Share

Chapter Four

AGAD na umuwi sa may Forbes si Shaina. Isang sikat na subdivision sa Ayala.

Pinili niya roon dahil mahigpit ang security at hind basta-basta nagpapasok ng kung sino man. Saka ang mga nakatira roon ay tila  walang pakialamanan.

Mainam sa kaniya iyon, dahil ang totoo ay wala ng pinagkakatiwalaan na tao ang dalaga.

Mag-iisang linggo na ang lumipas magmula ng maekuwentro niya ang ex niyang si Novice sa pagmamay-ari niyang resort.

Hindi niya pa rin malubos maisip na halos sa labing-anim na taon ng nakalipas ay muli silang nagkatagpo. Sort of, sigurado siya na may plinaplano ito.

Hindi pa rin niya tukoy kung anong binabalak nito. Ngunit nakakasiguro siya na isa lamang ang hangad nito sa buhay niya: iyon ay ang pasukin at guguluhin na naman nito ang buhay niya na matagal din naging payapa.

Muli siyang sumimsim ng red whine ng mga sandaling iyon, nalasahan niya ang manamis-namis at mapakla nitong lasa. Ngunit binalewala niya iyon, kailangan niya iyon sa ngayon.

Ilang gabi na rin kasing hindi siya makatulog ng maayos, magmula ng magkrus ang landas nga nila ni Novice.

"Ugh! ano ba, bakit hindi ka na lang nanatili sa kung saan ka naroon Novice! S-Sana hindi na kita nakita ulit, I hate you!"walang ano-ano'y bigkas ng dalaga.

Pinagkrus niya ang dalawang braso matapos niyang nainom ng tuluyan ang laman ng wine glass. Unti-unting naglandas sa pisngi niya ang masaganang luha.

Hindi niya aakalain na muli niyang mararamdaman ang pamilyar na damdamin na akala niya'y matagal na niyang naibaon sa limot.

Muli ay humayon sa nakaraan ang isip niya, kung saan at bakit nagkatagpo sila ng binata. . .

First year na sila ng magkakilala si Shaira ang kambal nito at si Novice. Magkaiba sila ng eskwelahan na pinasukan, habang si Shaina ay nanatili lamang sa public school. Si Shaira'y naging skolar sa isang private school ng purong mayayaman, kung saan naging magka-klase si Novice at Shaira . Mahirap ang buhay na kinamulatan nila. Pero hindi naging hadlang iyon para mahulog ang loob ni ni Novice sa kambal nito.

Na-i-kwe-kwento dati ng kambal niya na sa tuwing bakante ay magkatabi sila sa likuran ng malaking puno ng mangga sa harap ng playground ng school. Doon sila laging tumatambay nito, puno ng mga bulaklak ng rosas na alaga ni Mrs. Tolentino ang buong paligid.

Para silang lovebirds in one nest na naglalambingan doon, chika sa kaniya ng kakambal niya. Sa tuwing magkwe-kwento ito sa binata ay laging ibinibida nito ang magagandang katangian nito. Gwapo raw ito, matalino, malambing, maalaga, maalalahanin at higit sa lahat ay napakayaman ng pamilya nito. Nasabi pa niya dati na isa ang pamilya nito na nag-i-sponsor sa eskuwelahan kung saan ito nag-aaral.

Dahil doon ay lalong nacorious si Shaina na makilala ang binata. 

Isang hapon, habang mataman na namamasyal sa mga bumbon ng rosas ay nagpupumilit na magpakuha ng bulaklak si Shaira sa manliligaw nitong si Novice.

“Kung mahal mo talaga ako, ikukuha mo ako ng ganoon, Novice! Please!” malambing nitong pagsusumamo habang itinuturo ang isang napakapulang rosas.

Dahil sa hindi nito mahindihan ang hiling ng sinisinta ay maingat nitong pinitas ang rosas na nagustuhan ni Shaira. Kahit magalit pa ang terror na si Mrs. Tolentino.

