Sunod-sunod siyang napabuga ng hangin, agad niyang tinignan sa suot na relos ang oras. Halos kalahating oras na siya sa loob ng sarili niyang suite.
Parang mas gusto na niyang magkulong na lamang doon at huwag nang pakiharapan ang walanghiya niyang ex!
"Bakit ba kasi bumalik-balik ka pang demonyo ka!"Nanggigil na anas niya sa kawalan.
Muntik pa siyang mapatalon sa pagkagulat ng makarinig ng sunod-sunod na pagkatok mula sa pinto.
Dali-dali niyang inayos ang sarili, ang secretary niya ang nasa labas ng pinto.
"Eh, ma'am kanina pa po nagtatanong si Mr. De Guzman sa may lobby? A-Ano po ang sasabihin ko. . ."Aligaga nitong sabi.
"Sige ako ng bahala,"sagot ng dalaga.
Naiiling na naglakad papunta sa may hallway si Shaina. Sa itsura ng secretary niya ay natitiyak niyang ipinahiya ito ni Novice.
Kilalang-kilala niya ito, wala itong pakialam kung makasakit ito ng damdamin ng ibang tao.
Matapos niyang makalabas sa elevator ay dumiretso na siya sa may hagdan.
Pababa na siya ng makita niya mula sa 'di kalayuan ang bulto ni Novice. Nakatalikod ito sa kinaroroonan niya, kasalukuyan itong nasa stool kung saan may i-sini-served na mga alak roon.
Maganda ang ambiance at pili ang mga design ng structure ang lobby nila. Mahilig sa nature si Shaina, kaya mas prefer nito na may mga halaman at bulaklak na nakakalat sa buong paligid. Para sa kaniya ay mas fresh at buhay na buhay tignan lahat. Nakakadagdag good vibes ika nga.
Naninigkit ang mga mata na lumapit siya lalaki.
"Hey! paano tayo mag-uusap kong nagpapakalasing ka riyan Mr. De Guzman."kinontrol niya ang sarili.
Ayaw niyang makakuha muli ng atensiyon ng ibang tao. Katulad nang nangyari kanina-kanina lamang.
"Oh, hey there honey. . . mabuti naman at sa wakas tuluyan ka ng natawag ng secretary mo."nakangiting baling ni Novice sa dalaga. Agad itong nagpasalamat sa bartender matapos na maibigay nito ang inorder niyang vodka.
Pagsasabihan na sana ni Shaina si Novice sa ginawa nito sa sekretarya niya.
Ngunit, agad iniwas ni Shaina ang pansin sa mukha ng binata, naiilang siya sa pangngiti nito ng ganoon. Ewan niya naninibago talaga siya rito. Dati sobrang tipid itong ngumiti.
Lalo siyang nawindang nang mapadako ang pansin niya sa nakabukas na polo ni Novice. Biglang siyang napalunok ng wala sa oras, bigla siyang nag-init. Paano ba naman kasi, nakabalandara ang matikas nitong dibdib at ang pamatay nitong abs!
Nanigas siya at hindi niya alam ang gagawin ng bigla na lamang siyang akbayan nito ng walang pasabi.
"A-Ano ba N-Novice!"Hysterical niyang sambit. Mabilis niyang inalis ang kamay nitong nakadikit sa balikat niya. Parang may gumapang na bolta-boltaheng kuryenti roon. Kaunti na lang masasampal na niya talaga ito!
Tuloy-tuloy na siyang naglakad palayo, gusto niyang takpan ang sarili sa sobrang pamumula niya ng mga sandaling iyon. . .
MAIGI naman na pinagmasdan ni Novice si Shaina. Mukhang magiging madali rito na maisagawa ang lahat ng plano niya, katulad pa rin kasi ito ng dati.
Malakas ang pakiramdam ng binata na may nararamdaman pa rin si Shaina sa kanya.
Magagawa na niya ang gustong mangyari, mas mahahawakan na niya sa leeg si Shaina. Kapag nagkataon ay ito na ang kusang bibigay sa kanya.
