Chapter: Chapter >> 73 - Learning to Let Go "Ma'am Kiera?" Tawag ni Troy dahil kanina pa siya kumakatok sa opisina ng kanyang amo ngunit walang sumasagot. Pinangahasan na niyang buksan ang pįntø, ngunit sumilip muna siya sa loob. Nang makita niyang nakatungo ang ulo nito sa mesa ay pumasok na siya. Dahil natapos na ang panggigipit ng lolo ni Leon kay Kiera, nagbalik na rin sa normal ang operasyon ng negosyo nito. At hindi lang iyon, dahil nag-e-expand na rin ito ngayon. Wala ito sa plano ni Kiera noon, ngunit ngayon ay tila may masidhi na itong pagnanais na mas lalo pang umangat at maging matagumpay ang negosyo niya. Kung anuman ang dahilan sa pagbabago ng kanyang desisyon, tanging siya lang at si Troy ang nakaaalam.Nang makita ni Troy ang pamumula ng mukha ng Kiera ay hinipo niya ang mukha nito. Kumunot ang noo niya nang makumpirmang inaapoy ito ng lagnat.Pinatay niya ang aircon at inilagay ang coat niya rito, pagkatapos ay tumawag siya ng doktor.Nang magising si Kiera ay nakahiga na siya sa sofa. Nahimas niya ang noo n
Última atualização: 2026-11-04
Chapter: Chapter >> 72 - The Love We Couldn't Keep Sa pool party ay hindi ang misteryosong birthday celebrant ang pinagkainteresan ni Kiera, kung hindi, ang pagpunta roon ni Leon.Dahil pool party ang kanyang pinuntahan ay naka-swimwear din si Kiera. Hindi naman masyadong revealing ang kanyang suot ngunit sapat na iyon para umani siya ng atensyon sa mga kalalakihan doon.Sa kanyang paglalakad ay may mga lalaking nakahubad at naka-swimming trunks lang ang sadyang nagpapakita sa kanya ng motibo, ngunit ni isa man sa mga ito ay hindi niya binigyan ng pansin. Ang buong atensyon kasi niya ay nasa paghahanap sa isang lalaking ilang buwan na niyang hindi nakikita.Dahil sa atensyong natatanggap ni Kiera ay kina-insecure-an tuloy ito ng ilang kababaihang naghanda para sa pool party na iyon. Magaganda naman ang katawan ng mga ito ngunit wala silang naging panama sa alindog ni Kiera."Kilala n'yo 'yan?" tanong ng isang babae na kanina pa hindi maganda ang tingin kay Kiera."Hindi. Itatanong ko nga rin sana sa inyo kung alam niyo kung sinong
Última atualização: 2026-11-01
Chapter: Chapter >> 71 - The Anonymous Invitation Walang ginawa sina Leon at Kiera sa probinsyang kinaroroonan nila kung hindi ang magsaya, kumain, gumala. Kahit mainit at tirik ang araw sa tanghaling tapat ay wala silang pakialam, magkahawak-kamay pa sila habang naglalakad sa mga kalsada. Sinasamahan lang sila ng isang local na tagaroon na nagsilbing guide nila.Kinahapunan ay tinuruan ni Leon si Kiera na lumangoy sa ilog."Sige, relax ka lang. Huminga ka lang nang normal at huwag mong ikuyom ang mga kamay mo. Hayaan mong kumalma ang katawan mo sa tubig.""Ganito ba?""Um. That's right."Dahil wala naman silang malay gawin ay nagtagal sila sa ilog, maghapong tinuruan ni Leon si Kiera na lumangoy. Hindi nga lang sila makagawa ng milagro doon dahil meron na silang guide na palaging nakasubaybay sa kanila, at hindi nila masabi kung hindi ba sila sinusundan nito nang palihim.Dahil iba ang buhay sa probinsya ay maagang pumipirmi sa mga bahay-bahay ang mga tao, kaya maaga ring nakakatulog sina Leon at Kiera. Sa mga sandaling yun ay d
Última atualização: 2026-10-31
Chapter: Chapter >> 70 - Lost in Each Other (SSPG) "Umph! Umph!"Nagpapalag si Kiera sa taong humihila sa kanya. Walang duda, lalaki ito dahil malakas ito. Nang makita n'yang palayo na siya nang palayo sa lugar na iyon ay lalong lumaki ang takot na nararamdaman n'ya. Paano kung dalhin siya ng taong ito sa isang liblib na lugar, sino ang tutulong sa kanya?Ginawa n'ya ang lahat ng makakaya niya para man lang maabot niya ang bag na dala niya, hawak kasi nito ang mga kamay n'ya. Nang mabawi niya ang isa niyang kamay, handa na sana siyang kunin ang kanyang stun gun sa bag nang bigla itong magsalita."Huwag kang gumawa ng ingay, baka mabisto tayo!"Pabulong man ang pagsasalita ng lalaki ngunit agad nyang nakilala ito. 'L-Leon!'Hindi na siya nagpapalag pa, nang matutunan niya kung sino ang lalaki ay nagpatangay na s'ya dito.Sa isang tahimik at tagong lugar dinala si Kiera. Pagkabitaw na pagkabitaw sa kanya ay agad niya itong dinamba ng yakap. "Leon!"Natigilan ang lalaki at bahagya pang nagulat ngunit agad din nitong niyakap si Kiera.
