Home / All / Blood of Weapons: To The New World / Chapter 2.2: Guardian and Alliance

Share

Chapter 2.2: Guardian and Alliance

Author: Scarlettxxo
last update Last Updated: 2021-09-09 12:58:49

"Tama na yan. Hindi ito ang tamang oras para magsisihan kayo o mainis dahil naglihim ang isa o hindi." napatingin kami kay Monica nang bigla siyang namagitan samin. Nahigh-blood pa yata ang misteryosong babae. "Ang mahalaga sa ngayon ay malaya na kayong apat at pwede niyo nang gawin ang mga bagay na hindi niyo pwedeng gawin sa loob nang mansion." napatingin ako kay Night hindi parin nawawala sa mukha nito ang iritasyon.

"The four of you are free now, Cecelia might not be happy if she see the four of you quarelling for something little." Shes' eyeing us one by one. "Night, Blade, Frost. Respect Ice because she's older than the three of you. Kahit pa sabihin nating magkasing-edad lang kayong apat at iisa lang nang araw nang kapanganakan hindi parin natin, maiaalis na mas nauna siyang lumabas sa inyong tatlo." Lumipat ang tingin niya sa akin. "Same as you Ice, you also must respect your three sisters. Dahil sa iisang matris lamang kayo nanggaling walang dapat na lihiman. Kailangan niyong magtiwala sa isa't-isa." I can see that this woman is like our mother. The way she say and lecture us is like our Mom. Are we having a second mom now?

"So, balik na tayo sa pinag-uusapan natin." ngumiti siya sa amin na tila wala lang sa kanya ang nangyari kani-kanina lang. Ang dali naman yata niya makalimot. Diba kanina'y high-blood pero bat ngayon ang tamis na nang ngiti niya. Bipolar ba siya?

"Ash reported a great news, the clan convinced that the four of you is already dead. Thank's for the tracking device that you give him Ice," She said.

"You mean that paper you throw him with the kunai?" ani Blade habang nakatingin sa akin. Ba't ba ang hilig sumabat nitong si Blade? Hindi yata matatapos ang sinasabi ni Monica dahil sabat siya nang sabat.

"Nice! My sister is so cool." papuri sa akin ni Blade. Itinulak niya ako nang bahagya dahilan para muntik na akong mahulog sa upuan ko. Bat pa kasi tumabi sa 'kin tong isang to? Pinanliitan ko siya nang mata nag peace sign lang siya sabay ngiti sa akin nang pagkalawak-lawak hanggang sa makita na namin ang gilagid niya.

"Unnie! you're too childish," plain ang boses ni Frost nang punain niya si Blade. Dagdagan pa nang mukha nang nakababata naming kapatid na plain din.

"Im not." depensa ni Blade.

"You are!"

"Im not."

"You are."

Napabuntong-hininga na lamang ako habang nakatitig sa dalawa. Heto na naman kami. Ganito kami araw-araw. Puro papuri lagi sa akin si Blade. Lagi namang sinasaway ni Frost si Blade sa pagiging childish nito. At si Night, don't be decieved how silent she is right now. Galit lang yan sa 'kin kaya tahimik. Kung gaano kakulit si Blade, ganoon din si Night. Kung minsan pa nga'y partners in crime silang dalawa.

Napatigil sa pagsasagutan sina Blade at Frost nang bigla na lang parang baliw na tumawa si Monica sa harap namin. What's wrong with her? Nasaan na yung misteryosong babaeng nasa harap ko kanina? Tinopak na yata siya ah.

"Unnie, is she okay?" bulong sa akin ni Blade habang nakatingin kay Monica na tawa nang tawa. Hawak-hawak pa nito ang tiyan habang walang tigil sa pagtawa.

"I think she's not," sagot ko kay Blade habang nasa state parin nang mental shock dahil sa babaeng kausap namin.

Biglang napatigil si Monica sa pagtawa nang mapansin niyang nasa kanya na ang atensyon naming lahat. Maging sina Shine at Shimmer ay napatingin din sa kanya kanina. Hindi ba madalas tumawa tong amo nila? Umubo si Monica nang peke, para yata mawala ang embarassing moment niya. Umayos naman kami ulit nang upo na tila walang nangyari. Pareho din kasi kami nang symptoms sa kanya, madaling makalimot.