Matapos na makaupo ang dalawa at makapag-order si Shaina ng makakain ay nag-umpisa na itong usisain ng dalaga.
"So all this years Mr. De Guzman ay plano mo talaga ito?"mapang-uyam na tanong ni Shaina sa kaharap.
Muli isang halakhak ang naghari mula kay Novice. Nanlaki ang mga mata ni Shaina sa inasal nito, tuluyang naningkit ang mga mata ng dalaga.
Malakas na ipinukpok ni Shaina ang kamao sa lamesa, kaya upang matigilan ang binata.
Halos umusok ang ilong niya sa labis na gigil, habang si Novice ay ngiting-ngiti pa sa nangyari.
Lahat naman ng mga costumer na naroon ay naagaw na nila ng pansin.
"Hoy! Walang nakakatawa sa sinabi ko kaya umayos ka!"inis na sita ni Shaina.
"Ms. Monuz, sa tingin mo ba nasa ugali ko ang mag-plano ng ganito para. . ."ngunit hindi pa natatapos sa pagsasalita si Novice ay agad ng sumabad si Shaina.
"Oo naman! Kilalang-kilala kita. . . ano sa tingin mo sa akin tanga? Hoy! hindi na ako katulad ng dati. Sa tingin mo kasi ay madali para sa'yo na paikutin ang mga tao sa paligid mo. Dahil may pera ka, puwes sinasabi ko na sa iyo. Hindi mo na magagawa ang mga ginawa mo dati noon sa akin at lalong-lalo na sa pamilya ko! dahil hindi na ako papatalo. Tulad mo may pera na rin ako!"Palaban na sabi ni Shaina. Kitang-kita sa mukha nito ang determinado.
"Tapos ka na ba?"malamig na tugon ni Novice.
"H-Huh?"nausal ni Shaina.
Tuluyan ibinababa ng binata ang baso, muli itong nagtawag ng waiter para sa iniinom nitong alak.
"Iyon ba ang inaasahan mong sasabihin ko Shaina, the mere fact na all this years ay wala akong kapaki-paki sa'yo. Sa naging buhay mo at kahit sa pamilya mo . . ."seryusong sambit ni Novice. Tutok na tutok sa kaharap ang matiim nitong titig.
Napabuka at naitikom ni Shaina ang bibig sa mga sandaling iyon ay bahagiya siyang nakaramdam ng takot.
Sa isang katulad ni Novice, walang imposible rito. Katulad noon . . . nakakaya pa rin nitong saktan siya hindi lang sa physical, ngunit maging sa salita.
"O-Okay, k-kung ganoon back to business tayo Mr. De Guzman. Ahmmm. . . i-settle na natin ang mga details ng kasal niyo ng bride mo."Agad na pag-iiba ni Shaina ng usapan.
Madami na siyang sinasabi ng muli niyang marinig ang baritonong boses ni Novice.
Agad ang paghayon ng tingin ng dalaga rito. Sa itsura nito ngayon, kung hindi lang sana naging pangit ang pinagsamahan nila noong una at nagtuloy-tuloy lamang sana sila. Marahil ay kinasal na sila at nagmamahalan.
Naiiling-iling na lamang ni Shaina ang ulo. Ewan niya kung bakit sumagi sa isip niya ang mga ganoong bagay. Gayong ikakasal na ito sa ibang babae.
Sa kaisipin na iyon ay tila nakaramdam ng pait sa kaibuturan bahagi ng puso si Shaina.
Mabilis niyang ipinaling ang ulo ng muling sambitin ng binata ang pangalan niya. Sa tuwing bibigkasin ng ganoon ni Novice ang pangalan niya ay nanlalambot siya.
"Shaina. . . hindi mo ba itatanong kung kanino ako ikakasal?"
Hindi agad siya nakahuma, napapaisip din siya. Kung sino ang malas na naging bride ng katulad nitong demonyo!
Poor soon to bride to be ika nga.
"Sino nga ba Mr. De Guzman?"Walang kapaki-paki niyang sabi.
Sa totoo lang she really don't care! Pero business iyon, malalaman din naman niya paglaon.