Última atualização: 2026-10-27
Chapter: Chapter >> 69 - The Seaport Ambush Bumuntong-hininga si Kiera. Naisip niyang kailangan na niyang kumilos nang maaga para masolusyunan na agad ang kanyang problema. Umalis siya roon at bumalik na sa kumpanya."Ma'am, about the bank..." bungad ni Troy. Sinenyasan ito ni Kiera na tumigil muna. "About that, may solusyon na ako. Hindi ko nga lang alam kung gagana, pero susubukan ko muna." Naupo siya sa kanyang swivel chair at tinawagan ang numero sa calling card. "Hello, good morning. My name is Kiera Claire Castillo. Ms. Montecillo gave me her business card and told me to contact her if I ever needed assistance. May I speak with her representative, please?"Agad inasikaso ang request niya nung araw na iyon mismo. Sa pamamagitan ng paghingi niya ng tulong sa kumpanya ni Catherine ay nasolusyunan ang problema nila sa bangko. Napabuntong-hininga siya, tila nabunot din ang tinik na nakatarak sa kanyang dibdib. 'Catherine, I owe you this one.'Sa paglipas ng mga araw ay patuloy niyang tinatawagan si Leon, ngunit hindi ito
Última atualização: 2026-10-25
Chapter: Chapter >> 68 – The Cost of Holding On Kumuha ng ballpen si Kiera at hinawakan nang mahigpit. Hindi niya magawang pumirma at nag-aalangan siya. Ayaw niya ng gulo, ngunit malaking parte ng kanyang puso ang ayaw namang pakawalan si Leon. Biglang pumasok si Troy. "Ma'am Kiera, about the shipment..." Nahimas ni Kiera ang kanyang sentido. Ito ang magiging kapalit ng pagmamatigas niya—ang pagkakaroon ng aberya at ang pananabotahe sa negosyo niya. Alam niyang malaking responsibilidad ito dahil umaasa sa kanya ang kanyang mga empleyado, kaya alam niyang kailangan niyang isalba ang kumpanya. Hindi siya puwedeng magbalewala dahil kung hindi ay pare-pareho silang mawawalan ng kabuhayan. 'Leon...' Ayaw niyang sumuko kaya idinalangin na lang niya na sana ay makagawa na ng paraan si Leon. Matapos ang huling pagkikita nila ni Leon sa engagement banquet nito ay hindi na ito muling nakita pa ni Kiera. Sa mga panahong iyon ay naging target ng mga paninikil at pag-uusig ang negosyo niya. "Ma'am Kiera, hindi po puwedeng magpatuloy it
Última atualização: 2026-10-21

Daddy, Mommy Doesn't Want You, You Have to Work Hard!
Na-coma sa loob ng halos anim na taon si Alfea, at sa loob ng mga panahong iyon ay wala siyang kaalam-alam na nagbunga pala ang nangyari sa kanila ng fiancé niyang si Xavius Montevalle.
