Share

Chapter 66

Naalimpungatan ako ng makaramdam ng mahinang pagtapik sa hita ko. “Babe, gising ka na. Uuwi na tayo.” Narinig ko pang sabi sa akin. Pagmulat ko ng mga mata ko ay agad kong nabungaran ang guwapong mukha ni Richard. Hahawakan ko sana ang mukha niya nang ma-realize ko kung nasaan kami. Kung ano ang sitwasyon bago ako magpahinga dito sa kuwarto. “Nahihilo ka pa ba? Kamusta na ang pakiramdam mo?” Nag aalalang tanong pa niya sa akin.

Umiling ako saka dahan dahang umupo mula sa pagkakahiga. “Nasaan na ba si ate Raq? Ang sabi niya sa akin kanina ay gigisingin niya ako kapag last sequence na.” Naaalala ko pa ang pangako niyang iyon bago niya ako iwan kanina dito sa loob ng kuwarto.

“Sinabihan ko kasi siya kanina na huwag ka nang gisingin, na hayaan ka na lang muna na matulog rito.”

“Alam na niya…” kaswal kong imporma sa kanya pagkatapos ay hinaplos ko ang tiyan ko at saka tumingin sa kanya.<

Bab Terkunci
Membaca bab selanjutnya di APP

Bab terkait

Bab terbaru

DMCA.com Protection Status