Share

Kabanata 20

Isa isa kaming binigyan ng shot glass ni Roi. Nakangiti siya at mukhang nag-e-enjoy pa sa nangyayari ngayon habang pinagpapasa-pasahan namin ang inumin na tinimpla niya kanina. Nakanguso siyang ginagala ang tingin sa amin habang iniikot-ikot ang kanyang baso.

“This question is for. . .”

Napalunok ako sa kaba nang dumaan sa akin ang kanyang mga mata. Ang weird ng never have I ever game namin dahil hindi kaming lahat ang sasagot. Hindi ba kapag never have I ever, lahat sasagot? Ngumuso ako at tinitigan ang shot glass na may lamang alak. Siguraduhin lang talaga nila na pagkatapos ng laro ay walang aalis na myembro sa bandang ito.

 “Seb, never have I ever. . . dated someone older than you?”

Nag-angat ako nang tingin at nilingon ang tahimik lang na si Sebastian. Nag-angat siya ng tingin kay Roi at nagkibit balikat.

“I have.”

Umawang ang labi ko pati na rin ang ibang mga kasama namin. Kahit si Miss ay nanla

Locked Chapter
Continue to read this book on the APP

Related chapters

Latest chapter

DMCA.com Protection Status