แชร์

Bogus Billionare
Bogus Billionare
ผู้แต่ง: Shining Riviera

Kabanata 1

ผู้เขียน: Shining Riviera
Ito ang araw na ikakasal si Caroline Evans.

Ngunit hindi sa kanyang kasintahan na si Eddy Morrison, na minahal niya ng sobra sa loob ng walong taon. Kundi, sa isang lalaki na wala pang limang minuto niyang nakikilala…

"Pwede ka pang umurong." Puno ng pag aalinlangang sabi ng lalaki habang naghihintay sila sa waiting room ng City Hall.

Napahawak ng mahigpit si Caroline sakanyang palda nang bigla niyang maalala ang walang emosyong itsura ni Eddy. Tatlong araw na ang nakakalipas mula noong inimbitahan siya ni Eddy, na iniiwasan siya na para bang may nakakahawa siyang malubhang sakit. Sobrang saya niya noong araw na yun dahil akala niya ay sa wakas magbubunga na ang paghihintay niya ng walong taon…

Sobrang pinaghandaan niya ang araw na yun, pero pagkarating niya sa venue, hindi niya inaasahan na hindi lang oala si Eddy ang makikita niya doon dahil may kasama itong babae na nakaupo sa wheelchair at abot-tenga ang ngiti hbang nakahawak kamay kay Eddy. Ang babaeng ito ay walang iba kundi si Layla Evans, ang pinsan niya.

Hindi pa man din napoproseso ni Caroline ang nakita niya nang biglang walang emosyong nagsalita si Eddy.

“Papakasalan kita kung papayag kang magdonate ng kidney kay Layla.”

Nang marinig yun ni Caroline, hindi siya nakapagsalita at gulat na gulat siyang napatingin kay Eddy. Walang ka emo-emosyun ang itsura nito, at halatang galit na galit sakanya, na para bang hindi ito ang taong minahal niya sa loob ng walong taon.

Nanginig ang buong katawan ni Caroline.

Mula pagkabata, pinaniwala niya ang sarili nila na sila ang nakatadhana para sa isa’t-isa. Noong bumalik siya sa bansa sa edad na 16, doon sila unang nagkita ni Eddy kung saan na love at first sight siya. Sa loob ng walong taon, wala siyang ibang ginawa kundi ang sanayin ang sarili niya na maging isang perperktong asawa.

Nag aral siya kung paano mag laba at mag luto. Sinanay niya rin ang sarili niya sa musika at arts. Simula palang, alam naman niya na hindi talaga siya gusto ni Eddy, pero hindi yun naging hadlang sakanay para mahalin niya ito. Maikukumpara siya sa isang gamu-gamo, habang si Eddy naman ang ilaw, kung saan ay habol na habol siya rito sa pagbabakasakaling dumating ang araw na mapansin at mahalin din siya nito.

Pero ngayon…. Para siyang sinagasaan ng isang malaking trailer truck nang malaman niyang pinsan niya pa mismo ang girlfriend nito, at para bang wala itong pakielam kahit pa buhay niya ang kapalit basta mailigtas labg ang babaeng pinakamamahal nito. Alam ni Eddy kung gaano siya kapatay na patay dito kaya sinamantala nito ang kahinahaan niya.

Ang kapal ng mukha…sobrang kapal ng mukha!

Noong punto na yun mismo, ang nag aapoy na pagmamahal na naramdaman niya sa loob ng walong taon, ay biglang napalitan ng galit.

Gusto niyang patayin ang dalawa!

Pero ano nalang ang mangyayari sakanya kung gagawin niya yun? Makukulong siya para sa mga taong walang kwenta?

Hanggang ngayon, paulit-ulit pa rin sa isip niya ang walang pusong mga salitang binitawan ni Eddy. “Ayokong makiusap sayo. Makinig ka, kung tatanggihan mo ako, ikaw lang naman din ang mawalwalan dahil hinding hindi ko ibibigay sayo ang pagiging Mrs. Morrison.”

