Share

Kabanata 8

Doon na nagsimulang magreact ang lahat. Itinulak nila si Caroline nang mabilis at pinunasan ang lugaw na natapon kay Layla. Pero huli na ang lahat dahil nasunog na ang kanyng balat kaya para siyang batang inagawan ng candy sa pag iyak ng malakas.

Sigaw ng nurse, “Sino ka ba? Alam mo ba kung sino ang kinalaban mo?”

Walang emosyon na sumagot si Caroline, “Ako lang naman ang grirlfriend ni Eddy.”

Gulat na gulat ang lahat na napatingin kay Layla.

Nanginig ang buong katawan ni Layla at nagpapanic siyang nagpaliwanag, “Formality lang yung engagement niyo! Alam mo naman sa sarili mo na hindi ikaw ang mahal ni Edddy, kundi ako! Kaya pwede bang hayaan mo nalang kaming maging masaya??”

Sabay-sabay na tumingin ang lahat kay Caroline.

Natawa na lang si Caroline. Ang kapal talaga ng mukha ng pinsan niya.

Huminga siya ng malalim at mahinahong sinabi, “Kung talagang totoo at malinis ang relasyon niyo kagaya ng sinasabi mo, bakit kaya hindi magawang icancel ni Eddy ang engagement namin sa harap ni Lolo? Kanino ba siya nagsisinungaling? Sa akin? Sayo? O sa Lolo niya?”

Nagbago ang itsura ni Layla. Maraming tao sa paligid, kaya kailangan niyang maging mahinahon. “Alam kong galit ka dahil kailangan mong mag-donate ng kidney para mailigtas ako, Caroline. Alam ko. Kung ganun na talaga kasama ang loob mo sa akin, sige, hihintayin ko nalang siguro na mamatay ako para hindi ka na magalit.

Pagkatapos, lumapit si Layla sa isang gilid at inumpog ang ulo nito.

Kung noon, aatras si Caroline. Pero iba na siya ngayon.

Sabi niya na para bang walang pakialam, “Sige, iuntog mo pa ulit. Mas malakas, ha? Mas mabuti kung mamamatay ka na rin. Kapag nangyari iyon, malalaman ng lahat, kasama na si Lolo, ang lahat ng kahiya-hiyang ginawa mo at ni Eddy!”

Biglang natigilan si Layla sa kanyang ginagawa. Masakit ang pagkakaumpog niya, at hindi niya inaasahan na sasabihin iyon ni Caroline, na sobrang mahal si Eddy dati.

Galit na galit siya kay Caroline pero hindi siya pwedeng magpadala sa emosyon niya kaya tumayo siya mula sakanyang wheelchair at lumuhod sa harap nito.

“Mali ang iniisip mo, Caroline. Naawa lang sa akin si Eddy. Yun lang! Walang namamagitan sa amin! Maniwala ka!:”

“Ha? Eh bakit tinatawag ka nilang Mrs. Morrison?” Walang emosyong sagot ni Caroline.

Hindi siya naniniwala sa palabas ni Layla.

Namutla si Layla. “Nagkamali sila ... nakita nila kung gaano ka-attached si Eddy sa akin at inakala nila na ... na kami ay ...”

Tumayo si Caroline at hinihila pataas ang baba ni Layla. “Mula ngayon, matuto kang maghintay na magsawa muna ang pinsan mo, bago ka makisawsaw. Naiintindihan mo?”

Natahimik si Layla. Ang Caroline na nasa harap niya ay mayabang at sobrang taas ng kumpiyansa. Hindi kagaya noon na si Eddy ang pinaka prioridad nito. Nakakatakot… nakakakilabot…

Pagkatapos, umalis si Caroline na parang walang nangyari at bumalik siya sa canteen para bumili ng bagong lugaw.

...

Pagkatapos maghatid ng dinner sa Mommy ni Gwen, nakipagkwentuhan lang sandali si Caroline at nagpaalam na rin siya kaagad.

Ang service na pinadala ng Old Morrison ang siyang parehong service na maghahatid sakanya pauwi kaya naghihintay ito sa labas. “Pasensya na kuya, pinaghintay pa kita.”

Naka mask ang driver at mahinahon itong sumagot. “Walang problema, Ms. Evans.”

Alas onse na ng gabi noong oras na yun kaya dinalaw na rin si Caroline ng antok.

“Ihatid mo nalang ako sa Fergley.”

“Sige po.”

Nag-umpisa nang umandar ang kotse.

Sa totoo lang, hindi niya alam kung bakit parang sobrang inaantok at pagod na pagod siya kung kadalasan naman ay bandang 2 hanggang 3 am siya natutulog.

Kinamot niya ang mga mata niya at antok na antok talaga siya.

Baka pagod lang talaga siya nitong mga nakaraang araw. Medyo malayo pa bago siya makauwi kaya naisip niyang umidlip muna.

Unti-unti, tuluyan na nga siyang nakatulog.

Nang makita ito ng driver, napahinga ito ng malalim.

