Next Huli na nang dumating ang mga pulis sa venue dahil nakaalis na si Fredrick pati na rin mga suspect na pinadala ni Fredrick sa lungga nito. Bago ibigay sa mga pulis ay ilalagay muna ni Fredrick ang batas sa kamay nito kaya niya itinago ang dalawang suspek para kastiguhin at malaman kung sino ang nag-utos sa dalawa para saktan si Everest. Ang tanging naabutan ng mga pulis sa venue ay si Chammille at ang event manager na sinabing maayos na ang lahat at ang mga ito na ang nakipag-cooperate para sa imbestigasyon. Hindi agad tumungo sina Frederick at Everest kung saan ang dalawang suspek dahil dumiretso sila sa hospital para ipagamot ang nasunog sa asido niyang daliri. “Fredrick, ayos lang ako maliit lang na sugat ang natamo ko.” Kahit sinabi iyon ni Everest na puno ng assurance ay madilim pa rin ang mukha ni Fredrick. Nababadha pa rin sa mukha nito ang kinikimkim na galit. Ilang segundo matapos siyang magsalita ay hindi pa rin ito kumikibo pero hindi siya nagalit. Naiintindihan n
Next:Matapos maayusan sa dressing room na nakalaan sa kanya ay nagbigay na ng signal ang team ni Everest sa organizers ng event na handa na siyang lumabas sa stage. Nasa isang Arena ginanap ang fan meeting niya na naging posible dahil sa tulong ni Fredrick. Hindi niya akalain na marami pala ang nag-aabang na gusto siyang makita kaya naman maliit lang na venue ang kinuha nila pero nang malaman iyon ni Fredrick ay agad itong gumawa ng paraan para bigyan siya ng mas malaking venue. Pagkalabas niya ng stage ay halos maluwa siya dahil sa dami ng tao at punong-puno ang buong arena. Nagsigawan agad ang mga ito nang makita siya na kaagad naman niyang kinawayan. The opening number was for her to dance and sing to a popular song. Ito rin ang labis na nagustuhan sa kanya ng mga tao dahil hindi lang siya marunong umarte. Magaling din siyang kumanta at sumayaw kaya naman ilang variety show na rin ang nag-imbita sa kanya kaya mas lalo pa siyang naging kilala. “Maraming-maraming salamat po sa iny
Next:Hindi namalayan ni Everest na sa sobrang pagod niya ay nakatulog na pala siya habang nag-uusap pa rin sila ng asawa. Hindi rin niya namalayan na tinulungan siya ng asawa na magbihis. Kinabukasan, pagkagising ay wala na ito sa kanyang tabi pero nang makalabas siya ng kuwarto ay maingay na boses ng magkapatid na Gaele at Galya ang narinig niya. Nangingiting bumaba siya ng hagdan para lapitan ang mga ito. Mamaya pang hapon ang schedule niya para sa unang fan meeting event niyang gagawin. Excited na siya pero kinakabahan. Hindi lang ito basta fan meet. Magkakaroon din ng games para makihalubilo sa mga solid fans at isa pa, gagamitin niya rin ang event na ito para mag-promote ng kanyang bagong magazine na ilalabas sa susunod na buwan. “Oh, Everest. Gising ka na pala…” Si Lola Andrea ang unang nakakita sa kanya at agad siya nitong malugod na binati. Kailanman, kahit nalaman nito na minsan ay nagsinungaling sila ni Fredrick, hindi siya nito tinrato nang masama. Mas lalo pa itong nagi
“Tired?” mahinang tanong ni Fredrick nang makita si Everest na nakapikit sa sofa habang nakasandal ang ulo sa backrest. Kakabalik lang nila galing sa isang linggong bakasyon sa Milan kasama na rin doon ang pagpili ni Everest ng traje na susuotin nito sa kasal. Kinahapunan nga ay kaagad na sumabak sa trabaho si Everest para sa bagong commercial niyang gagawin. Pagkatapos noon ay may meeting pa siya sa photographer ng bagong magazine shoot niyang gagawin. Hindi lang katawan niya ang pagod kundi ang isip dahil ginugulo na naman siya ng pamilya. Magmula nang sumikat ang unang pelikula niya at makilala ang pangalan ay walang tigil ang mga ito sa pangungulit sa kanya para padalhan ito ng pera dahil kung hindi ay maglalabas ito ng kung ano-anong isyu tungkol sa kanya. Nagpapasalamat na lamang siya dahil maagap ang team ni Fredrick at laging nasusulosyonan iyon pero ayaw niyang lagi iyong nangyayari dahil naaabala ang asawa. Nagpadala na nga ito ng restraining order sa magulang niya na kung
Next: “Ano, Fredrick? Bakit hindi kayo makasagot? Totoo ba itong nalaan namin ng lolo mo? Niloloko mo lang ba kami ng pekeng kasal niyo?” Ang kaninang masayang mukha ni Everest ay tuluyan nang naglaho at napalitan ng pagkabalisa at pagkahiya. Ito na nga ang kinatatakutan niyang mangyari. Nalaman na ni lola Andrea ang totoo. Hindi niya alam kung ano’ng mukha ang ipapakita rito dahil maayos ang naging trato sa kanya ng matanda pero panloloko ang ibinalik nila dito ni Fredrick. Kahit may lipstick sa labi ni Everest ay ramdam pa rin niya ang pamumutla ng labi sa labis na kaba. Hindi niya alam kung paano sumagot kaya naman tumingin siya kay Fredrick upang humingi ng tulong dito. Naintindihan agad ni Fredrick kung ano ang ibig niyang sabihin kaya kinuha nito ang kamay niya at pinagsalikop ang kanilang daliri upang tanggalin ang agam-agam niyang naramdaman. Nginitian siya nito na puno ng assurance saka lang hinarap ang lola Andrea para sagutin. “Oo, inaamin ko, la. Noong una, ang plano
Next:Tumango si Fredrick na ikinaguho ng pag-asa ni Everest. “Why…” tanging usal niya. Humugot nang malalim na hininga si Fredrick saka ito nagsalita. Hinigpitan nito ang pagkakahawak sa kamay niya upang hindi siya makabitaw. “I did something dahil gusto ko lang protektahan ka. Nang marinig ko ang sinabi mong gusto kang pagsamantalahan ng lalaking iyon, hindi ko mapigilan ang galit ko kaya pinaghigantian ko siya. Pero may tao akong inutusan at ang taong ‘yun ang naghanap ng taong gagawa ng paraan para ika-aksidente ni Asher. Hindi nila alam ako ang pasimuno niyon. But Monique made lies out of it dahil kilala niya ako. Alam niya kapag may taong kumanti sa pamilya ko, o sino mang mahal ko sa buhay, ay siguradong gaganti ako. Kaya naman nagpagawa siya ng fake video na may ginagawa akong katarantaduhan sa kotse ni Asher.”Sandali itong napatahimik at napahigpit ang hawak sa manibela. “That video went trending online, attacking me and my company. Maraming investor ang nagpull-out at bu