Habang walang malay, isinilang niya sa pamamagitan ng C-section ang kambal nilang anak, ngunit kinuha sila ng half-sister niyang si Maureen at dinala sa ama ng mga ito. Siniraan siya ni Maureen at pinalabas na inabandona niya ang mga bata upang sumama sa ibang lalaki, dahilan upang kamuhian siya ni Xavius at ng buong pamilyang Montevalle.
Nang magising si Alfea, napagtanto niyang sapat na ang mga taong naging api-apihan siya sa sariling tahanan sa kamay ng kanyang madrasta at half-sister. Ngunit higit sa lahat, nalaman niyang mayroon pala siyang kambal na anak. Nagdesisyon siya na lumaban na at kunin ang kustodiya ng mga bata, ngunit hindi iyon magiging madali dahil makabangga niya si Xavius, ang ex-fiancé niya.
Maniniwala si Xavius na ginagamit lamang ni Alfea ang kanilang mga anak upang mapalapit sa kanya, ngunit habang tumatagal ay makikita niyang tapat ang pagmamahal nito bilang isang ina. Mare-realize niya ang kamalian niya sa paghatol kay Alfea at mahuhulog dito. Nang magdesisyon siyang i-pursue si Alfea ay nagpahayag ito na wala itong interes sa kanya dahil ang mga bata lang ang mahalaga sa kanya.
Sa kabila niyon ay hindi susuko si Xavius para makuha ang pag-ibig ni Alfea, magpapatulong siya sa kanilang mga anak at susuportahan naman siya ng mga ito, habang chini-cheer pa, "Daddy, mommy doesn't want you. You have to work hard!
Ler
Chapter: chapter >> 16 "Mr. Montevalle? Mr. Montevalle?" ilang beses na tawag ng doktor nang bigla na lang hindi sumagot si Xavius. Agad naman itong nagbalik sa kaniyang wisyo. "Y-yes, I'm sorry.""Puwede po ba namin makuha ang medical records niya sa ospital kung saan siya na-coma, pati ang attending physician niya doon?"Natigilan si Xavius, bigla itong nakaramdam ng pag-aalangan sa kanyang sarili. "Well... h-hindi ko kasi alam. Wala akong alam kung saan siya na-confine."Napamaang ang doktor. _'Asawa mo, hindi mo alam?'_Bago umalis ng ospital, tatawagan muna sana ni Xavius si Victor ngunit pinigilan siya ni Maureen. "A-ako na ang bahalang magsabi kay daddy."Pinakatitigan siya ni Xavius. "Alright."Six years ago, ito ang nagsabi sa kanila na sumama sa ibang lalaki si Alfea, ngayon ay nagdududa siya. Bilang kapatid ni Alfea, tiyak na alam nito ang nangyari dito, ngunit, bakit wala itong sinabi sa kanila?Namula ang pisngi ni Maur
Última atualização: 2026-07-07
Chapter: Chapter >> 15 "Diyos ko... N-nag-aagaw buhay ba siya? Xavius, anong nangyayari?" tanong ni Xonia. "Hypothermia, Mom, na humantong sa cardiac arrest. Sa nipis ng katawan niya, maaaring hindi niya kinaya ang lamig. Kanina nang binuhat ko siya, parang yelo na siya." Nang marinig ito ni Maureen, bigla siyang nakaramdam ng pag-uusig. Nagsimula na siyang makaramdam ng pagkabalisa at hindi na siya mapakali. Animo'y nag-aalala para sa kapatid ang hitsura nito. Umalis siya dahil ayaw niyang malaman ang kahihinatnan ni Alfea. Nagtungo siya sa may fire exit at tinawagan ang kanyang ina. "Mommy, anong gagawin ko?" Nakakagat niya ang kanyang daliri. "Bakit, anong nangyari?" "Kasi, pinagplanuhan ko si Alfea, eh..." "Oh! O, e, ano naman? Mabuti't may ginawa ka na, akala ko ay hahayaan mo lang siya. Naku, Maureen, baka dumikit-dikit ang babaeng yan kay Xavius, ha? Bantayan mo yan." "Mommy, makinig ka muna. May malaking problema kasi, eh." "An
Última atualização: 2026-07-06
