Share

Kabanata 20

”Bakit kaya hindi mo nalang intindihin ang sarili mo kaysa yung didiktahan mo yung mga desisyon ng anak mo?”

Agad na nakilala ni Sarah ang boses ni Kirk. "Wala kang pakialam sa buhay namin!" sigaw niya. "Nasaan ka? Wag mong sabihing nasa bahay ka ni Caroline!"

"Wag kang mag-alala." Hindi talaga gusto ni Kirk ang kanyang biyenan. "Kung anak talaga ang tingin mo kay Caroline, tigil tigilan mo na yang pamimilit mo na magpakasal siya kay Eddy Morrison kasi hindi kami interesado.”

Sarcastic na tumawa si Sarah. “Ano bang tingin mo sa sarili mo? Ni sa kalingkingan ni Eddy, wala ka. Siya lang naman ang pinaka makapangyarihang tao sa buong Osbury kaya sa Easton, walang sinuman ang–”

HIndi pa man din tapos magsalita si Sarah nang biglang putulin ni Kirk ang tawag. Kitang kita ni Caroline ang galit sa mukha ni Kirk, pero sa pagkakataong ito ay hindi siya natatakot. Sa halip ay sobrang nagpapasalamat siya dito. “Salamat.”

Tumingin si Kirk kay Caroline. Gusto niya sanang magsalita pero para
Locked Chapter
Continue to read this book on the APP

Related chapters

Latest chapter

DMCA.com Protection Status