Napapitlag siya ng bigla na lamang hawakan nito ang palad niyang nasa ibabaw ng lamesa. Napamulagat siya ng marahan nitong hilahin at walang pasintabi na hinalikan iyon ng binata. Biglang binalot ng kakaibang damdamin ang puso ng dalaga sa ginawing iyon ni Novice.
"Sino pa ba, kung 'di ikaw lang naman Shaina . . . soon to be my lucky bride!"sabay ng pagkindat nito sa kaniya.
"Baliw ka ba!"naisigaw ni Shaina, wala na talaga siyang pakialam kahit over react na siya. Agad niyang nahila ang kamay na hawak-hawak ng binata.
Mabilis niyang pinagsasamsam ang lahat ng mga gamit niya. Walang lingon-likod siyang umalis sa kinauupuan niya.
Ano man ang ginawang pagtawag ni Novice sa kanya ay hindi niya pinansin.
Hanggang sa makapasok siya sa loob ng suite niya'y hindi pa rin ito makapaniwala sa nangyari.
Shock pa rin siya sa kinahinatnan ng naging pag-uusap nila ng ex niya.
Alam niyang ibang klase kong mag-isip ito, ngunit hindi aakalain ni Shaina na ganoon na kalaki ang kabaliwan nito. Ni sa hinagap ay hindi niya papangarapin maikasal sa isang katulad ni Novice De Guzman. Magpapakatandang-dalaga na lamang siya kaysa magpatali rito!
ONE YEAR AGO...BINILISAN na ni Rudny ang pagda-drive papunta sa bahay bakasyunan ni Novice. Napuna niya ang pagva-vibrate ng smart phone niya sa may dash board niya. Pinindot niya ang loudspeaker para marinig niya kung ano man ang sasabihin pa ng babae."Hello ano iyon sweetheart?"tanong ni Rudny na binagalan ang pagpapatakbo dahil pa-blind curve ang papasukan niya."Nasaan ka na?"tanong ni Beatrice mula sa kabilang linya. Dinig nito ang maingay na usapan sa background."Malapit na ako sweetheart, pasensiya na sobrang traffic sa Edsa kanina,"paghingi ng pasensiya ni Rudny."Ang sabihin mo nambabae ka na naman!"galit nitong akusa sa kanya."Sweetheart you know that is not true. Patay ako kay Novice kapag nangyari iyan!"sabi niya at kumudlit sa isipan niya ang nagbabalang titig dati sa kanya ng kaibigan oras na lokohin niya ang kapatid nito.Wala na siyang narinig na sagot mula rito dahil tuluyan na s
LALONG lumakas ang ulan at hangin sa labas, dulot na rin ng pag-tama sa kalupaan ng isang bagyo. Ayon sa inisyal na broadcast ng newscaster ng radio station na pinakinggan kanina ni Novice. Halos liparin siya ng hangin at ng ilibot niya ang buong pansin sa paligid ay animo'y gabi na pero alas-tres pa lang naman ng hapon.Napatakbo palabas si Novice pagkatigil na pagkatigil pa lamang ng kotseng kanyang kinalulunaan na basta na lamang niyang ipinarada sa ibaba ng bundok.Ginamit niyang pananggalan ang braso sa mukha dulot hagupit ng malakas na ulan at hangin. Para siyang nakikipag-patentiro sa kamatayan ng mga oras na iyon."Faster Novice, si Shaina baka kanina pa takot na takot sa loob!"mariin paalala niya sa sarili pagkaalala niya sa asawang iniwan ng nag-iisa. Dahil sa paninira ni Maxine ay hindi na namamalayan ni Novice na sobra na pala ang ginagawa niya kay Shaina.Ikinulong niya kasi
