Hindi mapigilan ni Georgina ang ngiti habang pabalik sila sa bulwagan matapos ang pag-uusap nila ng kanyang lolo Renato. Naghihintay na sa kanila ang mga bisita nang makarating sila, isa na roon si Celeste na hindi maintindihan ang mukha dahil sa galit. Pero binalewala iyon ni Georgina dahil sa pinagkuwentuhan nila ng lolo Renato. Yes, lolo Renato ang gusto nitong itawag niya dahil…“Maraming salamat sa inyong lahat sa pagdalo sa aking kaarawan. Ngayong gabi, bago kayo umuwi ay may gusto akong sabihin sa inyo.” Malawak itong ngumiti saka iminuwestro na tumayo siya sa tabi nito. “Kung nakikita niyo ang babaeng ito na nasa aking tabi ay siya si Georgina. Mula ngayong gabi ay pinapakilala ko sa inyo na isa na siya sa aming amo. Pareho naming napagkasunduang mag-asawa na kupkupin siya bilang isang apo.”Matapos magsalita ni Lolo Renato ay biglang tumahimik ang paligid. Pagkatapos niyon ay sumunod ang masigabong palakpakan mula sa mga bisita. Alam ng lahat ng nakakilala sa mag-asawang Malv
Hindi pumayag si Rhett na umuwi si Georgina sa bahay niya at dinala siya nito sa mansyon kahit anong protesta niya. Ang ikinamangha pa niya ay mayroon siyang mga damit doon na nakahanda para sa kanya na tila ba inaasahan nitong babalik siya? Sa kuwarto siya ni Rhett natulog at kahit komportable siya dahil naiwan ang bango nito sa higaan ay nahirapan pa rin siyang makatulog. Hindi niya alam kung ano ang sinasabi nito na aalamin nito kung tunay nga siyang buntis. Dahil nga nahirapang matulog, kinabukasan ay ayaw bumangon ni Georgina pero pinilit niya ang sarili dahil gusto niya nang makauwi. Hindi sila magkatabi ni Rhett matulog dahil nirespeto nito ang desisyon niya. Habang nasa sasakyan ay pareho silang tahimik kaya’t sinamantala iyon ni Georgina para umidlip. Ginising na lamang siya ni Rhett nang makarating na sila sa lugar na gustong puntahan ng lalaki at iyon ay ang… OB-gyne clinic. Parang may gule na idinikit ang puwet ni Georgina sa kinauupuan nang makita ang labas ng klinika.
Nang marinig ni Georgina ang sinabi ng doktor, tulad ni Rhett, ay hindi siya makapaniwala. Gusto niyang agawin kay Rhett ang papel na hawak nito pero hindi niya magawa dahil nanginginig ang mga kamay niya. Paanong nangyaring tatlong linggo lang ang tiyan niya gayong regular siyang nagpapacheck-up sa doktor ng CSS at alam niyang dalawang buwan na ang tiyan niya? Mayroon na naman kayang nagmanipula sa resulta? O baka naman nagkamali lang ang gumawa ng test? Rinig na rinig ni Georgina ang pagtunog ng daliri ni Rhett nang mahigpit nitong kinuyom ang kamao. “Georgina! Ano’ng ibig sabihin nito? Hindi ka na talaga makapaghintay at nakipagsiping ka na agad sa ibang lalaki kahit kahihiwalay lang natin?” Mahinang napatawa si Georgina dahil sa galit sa akusasyon na binitawan nito. Siya dapat ang unang magpakita ng galit. Gusto niyang komprontahin ang doktor kung tama ba ang binigay nitong resulta. Wala rin siyang ideya kung ano ang nangyayari. Bukod kay Rhett ay wala na siyang ibang lal
