Masuk"A-ano? Asawa? M-mag-asawa na kayo ng babaeng yan? K-kailan pa?""Two months ago pa," sagot ni Leon."Hindi! Hindi ako naniniwala!" sigaw ni Belle. "Sinasabi mo lang yan dahil gusto mong tanggapin ko siya, hindi ba?... Dream on!" At nagtatakbo siya palabas ng hotel. "Leon, hindi mo ba siya susundan?" "No. Pabayaan na muna natin siya. Lumaki siyang spoiled at sanay na nasa kanya ang atensyon ng mga taong kinalakihan niya. Kaya nga siguro ganoon siya ka-attached sa akin at kung bakit hindi niya matanggap ang tungkol sa ating dalawa. Let her grow para mag-mature siya."Bago tuluyang kunin ng mga pulis ay muling nakiusap ang tatlong babae."Please, Leon... H-hindi na namin uulitin. Alam na namin ang boundaries namin!" "Hindi niyo na talaga makakaulit dahil makukulong na kayo... Know your boundaries? Too late," malamig niyang sagot.Nakahulagpos ang isa sa pagkakahawak ng pulis at mabilis na lumuhod sa harapan ni Kiera. "K-kiera, nakikiusap ako sa iyo, hindi ako puwedeng makulong.
"Mr. Hawthorne, with this evidence, siguradong hindi na nila maitatanggi pa na sila nga ang kumuha sa serbisyo ng tatlong kidnappers na 'yun. Siguradong maghihimas sila ng rehas," wika ni Officer Richmond. "Pero Leon, gusto mo pa ba talagang humantong pa doon? Mga kaibigan mo rin sila, 'di ba?" tanong ni Gideon habang inaayos ang mga dokumento. "Kaibigan? Parang hindi mo naman ako kilala, Gid. Kailan ba ako nakipagkaibigan sa mga babae? Kung makikipagkaibigan man ako sa kanila, alam mo na siguro kung ano ang totoong pakay ko sa kanila. Nagkaroon lang naman sila ng koneksyon sa akin dahil parte ng social circle natin ang mga boyfriends nila.""Kung sabagay." Tumayo si Leon at inayos ang kanyang suit. "Okay, lalabas na ako. Baka naiinip na si Kiera sa paghihintay sa akin."Nang pabalik na si Leon ay nadaanan niya ang nagkukumpulang mga tao sa labas ng isang restroom. "Bakit ang daming tao dito?""Leon! 'Yung babaeng kasama mo, 'yung na-involve sa ano, um... basta 'yung kasa
"Ano? Mag-oorganize ka ng party at gusto mo akong pumunta?... Ayoko!""Kiera..." Hinawakan ni Leon ang kamay nito. "Need mong pumunta, dahil in-organize ko 'yun para sa'yo.""Leon, alam mo naman kung ano ang pinagdaanan ko kagabi, 'di ba? Sana tinanong mo muna ako.""Naiintindihan kita, pero hindi puwedeng magtatago ka lang matapos nung nangyari. Paano natin malilinis ang pangalan mo? Kung hindi ka lalabas, baka patuloy ka lang pag-isipan ng mga tao ng masama."Yumuko si Kiera. "E, kung 'yun ang gusto nilang isipin tungkol sa akin, may magagawa ba ako? Paano naman natin malilinis ang pangalan ko, sapat na bang sabihin ko lang na biktima lang ako? Paano kung hindi sila maniwala?"Hinila ni Leon si Kiera at niyakap. "Wala kang dapat ipag-alala. With me around, everything will go smoothly. Ang kailangan lang ay pumunta ka doon." "At ano naman ang gagawin mo, tatakutin mo sila para maniwala sila?"Nagtawa si Leon. "Silly..." Pabiro niyang pinindot ang ilong ni Kiera. "Inaasikaso na
"Belle, ayos ka lang?" tanong ng isang babae. Kasama ito sa social circle ni Leon, kaya maituturing na kaibigan din n'ya ito. Ngayon, ito at ang iba pang kababaihan na kasama sa circle nila Leon ay kaibigan na rin ni Belle."Oo nga. Kanina ka pa parang malungkot diyan. May nangyari ba?"Ngumuso ang dalaga. "Si Kuya Leon kasi, eh. Hindi na n'ya ako masyadong pinapansin at pinupuntahan. Siguro pinagbabawalan s'ya ni Kiera na makipagkita sa akin."Sumama ang mukha ng mga babae. "Siya na naman? Ano ba ang akala ng babaeng 'yan, na pag-aari n'ya si Leon?""Hay naku, kaya ayoko talaga sa babaeng 'yun, eh.""Ako rin.""Siguro oras na para turuan na natin s'ya ng leksyon?""Ano naman ang gagawin natin?""Bakit hindi natin sirain ang kakarampot na reputasyon na meron s'ya? She is just a sl*t kaya wala naman sigurong magiging problema kahit mahuli pa tayo ni Leon. Ganito ang gagawin natin..."Umupa sila ng tatlong lalaki para ipadukot si Kiera. Matapos itong kidnapin ay dinala nila ito sa
Palapit pa lang ang lalaki nang bigla na lang tumakbo ang sasakyan. Nagulat ito at ang kanyang mga kasama, lumundag sila para makaiwas sa disgrasya. Mabuti na lang at hindi pa nakakalapit nang husto ang lalaki, dahil kung hindi ay baka nahagip na siya nito. Kahit matataas ang mga talahib, at kahit hindi niya nakikita ang kanyang daraanan ay nagmaneho pa rin nang mabilis si Leon. "I'm sorry, Kiera. Are you alright?" Tanong niya nang marinig niya ang kalabog sa likod. "Damn, Leon! Bakit naman wala kang pasabi?" Galit na tanong ni Kiera habang bumabangon ito mula sa sahig. Nang patakbuhin ni Leon ang sasakyan ay nahulog ito kaya nagising ito. "Teka, anong oras na ba? Maliwanag na pala?" Aniya nang sumulyap siya sa labas. "Before checking the time, you should check yourself first if you're wearing anything." Nang mapatingin sa kanyang sarili ay saka lang namalayan ni Kiera na wala pala siyang saplot. Agad niyang tinakpan ang kanyang katawan. Nagtawa si Leon. "As if I haven't seen
Kunot-noong pumasok ng kuwarto si Leon. Pinasadahan niya ng tingin ang may kabalisahang si Kiera at ang nakasalampak sa sahig na si Belle. "Ano na naman ito?" 'Na naman...' Bumalik kay Kiera ang eksena noong mahuli siya nito sa aktong pananakit niya kay Belle. Naikuyom na lamang niya ang kanyang kamao, inihanda na lang niya ang kanyang sarili sa kung ano ang paniniwalaan ni Leon. Hindi tumayo si Belle. "Kuya Leon, it hurts." "Oh..." Sinulyapan lang ito ng lalaki, at dumiretso na sa mesa. Humila siya ng silya at naupo. "K-kuya Leon?" pagtataka ni Belle. "Yes?" Napamaang ang dalaga. 'Bakit wala siyang ginawa? Hindi ba't dapat pagagalitan niya si Kiera at tutulungan ako?' Kunwa'y hirap siyang tumayo na parang napilayan. "Kuya Leon, nasaktan ako!" "So? You deserve it. Why are you standing in her way in the first place?" Parehong nagulat sina Belle at Kiera. "K-kuya Leon, ano bang sinasabi mo? Bakit parang si Kiera pa ang kinakampihan mo? Hindi mo ba nakita? Sinaktan niya ako!"







