Share

Chapter 36

"Masamang makinig sa usapan ng iba." sabi ni Zeque nang makatulog si Zaira.

Lumabas si Blaize sa tinataguan nitong puno.

"Narinig mo lahat, tama?" tanong ni Zeque habang pinagmamasdan si Zaira.

Nakahiga ito sa damuhan habang ginawang unan ang kamay niya.

"Sino ka? Hindi ka lang basta wizard. May tinatago ka," nagdududang tanong ni Blaize, ramdam niya ang malakas na kapangyarihan sa loob nito.

"Kanino ka ba interesado? Sa akin o kay Zaira?" tanong ni Zeque sabay ngisi, wala siyang balak sabihin sa binata ang tungkol sa kanya.

Umupo si Blaize sa tabi ni Zaira.

"Interesado ako sa kanya," aniya habang nakatingin sa dalaga saka tumingin kay Zeque.

"Kaya interesado rin ako na malaman kung ano ka ba niya talaga."

"Ano naman sayo kung ano niya ako? May gusto ka ba kay Zaira?" tanong ni Zeque habang nakatitig kay Blaize.

Napatanong ang binata sa sarili kung may gusto nga ba siya kay Zaira. Hindi niya alam kung gusto ba niya talaga ito o interesado lang siya dahil sa kakaiba ito sa lahat ng bab
Locked Chapter
Ituloy basahin ang aklat na ito sa APP

Kaugnay na kabanata

Pinakabagong kabanata

DMCA.com Protection Status