayamaya ay nakita ni Kai na mas lumapit pa si Logan kay Shanella.

"G-get a-away f-from h-him..." muling nagbago ang kulay ng mga mata ni Kai. Tila ba pinipilit nitong ipunin ang lahat ng lakas na natitira pa upang iligtas si Shanella sa nakikitang kapahamakan.

"No, don't waste your energy. Sayang naman kung hindi
Locked Chapter
Continue to read this book on the APP

Related chapters

Latest chapter

DMCA.com Protection Status