“For you, Shaira,” masuyo at maiksi nitong pahayag sa iniibig.

“Salamat, Novice,” sukli naman ni Shaira na agad sumilay sa mga labi ang napakatamis na ngiti.

Sa ganoong eksena sila nadatnan ni Mrs. Tolentino. “Ano ang ibig sabihin nito, Mr. De Guzman? May permiso na ba kayo sa pagpitas ng rosas na iyan? Pinayagan ko kayong mamasyal dito para hindi kayo pakalat-kalat sa kung saan saan pero hindi ko akalaing hanggang sa puntong ito ay gagawan ninyo ng paglabag ang mga alaga kong rosas!” sita ni Mrs. Tolentino sa napakalamig na tinig.

Dahil sa kabiglaan ni Novice ay hindi muna ito nakapagsalita. “So, Mr. De Guzman, kahit anak ka ng isa sa mga Main Officer dito sa campus ay hindi ko papayagang umabuso ka na lang. I suspend you for one week. You also, Ms. Monuz.”

Pagkatapos noon ay nagsimula na silang maglakad palayo. Biglang natauhan si Novice nang humikbi mula sa kaniyang tabi si Shaira. Agad nitong inalo ang babae.

“What’s the problem, Shaira? Are you okay?” nag-aalalang tanong ni Novice. Matamang tumitig sa rosas si Shaira at tila batang nakatitig lang doon. “Shaira, please tell me what’s wrong. Para matulungan kita,” pilit na tanong ni Novice at hindi mapigilang yakapin ang dalaga.

“Novice, natatakot akong mapagalitan ni mama at papa. Baka mawala rin ako sa honor roll pati scholar. Patitigilin ako ni mama sa pag-aaral kapag nalaman niyang suspended ako for almost one week!” natatakot na pahayag nito kay Novice, tila maiiyak na.

“Shaira. . .” bulong ni Novice sa dalaga na ngayon ay nakadama ng sobrang kirot.

Muling ibinaling ni Shaira sa rosas na ibinigay ni Novice ang pansin. “Natatakot din ako, Novice, na baka ilipat ako ni papa sa ibang school kapag nalaman niyang suspended ako. . .” bulong pa ni Shaira na hindi na natapos ang sasabihin dahil bigla siyang kinabig ni Novice at masidhing inangkin ang manipis nitong katawan sa pamamagitan ng pagkulong sa kaniyang mga bisig.

“Don’t worry, Shaira! It’s gonna be alright. Hinding-hindi tayo maghihiwalay. Ako ang gagawa ng paraan. Kakausapin ko si Ma’am Terror, okay? Just wait for me in the classroom,” habilin ni Novice habang nagpapaalam na ito kay Shaira.

Habang naglalakad papuntang office si Novice ay naisasaloob niya sa kaniyang isipan ang isang reaksiyon ni Shaira na rumehistro sa kaniyang harap kanina-kanina lang.

“Halatang may pagtingin din sa akin si Shaira. Hindi ko mapapayagang mawalay ka sa piling ko, Shaira. Hindi ko papayagan,” bulong ni Novice sa isip habang palapit sa silya ni Mrs. Tolentino na mukhang may hinahanap sa computer screen nito.

Mataman siyang sinuyod ng tingin ni Mrs. Tolentino bago nagsalita.” What can I do for you Mr. Deguzman, can you sit for a while.” Mahinahong paguumpisa ni Mrs. Tolentino na tila nabubuwesit sa nangyari kanina.

“Ma’am, it’s all about the scene in the garden. Please, ma’am, patawarin n’yo na lang si Shaira. Ako na lang ang aako sa lahat,” nagsusumamong pahayag ni Novice.

Mataman namang tumtitig si Mrs. Tolentino na ikinainis ni Novice. Ayaw pa naman ni Novice na tinatapunan siya ng ganoong sulyap na kung makakatitig ay nang-iinsulto. Mas sanay siya sa mga titig na nang-aakit ng mga kababaihan. But not like this. Tila papatayin siya sa kinauupuan.