Kumuyumos ang kamao ni Caroline habang binabalikan ang mga nangyari.

Tatlong araw na ang nakakalipas, pero hinog na hinog pa rin ang galit na nararamdaman niya, at sa tuwing maiisip niya ito, pakiramdam niya ay para bang may dragon sa puso niya na bumubuga ng galit.

Alam niya na hindi nagbibiro si Eddy.

Bilang tagapagmana ng pinaka-prominenteng pamilya sa Osbury, kayang kaya niyong makuha ang anumang gustuhin nito, at kung hindi nga lang siguro para sa reputasyon ng lolo nito na si Jude Morrison ay baka hinatak nalang siya nito sa operating room para pilitin siyang magdonate ng kidney.

Kaya para proteksyonan ang kanyang sarili, kinailangan niyang magpakasal sa iba upang hindi matuloy ang plano ni Eddy.

Lumunok si Caroline at may punong paninindigan na sumagot, “Hindi ako aatras.”

Pagkatapos, tumingin siya sa lalaking katabi niya.

Kirk Morrison. Tama, kapareho ng apelyido ni Eddy.

Nabackground search niya na si Kirk. Wala itong kinalaman sa mga Morrison na kilala niya, at isa lamang itong ordinaryong tao, at ang tanging pagkakaparehas lang nito kay Eddy ay pareho itong nagtatrabaho sa kumpanya na pagmamay ari ng mga ito.

Pero kahit na ordinaryong tao lang si Kirk, hindi maipagkakaila na sobrang gwapo at matipuno ng katawa nito. Sobrang perkpekto! At sa totoo lang, noong unang beses silang nagkita, inakala ni Caroline na CEO si Kirk ng isang kilalang kumpanya.

"Ms. Evans."

Medyo matagal rin na nakatitig si Caroline kay Kirk at nahimasmasan lang siya nang tinawag siya nito. Sobrang hinahon ng boses nito at napaka ganda pa ng ngiti….

Halos hindi siya makahinga sa sobrang kagwapuhan nito.

Nagmamadaling hinawi ni Caroline ang kanyang buhok na dumampi sa mukha niya, para pasimpleng takpan ang namumula niyang mukha.

Tumingin sakanya si Kirk ng diretso sa mga mata at nakangiting nagpatuloy, “Naalala mo pa ba yung tatlo nating rule?”

“Mhm.” Smagot si Caroline, “Tatlong taon lang ang itatagal ng kasal natin; hindi ibig sabihin na kasal tayo sa batas ay pwede na nating pakielaman ang isa’t-isa; at ang huli ay hindi tayo pwedeng mainlove sa isa’t-isa, at sa oras na may makita tayong taong mamahalin natin, magdidivore tayo kaagad kahit wala pang tatlong taon.”

Nakangiting tumango si Kirk, habang si Caroline naman ay medyo naguluhan, “Bakit mo biglang naisip yun?”

Napakamot si Kirk ng kanyang ulo at yumuko, “Natatakot kasi ako na baka mahulog ka sa akin.”

Ilang segundo ring hindi nakapagsalita si Caroline sa sobrang gulat bago siya napailing at may halong pagkabitter na ngumiti, “Wag kang mag alala, hindi ako mahilig sa mga lalaki.”

Sigurado si Caroline na hindi na siya ulit mahuhulog sa iba dahil sapat na yung nasaktan siya ng isang beses para matuto siya.

Sinilip ni Kirk ang reaksyon ng mukha ni Caroline at sinabi, “Mabuti kung ganun. Tara na.”

Muli, napatulala si Caroline ng ilang sandali kay Kirk bago siya mahimasmasan at maintindihan ang ibig sabihin nito na oras na para magparegister ng kanilang kasal.

Tumayo siya, at nakita niya iba pang mgabagong kasal na sobrang saya na matanggap ang mga marriage certificate nito.