Chapter: Chapter >> 14Dali-daling binuhat ni Xavius ang halos wala nang malay na si Alfea para dalhin sa ospital. "Stupid woman! Bakit ka pumasok sa loob, nagpapakamatay ka ba?" Napukaw ang atensyon ng mga bisita nang bigla na lang siyang sumulpot na may buhat na babae. Gulat na gulat si Xonia nang makita siyang humahangos. "Xavius! What's happened?" "Mom, mamaya ko na lang sasabihin sa inyo. I need to rush her to the hospital first." Tangka sanang susunod sa ama si Rosie ngunit hinila ito ng kanyang lola. "Rosie, dito ka lang." "Mommyla! It's all my fault. Kapag namatay si bad woman, kasalanan ko!" At umiyak ito. "Xavius! Xavius!" Nananakbong lumapit si Maureen nang makita niya ang sitwasyon. Naibaon na lamang niya ang mahahaba niyang mga kuko sa kanyang palad dahil alam niyang wala siyang magagawa para pigilan ito. _'Nakakainis! Naturuan ko nga ng leksyon si Alfea pero bakit ganito ang naging kapalit? Talagang si Xavius pa ang bumuhat sa kanya para dalh
Última atualização: 2026-07-05
Chapter: Chapter >> 13"Tara na." "Ha?" Pagtataka ni Alfea. "Gusto mong makita ang mga anak mo, hindi ba?" Nagduda si Alfea. "Maureen, talaga bang gusto mo akong tulungan?" Misteryosang ngumiti si Maureen. "Oo naman." At nagpatiuna na ito. Dahil sa excitement ay hindi na inintindi ni Alfea kung saan siya dinala ng kapatid. "Papupuntahin ko ang mga anak dito, pumasok ka muna sa loob." Pagpasok ni Alfea ay pinagmasdan niya ang buong silid. _'Anong klaseng kuwarto ito?'_ Nangunot ang noo niya at napatakip siya ng ilong. _'Bakit ang lansa at parang amoy nabubulok na karne ang amoy dito?'_ Sa patuloy niyang pagmamasid ay nagulat siya nang may bigla na lang kumalabog. Paglingon niya ay nakita niyang nakasara na ang pinto, kasunod niyon ay bigla din siyang nakarinig ng tunog ng makina. "A-ano iyon?" Binuksan niya ang pinto, ngunit dahil sa post-coma muscle weakness niya ay hindi sumapat ang lakas niya. Nang sumilip siya sa sala
Última atualização: 2026-07-04
Chapter: Chapter >> 12Mommy?" Dinala ni Maureen si Rosie sa isang tabi. "Makinig kang mabuti, may importante akong sasabihin sa'yo... Ngayong gabi ay may darating na bad woman para agawin ang Daddy n'yo." Napamaang ang bata, bago makitaan ng galit ang maliit na mukha nito. "Is that true, Mommy?" Bigla siyang nag-aalala. Paniwalang-paniwala siya sa kanyang ina-inahan, sa murang edad ay hindi niya naiisip na pinaiikot lang siya nito. "Mommy, ayoko pong makuha ng bad woman si Daddy. Should we call the police?" "No! Makinig ka, ganito ang gawin mo." Binulungan ni Maureen ang bata. Samantala: "Xavius, bitiwan mo nga ako, ano ba?!" Kinaladkad ni Xavius si Alfea at wala itong magawa sa lakas niya kung hindi ang magpatangay na lang. Dinala niya ito sa dakong hindi masyadong dinadaanan ng mga tao. "Anong ginagawa mo dito? Hindi ba't binalaan na kita na huwag ka nang magpapakita pa?" "Hindi naman ikaw ang ipinunta ko dito, ah? Nagpunta ako para sa mga anak ko. Huwag kang mag-alala, hindi naman ako magiging kab
Última atualização: 2026-07-03
Chapter: Chapter >> 11 Luke..." Banayad na tawag ng matandang puro puti na ang buhok. Ito ang matandang pumigil kay Xavius sa study, ang lola niyang si Florencia. "Dear, you can't talk to your dad like that. He's your father." "But Grandma, he is stopping us from seeing our Mommy. Can we see her, please?""Xavi." Tawag ni Xonia, ang ina ni Xavius. "Anong gagawin mo sa sitwasyong ito?" Kumunot ang kanyang noo. "Bakit ba kasi bumalik pa ang babaeng yun? Nagugulo tuloy ang pamilya natin nang dahil sa kanya." "Xavius, you should fix this." Utos ng kanyang ama na si Philip. "Don't let that woman affect our family. At lalong-lalo, huwag mo siyang hahayaang makalapit sa mga apo ko, maliwanag ba?" "Yes, Dad." "No!" Tutol ni Lucas. "Why are you ganging up on our Mommy? Wala naman siyang ginagawa sa inyo, ah?" "Young man, you better stop it, or I will punish you. Aalalahanin mong hindi pa kita napapanagot sa paglalayas mo. Alam mo bang hindi lang ako ang pinag-alala mo kung hindi pati ang mga lola at lolo mo?"
