ログイン**THE NIGHT BEFORE I DO—WITH YOU** Akala ni Serena ay isang gabi lang ang lahat. Isang gabing puno ng alak, kalituhan, at isang pagkakamaling gusto niyang kalimutan. Kinabukasan, dapat ay ikakasal na siya sa lalaking matagal na niyang minamahal. Pero paggising niya sa isang hotel room, wala na ang lalaking kasama niya kagabi. Ang tanging natira ay ang malabo niyang alaala, isang gabing hindi niya lubos maalala, at guilt na unti-unting sumisira sa kanya. Hindi niya alam kung sino ang lalaking nakasama niya. Ang alam lang niya hindi iyon si Ashton. Kaya bago pa siya makarating sa altar, nagdesisyon si Serena na tumakbo. Iniwan niya ang wedding dress. Iniwan ang singsing. Iniwan ang lahat ng pangarap na matagal niyang binuo. Pero paano kung mali ang lahat ng pinaniniwalaan niya? Paano kung ang lalaking pilit niyang tinatakasan ay siya ring lalaking kasama niya noong gabing iyon? At paano kung si Ashton ay hindi kasing inosente ng iniisip niya? Tatlong araw matapos ang kasal na hindi natuloy, muling nagkrus ang landas nila. At sa bawat pagkikita nila, mas maraming tanong ang bumabalik kay Serena. Bakit parang alam ni Ashton ang mga bagay na dapat siya lang ang nakakaalam? Bakit sa tuwing tinitingnan siya nito, parang may lihim na hindi nito kayang sabihin? At higit sa lahat… Paano kung ang gabing gusto niyang kalimutan ang siyang gabing magbabago sa kanilang dalawa? Dahil minsan, ang pinakamalaking pagkakamali sa buhay mo… ay maaaring siya rin ang dahilan ng pagbago ng takbo ng buhay mo.
もっと見るSERENA'S POV
Hindi ko alam kung kailan nagsimulang maging mali ang gabing iyon. Siguro nang tanggapin ko ang unang baso. O nang tumawa ako kasama ng mga kaibigan ko na para bang wala akong kasal na kailangan harapin kinabukasan. O baka matagal nang may mali sa akin. Dahil kahit dapat ay isa sa pinakamasayang gabi ng buhay ko, may kung anong bigat sa dibdib ko na hindi ko maipaliwanag. Bukas, ikakasal na ako. Bukas, magiging asawa ko na si Adrian. At ngayong gabi, dapat ay nagdiriwang ako kaya pumunta ako sa party ni Mara ang best friend ko. Hindi para kalimutan ang kasal. O para gumawa ng kalokohan. Gusto ko lang sanang magkaroon ng huling gabi kasama ang mga taong malapit sa akin bago tuluyang magbago ang buhay ko. Hindi ko alam na ang gabing iyon ang sisira sa lahat. "Serena! Dito!" Napalingon ako nang marinig ang boses ni Mara nakita ko siyang kumakaway sa gitna ng maliit na crowd Nakangiti ako habang papalapit sa kanila. "Finally!" sabi niya. "Akala ko hindi ka na pupunta." "Sinabi ko namang pupunta ako." "Oo, pero bride ka bukas. Baka bigla kang umatras." Pabirong saad nito habang natatawa Napatawa ako, hindi manyayari yun. "Ikakasal ako, Mara." "Sigurado?" "Shh stop it!." Mas lalo siyang tumawa. Napatingin ako sa paligid. Maliwanag ang mga ilaw. Malakas ang tugtog. Maraming tao ang nagsasayawan at nagkukuwentuhan. Lahat ay masaya. At sa unang pagkakataon buong araw, nakaramdam ako ng kaunting gaan. Kumuha si Mara ng isang baso ng alak at iniabot sa akin. "Para sa bride-to-be." Tinanggap ko iyon. "Isa lang." "Isa lang," pangako niya napangiti ako. "Cheers!!" Nagtama ang mga baso namin. At doon nagsimula ang gabing hindi ko na sana sinimulan. Hindi ko mabilang kung ilang baso na Ng alak ang nainom ko At unti-unting nahilo ako gawa ng alak, tumatawa ako sa mga bagay na hindi naman talaga nakakatawa sumasayaw ako kahit hindi ko alam kung tama pa ba ang mga galaw ko. "Serena, tama na!" sigaw ni Mara habang tumatawa. "Okay lang ako." "Hindi ka na okay." "Okay lang