Samantala, sa pinaka mataas na palapag ng Fergley, pinapanuod ni KIrk ang mga dumadaan na sasakyan. Puno ng liwanag ang paligid.

Pero ang isip niya ay nakatuon sa babaeng yun.

Hindi niya alam kung saan nangagaling pero sobrang bigat ng puso niya.

Mula noong bumalik siya sa office, hindi na natigil ang kaibigan niya na si Sean Yates kaka asar sakanya.

“Ano?! Ikakasal ka sa fiance ni Eddy? Nakakatawa talaga bro!”

Tinignan siya ng masama ni Kirk.

Nahinto sa pagtawa si Sean at seryosong tinanong, “Gusto mo ba talagang mag-divorce?

Paano kung malaman ng Daddy mo na hindi ka pa kasal, at pilitin ka niyang magpakasal sa kung sinong babae?”

Dati, isang tao lang ang pumipilit sakanya na mag asawa na, pero ngayon, halos lahat na ng mga tao sa paligid ay walang ibang bukambibig kundi ang magpakasal na siya.

Kaya ganun nalang kabilis na nagdesisyon na magpakasal si Kirk.

Hindi inaasahan ni Sean ang kanyang sagot. Tinignan niya ang larawan ni Caroline, at nagsalita, “Maganda siya bro ah. Papakawalan mo ba talaga siya?”

Ininom ni Kirk ang alak na hawak niya.”Hindi ako mahilig sa gulo.”

Hindi na nagsalita pa si Sean. Nagdesisyon na si Kirk. Kilala niya ang kaibigan niya at alam niya na walang makakapagbago ng isipan nito kapag nangyari iyon.

Sakto, noong oras na yun, biglang nag ring ang kanyang phone.

Kinuha ito ni Sean at pinakinggan ang tao sa kabilang dulo, na nagulat. “Nakahanap na kayo ng donor ng kidney? Sige, pupunta na ako agad-agad.”

Pagkatapos ng tawag, nagpaalam siya kay KIrk. “May kailangan lang akong asikasuhin sa ospital. Mauna na muna ako.”

Tumango lang si KIrk bilang sagot.

Nakaka ilang hakbang palang si Sean nang bigla siyang tumigil at sinabi, “Bro, pag isipan mo muna ang tungkol sa divorce. Sa tingin ko hindi naman masamang tao si Caroline.”

Pagkatapos magsalita, tuluyan na siyang umalis.

Ang opisina, na sandaling binaha ng ilaw, ay bumalik sa kadiliman. Ang madilim na pulang likido ay umikot ng misteryoso sa baso na parang ahas na sinusubukan hipnotisahin ang kanyang biktima.

Sa ospital, nagising si Caroline ng malabo ang paligid.

Gusto niya sanang umupo pero naramdaman niya na nakatali pala siya. HIndi siya makagalaw at…. Sandali… nasa isang surgical ward ba siya? Biglang bumilis ang tibok ng puso niya.

Bigla niyang naisip si Eddy. Siguro naglagay ito ng anumang pampatulog sa loob ng kotse kaya nakatulog siya.

Sinubukan niyang magpumiglas pero walang nangyayari. Hindi nagtagal, dumatinh so Eddy na may suot na scrub at mask.

Nang makita siya ni Caroline, ang kanyang tingin ay naging mas matalas pa sa surgical knife.

Pagkatapos umalis sa hotel, pumunta siya sa jewelry shop para magpagawa ng custom na kwintas para kay Layla. Pero pagkarating niya sa ospital, nakita itong nakasalampak at parang basang sisiw na naligo sa lugaw.

Nang malaman niyang kagagawan yun ni Caroline, nagalit siya ng sobra na halos sirain niya na ang buong kwarto. Nang sandaling siya ay kumalma at narealize na nasa ospital pa rin si Caroline, pinalitan niya ang driver at nilagyan ng gamot ang kotse. Nang mawalan ng malay si Caroline, itinali niya ito sa operating table.

Tinignan niya uto mula ulo hanggang paa. “Masarap bang maging bully? Anong pakiramdam? Ngayong ikaw naman ang binubully, masarap ba?”

Hindi sumagot si Caroline at wala siyang interes na magpaliwanag. Muli siyang nagpumiglas at nagsisisgaw, “Pakawalan mo ako, Eddy! Hindi ka ba natatakot na malaman ito ni Lolo?”

Ngumiti si Eddy ng nakakasindak. “Sa oras na malaman niya, huli na ang lahat dahil ikakasal na kami. Sa oras na iyon, sasabihin ko sa kanya na ginamit mo ang kidney mo para takutin ako na magpakasal sayo at kaya lang naman ako magpapakasal sayo ay dahil naawa ako kay Layla.”

Pagkatapos, tumingin siya sa doctor na nasa likod niya at sinabi, “Ikaw na ang bahala, Dr. Yates.”

Kaugnay na kabanata

Pinakabagong kabanata

DMCA.com Protection Status