Última atualização: 2026-07-01
Chapter: KABANATA ~ 37Kaius' POV Dahil sa biglaang pagsulpot nung may-ari ng sasakyan na natapunan ni Hannah ng milk tea ay parang hindi na ako mapalagay. Nang makita ko ang mga tingin niya kay Hannah ay nakaramdam ako nang hindi maganda. Parang gusto ko tuloy siyang bakuran sa school. Kaya lang ay bigla namang nagkaroon ng emergency meeting sa company, wala tuloy akong choice kundi ang ipasabay na lang si Hannah kay Nathan pauwi.Pag-uwi ko ng bahay, sa pinto pa lang ay narinig ko na ang nakakairitang boses ni Isabelle. Bakit nandito siya?Narinig ko ang paratang niya sa amin na kinakawawa daw namin si Nathalie dito sa bahay. What the heck? E, na-spoil nga ang batang 'yun kaya nga lumaki nang ganoon, eh.Kinomfort ko si Hannah pag-alis niya dahil alam kong tinatarget siya ng pakialamerang 'yun. Pati ang buhay ko gusto rin niyang panghimasukan. Ano ba ang akala niya, eh, hindi naman kaming close na dalawa. Minsan kasi ay naaasiwa ako sa mga tingin niya sa akin.Nang muli kong sunduin yung dalawa ay nak
Última atualização: 2026-11-05
Chapter: KABANATA ~ 36Hannah's POV "Um..." Napaiwas na lang ako ng tingin nang hindi alisin ni Uncle Kaius ang pagkakakakalapit ng mukha niya sa akin at ng mga tingin niya. Ano bang ginagawa niya? Naiilang tuloy ako. Bakit pakiramdam ko ay parang hinihikayat pa niya akong gumawa ng pagkakamali?"Hannah..." Tawag niya sa mahinang tinig.Ang lapit-lapit niya sa akin, hindi ba siya nag-aalala na baka may makakakita sa amin? Nandito pa man din kami sa loob ng pamamahay nila."Um... Uncle Kaius, ano po ba ang gusto n'yong sabihin ko sa mga tao?""Kung ano ang totoong nararamdaman mo, kung ano ang hinahangad ng puso mo."Kung ano ang hinahangad ng puso ko? Gusto ba talaga niyang malintikan ako? Forget ko na lang kung ano ang nararamdaman ko, doon na lang ako sa praktikal."Ano, sasabihin ko na lang na stepfather kita..."Tama. Dahil iyon naman talaga ang relasyon naming dalawa kung tutuusin nung una pa lang dahil naging boyfriend siya ni Nanay. Saka, siya na ang guardian ko dahil kinupkop niya ako, hindi ba?