ako!" Napailing siya. "Ang stubborn mo talaga." Tumawa ako siguro tama siya, pero ayokong pang umuwi. Ayokong matapos ang gabi. Dahil bukas wala nang ganito. Bukas, ikakasal na ako sa pinakamamahal kung lalaki si Adrian napabaling ako sa cellphone ko Ng mag vibrate ito hudyat na may pumasok na message sa phone ko. Adrian: Enjoy tonight. Don't drink too much Napangiti ako, mabilis akong nag-reply. Me: I won't Isang minuto lang, may sagot agad. Adrian: I love you Napahinto ako sa pagsasayaw sa kabila ng ingay, parang narinig ko lamang ang tatlong salitang iyon. I love you. Ngumiti ako habang nakatingin sa screen. Me: I love you too. Nilagay ko ang cellphone ko sa bag hindi ko alam na iyon na pala ang huling mensaheng maipapadala ko sa kanya bilang fiancé niya. Lumipas ang oras. Mas lumakas ang tugtog. Mas dumami ang tao at dahil dito mas lalo akong nahilo. "Serena, umupo ka muna," sabi ni Mara. "Okay lang ako." "Paulit-ulit mo na 'yan sinasabi." Ngumiti lang ako at naupo sa Isang sofa Pumikit ako sandali Parang umiikot ang buong paligid. "Maybe I should go home." "Hatid kita." Umiling ako. "Wag na." "Bakit?" "May pupuntahan pa ako." "Ay saan ka naman pupunta?" Napaisip ako, hindi ko alam. Sa totoo lang, wala akong maisip na pupuntahan. Pero bago pa ako makasagot, tumayo na ako pagkabangon ko, biglang nanghina ang tuhod ko at muntik na akong matumba. "Whoa." "Careful." Napatingin ako. Isang lalaki. Hindi ko malinaw na nakita ang mukha niya dahil sa ilaw at sa hilo ko, inalalayan nya ako na makatayo ng maayos "Okay ka lang?" Tumango ako. "Yes." "You're drunk." Napatawa ako. "Medyo." "Sino kasama mo?" Tumingin ako sa paligid hinanap ng mata ko si Mara, pero hindi ko na siya makita. "Kaibigan ko..." Napa tango-tango nalang ito hudyat Ng pagsang -ayon nito. Muling umikot ang paligid, napa higpit ang kapit ko sa kanyang braso. "Come on. Maupo ka muna." Hindi ko alam kung bakit ako sumunod, siguro dahil kailangan ko ng tulong O siguro dahil wala na akong sapat na pag-iisip para magreklamo pa. Ang tanging natatandaan ko ay ang kamay niya sa braso ko habang tinutulungan niya akong maglakad. Naalala ko ang labas ng building ang malamig na hangin sa mukha ko. Ang tunog ng sasakyan at ilaw ng mga gusali habang dumadaan kami. May sinabi siya sa akin hindi ko na matandaan kung ano. Pagkatapos noon, naging malabo na ang lahat. Ang malinaw lamang ay ang pakiramdam na hindi ako nag-iisa May isang taong kasama ko. Isang lalaki. Isang taong hindi ko kilala. At bago tuluyang mawala ang alaala ko. Narinig ko siyang nagsalita. "Magpahinga ka." Pagmulat ko ng mga mata ko kinabukasan, hindi ko agad maintindihan kung nasaan ako. Masakit ang ulo ko sobrang sakit, napahawak ako sa noo ko. "Aray..." Dahan-dahan akong bumangon at don ko napansin na hindi ito ang kwarto ko napatingin ako sa paligid. Isang hotel room. Hindi ko alam kung paano ako nakarating dito. At saka ko narinig ang tunog ng tubig. Shhhhh…. Napalingon ako sa p***o ng banyo. May tao roon. May naliligo. Bigla akong nanigas sa kama. Hindi ko alam kung bakit, pero parang mas lalo pang bumilis ang tibok ng puso ko. Parang gusto nitong kumawala sa dibdib ko. Tumingin ako sa sarili ko. Magulo ang buhok, nagkalat Ang damit sa baba ng kama. Napa sabunot ako sa buhok ko, hindi ko man lang maalala kung paano ako nakarating dito. At doon pumasok sa isip ko ang tanong na ayaw kong itanong sa sarili ko. Ano ang ginawa ko kagabi? Pinilit kong alalahanin. Party. Alak. Mga ilaw. Malakas na tugtog. Mga taong nagtatawanan. At isang