Pero hindi na niya mababawi ang nasabi. Gagawin niya ang lahat-lahat for Shaira . . . makasama lang niya ito sa buong taon ng High School life niya.

Bigla itong tinapik ni Mrs. Tolentino sa kaniyang pisngi at tumawa nang napakalakas tila kulog na dumadagundong.

Napatigil lang ito sa pagtawa nang mapag-alamang nakatingin na ang lahat ng co-teacher nito.

“So, Mr. De Guzman, lahat pala ay gagawin mo para kay Ms. Monuz? Kahit pababain mo na ang pride mo? Okay. . . aalisin ko na ang suspension ko sa inyong dalawa. Papayagan ko na rin kayong mamasyal at pumitas ng mga rosas. I-promise mo lang, Mr. Deguzman, na babantayan ninyo at bibigyan ng kulay ang hardin. Kasi one of these days ay bigla akong magreretiro. . .”

“Why, ma’am? Hindi pa naman kayo masyadong matanda?” mabilis na tanong ni Novice na halata namang nagulat.

“Kasi, hijo, sinusundo na ako ng mga anak ko sa America to migrate for the sake of my family. Pumayag na ako kaya sana Mr. De Guzman ay alagaan mo ang garden. Ikaw ang pagbibigyan ko ng napakahalagang susi. Sana for the following days ay mapasagot mo si Ms. Monuz. Sa first date ninyo ay doon mo siya yayain, ha?”

Nang maibigay ni Mrs. Tolentino ang susi ay mabilis siyang nagtungo sa kaniyang classroom. Bukod sa uwian na ay tiyak niyang wala nang natitirang estudyante sa silid-aralan. Ngunit napangiti siya nang makita si Shaira sa gilid ng bintana at nakadungaw roon habang hawak ang rosas na bigay niya rito.

Masuyo niya itong niyakap mula sa likuran. “Solve na ang problema, Shaira! Puwede na tayong mamasyal at mamitas ng kahit ilan dahil ipinagkatiwala na ni Mrs. Tolentino ang espesyal niyang hardin sa atin. Tutulak na kasi siya America pero kahit biglaan ay happy naman ako for both of us!” pasaring ni Novice kay Shaira nang mapagtantong hindi ito nakikinig sa mga sinasabi niya.

Humarap ito at masuyo siyang dinampian sa pisngi ng halik na ikinagulat naman ni Novice. “W-What’s that for? Para saan iyon?” tanong ni Novice na halata namang nagulat at namumula dahil sa katuwaan.

“Wala lang. Thank you kiss lang. Salamat, huh? Mahal na mahal mo talaga ako at blessing ka sa akin. Hayaan mo at masusuklian din kita sa lahat ng goodness mo sa akin,” matamis nitong pahayag.

“Masusuklian mo lang ako kapag sinagot mo na ako ng matamis mong oo,” malambing na pahayag nito kay Shaira.

“Darating din tayo riyan, Novice. Wait ka lang. . .” maagap na sagot ni Shaira sa manliligaw.

“Sinabi mo iyan, huh?” paniniyak ni Novice habang hinahawakan nito ang palad ng dalaga.

Damang-dama pa rin ni Novice ang pag-ibig na nilikha ni Shaira sa dibdib niya hanggang sa makauwe ito.

ILANG araw ang nagdaan at parang nasa paraiso noon si Novice dahil na rin kay Shaira.

Nasa loob na sila noon ng canteen at panay ang order ni Novice nang mamahaling pagkain para sa kanilang dalawa ni Shaira, kagagaling lang nila sa isang mall kung saan sila nag-shopping ng kakambal niya.

“Novice, napakarami yata ng inorder mo? Masyado ka yatang gumagasta?” paninita ni Shaira sa manliligaw.