Última atualização: 2026-11-02
Chapter: KABANATA ~35Hannah's POV "Anong nangyayari dito?" tanong ni Nathan pagpasok niya.Parang lalo akong nanliit dahil alam kong magkaka-pamilya sila. Pakiramdam ko tuloy ay may pagkukuyog na mangyayari.Nag-cross arms and tiyahin nila at naglakad palapit sa amin. "Wala naman, Nathan. Itinatama ko lang naman ito," tukoy niya sa akin."Itinatama? Bakit, Tita, ano po ang ginawa ni Hannah?""Well, inilalagay ko lang naman siya sa dapat niyang kalagyan. Buhat kasi nang dumating ito dito sa pamamahay na ito ay hindi na naging komportable ang kapatid mo.""So, you're doing this for Nathalie? Tita, ano na naman ba ang sinabi niyan sa'yo?"Lumingon si Nathan sa kapatid niya sa sofa. "Magsabi ka nga ng totoo, did you incite your friends to bully Hannah?"Pumagitna ang tiyahin nila, parang hinarangan nito si Nathan kay Nathalie... Wow, napaka-protective, ha? Nakakainggit naman."Nathan, pati ba naman ikaw? Ayan! 'Yan ang dahilan kung bakit halos ayaw nang bumalik dito ng kapatid mo..."Yumuko si Nathalie n
Última atualização: 2026-11-01
Chapter: KABANATA ~ 34Hannah's POV "Can I sit here?"Napamaang na lang ako sa kanya. Ang dami namang bakanteng mesa, bakit dito pa talaga niya naisip kumain? Ano kayang binabalak nito? Hindi kaya balak niya akong gantihan, sumisimple lang siya?"Bakit ganyan ka makatingin? Huwag mong sabihing ayaw mong magpa-share ng pwesto? Bakit, nabili mo na ba ito?"Tsk. "Bakit nagpapaalam ka pa, eh, naupo ka rin naman agad?" sagot ko.Hindi na siya nagsalita pa, tahimik na lang siyang kumain.Pasimple ko siyang sinusulyapan. Base sa kilos niya, walang duda na anak-mayaman nga siya. Curious lang ako kung bakit siya nakikisama sa akin dahil hindi ako naniniwalang gusto niya lang itong pwesto ko, samantalang itong dako na ito nga ang pinaka-tago. Wala ngang halos pumupuwesto dito."Um... Ilang taon ka na?" Pagbabakasakali ko. Tingin ko ay may pagkasuplado ito kaya hindi ako umaasa na sasagutin niya ang tanong ko. Baka dedmahin niya lang ako."18."Natigilan ako sa pagsubo ng pagkain at napatingin sa kanya. Sumagot ta
Última atualização: 2026-10-30
Chapter: KABANATA ~ 33Hannah's POV Hindi na ako nakakilos nang halos dumikit na ang mukha ni Uncle Kaius sa leeg ko. Parang masyado naman ata kaming intimate nito?Nawala ang atensyon ko sa ginagawa niya nang bigla kong mamataan sa harapan namin yung mukhang mamahaling sasakyan na nabuhusan ng milk tea kanina. Kahit wala nang bubong ang sasakyang yun ay nakilala ko pa rin dahil sa plate number. Tinandaan ko kasi. Ang galing lang dahil puwede palang tanggalan iyon ng bubong.Pinagmasdan kong mabuti ang nagmamaneho para makapag-ingat ako kung masasalubong ko siya dito sa Monteciel. Guwapo siya at may kulay ang buhok. Mukha nga lang hindi maganda ang mood niya dahil nakasimangot siya. Siguro kasi namantsahan ang sasakyan niya.Bigla akong nagbalik sa wisyo. Paano kung makilala niya ako? Hindi niya ako dapat makita! "Uncle Kaius, dali! Patakbuhin mo na ang sasakyan!" Pagmamadali ko sa kanya.Nakamaang pa siya sa akin nang lingunin ko siya habang nakahawak siya sa mukha niya, kaya inuga-uga ko na siya.Nang
Última atualização: 2026-10-28
