Home / Romance / Blind Date Gone Wrong, The Hottest Billionaire Became My Fia / Chapter 65: G is jealous/ went off to let out some steam

Share

Chapter 65: G is jealous/ went off to let out some steam

Author: SQQ27
last update Huling Na-update: 2024-12-27 21:43:29

Next:

Hindi alam ni Georgina kung saan siya napadpad basta ang alam niya ay wala siyang tigil sa paglakad-takbo at kahit nananakit na ang paa niya hindi siya tumigil. Walang gaanong tao sa kinaroroonan niya at ang agwat ng mga bahay ay malalayo. Sa kabilang dako ng kalsada ay masukal na kagubatan.

“Heh! Surpresa pala, huh?” mapait na bulong niya. Pasalampak siyang umupo sa tabi ng kalsada, tinanggal ang sapatos na suot at inilagay sa tagiliran saka tahimik na lumuha.

Nasasaktan siya sa nakita. Nagseselos siya, aaminin niya pero hindi niya iyon pwedeng ipakita kay Nathalia o Rhett. Hindi niya puwedeng ipakita ang totoo niyang nararamdaman dahil kahinaan iyon. Sa walang taong kalsada ay dito siya magmumukmok at tahimik na iiyak. Kahit ang poste ng ilaw sa kalsada ay nakikisabay sa pagdamdam niya. Sabayan pa na unti-unting pumatak ang ulan.

Muli siyang napatawa. May nagawa ba siyang kasalanan sa dati niyang buhay para parusahan siya ng ganito? Kahit lumalakas ang buhos ng ulan ay hind
Patuloy na basahin ang aklat na ito nang libre
I-scan ang code upang i-download ang App
Locked Chapter
Mga Comments (3)
goodnovel comment avatar
SQQ27
Good evening
goodnovel comment avatar
SQQ27
Updated na po
goodnovel comment avatar
Luna Lameg
gud evening
Tignan lahat ng Komento

Pinakabagong kabanata

  • Blind Date Gone Wrong, The Hottest Billionaire Became My Fia   Chapter 284: Agreed

    Next:“Fredrick!?” Sa labis na gulat ay hindi na alintana ni Everest kung tinawag niya si Fredrick sa pangalan nito. Muli niyang isinuot ang t-shirt na akma sanang huhubarin at agad itong hinarap.“Hindi ka ba marunong kumatok? Bakit bigla-bigla ka na lang pumasok?” akusa pa niya na tila ba pagmamay-ari niya ang kuwarto. Ang buong akala niya ay sa study ito didiretso tulad ng lagi nitong ginagawa kaya hindi niya inakalang susunod agad ito sa kanya.“This seems to be my room? Kailangan ko ba ng permisyon para pumasok?” Nakataas ang isang sulok ng labi na tanong nito habang ang mata ay halos pumikit sa pagkakangisi. Nakagat ni Everest ang pang-ibabang labi at napakamot sa batok nang maalala kung sino ang tunay na may-ari ng kuwarto. “Ah… pasensya na. Bigla kong nakalimutan na nandito na nga pala ang lolo at lola mo at kailangan nating umakto bilang tunay na mag-asawa.”Hindi pa rin nawawala ang ngisi sa labi ni Fredrick nang isinara nito ang pinto at sumandal doon. “Huwag kang mag-alala

  • Blind Date Gone Wrong, The Hottest Billionaire Became My Fia   Chapter 283: Let's make a baby

    Next:Mahinang napatawa si Fredrick nang makita kung paano siya napasandal at nawalan ng sasabihin. “Just kidding.” Tumayo ito nang tuwid saka matiim pa rin siyang tinitigan. “I’m sorry. Katulad ka ng kapatid ko. Hindi basta paaapi at kailangan lagi may ebidensya para hindi maakusahan ng mali.” lumabas ito ng kusina upang tumungo sa itaas. Palihim na bumuga ng buntong-hininga si Everest nang wala na ang lalaki sa harapan niya. Hindi niya maintindihan kung bakit pero halos hindi siya makahinga dahil sa pagkakalapit ng katawan nila ni Fredrick. Pero nagpapasalamat siya dahil marunong itong tumanggap ng pagkakamali at humingi ng tawad sa kanya kahit hindi naman kailangan dahil nagbibiro lang naman siya. Dahil parehong hindi pa sila nakapagtanghalian ni Fredrick ay nagpasya si Everest na maghanda ng makakain at pagkatapos ay kinatok niya ang lalaki sa study nito at inayang kumain na pinaunlakan naman nito at sumunod sa kanya sa hapagkainan. “Hindi mo na kailangang maghanda ng ganito

  • Blind Date Gone Wrong, The Hottest Billionaire Became My Fia   Chapter 282: Done