“Sa umpisa pa lang iyan. Hindi mo pa nga ako nobyo kaya asahan mong parati tayong magsho-shoping at kakain,” mayabang na pahayag ni Novice sa nililigawan.

“Talaga?! Napaka-sweet mo talaga. . .” sabay subo ni shaira sa kaniya ng isang kutsarang salad.

Akala ni Shaina noon ay magiging maayos at seseryusuhin ni Shaira si Novice pagkatapos ng lahat ng naging effort ng binata . . . pero 'yon pala ang magbibigay sa kaniya ng malalim na sugat sa kaniyang puso.

ILANG minuto na siyang naghihintay sa kaniyang date na si Shaira sa dati nilang tagpuan. Sa house garden na ibinilin sa kaniya ni Mrs. Tolentino.

Dahil sa sobrang pagkainip ay ipinasya na nitong sindihan ang mga nakahelerang kandila sa buong paligid ng house garden para hindi na nito madaliin ang pagsindi mamaya. Ilang minuto pa ang nagdaan ay wala pa ring Shaira. Hanggang isang oras pa ang nagdaan ay hindi na niya maiwasan ang hindi mapakali sa mga tagpong iyon.

Kanina habang inaaya niya si Shaira sa kanilang silid-aralan ay napansin na nito ang tila hindi mapakaling dalaga na panay ang lingon sa relos na parang may inaabangan.

Dahil sa mga ganoong kilos ni Shaira ay hindi tuloy magawang sabihin ni Novice sa dalaga na gusto niya itong yayaing mag-date sa isang romantic at disenting dating place. Tahimik na lang siyang umupo sa tabi ni Shaira.

“B-bakit, Novice,  may sasabihin ka ba?” takang tanong ni Shaira kay Novice.

“Puwede ba kitang yayaing makipag-date sa house garden at seven in the evening after school?” pagbubukas ng topic ni Novice. Namagitan tuloy sa kanilang dalawa ang katahimikan.

Maagap siyang nagtanong kung bakit hindi ito makasagot. "What’s the matter, Shaira? Hindi mo ba tatanggapin ang invatation ko sa ‘yo? Minsan lang ako magyaya nang seryosuhan at ako ang mismong nagyaya sa ‘yo ngayon for a espesyal date. Isa ako sa mga heartthrob ng campus natin. I-snob-in mo na lang ba ang invatation ko sa ‘yo?” susog ni Novice kay Shaira na kinindatan pa ito.

Hindi ko idina-down ang invitation mo sa akin, Novice. Parati ko ngang tinanggap lahat ng alok mo sa akin na kumain tayo at mamasyal, hindi ba? Pero sa invatation mong iyan ay hindi ko yata pwedeng tanggapin."

Why not? Anong dahilan at hindi ka makararating?” naghihinakit na tanong ni Novice.

Mabilis na bumaling ang mga mata ni Shaira sa isang sulok bago nagsalita. “Kasi sabi ni mama sa akin ay may pupuntahan kami tonight. Pero pipilitin kong dumating, Novice. Basta ihanda mo lang ang sarili mo”

“Bakit? Sasagutin mo na ba ako? As in maririnig ko na sa iyo ang matamis mong oo?” nagagalak na sawata ni Novice.

Natapos ang usapan nila nang magsimulang tumunog na ang bell para sa uwian. Hanggang sa dumating nga ang mga oras ng paghihintay niya sa espesyal date niya . . . Pero alas-diyes na ng hating-gabi ay wala pa ring Shaira Munoz ang dumarating. Nainip na tuloy si Novice sa mga nangyayari at nagmumura. “Ano ba ito? Lokohan na ba ‘to?! Alam naman ni Shaira na ayaw kong pinaghihintay. Ang tagal! Asan ka na ba Shaira?” mura ni Novice sa kaniyang cellphone habang pilit na tinatawagan ang dalaga. Ngunit out of reach ito.