"So, I am Rosevelien Monica Verschaffelt I will be your guardian from now on. You can call me Tita Monica if you want. It was my pleasure be called as your aunt." ngumiti siya sa amin. Kagaya nang ngiti ni Blade na halos lumabas na yung gilagid.

"What are you doing?" tanong ko sa kanya dahil ang weird niya. Umayos naman siya nang itanong ko yun sa kanya.

"Ah..Cecelia told me to smile like that when I was talking to you." muli na naman siyang ngumiti.

Bumungisngis nang tawa si Night. Ganoon din si Blade. Nagkatinginan kami ni Frost na halos hindi makapaniwala. Talaga naman si mom, binigyan pa yata ako nang isang baliw din na makakasama.

"How do you know our mother?"

"Cecelia is a friend of mine. She is my sister. Although we both have different nationality we still support and we understand each other," sagot niya sa tanong ni Frost.

"What are you?"

"Im a human off course." ngumisi siya.

"Naisahan ka niya doon Frost," ani Blade. Nag-roll eyes lang si Frost kay Blade.

"I mean anong lahi ka ba? Bat marunong kang magtagalog."

"Im half spanish-norwegian. Cecelia is a half korean-filipino-norwegian, right?" tumango kami sa sinabi niya. "She taught me how to speak tagalog,"  sagot nito na hindi ko na ipinagtaka. Si Mom din ang nagturo sa amin nang tagalog. Although, nasa korea kami at may mga lahi kaming mga Koreana dahil ang tatay naman namin ay isang half Korean-Italian din, komportable parin kaming mag-usap sa isa't-isa nang tagalog.

"So, what's the next step?" tanong ko.

"Were going to the land where your mother has been born." ngumingiti siya habang sinasabi iyon. "Were going to live in the Philippines with freedom. Where you can reach all of your dreams." Hindi ko alam pero parang ang gaan ng dibdib ng sinabi niya iyon. Ito na ba talaga? Ito na ba ang inaasam naming kalayaan?

"Payag ba kayo doon, girls?" tanong niya. Nagkatinginan kaming apat. Bumalik ang tingin ko sa kanya.

"Kailan tayo aalis nang Korea?" tanong ko na ikinangiti niya.

"Mamayang gabi," sagot niya.

"Shimmer!" napatingin ako sa mga inilatag na dokumento sa harap namin ni Shimmer matapos nitong tawagin ng kanyang amo.

"Dahil sa kailangan parin nating itago ang identity niyo. I already settled a new name na gagamitin niyo sa bagong buhay niyo sa Pinas." binuklat ko ang mga papel na binigay ni Shimmer sa harap ko. Mga passport at iba pang mahahalagang dokumento. Napatingin ako sa ID nang pasaporte ko.

"Wynter Sandrine Verschaffelt." hindi ko inakalang pagkatapos nang Ice ay Wynter naman. Ganoon na ba talaga ako kalamig? I am the ice princess of our group. Kaya nga ang pangalan ko ay Ice. I never give any affection towards others maliban na lamang sa mga kapatid ko at kay mommy. Even kay Dad, cold rin ang turing ko sa kanya. I am very angry of him. His one of the reason why we became a reapers, an assassins. We become his weapons. We murder people just for him and I hate him for that.

"Autumn Courtney Verschaffelt." napatingin ako kay Night nang sabihin niya iyon habang hawak ang sariling pasaporte.

"Summer Kirsten Verschaffelt." kumunot ang noo ko sa sinabi ni Blade.

"Spring Forsythia Verschaffelt? Anong palagay mo sa amin seasons?" ani Frost tsaka niya padabog na inilipag ang pasaporteng hawak.

"Bakit ang ganda naman nang pangalan niyo ah," Ani Monica.

"DIFFINITELY NOT!" sabay pa kaming apat sa pagsabi nun.

"Mas maganda naman niyang mga pangalan niyo kaysa sa mga pangalan na dinadala niyo," aniya na tila wala lang sa kanya ang mga ininireklamo namin.

"FYI, that was our codenames and not our real name," ani Blade.

"Bakit alam niyo ba ang totoong pangalan niyo?" tanong ni Monica na ikinatahimik naming apat. Mula nang isilang kami ay wala na kaming totoong pangalan. We grow up in this world using our codenames.