Chapter: KABANATA ~ 32Kaius' POV The more I smelled her, the more I wanted to devour her. How I wanted to kiss her all over... Ano ba itong nangyayari sa akin? Ayokong isipin ni Hannah na pervert ako, pero hindi ko talaga mapigilan. Isa siyang malaking tukso para sa akin. Bakit naman kasi ganito ang amoy n'ya? Ito ba ang pabangong gamit niya ngayon? Siguro ay dapat ko siyang bilhan ng bago, yung may mahinang amoy lang.Nang malapit nang sumayad ang mukha ko sa leeg niya ay bigla na lang siyang pumiglas. Tinamaan ang ilong ko kaya napalayo ako."Uncle Kaius, dali! Patakbuhin mo na ang sasakyan!" Pagmamadali niya sa akin habang inuga-uga pa ako."Bakit?" tanong ko habang nakahawak ako sa ilong ko. Sinulyapan ko ang harapan ng sasakyan dahil sa naging reaksyon n'ya. Parang meron siyang gustong pagtaguan o kinatatakutan."B-basta... dali, magmaneho ka na. Meron kasi ako inaabangang drama, eh."Ah, yun naman pala.Binuhay ko na ang makina at nagmaneho na palabas ng Monteciel. Baka ako pa ang masisi niya kapa
Última atualização: 2026-10-26
Chapter: Chapter 55Matapos makalaya si Rita ay nagpunta agad si Martin sa mga Moñego para sa unang hakbang n'ya sa pag-aasikaso ng annulment nila ni Claire."Heh, at tingin mo ay papayag kami ng tito Armando mo?" Ani ng naka-cross arms na si Pilita. "Hindi ikaw ang masusunod sa bagay na yan, Martin. Kami ng mga magulang n'yo ni Claire ang masusunod.""Kayo ang masusunod? Kailan pa nagkaroon ng karapatan ang mga biyenan o ang mga magulang na magdesisyon sa annulment ng mga anak nila, sige nga? Pasensya na po sa sasabihin ko, ha. Pero kayo lang talaga ang biyenan na nakita kong may tibay ng mukha para makialam sa bagay na yan."Bumakas ang galit sa mukha ni Pilita. "Anong sinabi mo? How dare you?!" Bumaling s'ya kay Claire. "Nakita mo ba kung paano ako bastusin nitong asawa mo?" Hindi umimik si Claire dahil ang totoo ay nag-aasam din ito na ma-annul na ang kasal nila ni Martin. "Martin..." Tawag ni Armando. "Ano na naman ba ito?""I'm sorry, tito, pero desid
Última atualização: 2026-05-09
Chapter: Chapter 54Nang malaman ni Martin kung nasaan si Sophia ay agad din niyang nalaman na may kinalaman ang kanyang ina sa nangyari. Lumipad s'ya pa-maynila at umuwi sa kanila. Sa bahay ay inabutan n'ya ang pagwawala at pag-iyak na si Sophia, hinahanap nito ang kanyang ina. Basang-basa na ng pawis ang bata sa kaiiyak ngunit hindi ito mapatahan ni Roda o ng mga katulong doon. "Ano ba yang batang yan, ilang araw nang nag-iiyak yan, a, hindi ba yan napapagod?" Reklamo ni matina na noo'y kabababa lang mula sa kanyang kwarto. "Hindi tuloy ako makapag beauty rest, e. Hay naku mommy, ang mabuti pa siguro ay isauli n'yo na lang sa kanila ang batang yan." "Tumahimik ka nga dyan, wala ka namang ginagawa para tumulong sa pag-aalaga dito. Imbes na patahanin at aliwin mo itong pamangkin mo, puro ka pa reklamo diyan." Asik ni Roda.Tila kinurot ang puso ni Martin nang makita ang kaawa-awang ayos ng anak, lalo na nang mapansin n'ya na tila nangangayat na ito. Lalo lang tuloy nadag
Última atualização: 2026-05-08
Chapter: Chapter 53Nung araw ding iyon ay naapasugod sa presinto sila Lorna at Anthony nang malaman nila na dinampot si Rita. Galit na nagreklamo si Anthony dahil kilala nya ang kanyang kapatid at nalalaman niya na kailanman ay hindi ito gagawa ng anumang krimen. Matapos maipaliwanag ng pulis ang kasong isinampa kay Rita ay lalo siyang nagalit. "Child exploitation?!" Halos kuwelyuhan na n'ya ang pulis dahil sa kanyang pagpupuyos, mabuti na lamang at agad itong hinila ni Lorna. "Anton, maghunusdili ka nga! Nasa presinto tayo, ano ba?" Binalingan ni Lorna ang mga pulis. "Child exploitation? Sigurado ba kayo sa taong hinuli n'yo? Hindi kaya kayo nagkamali ng dinampot?" Nagkatinginan nang may kahulugan ang dalawang pulis na humuli kay Rita. "Heh, child exploitation? Hindi nyo pa kilala ang ate ko, pero kahit na kailan ay hindi n'ya magagawa iyang ibinibintang n'yo! Pakawalan n'yo ang ate ko, pakawalan n'yo s'ya, ngayon din!" "Ser, ser, humina
