Share

Fate 15

NAGKANYA-KANYANG talon at salubong ang mga Gibbous sa pagbagsak ng mga Sturgeon sa kanila. Tuluyan na kasing nasira ang harang at ngayon naman ay kailangan na nilang harapin ang tunay na laban.

"Aahhhhh!"

Lahat ng lobong nagtatalunan papunta kay Shanella ay sinasalubong ni Thallon na noo'y nasa anyong lobo na rin. Kung mula sa kalangitan, tanging kulay puti at itim na mga lobo ang makikitang nagsasagupaan.

"Anong problema, Shanella? Bakit hindi ka pa nagbabagong anyo nang maipamalas mo naman sa akin ang iyong lakas at kapangyarihan?"

Alertong napaatras si Shanella nang marinig ang boses ni Logan sa kaniyang likuran. Mula naman sa cage na kinaroroonan ni Kai, nanghihina itong pilit na humawak sa bakal na kinaroonan niya. Bumibilis ang tibok ng puso nito dahil sa galit habang nakatingin kay Logan. Ang kaniyang mga mata ay nagiging pula na rin ngunit kaagad din namang bumabalik sa normal dahil nga sa kaniyang panghihina.

"Hindi ko kailangan ng pagbabagong anyo para harapin ang mga ganid
Bab Terkunci
Membaca bab selanjutnya di APP

Bab terkait

Bab terbaru

DMCA.com Protection Status