“Shadow?” Georgina asked the man in front of her carefully. May gamit siyang voice changer para na rin sa safety niya. “Mind if I sit here?”Hackers like them only do legal matters. White hackers kumbaga. May mga kumpanyang humahawak sa mga ito pero dahil independent si Georgina at ilang beses na ring may kumausap sa kanyang kumpanya para sumali sa mga ito pero hindi siya pumayag. Ayaw niya ng commitment, lalo na ngayong nagkakaroon na siya ng misyon sa CSS. Kaya kailangan nilang itago ang pagkakakilanlan sa publiko. Nag-angat ng mukha si Shadow na natatakpan din ng maskara saka tumingin sa kanya. Hindi katulad ni Georgina, ang suot na mask ni Shadow ay natatakpan ang buong mukha nito bukod baba at sa manipis nitong labi. Sumulyap ang kaharap sa nametag na nakasabit sa kaliwang dibdib niya saka nagpatuloy sa pag-inom ng alak. Mahina itong tumango pagkatapos. “Hello, G.” May gamit din itong voice changer kaya hindi rin maririnig ang tunay nitong boses. Ngumiti si Georgina at kitang-k
Tumayo si Georgina at nilapitan ang lalaki saka hinawakan ito sa panga upang tanggalin ang suot nitong maskara. Nasa sulok silang bahagi at may malaking potted plant na nakalagay sa likod ni Shadow kaya medyo tago ang posisyon nila mula sa stage. Ang ibang attendees naman ay masiyadong abala sa pakikipag-usap at pakikipag-inuman para bigyan sila ng atensyon. Unti-unting inangat ni Georgina ang maskara habang nanginginig ang palad. Hindi niya alam kung ano ang ini-expect iyang makita pero sana ay mali siya ng hinala na hindi ito ang kanyang asawa. There were too many coincidences. Pati ang bulto ng katawan nito ay kapareho ni Rhett. Pati ang buhok niya. Hindi rin niya maitatanggi na kahit ang suot nitong pabango ay kapareho rin kay Rhett. Pero paano ito naging si Shadow? She could see the jawline. Clean and shaved. Mukhang bagong ahit lang din. Ngunit bago pa niya maingat ang buong maskara ay may lumapit sa kanya. “Ahm, excuse me, Miss G. I am here to fetch Mr. Shadow and bring him
Nakagat ni Georgina ang pang-ibabang labi. “Sige, naiintindihan ko. Kumusta siya? Malubha ba ang kalagayan niya?” “Huwag kang mag-alala. Mild concussion lang ang nangyari sa kanya. Bukod sa koting galos sa noo at braso ay wala na siyang ibang natamong sugat.” Nakahinga nang maluwag si Georgina sa narinig. Wala naman pala siyang dapat na ipag-alala. Maya-maya pa ay narinig niya ang isang batang babae na umiiyak habang papunta sa nurse’s station. Biglang naalala ni Georgina ang sarili sa batang nakikita niya. Noong bata pa siya at iniwan siya ng kanyang ina sa ospital. Marahil ay naawa siya sa bata dahil nakikita niya ang sarili rito kaya sinundan niya ito nang lumampas ito sa nurse’s station at dumiretso sa emergency room habang sinusundan ang stretcher na may sakay na isang babae. Narinig niya ang report na ginawa ng nurse. “Emergency blood transfusion. Maraming dugo ang nawala sa kanya dahil sa aksidente.” “Mama! Mama! Mama!” patuloy sa pag-iyak ang bata habang nakaupo na ito sa
Warning:This chapter contains words that might be offensive for others. (abortion)******Ilang araw matapos ang World Hacker Con ay napagpasyahan ni Georgina na bumisita sa mga Malvar. Pero bago niyon ay inalam niya ang kalagayan ni Shadow kung hindi ba ito pinagsamantalahan ng ibang tao dahil sa kalasingan nito pero nang malaman na maayos ang lagay nito ay naging kampante ang loob niya. Sa maikling sandali na pag-uusap nila ni Shadow ay marami silang napagkasunduan ng mga ito. Ang isa pang inalala ni Georgina ay ang ina ng batang tinulungan niya. Ayon sa nurse na nakausap niya bago umalis sa ospital ay maayos na ang lagay nito. Pero ang hindi alam ni Georgina na ang ginawa niyang pagtulong sa babaeng iyon ay magkakaroon ng impact sa kanya sa susunod. Sa ngayon ay masaya siyang nakikipag-usap sa kanyang lolo’t lola. Kung sa mata ng iba ang tingin sa kanya ay isa lamang siyang impostor at ampon, pero kay Georgina, bawat minutong kasama niya ang mag-asawa ay tini-treasure niya. Ang
