"Draft a marriage contract.""Para kanino po, sir?""For me, of course," sagot ni Leon habang may pinipirmahang dokumento.Natigilan sa kanyang ginagawa si Wendell at napamaang sa kanyang amo. "P-para sa inyo, sir?"Pinahagingan ni Leon ng tingin ang assistant. "Have you gone deaf? Mukhang kailangan ko na yatang magpalit ng assistant, ah.""I-I'm sorry, sir... Right away, sir. Heto na, gagawin ko na," at nagdudumali itong kumilos."Ganito ang ilagay mo..." Nagdikta si Leon. Nang wala na siyang maisip ay tinanong niya ang assistant kung ano pa ba ang mga dapat idagdag."Puwede bang malaman muna, sir, kung ano po ba ang dahilan ng marriage contract na ito? Dahil po ba sa... love?"Kumunot ang noo ni Leon. "Love? What a joke!" Binitiwan niya ang fountain pen at prenteng sumandal sa kanyang swivel chair. "We're both men, so alam mo na dapat kung ano ang dahilan, hindi ba? Hindi ko na kailangan pang sabihin sa 'yo.""Kung ganun, sir, dapat masulit niyo ang proseso ng kontrata habang naka
Last Updated : 2026-08-07 Read more