MABIBILIS na hakbang ang madidinig sa hallway ng mansyon ng mga De Guzman. "Kuya Novice! Narito ka ba,"pagtawag ni Beatrice sa kapatid niya. Nagpunta siya sa Novisual shop nito ngunit ang sabi ng manager nito ay hindi pa ito raw nagpupunta roon. Hanggang sa makita ni Beatrice ang Daddy niya na nasa libriary. "Dad totoo ba ang naririnig ko." "Ang alin ija?"tanong nito. "Nagsasama na si Kuya at si Maxine iyon ang sabi ng mga katulong dito." "Oo tama ang nasagap mong balita,"pabalewang-sagot lang ng matandang lalaki. "No! way, akala ko okay siya at si ate Shaina. Bakit bigla-bigla nagkaganoon,"patuloy ni Beatrice na palakad-lakad lang sa harapan ng matandang lalaki. "Hayaan mo na kung si Maxine na ang piliin ni Novice dahil magkakaanak na sila." "Ganoon lang ba iyon Dad, wala
INAAYOS na niya ang higaan niya ng mga sandaling iyon ng makarinig si Shaina ng sunod-sunod na pagkatok mula sa pinto ng kinaroroonan niyang silid."Bukas iyan,"sabi niya matapos niyang maisuot ang roba.Nginitian niya ito ng makita niyang may dala-dala itong isang baso ng mainit-init pang gatas."Drink this, naisip ko baka hindi ka makatulog kaya tinimplahan na kita,"sabi ni Novice."S-salamat pero huwag ka na sanang nag-abala pa,"mahina niyang saad. Tuluyan na ngang ininom iyon ni Shaina."Hayaan mo na patulog na rin naman ako,"sagot lang ni Novice.Nakatitig lang naman ito sa kanya, kapag ganoon itong tumingin ay nakakaramdam ng dis-comfort si Shaina."M-may kailangan ka pa ba?"tanong niya.Naglakad muna sa may bintana si Novice, kasalukuyan pumapatak ang mahinang ulan mula sa labas."Ma
PANAY lamas si Novice sa umaalog na d*d* ni Shaina. Habang patuloy siya sa malalim na paghalik rito. Kusang gumagalaw ang ibabang parte niya na siyang sinasalo naman ng butas na kanyang sinisisid. Hindi niya aakalain na ganoon ang magiging epekto ng muling pagsasanib ng katawan nila ng asawa niyang si Shaina. Para siyang ginutom ng ilang taon at tila ngayon lang siyang nakakain."Ooohhh! Aaahhh! your tight! your f*cking wet!"nagdedeliryong ungol ni Novice ng maramdaman niyang lalabasan siya. Bumilis ang paglabas-masok niya sa bukana nito at lalo niyang diniininan ng tuluyan siyang malabasan.Tumigil siya saglit at ninamnam pa rin ang masarap na pakiramdam ng pagkakahugpong ng hubad nilang katawan. Tuluyan niyang hinugot iyon sa pagtataka niya ay nakatindig pa rin ang pagkalalaki niya at handa pa sa isang bakbakan. Kaya agad niyang hinila si Shaina, nahiga siya sa matigas na kahoy sa lapag ng tree house.Naku
NAGLALAGAY na ng mga damit na dadalhin si Shaina sa laugage niya ng mga sandaling iyon. Hindi niya alam kung tama ba ang naging desisyon niya na pumayag sa gustong mangyari ng asawa niyang si Novice.Ang tumira sa iisang bubong kasama ang kabit nito.Tama kabit na ito ng asawa niya, dahil sa mata ng Diyos, tao at batas ay lumalabas na mali ang relasyon ng dalawa na dapat siya ang mas may karapatan na pakisamahan. Kahit sabihin na magkakaanak na ang mga ito.Kaya kahit na anong mangyari ay gagawin niya ang lahat para manatili si Novice sa buhay niya."Ma'am Sha buo na po ba ang desisyon niyo?"pagtatanong ni Monde ang manager niya sa resort at siyang pag-iiwanan niya ng pamamalakad roon habang inilalaban niya ang karapatan bilang asawa ni Novice."Yes Mon, sana maintindihan mo ako. Malaki ang tiwala ko sa'yo kaya ikaw ng bahala rito sa resort. Kapag nagkaproblema man ay maari mo pa rin naman akong tawagan sa ib