Sumunod si Georgina kay Nolan hanggang makarating sila sa tapat ng operating room na magsasagawa sa kanya ng operasyon. Habang nasa daan sila, ipinaliwanag ni Nolan sa kanya na isa sa mga investors ng ospital ang pamilya Farrington kaya naman pala pribadong na-book ni Fredrick ang operating room sa west wing ng ospital. Nang makarating sila ay nakita niyang wala roon si Fredrick pero may naghihintay kay Georgina doon na walang iba kundi si Celeste. Nang makita nga siya nito ay may nakapaskil na ngiting-tagumpay sa labi nito pero nang nilingon nito si Nolan ay biglang nanlambot ang ekspresyon nito na tila ba naawa.“Kuya Nolan, sigurado na ba talaga kayo sa desisyon niyo tungkol sa bata? Hindi man lang ba kayo naawa?” kunwari ay naaawang sabi ito pero rinig ni Georgina ang pangungutya sa boses nito. “Miss Celeste, napag-usapan na ito ng iyong kuya at ni Miss Lucindo. Pareho silang pumayag kaya wala ka nang dapat alalahanin.”Patuloy ang pagtulis ng nguso ni Celeste. “Kuya Nolan, pwed
“Mommy, Griffin wants to fly a kite. Bilhan mo ako please…”Nagising si Felix nang marinig ang mahihinang bulong ni Ollie habang katabi niya itong matulog. Noong una ay hindi niya maintindihan kung ano ang sinasabi ng bata pero nang inulit nito ang salita ay saka lang niya naintindihan. Pero si Griffin? Nagtatakang tanong niya sa sarili. Itinukod niya ang ulo sa palad at pinagmasdan ang anak. Silang dalawa lang ang nasa kuwarto dahil nasa kabilang kuwarto natutulog si Olivia. “Mommy… I want you and Galya. And kuya Santino too…”Nangunot ang noo ni Felix at lalo pa iyong hindi maipinta nang marinig ang pangalang binanggit ni Ollie. Santino? Bakit pamilyar sa kanya ang pangalang iyon? Sa labis na pag-iisip ay sumakit ang ulo niya at ilang imahe ng bata na halos tatlong taong gulang ang sumagi sa kanyang isip. The images were so vivid that he could imagine the child’s face and feel his lovely smile. Hindi na siya nagtaka kung may kinalaman iyon sa nakaraan niya. He really wanted to k
***“Ollie! Why did you take so long to pick up your kite?”Isang estrangherong babae ang lumapit sa harapan ni Griffin at huminto sa harapan niya. Batay sa mukha nito ay mukhang galit ito. Agad na nabalot ng takot ang bata at akmang tatakbo pasunod sa kanyang mommy Georgina pero mabilis siyang pinigilan ng babae sa braso.“Saan ka pa pupunta, Ollie? Naghihintay na sa atin ang daddy mo,” muling saad ng estrangherong bababe na lalong nagpataka kay Griffin. Sinong daddy ang tinutukoy nito. He doesn’t have a daddy…“Bitiwan mo ako! Kailangan kong puntahan si mommy!” Nagpumiglas siya sa pagkakahawak ng babae pero malakas ito at hindi siya nabitawan. “Mommy is here! Saan ka pa ba pupuna? Huwag ka nang makulit at naghihintay na sa atin ang daddy mo.”Ngunit mariing umiling si Griffin. “No, you are not my mommy. No!” Patuloy siya sa pagpupumiglas at kahit nagsisigaw ay walang tumulong sa kanya hanggang kargahin siya ng estrangherong babae hanggang sa may dumating na lalaki na nakaupo sa wh
“Fuck! Damn it!” Olivia mumbled angrily as her fist became tighter and tighter. Bigo na naman siya na amuin si Rhett. Kahit wala na itong alaala sa nakaraan ay malamig pa rin ang pakikitungo nito sa kanya. Sa