MasukNabulag si Kiera tatlong taon na ang nakalipas dahil sa isang car accident. Nang magising siya sa ospital, nakakakita na siya. Hinanap niya ang inakala niyang tapat na asawa para ibahagi ang magandang balita, ngunit nahuli niya itong nakikipagniig sa kanyang sekretarya. Heartbroken, nagtungo sa isang private bar si Kiera para maghiganti sa asawang si Randolf. Doon ay nakilala niya ang billionaire elite na si Leon. Nagkaroon sila ng one-night stand at magmula noon ay naugnay na sila sa isa't isa. Inalok ni Leon si Kiera ng marriage contract kapalit ng pagtulong sa kanya na mabawi ang mga ari-ariang kinuha ni Randolf. Ngunit kung kailan nagkakalapit na ang kanilang mga damdamin, saka naman eeksena ang pamilya ni Leon na ayaw kay Kiera. Pilit silang paghihiwalayin dahil may ibang babae silang gusto para kay Leon. Hanggang saan kaya mapapanindigan ni Leon si Kiera, kung ang buong pamilya niya ang tututol sa relasyon nilang dalawa?
Lihat lebih banyakNang magmulat ng mga mata si Kiera sa ospital, ay hindi siya makapaniwalang nakakakita na siya. Nagtataka man, ngunit masayang-masaya siya dahil ito na ata ang pinakamagandang nangyari sa buhay niya. 'Isa ba itong himala? Paanong nakakakita na ako? Hindi ba't ang sabi ni Doktor Rodriguez ay wala nang pag-asa ang mga mata ko?'
Hinanap niya ang asawa niyang si Randolf, ngunit wala ito doon. "Nasaan kaya si Randolf? Naku, dapat malaman niya ito. Siguradong matutuwa siya kapag nalaman niyang bumalik na ang paningin ko! Hindi naman ako nahihilo, wala din naman akong masyadong nararamdaman, kaya baka puwede na akong magpa-discharge?" Matapos makapagsabi ni Kiera sa doktor, ay pinayagan na siyang umuwi dahil wala namang nakitang malalang pinsala sa kanya. Tinawagan niya ang asawa niya, ngunit hindi ito sumasagot. 'Bakit hindi niya sinasagot? Nagmi-meeting pa rin kaya sila? Hindi pa rin kaya sila tapos?' Napanguso siya. 'Bigla na lang niya akong iniwanan sa loob ng kotse kanina dahil bigla daw nagkaproblema ang kumpanya, sabi ng assistant niya. Mas importante pa ba ang kumpanya kaysa sa akin? Ni hindi man lang niya chineck muna kung nakapatay ba ang makina bago siya umalis. Tuloy, bigla na lang tumakbo yung kotse. Mabuti't ito lang ang nangyari sa akin.' Bigla siyang ngumiti. 'Pero ayos na rin, dahil kung hindi ako nadisgrasya, baka habangbuhay na lang akong magiging bulag. Ito lang pala ang kailangan para makakita uli ako.' Three years ago, nang maaksidente si Kiera sa isang car crash. Napadaan si Randolf noon sakay ng motor bilang isang food delivery rider. Inilabas siya nito sa nag-aapoy na kotse at dinala sa ospital. Isang beses lang niya itong nakita dahil nabulag na siya paggising niya. Niligawan siya ni Randolf, at dahil sa pag-aalaga at pagmamahal nito sa kanya ay sinagot na niya ito. Hindi nagtagal ay nagpakasal na rin sila. Alam na alam ni Randolf ang trauma niya na maiwang mag-isa sa loob ng sasakyan, kaya medyo masama ang loob niya dito. 'Hayy... Randolf, kailangan mo talagang mag-sorry at bumawi sa akin.' Sa kabila ng kasalanan ng asawa, ay excited pa rin si Kiera na makita ito para ibahagi ang magandang balita. "Ano? Nasa bar siya, kasama ang ilang board of directors at ang sekretarya niya?" "Yes po, ma'am..." sagot ng assistant ni Randolf. "Um, ma'am, ano..." "Ano yun, Troy? May sasabihin ka pa ba?" "Kasi, ma'am... alam kong hindi ako dapat makialam sa inyo. Binalaan na rin ako ni Sir Randolf tungkol dito. Pero hindi ko talaga kayang magsawalang-kibo na lang, lalo pa't alam kong patuloy kayong niloloko, porke hindi kayo nakakakita." "Anong ibig mong sabihin, Troy? Puwede bang diretsuhin mo na ako? Pinapakaba mo naman ako, eh." "Pasensya na po, ma'am, kung hindi ko masasabi nang diretso... Nasa Eastwood Bar po ang asawa ninyo. Ang maipapayo ko lang po ay gamitin ninyo sana ang talas ng pakiramdam ninyo." Magkahalong excitement at kaba ang nararamdaman ni Kiera nang puntahan niya ang bar kung saan naroon ang kanyang asawa. Sa kabila ng sorpresa niya para kay Randolf, ay hindi pa rin niya maalis sa isipan niya ang sinabi ng assistant nito. 