lalaki. Napapikit ako. May naalala akong mga pira-pirasong sandali, pero kahit anong pilit ko, hindi ko mabuo ang buong pangyayari. Walang mukha. Walang pangalan. Wala akong makapitan na kahit isang malinaw na alaala ang alam ko lang May isang lalaki. Isang estranghero. Napahawak ako sa kumot. "No! Hindi pwede to." Kaba ang maririnig sa mahina kung boses ayokong isipin kung ano ang ibig sabihin nito. Pero habang patuloy kong naririnig ang tubig mula sa banyo, lalo lang akong kinakabahan. May tao sa likod ng pintong iyon isang lalaking hindi ko kilala, at ayokong malaman kung sino siya. Dahil baka kapag nakita ko ang mukha niya, tuluyan nang magbago ang lahat. Mabilis kong kinuha ang nagkalat na damit ko sa ibaba. Dali-dali ko itong isinuot. Halos hindi ko na nga alam kung tama pa ba ang mga ginagawa ko. Basta gusto ko nang umalis. Tahimik akong tumayo at inayos ang sarili ko sa abot ng makakaya ko. Bago ako lumabas, napatingin ulit ako sa p***o ng banyo. Sandali akong nagdalawang-isip. Paano kung hintayin ko siya? Paano kung makita ko ang mukha niya? Baka sakaling maalala ko. Pero hindi ko magawa. Mas nanaig ang takot. Tumalikod ako at lumabas ng kwarto, hindi na ako lumingon. Paglabas ko ng hotel, agad kong kinuha ang cellphone ko. At doon ko nakita ang dose-dosenang missed calls. Karamihan ay mula kay Adrian. Napapikit ako. Nanikip ang dibdib ko. Isa-isa kong binuksan ang mga mensahe niya. Adrian: Where are you? Adrian: Serena, please call me. Adrian: I'm waiting for you. At ang huling mensahe niya— Adrian: I love you. See you tomorrow. Napatingin ako sa screen nang matagal. Tomorrow. Ngayon ang araw ng kasal namin. Napatingin ako sa engagement ring na nasa daliri ko. Kanina lang, ordinaryong singsing lang iyon. Ngayon, parang ang bigat-bigat na. Napaluha ako. Paano ako haharap kay Adrian? Paano ako pupunta sa altar? Paano ko siya haharapin at sasabihing I do na parang walang nangyari kagabi? Habang alam kong may ibang lalaki akong nakasama? Hindi ko alam kung sinadya ko. Hindi ko rin alam kung paano nangyari. Pero alam kong may nangyari. At kahit hindi ko maalala ang lahat, sapat na iyon para maramdaman kong niloko ko siya. Pinagtaksilan ko ang lalaking pinakamamahal ko. Tinawagan ko si Mara. Ilang ring muna bago niya sinagot. "Serena! Saan ka? Kanina pa kita hinahanap!" "Mara..." Nanginginig ang boses ko. "Ano'ng nangyari?" Hindi ko alam kung paano sisimulan. "Nasa hotel ako." Biglang na tahimik si Mara. "Ano?" "Nakauwi ako sa hotel... kasama ang isang lalaki." "Serena..." "Hindi ko siya kilala." Ilang segundo siyang hindi nagsalita. "Sigurado ka?" "Pagkagising ko, nasa bathroom siya." Napahawak ako sa bibig ko habang pinipigilan ang panibagong hikbi. "Hindi ko nakita ang mukha niya." "Serena, baka—" "May nangyari sa amin." Tuluyan nang bumagsak ang mga luha ko. "Hindi ko alam kung paano. Hindi ko maalala. Pero alam kong may nangyari." "Umuwi ka. Pag-usapan natin." "Hindi ko kayang umuwi." "Pero Serena..." Bumigat ang boses ni Mara. "Kasal mo ngayon." Mas lalo akong napaluha. Napatingin ulit ako sa engagement ring. "Iyon nga ang problema.”SERENA'S POVPagdating ko sa bahay, agad kong isinara ang pinto sa likuran ko.“Serena?”Napalingon ako nang marinig ko ang boses ni Mara mula sa kusina.“Yeah?”Lumabas siya at napatingin sa akin.“Bakit namumutla ka hinabol ka ba ng multo?”Birong sabi nito,napangiti ako nang kaunti.“Gaga Wala toh.”“Sure?”Tumango ako.Ayoko munang sabihin sa kanya yung tungkol sa mga messages. Baka sabihin niyang nag-o-overthink lang ako. At honestly, baka ganoon nga.Pero hanggang ngayon, hindi ko pa rin makalimutan yung dalawang mensahe.Hindi ka dapat pumunta rito.Umuwi ka na, Serena.Sino ang nagpadala noon?At paano niya nalaman ang pangalan ko?“Halika na. Kain ka muna,” sabi ni Mara.Sumunod ako sa kanya papunta sa kusina.Habang kumakain, tahimik lang ako. Napansin yata iyon ni Mara dahil ilang beses niya akong tining
