Next:“Fuck!” “Griffin, baby. Stay hidden and close your eyes until I said so, okay?” habang nilalabanan si Olivia ay hindi niya nakalimutan na lingunin si Griffin at paalalahanan. “And cover your ears!” pagkasabi niyon ay sinugod niya ang lalaking tauhan na pinapasok ni Olivia. She carried him over her shoulder and slammed him onto the ground before taking out his silenced gun and shooting his ear. Rinig niya ang mahinang impit ni Griffin pero hindi niya ito binigyan ng pansin dahil may isa na namang tauhan na pinapasok si Olivia. Mabilis siyang tumayo at agad na sinipa ang nakauma nitong kamay na akmang babarilin siya. Tumilapon ang hawak nitong baril at sinamantala iyon ni Georgina para barilin sa noo ang lalaki. Ilang tauhan na ang pinapasok ni Olivia pero lahat ng iyon ay hanggang sa pintuan lamang dahil pinipigilan ito ni Georgina para hindi ng mga ito malapitan ang anak niya. Kahit mag-isa lang siyang lumalaban ay hindi niya hahayaang makuha ng mga ito ang anak niya. “Scared
Next:Dinura ni Rhett ang dugo mula sa pumutok na sulok ng labi sa mukha ni Mr. Tai nang sinuntok siya nito ng hawakan ng baril bago iyon itinutok sa kanya. “Akala mo hindi ko alam na may kontak ka sa labas? Heh! Magaling!” Muli siyang malakas na sinuntok ng baril ni Mr. Tai. “Ang taong tinulungan ko noon para takasan ang taong gustong pumatay sa ‘yo ay tinaraidor na ako ngayon!” Isang malakas na sampal muli ang ibinigay ni Mr. Tai sa kanya bago nito pinahid ang dura sa mukha nito. “Ano ngayon kung bumalik na ang alaala mo, ha? Sa tingin mo ay makakatakas ka pa? Sa tingin mo ay tutulungan ka ng dati mong kaibigan na tinaraidor mo?”Kahit ano’ng pangungutya ang sinabi ni Mr. Tai ay hindi umimik si Rhett. Alam niyang gusto nitong sirain ang pagiging kalmado niya upang mawalan siya ng kontrol at lumabas ang tunay na pagkatao niya pero hindi niya ito hahayaang magtagumpay. “Your woman and son’s lives are mine. Sa tingin mo ba ay hahayaan ng anak ko na makatakas ang asawa mo?” Hindi na
Next:“G, team Alpha and Team Bravo had entered the perimeter,” imporma ni Rick kay Georgina. Natauhan naman siya sa pagkakatunganga sa harap ng computer. Isang oras na siyang nagbabantay sa harap ng monitor screen habang naghihintay na makapasok ang kasamahan niya nang mahagip ng mata niya si Rhett ay nasa basement ito at tinoto-torture ng tauhan ni Mr. Tai.Hindi na naman niya mapigilan ang galit at mariing naikuyom ang kamao. Gusto na niyang sugurin ang mga ito pero hindi pwede hangga’t walang malinaw na status ng kanyang back-up. “G?” muling tanong ni Rick. Ang mga kasamahan niya ay sinisid ang pinanggalingang isla nang halos isang oras hanggang makapasok ito sa area ng isla ni Mr. Tai mula sa binuksan niyang gate sa ilalim ng dagat. Kahit nakapasok na ang mga ito ay hindi pa rin basta-basta makatapak sa isla dahil sa mga watchtower na nakapalibot na halos limang-daang metro lang ang agwat sa isa’t isa. “I heard you, Charlie. All teams proceed to the back of the island. Mabat
Next:“Stop! Stay where you are!”Hininto ng driver ang malaking bangka na nagkakarga ng mga supply sa tapat ng daungan nang biglang nagsalita ang dalawang guwardiya na nagbabantay doon. Hindi siya kumilos dahil tinutukan siya ng mga ito ng baril. Imbes na alas-tres ng hapon ay alas-onse ng gabi na nakarating ang bangka dahil sa paglaki ng alon at delikado ang pumalaot. Kaya siguro hindi siya nakilanlan ng bantay dahil medyo may kadiliman ang paligid. “Ano’ng dala mo?” Kahit natatakot ay nanginginig na sumagot ang driver ng bangka saka isa-isang binuksan ang wooden crates at hinayaan ang mga bantay na inspeksyunin iyon habang siya ay nakatayo na sa pantalan. Iba-iba ang laman ng bawat kahon. Mayroon bigas, de-lata, gulay at frozen meat bukod pa sa mga sariwang karne na nakalagay sa ice box. “Ano’ng laman nito? Bakit ang laki?” Bahagyang natigilan ang driver nang makita na itinuro ang partikular na kahon. Iyon ang pinakamalaki sa lahat na may tangkad na isang metro at lawak na isa