Imbes na magmura ulit ay napabuntong-hininga na lang si Novice. Muli siyang nag-dial ng number at pilit na tinatawagan ni Novice si Shaira.

“Please answer the phone, Shaira. I miss you. . .” bulong ni Novice sa cellphone nito.

Napangiti na lang si Novice nang may humintong taxi sa kaniyang harapan. Tumayo na siya para pagbuksan ng pinto ang tao sa taxi pero natigilan na lang si Novice at bigla siyang binundol ng kaba sa kaniyang dibdib nang hindi si Shaira ang bumaba ng taxi. Kung 'di si Shaina.

Pagkaalis ng taxi ay tuluyang lumingon si Shaina. Naglakad ito palapit sa binata. “Magandang gabi, Novice. Ipagpatawad mo pero hindi na makakarating si Shaira sa inyong date. Ako nga pala si Shaina, kakambal ni Shaira. Kung may gusto ka pang malaman tungkol sa hindi pagdating ni Shaira ay basahin mo na lang itong sulat niya sa ‘yo,” malambing na tugon ni Shaina sa binata.

Sa unang pagkakita pa lamang ni Shaina dito ay nagkagusto na siya rito. 

Agad namang hinablot ni Novice ang sulat sa palad ng dalaga at dahan-dahang binuksan. Umpisa pa lang sa mensahe ni Shaira ay parang nagkasugat-sugat na ang puso ni Novice sa sobrang sama ng loob na nadarama niya mula sa sulat kamay ng dalaga. Nang matapos ni Novice ang sulat ay agad ang pag-agos ng masaganang luha nito.

“Bakit, Shaira? Bakit mo ito nagawa?” pahagulhol na turan ni Novice kasabay ng pagpatak ulit ng kaniyang mga luha. Wala na siyang pakialam kung anong isipin ng kakambal ni Shaira sa pinaggagawa niya. Basta mailabas niya ang sobrang sama ng loob niya kay Shaira.

Habang pinagmamasdan ni Shaina ang anyo ng binatang nasa harap niya ay hindi nito maitago ang labis na paghanga.

“Minahal mo talaga si Shaira, ano, Novice? Pero ang katotohanan ay hindi maikukubli kailanman. Mas mainam ngayon, habang maaga pa, ay nalaman mo na ang totoo. Hindi mo masisisi si Shaira, Novice. Kahit konti ay napamahal ka na sa kaniya. Kung sabagay, nasa iyo na ang lahat ng gusto ng isang babae,” singit ni Shaina sa binata para pagaanin kahit na kaunti ang kalooban ng binata.

Tumayo na si Shaina at mataman siyang tinitigan bago umalis ay nagiwan pa ito ng mga huling salita. “Ipagpatawad mo sana kung nabigyan ka ni Shaira ng sugat sa iyong puso. Marami pa namang mas nakahihigit sa kakambal ko, hindi ba? Pero sana ay magawa mong kalimutan siya . . .  move on. Minahal ka naman ng kakambal ko kahit meron nang ibang nagmamay-ari sa kaniya,” pakli ni Shaina bago humakbang sa lugar kung saan tumatangis si Novice.

Ilang sandali lang ang lumipas ay nagwala na si Novice. Inawat siya ng dalawang lalake pero walang nagawa ang mga ito. Dahil sa sobrang sama ng loob na nararamdaman ni Novice ay nagawa niyang ilayo ang mga taong humahawak sa mga braso niya.

Inilabas sa bulsa ang susi ng kotse at mabilis na pinaandar iyon. Habang tumatagal ang pagpapatakbo ng kotse niya ay bumibilis din ang tensiyon na namumuo sa kaloob-looban ni Novice. Hanggang sa hindi na nailagan ni Novice ang posteng nakatirik sa may gilid ng kalsada at magdilim na ang buo niyang paligid . . .

Kaugnay na kabanata

Pinakabagong kabanata

DMCA.com Protection Status