Para bang biglang lumabo ang paningin niya. Matagal niyang pinangarap na maikasal kay Eddy, at sa katunayan, habang nasa byahe siya kanina papunta sa City Hall, naimagine niya na sila ni Eddy ang ikakasal, pero naputol ito nang biglang tumawag si Eddy sakanya.

"Kailan ka pupunta sa ospital?" Ramdam ang inis sa boses nito.

Noong oras na yun, napagtanto ni Caroline na hindi naman pala talaga siya galit at natatawa nalang siya.

Ganun na ba talaga kasigurado si Eddy na handa niyang isakripisyo ang lahat para lang mapakasalan lang siya nito?

Dahil sa mga bagay na yun, lalong naliwanagan si Caroline na tama ang desisyon niya na pakasalan si Kirk!

"Anong problema?" tanong ni Kirk, doon lang muling nahimasmasan si Caroline.

Tumingin din siya ng diretso sa mga mata ni Kirk at huminga ng malalim. Napuno ng luha ang kanyang mga mata at walang emosyong sumagot, “Wala.”

Mula ngayon, wala na silang koneksyon ni Eddy sa isa’t-isa, at habang iniisip niya yun ay para bang nabunutan siya ng malaking tinik sakanyang dibdib.

Nararamdaman ni Kirk na sobrang emosyunal pa ni Caroline, pero kagaya ng napagkasunduan nila, labas na siya dun kaya hindi na siya nagtanong pa. Sa kasunduang iyon, hindi lang si Caroline ang may pangangailangan dahil si Kirk din ay kailangan ng asawa at si Caroline ang inirekomenda sakanya.

Dahil parehas silang may pangangailangan sa isa’t-isa, nagkasundo sila ng ganun ganun nalang, at dahil alam nila na hindi naman sila permanente, ano pang dahilan para kilalainin nila ng sobra ang isa’t-isa.

Pagkalipas ng kalahating oras, natanggap na nila ang kanilang marriage certificate.

Nang makita ang marriage certificarem napahawak si Caroline kung nasaan ang kanyang kidney at napabuntong hininga. Sa wakas, hindi na siya mabablackmail ni Eddy.

Ligtas siya sa ngayon.

Pero nang sandaling maisip ni Caroline ang kanyang mga magulang, bigla siyang napayuko.

Sa sobrang bilis ng mga pangyayari, nawalan na siya ng pagkakataon na masabi sa iba ang tungkol sa naging pagpapakasal niya kaya sigurado siya na walang ideya tungkol dito ang mga magulang niya. Isa pa, alam niya ring masasaktan ang mga ito dahil si Eddy Morrison ang gusto ng mga ito na mapangasawa niya. Dati silang nasa big four na pamilya sa Osbury noon, pero hindi na ngayon at masasabing nasa laylayan na sila ng lipunan kaya malaki ang magiging benepisyo ng kanyang pamilya sa oras na makapagpaksal sila ni Eddy.

Siguradong magagalit sila kapag nalaman nilang nagpakasal siya sa isang taong hindi niya kilala.

“Bisitahin natin ang mga magulang mo.” Ibinulsa ni Kirk ang kanilang marriage certificate at tumingin sa kanyang relo.

Kahit na peke ang naging kasal nila, gusto pa rin ni Kirk na dumaan sila sa mga tamang paraan.

Nanlaki ang mga mata ni Caroline sa sobrang gulat. "Ngayon … ngayon na?"