SERENA'S POV Kinabukasan paglabas ko Ng kwarto kita ko si Mara na nag hahain Ng almusal napansin Niya ako kaagad."Oh andiyan kana pala, halika kain muna tayo"Pag aaya nito sa akin napangiti ako Saka tumango at sinaluhan Siya sa pagkainPagkatapos nagligpit na ako ng kinainan namin."So Anu na balak mo ngayon?"Panimulang tanong Niya Sakin habang tinulungan Niya ako nang mga pinag kainan papuntang kusina para hugasan "Wala pa pumapasok sa utak ko kung Anu gagawin"Nanlulumong tugon ko dito."Bakit dimo sabihin Ang dahilan mo Kay Adrian kung bakit dika sumipot sa kasal Nyo, for sure nababaliw na yun kakahanap Sayo.""Gusto ko rin namang sabihin sa kanya Yung pagkakamali ko pero" pinutol ko Ang sasabihin ko dahil sa na guguilty ako."Pero Anu?, dahil ba takot ka nakamuhian ka Niya?, Sis Anu kaba obviously magagalit talaga yun Ikaw ba naman Malaman mo na nakipag one night Yung fiance mo Isang G
ADRIAN'S POV Wala na siya. Iyon lang ang paulit-ulit na umiikot sa isip ko habang nakatayo ako sa harap ng altar. Ang mga bulaklak. Ang mga upuan. Ang mga taong nag bubulungan. Lahat ng iyon naging blanko sapandinig ko Nanlalambot at tila nanlabo Ang mga mata ko ng mapagtantong dino matutuloy ang kasal na pinaka hihintay ko. Ilang oras na ang lumipas nang malaman kung hindi siya darating. Tumakas siya! Hindi ko alam kung saan siya pumunta Hindi ko alam kung bakit. At higit sa lahat, hindi ko alam kung bakit pakiramdam ko ay kasalanan ko. "Adrian." Narinig ko ang boses ng kaibigan kong si Lucas mula sa likuran. Hindi ako lumingon. "Hanapin mo siya." "Pero baka may dahilan si
SERENA'S POV Tatlong oras na akong nasa loob ng sasakyan, pero hindi ko pa rin alam kung saan ako pupunta.Ang tanging alam ko lang ay kailangan kong makalayo.Malayo kay Adrian.Malayo sa pamilya ko.Malayo sa simbahan na dapat sana'y naging saksi sa pagsisimula ng buhay naming dalawa.At higit sa lahat, malayo sa sarili kong konsensya.Tahimik akong nakatingin sa bintana habang unti-unting napapalitan ng madilim na kalsada ang mga pamilyar na gusali sa paligid namin.Nasa passenger seat ako, habang si Mara, ang matalik kong kaibigan, ang nagmamaneho.Hindi siya nagtatanong.Siguro dahil alam niyang kahit anong tanong niya, hindi ko rin kayang sagutin.Mahigpit kong hinawakan ang engagement ring ko.Hindi ko ito hinubad.Hindi ko kayang gawin.Kahit tumakas ako sa kasal namin, kahit iniwa






Maligayang pagdating sa aming mundo ng katha - Goodnovel. Kung gusto mo ang nobelang ito o ikaw ay isang idealista,nais tuklasin ang isang perpektong mundo, at gusto mo ring maging isang manunulat ng nobela online upang kumita, maaari kang sumali sa aming pamilya upang magbasa o lumikha ng iba't ibang uri ng mga libro, tulad ng romance novel, epic reading, werewolf novel, fantasy novel, history novel at iba pa. Kung ikaw ay isang mambabasa, ang mga magandang nobela ay maaaring mapili dito. Kung ikaw ay isang may-akda, maaari kang makakuha ng higit na inspirasyon mula sa iba para makalikha ng mas makikinang na mga gawa, at higit pa, ang iyong mga gawa sa aming platform ay mas maraming pansin at makakakuha ng higit na paghanga mula sa mga mambabasa.