loob ng limang taon nilang pagsasama ni isang beses ay hindi pa siya nito hinalikan at ang mas malala ay wala pang nangyayari sa kanila. Ang buong akala niya ay matitikman na niya ang lalaking mahal na mahal niya kapag gumaling na ito pero matigas pa ito sa bato. Ang gusto niya ay magkaroon sila ng sariling anak ni Rhett para tuluyan na itong mapasakanya at ang anak nito kay Georgina ay itatapon niya. Kaso, inabot na ng limang taon ang pagsasama nila ay wala pa ring nangyayari!Isang oras ang lumipas bago lumabas ng banyo si Rhett. Nakadamit na ito dahil nag-insist siya na iwan iyon sa loob para hindi na ito mahirapan. Agad itong nilapitan ni Olivia at pinangaralan. “Felix, mag-asawa na tayo. Kung ano man ang imperfection mo sa katawan ay kaya ko iyang tanggapin. But why didn’t
Next:“Felix, we’re here!” Malakas na tawag ni Olivia sa asawang si Felix pagkapasok nila sa presidential suite ng hotel na tinutuluyan nila habang nasa Pilipinas. Nang hindi sumagot ang asawa ay binalewala niya iyon at inisip na baka natutulog sa kuwarto. Magkahiwalay ang kuwarto saka ang living room kaya nang makita na wala roon si Felix ay hinayaan niyang mag-isang maglaro si Ollie saka dumiretso sa loob ng kuwarto. Tama nga ang hinala niyang naroon ang asawa pero mali siya dahil hindi ito natutulog. Nakatanaw lang ito sa labas ng bintana at tila tulala habang may malalim na iniisip. “Felix, what are you doing?”Hindi lumingon ang lalaki at nanatili sa pagkakatingin sa labas ng bintanang salamin. Madilim na kahit kakatapos pa lang ng takip-silim at ang nagkikislapang ilaw galing sa karatig na gusali at mula sa trapiko sa kalsada ay nagre-reflect sa kanyang mata. Pero ang tanging nararamdaman niya ay kahungkagan ng damdamin. Tila may kulang. At habang nakatitig sa labas ng bintana
Tuluyang napahinto sa paglalakad si Georgina at napatingin na lamang kay olivia habang pilit nitong pinapatahan ang batang karga na hanggang ngayon ay hindi pa rin tumitigil sa pag-iyak. Hindi siya nito napansin. Ang ipinagtataka niya ay bakit kahit iyak na iyak ang bata ay nakasuot pa rin ito ng mask. Ilang sandali pa ang lumipas bago siya nakita ng babae at nagtagpo ang mga mata nila. Nagulat pa ang babae nang makita siya nito pero agad iyong nawala at napalitan ng ngiti bagama’t pansin ni Georgina ang paghigpit ng pagkakahawak nito sa kamay ng bata na ngayon ay nakatayo na sa tabi nito. Bumaba ang tingin niya sa batang lalaki at bumilis ang tahip ng puso. Kasing tangkad ito ni Griffin, ang pangalawang anak niya. “Georgina!” biglang tawag ni Olivia sa pangalan niya kaya iniwas niya ang tingin sa bata at inilipat kay Olivia na may pekeng ngiti sa labi. “Hindi ko akalaing sa pagbabalik namin sa Pilipinas ay ikaw agad ang una kong makikita. Mukhang tinadhana talaga tayo, do you agre
“Hindi ko sinasabing ang isang babaeng kagaya mo ay naiintindihan kung ano ang nangyayari sa kumpanya. Ano ba ang alam ng isang probinsyanang katulad mo?” Ang unang kumontra kay Georgina ay isang matandang lalaki na puro puti na ang buhok. Mukhang ito ang lider ng oposisyon sa pamamalakad ni Rhett. “Kung nawawala pa ang asawa asawa mo, na hindi naman namin alam kung kailan babalik, dapat lang na kailangan mong mamili ng bagong presidente sa isa sa aming shareholders. Wala kang ni singkong duling na porsyento sa kumpanyang ito kaya ano ang karapatan mong umupo diyan sa upuan ng presidente?” The old man snorted and huffed after talking for so long. Mahinang napatawa si Georgina at nanatili sa relax na pagkakasandal sa upuan. “Walang karapatan, huh? Kung wala kang objection na si Rhett ang presidente ng kumpanyang ito well, I’ll tell you what. Asawa ako ng presidente at may-ari ng kumpanyang ito. Habang wala ang asawa ko ay ako ang mamalakad sa kumpanya niya.”Isa na namang shareholder
