Share

Chapter 64

Hay! Habang tinatanaw ko si Stacy palakad palayo sa akin ay inis na inis ako, hindi sa kanya, kung hindi sa sitwasyon ngayon. Ano ba talaga ang nangyayari? Kumain lang ako sa labas kanina kasama si Lillian dahil nga sa may diniscuss kaming business, pagbalik ko ay para na akong walang girlfriend. Bago naman ako umalis kanina ay ayos lang kami. Halos mamilipit nga ako sa kilig dahil sa huling sinabi niya. Hindi niya lang alam kung gaano kalaki ang epekto sa akin ng sinabi niyang iyon, na wala daw siyang gustong ibang pasalubong. Ako lang daw, basta bumalik lang ako ng buo ay ayos na sa kanya.

Pero anong nangyari? Bumalik naman akong buo, walang labis, walang kulang. Bakit ngayon ay para akong may aids kung iiwas nila si Stacy sa akin. Kung pwepwede nga lang na ipagsigawan ko na sa kanila na girlfriend ko iyong taong iniiwas nila sa akin, kanina ko pa ginawa dahil sa inis. Pero nagpipigil ako, hindi ko ginagawa iyon dahil alam kong magagalit na naman sa akin si St

Locked Chapter
Continue to read this book on the APP

Related chapters

Latest chapter

DMCA.com Protection Status