    Next:Ang hindi alam ni Carmela ay naunahan siya nina Fredrick at Everest. Sinadya ni Nolan na bagalan ang pagmamaneho upang una sila makarating kaya naman naghihintay na sila sa pagdating ng babae. Lahat ng ito ay plano ni Everest dahil ayaw niyang mapahiya kay Fredrick at sa lolo’t lola nito. Nang makababa si Carmela mula sa sasakyan na minamaneho ni Nolan ay dali-dali itong pumasok sa loob at dumiretso sa kusina kahit pa ang paalam nito sa lalaki ay kukuha ng damit sa kuwarto ng matandang amo. Hinayaan naman ito ni Nolan dahil alam niyang naghihintay na rito ang kanyang amo. Nang makarating sa kusina ay agad niyang kinuha ang kaldero na ginamit kanina ni Everest, mabuti na lang dahil hindi pa naisalin ang natitirang laman niyon dahil nagkagulo na kanina sa biglang pag-atake ng sakit ng tiyan ng dalawang matanda. Kaagad niyang sinandok ang laman niyon para itapon at akmang itatapon nang biglang may nagsalita sa likuran niya kasunod niyon ang biglang pag-agaw ng kaldero sa kamay ni

  • Blind Date Gone Wrong, The Hottest Billionaire Became My Fia   Chapter 281: Who's the culprit

    Next:Mabilis na sumunod si Everest sa ospital kasama ang isa pang driver na naiwan. Habang nasa daan ay agad niyang pinadalhan ng mensahe si Fredrick na nakuha niya ang numero mula kay Nolan. Ipinaliwanag niya rito ang nangyari sa dalawang matanda at ang tanging reply nito ay magkita sila sa ospital. Puno pa rin ng pag-aalala si Everest hanggang makarating sila ng mayordoma sa ospital at maabutan sa emergency room ang mag-asawa na may nakakabit na suwero. Namumutla pa rin ang mukha ng mga ito sa labis na pagsusuka at pagtatae at halos mawalan na rin ng lakas. Mabuti na lamang at agad na dinala ang mga ito sa ospital at nabigyan ng infusion, kung hindi ay hindi niya alam kung saan ilalagay ang sarili dahil siya lang naman ang nag-prepare ng pagkain ng mga ito.Pero hindi maintindihan ni Everest kung paano nagkaroon ng food poisoning ang mga ito. Maayos ang naging luto niya at malinis siya magluto. Isa pa, walang ibang humawak… sa isiping iyon ay agad na bumaling ang kanyang tingin ka

  • Blind Date Gone Wrong, The Hottest Billionaire Became My Fia   Chapter 280: Poisoning

    Next:Kahit nakapunta na sa magiging kuwarto niya sa mansyon, sa mismong kuwarto ni Fredrick dahil doon siya inihatid ni lola Andrea, ay hindi pa rin maalis sa isip ni Everest ang sinabi ng matanda. She now understands why they pushed Fredrick onto a blind date with different women because they were thinking that her soon-to-be husband was gay. Nangingiting napapailing si Everest. “Paano magiging bakla ang lalaking iyon kung halimaw ang performance sa kama?” mahina niyang bulong habang nakahiga sa malapad na kama. Kasunod niyon ay ang pamumula ng mukha at pag-init ng pisngi dahil naalala ang gabing magkaulayaw sila ni Fredrick. That man is good, no–but a beast in bed. Kahit lasing siya ng sandaling may nangyari sa kanila ni Fredrick ay ramdam pa rin niya kung gaano ito kasarap katalik kaya sigurado siyang hindi ito bakla. Upang pigilan ang pag-iisip ng kung ano-ano ay bigla siyang bumangon at inikot ang paningin sa paligid. Ang kuwartong kinaroroonan niya ay walang sinabi sa laki n

  • Blind Date Gone Wrong, The Hottest Billionaire Became My Fia   Chapter 279: Gay?

    Next:“Hinahanap ko po si Fredrick…” mahina at puno ng respeto na sabi ni Everest nang makapasok sa loob ng malaking mansyon. Nakaupo at tila naghihintay roon ang dalawang matandang babae at lalaki na sa hinuha niya ay lolo at lola ni Fredrick ayon na rin sa postura ng mga ito. Inihatid lang siya ni Nolan at agad na rin itong umalis. “Ikaw ba si Everest? Ang gustong maging asawa ng apo ko?” Nagulat si Everest sa diretsang tanong ng lola ni Fredrick pero nang iminuwestra nito na umupo siya sa sofa ay masunurin siyang umupo. Nang masiguro na pamilya nga ito ni Fredrick ay lalo pang naging magalang si Everest para naman hindi iba ang impresyon ng mga ito sa kanya. “Magandang araw po sa inyo, lo, la,” magalang na bati niya. “Alam kong ikaw ang magiging asawa ng apo ko pero kailan man ay hindi ka pa nababanggit sa akin ng apo ko. Paano kayo nagkakilalang dalawa?”Agad na tinamaan ng nerbyos si Everest sa tanong na iyon ng lola ni Fredrick. Mabilis na umandar ang isip niya sa kung ano a

Higit pang Kabanata
Galugarin at basahin ang magagandang nobela
Libreng basahin ang magagandang nobela sa GoodNovel app. I-download ang mga librong gusto mo at basahin kahit saan at anumang oras.
Libreng basahin ang mga aklat sa app
I-scan ang code para mabasa sa App
DMCA.com Protection Status