Ang codenames lang namin ang ginagamit naming pagkakakilanlan sa tuwing may mga misyon kami o nakikipag-usap sa mga miyembro nang clan. Ang apelyidong Arceneux ay siyang dinudugtong namin kung minsan sa codenames namin dahil iyon ang dinadalang apelyido nang aming ama ngunit, ang apelyidong yun ay hindi parin totoong apelyido talaga ni Dad maging ang kanyang pangalan ay codename din.

"Besides, hindi ako ang pumili nang mga pangalan niyo."

"Your mom choose that names, binigyan ko lang nang arte pero sa kabouhan siya parin ang nagbigay nang mga pangalan niyo." si Mom? Si Mom ang nagbigay nang mga bagong pangalan namin? Pero bakit seasons?

"Pleasure your new names because from now on that was your real names. Hindi na yan codenames, yan ang mga totoo niyong mga pangalan na binigay sa inyo nang inyong mahal na ina."

Minsan natanong ko kung bakit ang last name nang ina namin ay hindi sinusunod ang pangalan nang aming ama. Kung bakit Carullos ang dinadala ni Mommy at hindi Arceneaux na siyang apelyido nang Daddy. Ngunit, habang tumatagal napagtanto ko na pati din pala si mommy ay hinding totoong pangalan ang ginagamit. Real names is very dangerous to the underworld. Kaya maraming nagtatago na mga reapers at assasins sa mga codenames. Kahit pa medyo hindi ko bet ang mga pangalan namin dahil nagmukha kaming mga seasons basta't galing sa aming ina ay kaya ko itong tanggapin nang boung-puso.

"Why you let us use your surname?" tanong ko sa kanya. Ngumiti siya sa akin.

"Because it was your mother's real maiden name" napakunot ang noo ko.

"Your mothers real name is Sierenna Therese Verschaffelt. She is my half-sister," wika niya habang ngumingiti at ikinagulat naman namin.

Isa lang ang ibig-sabihin nito. Ang Monica na ito ay totoong tiyahin namin. Pero bakit walang nababanggit si Mom nang tungkol sa kanya? We thought that our mom both lose her parents and she was an only child. Pero bakit ngayon lumabas nalang bigla na may half-sister pala siya. May hindi pa ba kami nalalaman sa tungkol sa aming mahal na ina?

Continue to read this book for free
Scan code to download App

Latest chapter

  • Blood of Weapons: To The New World   Chapter 30.2: Jealousy

    "May isa lang akong gusto malaman mula sayo Alex, mas pipiliin mo bang kalimutan iyang pumipigil sa'yo para kay Shaun? Dahil kung hindi mas mabuti layuan mo nalang siya habang hindi pa masyadong nahuhulog ang loob niya sa'yo," natigilan naman ako sa tanong niya. Hindi ko masagot ang tanong. Hindi ko alam kung ano ang isasagot ko sa kan'ya."O ano Alex, ano ang sagot mo?" tanong niya sa ikalawang pagkakataon. Ngumisi siya muli sa akin. "bibigyan kita ng pagkakataon na umalis dito at lumayo kay Shaun. Ibibigay ko sayo ang pangangailan mo, basta huwag ka nang magpakita sa kan'ya.""Bakit mo ba ito ginagawa?" tanong ko pabalik sa kan'ya. Hindi ko kasi alam kung anong nasa isip niya at bakit niya ito ginagawa para kay Shaun."Ivan is my friend, bestfriend exactly at alam ko k

  • Blood of Weapons: To The New World   Chapter 30.1: Jealousy

    Napabangon ako nang maramdaman ang init ng araw na tumatama sa mukha ko mula sa sinag ng araw na tumatagos sa bintana ng kuwarto ko. Hinanap ng kamay ko ang cellphone ni Shaun na binigay na niya sa akin na nasa tabi ko lamang upang tingnan ko may natanggap ba akong mensahe mula sa kapatid kong si Frost. Pero, wala. Wala ni isa o palatandaan man lamang na natanggap niya ang mensahe ko.Inilapag ko ang telepono sa side-table at bumangon. Inayos ko muna ang sarili ko bago lumabas at pumuntang kusina."Good morning Na-" bati ko sana kay Nana Belen ngunit natigilan ako ng hindi ang matanda ang nakita kong nagluluto sa kusina kundi si Shaun."Good morning Lex," nakangiting tugon ni Shaun sa akin. Bigla na namang nagtatalon ang puso ko.