'Bakit ba kasi iniisip ko pa ang sinabi ni Troy kanina? Nasisira tuloy ang momentum ko.' Bago pa makapasok ng bar, ay nakita ni Kiera ang paglabas ng ilang miyembro ng board ng kumpanya. Susuray-suray ang mga ito, at malamang, dala ng kalasingan, ay hindi s'ya napansin o nakilala ng mga ito. 'Aalis na sila? Eh, nasaan ang asawa ko at si Nerissa?' Nagtanong siya sa isang waiter at itinuro naman nito kung saang kuwarto naroon si Randolf. Paghawak pa lang ng doorknob, ay natigilan si Kiera nang marinig ang pagsigaw ng babae sa loob. Nang buksan niya ang p***o, ay tumambad sa kanyang paningin ang mahalay na ginagawa ng kanyang asawa at ng dati niyang sekretarya. Napatakip siya sa kanyang bibig at agad kumubli, ngunit naiwanan niyang nakauwang ang p***o. 'H-hindi... Dinadaya ba ako ng mga mata ko dahil... ngayon lang ulit ako nakakita after three years?' Gustong itanggi ni Kiera ang kanyang nakita, ngunit ang mga pag-ungol at ang mga pagd*ing ng mga nasa silid ang sumisira sa kanyang pag-asa. Nanginginig siyang sumilip at sunod-sunod nang pumatak ang mga luha niya nang makumpirma niya. Walang duda, nagtataksil nga ang asawa niya kay Nerissa. 'Mga hayop kayo... Ang bababoy ninyo!' Hindi siya makapaniwala na nagawa ito ni Randolf sa kanya, gayong ang alam niya ay mahal na mahal siya nito. 'Paano mo nagawa sa akin ito, Randolf? Ako ang nagbihis at nagpakain sa iyo. Kung hindi dahil sa akin, delivery boy ka pa rin sana hanggang ngayon, tapos ganito pa ang igaganti mo sa akin?' Walang lakas ng loob si Kiera para sugurin ang dalawa, tila nanghihina din kasi siya sa masakit na katotohanang ito. 'Ito siguro ang tinutukoy ni Troy na hindi niya masabi-sabi sa akin, hindi ba?' Walang imik siyang umalis sa lugar na iyon. "Saan po tayo, ma'am?" tanong ng taxi driver nang basta na lang naupo si Kiera. Tulala lang ito. "Kahit saan." Napakamot ng ulo ang driver. "Eh, ma'am, hindi po puwede ang ganun. Saan ko po ba talaga kayo ihahatid?" Naikuyom ni Kiera ang mga kamay niya sa kanyang bag. 'Sa tatlong taon ng pagsasama namin, naging tapat ako sa kanya, pero nagawa pa rin niyang lokohin. Bakit hindi ko rin iyon gawin sa kanya para maging amanos kami?' Dahil doon ay nagpahatid si Kiera sa isang elite na bar. Bagaman hindi siya masyadong nakakapunta dito, ay meron naman siyang VIP passes na bigay ng isang business partner niya dati. Ang bar na ito ay tambayan ng mga anak-mayaman at mga personalidad na mahihilig sa hook-up. Pagpasok ay pinagtitinginan si Kiera dahil sa kanyang suot. Sa suot niyang knee-length at sleeve dress, ay conservative ang naging dating niya. Walang pakialam na nagtungo siya sa bar counter at naupo. "I want whiskey, double shot, line 'em up," agad niyang utos sa bartender. 'Wala akong pakialam kung malasing ako ngayong gabi. Ipapamukha ko kay Randolf na hindi lang siya ang lalaki sa mundo. Kung nagagawa niya akong pagtaksilan sa panahon ng kahinaan ko, magagawa ko rin yun sa kanya ngayong nagbalik na ang paningin ko!' Sa kasagsagan ng pag-inom ni Kiera, ay may bigla na lang pumigil sa kamay niya. Nang lingunin niya kung sino iyon, ay isang guwapong lalaki ang tumambad sa paningin niya. Ngumiti ito nang may kapilyuhan. "Hi, little beauty. Alone?"Sa party ay ramdam ni Kiera ang mga matang nakatutok sa kanya, ngunit hindi niya ito pinansin. Inisip niyang baka sa mga nag-uusyosong taong lamang iyon dahil maituturing na bagong mukha siya sa pagtitipon na iyon. Ang hindi niya alam, bawat pagkibot niya, pagkilos, pagngiti, at pagbuka ng kanyang bibig ay nakarehistro sa mga mata ng isang lalaking mag-isang umiinom sa malayu-layo. Nakamasid ito sa kanya. Hindi na matagpuan ang kasama nitong babae kanina dahil nainis ito sa kanya."Ma'am Kiera, magbabanyo muna ako, ha?" Paalam ni Troy. Nakarami kasi ito ng inom ng juice dahil sa kaba. Ito kasi ang kauna-unahang beses nito sa ganoong kabigating pagtitipon.Nang mawala si Troy ay naglapitan na ang ilang kalalakihang kanina pa gustong mag-usyoso kay Kiera."Hi, Miss..." Bati nila."Let us introduce ourselves first. I'm..."At isa-isa silang nagpakilala, ngunit wala ni isa sa mga pangalan nila ang naalala ni Kiera."Ngayon ka lang namin nakita sa mga ganitong party. Puro mga elite at