Next:“Hawak nila ang anak ko, Rick!” Hindi mapigilan ni Georgina na tumaas ang boses nang marinig ang sinabi ni Rick. Hindi siya nito gustong sumama sa pagsugod sa pinagtataguan ni Mr. Tai dahil pairalin niya ang emosyon at hindi magtatagumpay ang misyon. “G, calm down,” saway ni Kraven. Nasa tabi niya ito at tinapik ang kanyang balikat upang pakalmahin. Sunod-sunod na napailing si Georgina. “Paano ako kakalma? Nasa bingit ng panganib ang buhay ng anak ko!”Nasa hide-out sila ngayon ng CSS sa isla Thalassina upang pagplanuhan ang pagsagip kina Rhett. Kasama niya ang tatlong bata pati na rin si Rizza upang gawing tagabantay. Samantalang naiwan sa siyudad sina Tony at Vaia, kasama na rin ang kapatid niyang sina Jerome at Fredrick na walang kaalam-alam sa nangyari. Upang hindi mapahamak ang mga ito ay nagtalaga siya ng mga bantay upang sekretong bantayan ang mga ito, bukod pa sa bodyguards mismo ni Fredrick at Jerome, baka ito ang pagbalingan ni Mr. Tai. Nakatanggap sila ng balita mu
Next:Bago pumunta sa lungga na pagtataguan si Mr. Tai ay dumaan muna ito sa hotel na tinutuluyan nina Rhett at Olivia. Tulad ng dati ay hindi pa rin maganda ang ipinapakita ni Mr. tai kay Rhett pero binalewala iyon ng lalaki at patuloy sa pagpapanggap na sunud-sunuran siya rito. “What a useless man. Bakit ba ipinagpilitan mo ang sarili mo sa kanya, Olivia? Marami ang nagkakadarapa sa ‘yo na mas mayaman at mas makapangyarihan na kaya kang ipagtanggol sa anong gulo at hindi lumpo! Ni hindi man lang kayang sunduin sa airport ang father-in-law niya?”Yumuko si Rhett dahil sa mapang-insultong salita ni Mr. Tai pero tumaas ang sulok ng kanyang labi. Tama ‘yan, Mr. Tai. Persuade your daughter to leave and find another man to torture. Binibigyan ko siya ng isa pang tsansa na makalayo dahil kung hindi ay mananagot siya sa aking asawa. “Hindi ka sumama sa airport dahil sinabi mong may sakit ka pero sa tingin ko ngayon sa ‘yo ay mukhang ayos ka naman. Nagdadahilan ka lang ba para insultuhin a
Next:“Felix? Are you inside?” muling tawag ni Olivia nang hindi sumagot si Rhett. Naka-lock ang pinto kaya naman hindi agad iyon nabuksan ng babae kung hindi ay pareho silang mananagot ni Georgina. Mabilis niyang hinawakan ang magkabilang pisngi ng babae at siniil ng malalim na halik ang labi nito saka bumitaw. “I’ll contact you soon, okay?” mahinang anas niya saka tinulungan si Georgina na ikabit ang carabiner hook sa lubid na nasa labas ng bintana. Kasyang-kasya ang isang adult na tao sa bintana kaya doon dumaan si Georgina. “I will wait for your message, Rhett. Please, don’t MIA on me again. Huwag mo akong pag-aalalahanin na baka mawawala ka na naman. Masaya na ako ngayon na nakikita ka kahit hindi pa tayo nagkakasama. Promise me, okay?” bago ito tuluyang mawala sa paningin niya ay may pahabol pa ito habang nakakabit ito sa labas ng bintana saka may inabot sa kanyang satellite phone. Ito ang kontak na gagamitin nila upang maiwasan ang na may maka-intercept nang usapan nila ni Ri
Next: Ang sumunod na araw ay ginugol ni Georgina sa pag-aalaga sa mga anak habang hinihintay ang araw ng pagdating ni Mr. Tai. Nang gabing iyon ay muli niyang binalak na puntahan si Rhett sa hotel pagkatapos ng salo-salo nila sa isang restaurant kasama sina Jerome at Vaia, Tony at Nathalia; na sa wakas ay naging mag-jowa na, saka si Duncan na pinilit ang sarili na sumama sa kanila. Kahapon ay magkasama sila ni Duncan dahil may bagong proyekto silang pinag-uusapan at tulad ng dati ay mapilit pa rin ang lalaki na ito na lang ang pagbalingan ni Georgina ng atensyon na mariin pa rin niyang tinanggihan. Ngayon pa ba siya bibigay kung kailan malapit na silang magkakabalikan ni Rhett? Sa pagkakataong ito ay sa bintana siya ng banyo dumaan dahil dinig pa niya ang boses ni Olivia sa loob ng kuwarto mula sa nakabukas na glass door papuntang terrace. Kahit alam niyang delikado ang ginagawa niya ay hindi siya natatakot basta makita lang si Rhett. Habang naghihintay sa loob ng banyo ay naala
Next: “Saan ka galing, Felix?” Hindi ipinakita ni Rhett ang pagkagulat sa mukha nang makita si Olivia na kakalabas lang ng kuwarto nito. Magulo pa ang buhok ng babae at halatang kakagising lang. Imposibleng sabihin ni Rhett na sa kusina o sa kuwarto siya galing dahil saktong kakasara niya lang ng pinto nang makita siya ni Olivia. Mukhang narinig nito ang pagbukas at pagsara niya ng pinto kaya siguro ito napabangon sa kama. “I’m taking in the morning air. Masiyadong maalinsangan ang hangin kapag tanghali kaya sinamantala ko ang pagkataong ito para umikot sa baba,” kaswal na paliwanag ni Rhett at pinaikot ang wheelchair sa direksyon ng kuwarto na inuukupa nila ng kanyang anak. Noong bumaba siya sa fifteenth floor kagabi ay tulak-tulak niya ang wheelchair at kanina, bago pumasok ay saka lang siya sumakay ulit upang hindi siya mahalata ni Olivia. Madaling-araw na sila natapos ni Georgina at kahit halos wala siyang tulog dahil matagal silang nag-usap ay hindi siya nakaramdam ng