Five years later:Bago pumunta sa shareholders meeting ay nakipagkita muna si Georgina kay Rick. Nasa mansyon ng mga ito ang kaibigan kasama ang asawa nitong si Dr. Lacsamana na noong nakaraang buwan lang nila nailigtas mula sa kamay ng RDS. Kakabalik lang ng dalawa sa Maynila galing sa isla Thalassina dahil doon nagpapagaling ang kaibigan. May tama ito sa tiyan at mabuti naman malayo daw sa bituka nito kaya mabilis itong gumaling. Nitong nakaraang tatlong taon ay sumasama si Georgina sa mga misyon ng CSS basta bandang Africa ang trabaho nila at nagbabakasakaling masulyapan si Rhett. Tatlong taon na ang nakararaan mula nang umalis ito pero hanggang ngayon ay hindi pa rin ito bumabalik. Ang huling impormasyon na nakuha nila ay nakapasok ito sa teritoryo ni Mr. Tai at kitang-kita rin nila kung paano ito hinagupit ni Mr. Tai ng latigo. May suot na maliit na camera si Rhett sa butones ng polo nito at iyon ang ginamit ni Rick upang ma-hack nila ang network sa mansyon ni Mr. Tai ngunit mat
Dalawang araw ang lumipas matapos ang nangyaring pagkawala ni Gaele at hanggang ngayon ay malumbay pa rin si Georgina. Nakalabas na sila ng ospital at nagpapagaling sa bahay. Kahit labis siyang nasaktan sa pagkawala ng anak ay kailangan pa rin niyang magpakatatag para kay Galya at Griffin. Kahit mag-iisang buwan pa lang ang dalawa ay tila ramdam na ng mga ito ang pagkawala ng kapatid lalo na sa gabi na silang dalawa lang ang magkatabing matulog. Malakas ang paniniwala ni Georgina kay Rhett na maibabalik nito ang panganay nila. Kung aabutin man iyon nang matagal ay maghihintay siya. “Rhett…” mahinang tawag ni Georgina sa asawa habang nakahiga sa kama at nagpapaantok. Kakapatulog lang niya sa dalawang sanggol na nasa loob lang din ng kuwarto at nakalagay sa malaking crib. Dahil wala na siyang tiwala na mapahiwalay siya sa mga anak niya ay sa kuwarto nila ni Rhett pinalagay ang crib para bantay-sarado niya ang dalawa. “Hmm?” sagot ni Rhett. Mula nang malaman nito ang tungkol sa pagkaw
Dalawang linggo na ang nakalipas matapos manganak ni Georgina at makaligtas si Rhett sa kamay ng kapatid nang dineklara ng doktor na pwede nang ilabas mula sa NICU ang mga anak niya. Dahil parehong nasa ospital ang dalawa ay iisang kuwarto na ang kinuha nila upang sabay na magpagaling at doon ay pinag-usapan na rin nila ang nakaraan nilang naging problema. Ang inaalala lang ni Rhett ay ang naging reaksyon ni Mr. Tai dahil sa pagkakasama nila ni Georgina. Ilang beses na rin itong nagpadala ng warning sa kanya na iwasan niya si Georgina pero hindi siya nakinig at patuloy pa rin siya sa pakikipaglapit sa asawa. He loves her so much that even a second apart from her is torture. Bagama’t may misyon siyang sagipin ang nanay nito ay hindi pa rin niya sinasabi sa asawa ang tungkol dito hangga’t hindi niya naiiuwi sa Pilipinas ang ina nito. “Rhett, are you sure na kaya mo nang maglakad at hindi mo na kailangan ng wheelchair?” Ito ang pangtatlong ulit na tanong ni Georgina kay Rhett habang n