"Ma'am Kiera?" Tawag ni Troy dahil kanina pa siya kumakatok sa opisina ng kanyang amo ngunit walang sumasagot. Pinangahasan na niyang buksan ang pįntø, ngunit sumilip muna siya sa loob. Nang makita niyang nakatungo ang ulo nito sa mesa ay pumasok na siya. Dahil natapos na ang panggigipit ng lolo ni Leon kay Kiera, nagbalik na rin sa normal ang operasyon ng negosyo nito. At hindi lang iyon, dahil nag-e-expand na rin ito ngayon. Wala ito sa plano ni Kiera noon, ngunit ngayon ay tila may masidhi na itong pagnanais na mas lalo pang umangat at maging matagumpay ang negosyo niya. Kung anuman ang dahilan sa pagbabago ng kanyang desisyon, tanging siya lang at si Troy ang nakaaalam.Nang makita ni Troy ang pamumula ng mukha ng Kiera ay hinipo niya ang mukha nito. Kumunot ang noo niya nang makumpirmang inaapoy ito ng lagnat.Pinatay niya ang aircon at inilagay ang coat niya rito, pagkatapos ay tumawag siya ng doktor.Nang magising si Kiera ay nakahiga na siya sa sofa. Nahimas niya ang noo n
Sa pool party ay hindi ang misteryosong birthday celebrant ang pinagkainteresan ni Kiera, kung hindi, ang pagpunta roon ni Leon.Dahil pool party ang kanyang pinuntahan ay naka-swimwear din si Kiera. Hindi naman masyadong revealing ang kanyang suot ngunit sapat na iyon para umani siya ng atensyon sa mga kalalakihan doon.Sa kanyang paglalakad ay may mga lalaking nakahubad at naka-swimming trunks lang ang sadyang nagpapakita sa kanya ng motibo, ngunit ni isa man sa mga ito ay hindi niya binigyan ng pansin. Ang buong atensyon kasi niya ay nasa paghahanap sa isang lalaking ilang buwan na niyang hindi nakikita.Dahil sa atensyong natatanggap ni Kiera ay kina-insecure-an tuloy ito ng ilang kababaihang naghanda para sa pool party na iyon. Magaganda naman ang katawan ng mga ito ngunit wala silang naging panama sa alindog ni Kiera."Kilala n'yo 'yan?" tanong ng isang babae na kanina pa hindi maganda ang tingin kay Kiera."Hindi. Itatanong ko nga rin sana sa inyo kung alam niyo kung sinong
Walang ginawa sina Leon at Kiera sa probinsyang kinaroroonan nila kung hindi ang magsaya, kumain, gumala. Kahit mainit at tirik ang araw sa tanghaling tapat ay wala silang pakialam, magkahawak-kamay pa sila habang naglalakad sa mga kalsada. Sinasamahan lang sila ng isang local na tagaroon na nagsilbing guide nila.Kinahapunan ay tinuruan ni Leon si Kiera na lumangoy sa ilog."Sige, relax ka lang. Huminga ka lang nang normal at huwag mong ikuyom ang mga kamay mo. Hayaan mong kumalma ang katawan mo sa tubig.""Ganito ba?""Um. That's right."Dahil wala naman silang malay gawin ay nagtagal sila sa ilog, maghapong tinuruan ni Leon si Kiera na lumangoy. Hindi nga lang sila makagawa ng milagro doon dahil meron na silang guide na palaging nakasubaybay sa kanila, at hindi nila masabi kung hindi ba sila sinusundan nito nang palihim.Dahil iba ang buhay sa probinsya ay maagang pumipirmi sa mga bahay-bahay ang mga tao, kaya maaga ring nakakatulog sina Leon at Kiera. Sa mga sandaling yun ay d


















Maligayang pagdating sa aming mundo ng katha - Goodnovel. Kung gusto mo ang nobelang ito o ikaw ay isang idealista,nais tuklasin ang isang perpektong mundo, at gusto mo ring maging isang manunulat ng nobela online upang kumita, maaari kang sumali sa aming pamilya upang magbasa o lumikha ng iba't ibang uri ng mga libro, tulad ng romance novel, epic reading, werewolf novel, fantasy novel, history novel at iba pa. Kung ikaw ay isang mambabasa, ang mga magandang nobela ay maaaring mapili dito. Kung ikaw ay isang may-akda, maaari kang makakuha ng higit na inspirasyon mula sa iba para makalikha ng mas makikinang na mga gawa, at higit pa, ang iyong mga gawa sa aming platform ay mas maraming pansin at makakakuha ng higit na paghanga mula sa mga mambabasa.
Ulasan-ulasan