Última atualização: 2026-05-07
Chapter: Chapter 52 Nagalak si Martin sa kanyang nalaman at halos makalimutan na n'ya ang dokumento na kailangan niyang kunin. Nung araw ding iyon ay agad siyang bumili ng plane ticket papuntang Ormoc. Hindi n'ya alintana ang pagod sa pagpapabalik-balik doon at sa Maynila para lang maibahagi n'ya nang personal kay Rita ang magandang balita. Ilang araw din siyang namroblema nang dahil sa pagbubuntis ni Claire na peke naman pala. 'Well played, Mrs. Moñego. Sige, makikipaglaro ako sa inyo kung yan ang gusto n'yo.' "M-martin?" Nagulat si Rita nang makita na naman doon sa kanila ang dating nobyo. "Hindi ba ang sabi mo ay may kailangan kang asikasuhin? O, e, bakit nandito ka na naman?" "Rita, magandang balita." Sinunggaban ni Martin ang kamay nito. "Rita, hindi totoong buntis si Claire!" "A-ano?" Natigilan si Rita. "Paanong hindi buntis? E, ang sabi ng mommy mo..." Bumakas ang yamot sa mukha ni Martin. "May nakakapagtaka ba doon? Alam mo
Última atualização: 2026-05-06
Chapter: Chapter 51 Pagpunta ni Martin sa ospital ay dinatnan niya doon sila Lorna, lara at Anthony. Inaalo-alo ng mga ito si Sophia dahil masakit ang sugat nito kaya nag-iiyak ito.Lumapit din s'ya at inalo ito. "Pia, nandito na si daddy. Huwag kang matakot, poprotektahan kita." "Matin... ha ko, wit!" (Martin, kinuha ako ng witch.) Ani ng umiiyak na si Sophia. May pagtatakang bumaling si Martin kay Rita. Naitutop ni Rita ang labi dahil hindi n'ya alam kung paano sasabihin ang kahulugan ng sinabi ng bata. "Um, magpapahangin muna ako sa labas." Ani ng salaring si Lara na siyang nagtuturo ng kung anu-ano sa bata. "Pia, anong gusto mo? Gusto mo ba ng fish para hindi na masakit ang sugat mo?"Nagningning ang mga mata ng bata, tila bigla nitong nakalimutan ang sakit ng tahi n'ya, agad itong tumango-tango. Natawa na lang sila Lorna at Rita. Ngumiti si Martin at hinalikan ang anak sa noo. "Sige; sandali lang, ha, maghahanap lang si
Última atualização: 2026-05-05
Chapter: Chapter 50Taranta nang isugod nila Roda at Rita si Sophia. "Tulungan n'yo po ang anak ko, parang awa n'yo na po. Nabundol po s'ya." Umiiyak na pakiusap ni Rita sa doktor. Makalipas ang isang oras na paghihintay nila ay lumapit ang isang nurse. "Ma'am, kailangan pong operahan si baby, pero kailangan n'yo po munang magbayad ng downpayment na 150,000." Narigia si Rita. "O-one hundred fifty thousand? W-wala po akong ganung kalaking pera." Nang masulyapan n'ya ang nakikipag-usap sa telepono na si Roda sa gilid ay nakakita s'ya ng pag-asa. Dali-dali siyang lumapit dito. "Ma'am Roda, puwede n'yo po ba akong pahiramin ng 150,000? Matatagalan bago ko po maibalik yun, pero pangako po, babayaran ko po kayo." Ngunit hindi sumagot si Roda, nakadikit ang cellphone nito sa kanyang tenga ngunit hindi naman ito nagsasalita. Namumutla din ito. "Ma'am roda?"Maya-maya ay ibinaba na ni Roda ang kanyang telepono, tila parang iiyak ang hitsura nito ngunit, may paninindigan nitong hinar
Última atualização: 2026-05-04