อ่านหนังสือเล่มนี้ต่อได้ฟรี
สแกนรหัสเพื่อดาวน์โหลดแอป

บทล่าสุด

  • Bogus Billionare   Kabanata 210

    Hindi na kailangang tapusin ni Charles ang pagsasalita. Binuksan ni Kirk ang kanyang tablet, at lumabas ang isang push notification tungkol sa akusasyon ni Sarah laban kay Caroline sa malaking screen.Isa itong video. Nagpapakita ito kay Sarah, na hindi maganda ang ayos at tila napapagod. Kaagad siyang umiyak nang magsalita."Alam kong hindi tama na ilantad natin ang mga lihim ng pamilya sa publiko, pero wala na kaming ibang pagkukunan. Ini-block ni Caroline ang lahat ng paraan ng komunikasyon namin, kaya't ito na lang ang natitira. Pasensya na at ginagamit namin ang mga resource ng publiko."Nilinis ni Sarah ang kanyang mga luha at tumingin nang diretso sa camera. Para itong nakatitig kay Caroline, at nagpakita ng pagmamahal sa mukha.Pinaabot niya, "Carrie, alam kong naririnig mo ito. Isa ka nang may-asawa at matanda na, kaya't hindi na kita gustong laging binibigyan ng kaginhawaan. Mas magiging masama lang ito para sa iyo. Hindi ka naman nagbigay ng anumang tulong sa pamilya nat

  • Bogus Billionare   Kabanata 209

    Mukhang napagtanto ni Adrian na hindi siya nakilala ni Caroline. Kaya't binago niya ang paksa. "Itatanong ko sa aking secretary na kausapin ka tungkol sa kompensasyon. Mayroon ka bang iba pang hiling?"Nagulat na tanong ni Caroline, "Kailangan bang magbigay ng kompensasyon ang pamamahala ng real estate?""Syempre, kailangan naming magbigay ng kompensasyon sa iyo. Nagdulot ka ng pinsala sa ari-arian sa ilalim ng aming pangangasiwa."Naintidihan ni Caroline. Hindi nakakagulat na umuunlad ang pamilya Sorkin sa pamamahala ng ari-arian. Ang kanilang sakop ay umabot sa lahat ng uri ng ari-arian sa Easton. Tunay nga nilang pinagsisilbihan ang kanilang mga kliyente.Nakuha na ng pulis ang lahat ng kuhang surveillance footage. Lumapit ito kay Caroline nang may kahihiyan."Ginang Evans, dahil maraming taong sangkot, mahihirapan kaming arestuhin silang isa-isa."Nilingon ni Caroline ang mga taong nagmamaliit sa kanya sa mga footage ng surveillance nang may pagkadismaya. Ngumiti siya ng baha

  • Bogus Billionare   Kabanata 208

    Pagdating ni Caroline sa kanyang apartment, naamoy niya ang nakakasulasok na amoy kaagad nang bumaba siya sa elevator.Ang pinto ng kanyang apartment ay may dungis, at ang mga pader ay may pintura ng mga salitang "Caroline Evans, ang disloyal na anak." Ang likido mula sa mga basag na itlog ay tumutulo sa mga biak sa mga bato.Naghintay siyang ang manager ng apartment ay nasa harap ng pinto. Nang makita siya nito, tinakpan nito ang kanyang ilong at lumapit."Ginang Evans, nasa opisina ang pulis para kunin ang mga kuhang footage ng surveillance."Bahagyang umiling si Caroline at binuksan ang pinto.Sa loob ng kanyang apartment, malinis ito. Ito ay tila wala pang nangyari, katulad ng dati bago sinira ito ni Layla.Huminga si Caroline ng malalim at tiningnan ulit ang labas ng pinto. Parang nagbalik-tanaw siya sa mga panahon na sinira ni Layla ang kanyang tahanan.Sinabi ng manager ng apartment, "Pumunta na lang tayo sa ibaba, Ginang Evans."Tumingin si Caroline palayo. Bahagyang tu