  • Blood of Weapons: To The New World   Chapter 29.2: The Kiss

    Ibinaling ko ang tingin ko sa labas sa may dalampasigan. Lumubog na pala ang araw at dumilim na paligid sa sobrang busy ko kanina sa kusina ay hindi ko man lang namalayan na gabi na pala.Kaagad din akong nagmartsa papasok sa kuwarto at naligo. Ang kulay asul kong bistida na binigay ni Nana Belen sa akin ang sinout ko. Hindi na ako nagmake-up dahil maayos naman ang mukha ko. Nang ready na ako ay lumabas na ako ng kuwarto. Nakita kong nakatambay si Shaun, Bernard at Mang Berto sa sala. May hawak ang mga itong whiskey na tila masaya ang pinag-uusapan. Nakita ko ang mga ngiti ni Shaun at napakaganda sa pandinig ng tawa niya. Napangiti na lamang ako habang pinagmamasdan siya. Pumunta ako ng kusina. Naabutan ko si Nana Belen at Marietta na nag-aayos parin ng dining hall. Nakita ako ni Nana Belen tsaka ito lumapit sa akin at niyakap ako.

  • Blood of Weapons: To The New World   Chapter 29.1: The Kiss

    "Ay putek!" reklamo ko ng muntik na akong tuluyang makagat nang alimasag na hinuhuli namin ni Bernard. Maaga pa akong nagising para makakuha ng fresh na alimasag kanina. Pinuntahan ko pa siya sa bahay niya dahil ayaw ko ding malaman pa ng iba na manghuhuli ako ng alimasag. Gusto kong makabawi kay Shaun sa mga ginawa niya para sa akin.Alam kong wala akong karapatan na manghimasok sa buhay niya. He has his own pain the same as mine. May tinatago siya at mayroon din naman ako. Kaya naman may karapatan siyang magalit because I step the boundaries. At para naman makabawi ay ipagluluto ko nalang siya ng alimasag na paborito niya. Nabanggit na sa akin ni Nana Belen na ginataang alimasag at alegae ang paborito ni Shaun kaya napag-desisyonan kong iyon na lamang ang lulutuin. Magpapatulong nalang ako kay Nana Belen sa tamang timpla na gusto ni Shaun.

  • Blood of Weapons: To The New World   Chapter 28.2: Nightmare

    Tahimik lang kaming dalawa ng pumasok ng kotse. Maging sa pagbili namin ng gamot sa drug store at pag-uwi ay tahimik. Wala siyang balak magsalita sa problema niya at mukhang ayaw niyang pag-usapan ang topic na iyon. Hanggang sa pumasok kami ng mansyon ay wala paring kibo. Mukhang nakarating na si Nana Belen sa mansyon dahil ng pumasok kami ay bukas na ang mga ilaw."Shaun, let's talk," panguna ko. Alam kong wala akong karapatan. But, I want to hear something about him at kahit man lang kahit konti ay mabawasan ko ang bigat na dinadala niya. Napalingon siya sa akin, nauna kasi siyang pumasok habang ako naman ay nakasunod sa kanya."Walang tayong dapat pag-usapan Alex." kaagad na deklara niya at pumanhik na sa hagdan."I want to hear you're problem at kahit man lan

  • Blood of Weapons: To The New World   Chapter 28.1: Nightmare

    "Good morning hija!" napatingin ako kay Nana Belen na kakapasok lang ng kusina, "good morning po!""Aba! ang aga natin ngayon ah," wika niya pa sa akin. Ngumiti ako sa kanya."Gusto ko lang pong ipaghanda ng almusal si Shaun," saad ko, "Nakakahiya naman po sa kan'ya at siya na nga po nagpapakain sa akin at wala pa po aking silbi dito sa loob ng bahay.""Naku! hindi naman ganyan si Shaun," kinuha niya ang sandok sa lagayan nito, "Siguro'y medyo suplado lang siya kapag nabanggit ang tungkol sa pamilya niya." tumango lang ako sa huling sinabi niya."Ano bang paboritong pagkain ni Shaun Nana?" tanong ko sa matanda."Mahilig si Shaun sa mga seafood, pero ang mas pab

More Chapters
Explore and read good novels for free
Free access to a vast number of good novels on GoodNovel app. Download the books you like and read anywhere & anytime.
Read books for free on the app
SCAN CODE TO READ ON APP
DMCA.com Protection Status