LOGINNext:Hindi pa rin maipinta ang mukha ni YLena habang nasa biyahe siya papunta sa area na dapat niyang i-cover. Nasa labas iyon ng Maynila kaya naman kinailangan niyang bumiyahe ng halos isang oras para makarating doon kasama na ang traffic. Iritable na siya dahil ayaw niyang nasasayang ang oras niya lalo na sa traffic kaya naman nang makarating siya sa pupuntahan ay tanghali na at maraming ibang kilalang reporter na rin ang naroon. May ilang kakilala sa industriya si YLena na naroon na nakagaanan niya ng loob at masaya itong makita siya pero bigo ang mga itong makakuha ng scope. Ang tanging nakuha nilang impormasyon ay may isang may-ari ng lote na ayaw umalis sa lugar kahit pa nagsisimula na ang construction ng Castaneda Development Company, ang kumpanya na nakabili ng lupa upang gawing komersyal kapital ang lugar. Hindi pa alam ni YLena ang rason kaya naman naglungga siya roon at sinubukang kausapin ang lalaki pero ayaw nitong makipag-usap sa mga reporter. Hanggang umalis na lang
Next:Umiiyak pa rin si YLena nang puntahan niya ang likuran ng bahay kung saan itinuro ng kasambahay ang mga paintings na iniligpit nito. Bago pa man siya makalapit doon ay nasundan na siya ng mag-inang Palma at Amanda. Dahil sa nakitang kalagayan niya, luhaan at tila wala sa sarili dahil sa paghahanap sa painting, ay sinamantala iyon ng dalawa para pagtawanan siya. “YLena, you look crazy doing that. Bakit hindi mo pa tigilan ang paghahanap sa mga bagay na hindi naman na importante?”Hindi pinansin ni YLena si Palma at nagpatuloy sa paglalakad pero ang malakas na boses ni Amanda ang nagpatigil sa paglalakad niya. “YLena! Hindi mo ba narinig ang sinabi ni mama? Nagmumukha ka ng baliw sa ginagawa mo. Those are all trash. Bakit hindi mo na lang respetuhin kung ano ang gusto ni mama. Kahit hindi mo pa siya tunay na ina, siya pa rin ang bagong asawa ni papa. Kabilang na siya, kami, sa pamilya Carnegel! Magpasalamat ka at hindi ka pa niya sinipa paalis ng bahay na ito!”Luhaang nilingon
Next:Umangat ang isang kilay ni Griffin nang makita kung sino ang pumasok. Pumasok na sa kanyang isipan na si YLena nga ang gustong kumausap sa kanya pero hindi niya pero nasorpresa pa rin siya nang makita ito. “I thought it was someone else,” nakangising bati niya sa kakapasok pa lang na si YLena. “Kaya pala naiiba ka sa lahat dahil ikaw na mismo ang nag-imbita sa sarili mo para pumasok dito, huh?” biglang nawala ang ngiti niya at naningkit ang mata. “Miss Ylena, you are really something. Daring to use such gossip to blackmail me?” Alanganin na napangiti si YLena. Griffin has the right to get angry because of her bad approach. “Alam kong hindi ako makakapasok sa kumpanya mo kung hindi ko iyon sasabihin. Pero sana ay maniwala ka na wala akong masamang intensyon. Gusto ko lang sanang makausap ka…”Nanatili ang matalim na tingin ni Griffin kay Ylena. Na para bang ang masayang pag-uusap nila noong nakaraang gabi sa bahay ng dalaga ay hindi nangyari. “So, ano ang gusto mong sasabihin
Next:Abala si Griffin sa pagbabasa ng papeles na kailangan niyang pirmahan dahil malapit na ang katapusan ng buwan, nang muling bumukas ang pinto ng opisina na wala man lang paalam. “Hindi ba at sinabi ko na ‘wag mo muna akong istorbohin, Lucy?” tanong niya sa sekretarya pero nanatiling nakayuko at abala sa pagbabasa ng papeles. Nang walang sumagot ay napilitan siyang ilapag ang papeles at tumingala pero pero nawalan ang iritasyon sa mukha nang makita si Sheena. “Sheena, ano’ng ginagawa mo rito? Hindi ba at mayroon kang interview?”Malawak na ngumiti si Sheena. “Natapos ko na kaya naman pinuntahan kita rito at dinalhan ng pagkain!” Inilapag nito ang dalang container sa mesa kung saan halos puno ng nagkalat na papeles. Griffin smiled helplessly while tapping the container. “Hindi na ako bata para dalhan mo pa ng pagkain.”Hindi nawala ang ngiti ni Sheena dahil sa sinabi niya. “Griffin, sweets make people happy. Kaya dinalhan kita ng dessert na paborito mo. Sigurado akong mawawala a
Next:Pagod na umuwi si YLena sa apartment na tinutuluyan. Napakalaki ng apartment na tinutuluyan niya at dahil mag-isa lang siya ay mas malawak iyong tingnan dahil sa lungkot. Hindi niya binuksan ang ilaw at gamit ang liwanag na mula sa sinag ng buwan at ang LED lights sa likod ng TV ay naglakad siya patungong kusina para kumuha ng tubig. Hindi niya maiwasang maalala ang kanyang namayapang ina habang nakasandal sa kitchen counter at umiinom ng tubig. “Ma, alam mo ba kung ano ang nangyari ngayong gabi?” napaismid siya. “My father wronged me again. Pinagbintangan na naman niya akong gumawa ng mali dahil lang sa haliparot na mag-inang iyon na hindi ko alam kung saan kumuha ng lakas ng loob para ipahiya ako sa harap ng mga bisita, lalo na sa mga kaibigan mo. Ang lungkot-lungkot ko ngayon, ma. I missed you so much. Would you mind visiting me in my dreams? I want to see you, ma.”Hindi pa rin nawala ang kanyang lumbay hanggang pumasok siya sa kanyang kuwarto at maligo. Kahit habang nakah
Next:“Hindi ba at hindi ka makasagot dahil totoo ang sinasabi ko, Ylena?” muling nang-uuyam na tanong ni Amanda kay Ylena. Napangisi ang dalaga. Ang totoo ay hindi na siya nagulat kung pararatangan man siya ng dalawa. Ang ipinagtaka niya lang ay ang video na sinasabi nito. Bagama’t alam niyang sa panahon ngayon madali nang mapeke ang mga videos, hindi pa rin siya makapaniwala sa kalakasan at kakapalan ng mukha ng mag-ina na sirain ang pagtitipon na ang kanyang ama mismo ang nag-organisa. Kaya naman, ang natitirang tao na naroon ay agad na nagpokus ang tingin sa kanya at alam ni YLena na hindi magiging maganda iyon sa reputasyon niya. “Palma, hindi ko akalain na hindi pala mapagkakatiwalaan ang anak ng asawa mo. Akala ko ba, isa na siyang propesyonal na reporter? Bakit kailangan pa rin niyang manguha ng gamit ng iba? Hindi ba niya afford?” Nagkatawanan ang iba pang naroon, lalo na ang mga taong naging kaibigan ni Palma mula nang maging asawa nito ang kanyang ama. Ngunit hindi ito