  • Bogus Billionare   Kabanata 207

    Nag-kulot ng bahagya ang noo ni Caroline. Hindi niya maaring mapaniwalaan ang lasa ng lalaking nagsalita sa press conference ng higit sa isang buwan na ang nakakalipas.Gayunpaman, ang mga pinagmulan ng website ng entertainment ay maaasahan.May mga tao pa nga na natuklasang si Daphne ay naglaro ng mga maliit na supporting roles bago siya ikasal.Ngunit ngayon, lahat ng kanyang mga bahagi ay pangalawang o pangatlong pangunahing roles na lamang. Maari lamang niyang magkaruon ng mga koneksyon na ito dahil sa kanyang pag-aasawa sa pangalawang uncle ni Eddy at pagiging kaugnay sa mga Morrison."Ano'ng tinitignan mo?" Tanong ni Kirk, tahimik na lumitaw sa kanyang tabi.Tumingin si Caroline, halos isipin na ang lalaking nasa harap niya ay ang pangalawang uncle ni Eddy. Maliban sa kanilang mga mukha, magkapareho talaga ang itsura nina Kirk at ng pangalawang uncle ni Eddy."Wala importante. Mga chismis lang."Naalala ni Caroline na nag-away sila dahil sa pangalawang uncle ni Eddy, kaya'

  • Bogus Billionare   Kabanata 206

    Nakita at naramdaman ni Mia kung gaano kadisappointed sakanya si Kirk base sa mga mata nito. Inilagay ni Kirk ang kanyang mga kamay sa kanyang mga bulsa, at malamig ang kanyang mga mata. Wala siyang balak na ipagtanggol si Mia.Sa nakita ito, sumama ang loob ni Mia at naglakad nang galit palayo.Namutla si Caroline habang pinagmamasdan si Mia habang umaalis. Pagkatapos, ibinalik ni Caroline ang pera sa kanyang bag.Lumapit si Kirk at inakbayan si Caroline. Sinabi niya, "Maghanap tayo ng makakain."Tiningnan ni Caroline ang elevator at nagtanong nang may pag-aalinlangan, "Hindi ba natin sila dapat puntahan?"Ngumiti si Kirk. "Ano bang gagawin mo?""Pero kinakabahan ako para sa kanila..."Pilit na dinala siya ni Kirk papuntang restaurant sa katabi. "Sila'y mga adulto na. Kaya nila ang kanilang sarili."Hindi sumagot si Caroline.Kahit nasa restaurant na sila para kumain, patuloy pa ring nag-aalala si Caroline para sa kanila. Kaya't nag-impake siya ng pagkain para sa kanila at pu

  • Bogus Billionare   Kabanata 205

    Nakatayo si Kirk sa may pintuan. Ang liwanag ay bumagsak sa kanyang mukha, at ang mga gilid ng kanyang bibig ay nag-angat papataas na may kasamang ngiti."Tara na," sabi niya kay Caroline, na tumingin upang maharap ang kanyang mata.Tumungo si Caroline patungo sa kanya at kumapit ng braso sa kanyang braso. "Oo."Tumingin si Kirk sa gilid. "Bakit ka sobrang masaya?"Binigyan siya ni Caroline ng misteryosong ngiti. "Malalaman mo na kapag kumain tayo."Pagkatapos, nag-fist pump siya nang kaunti papunta kay Gwen bilang tanda ng pagsusustento. Ikinurba ni Gwen ang kanyang mga labi dahil dito.Nang magtungo silang tatlo sa ibaba, naghihintay na si Sean sa labas ng pintuan. Ang pupuntahan nilang hapunan ay sa kabilang bahay lang.Nang magsimula na silang lahat papunta sa labas, nagmadaling lumapit si Mia sa kanila. "Sean, kakain ba kayo?" Tanong niya."Oo.""Pwede ba akong sumama?" Pagtaas-baba niya ng kilay, nakawink siya kay Sean.Subconsciously, tiningnan ni Sean si Gwen, na bigl

บทอื่นๆ
สำรวจและอ่านนวนิยายดีๆ ได้ฟรี
เข้าถึงนวนิยายดีๆ จำนวนมากได้ฟรีบนแอป GoodNovel ดาวน์โหลดหนังสือที่คุณชอบและอ่านได้ทุกที่ทุกเวลา
อ่านหนังสือฟรีบนแอป
สแกนรหัสเพื่ออ่านบนแอป
DMCA.com Protection Status