Share

Kabanata 6

Pagkalipas ng kalahating oras, nakarating na si Caroline sa Starlust Hotel sakay ng sasakyan na pinadala ni Jude para sunduin siya. Pagdating niya roon, saka lang niya nalaman sa butler na may gathering ang mga Morrison.

"Nandito rin ba si Eddy?" tanong ni Caroline. Sa totoo lang, ayaw niya talagang makita ito sa ngayon.

Subalit, nagkamali ng pagkakaintindi ang butler. Ngumiti ito at sinabi, "Huwag kang mag-alala, Ms. Evans. Darating siya agad."

Biglang bumilis ang tibok ng puso ni Caroline. ‘Wala pa siya? Makakaalis kaya ako bago siya dumating?’

Gusto niya pa sanang umatras, pero biglang binuksan ng butler ang pintuan at tumambad sakanya si Jude. “Lolo.”

"Oh!" Abot-tenga ang ngiti ni Jude nang makita si Caroline. "Halika, Carrie. Umupo ka rito sa tabi ko."

Umupo siya sa tabi nito. Doon niya napagtanto na hindi pa event.. Siguro ay may mga mahahalagang bisita pang hinihintay.

Hindi man siya nagsalita, pero para bang nabasa ni Jude ang kanyang isipan. Natawa ito at sinabi, "Nandito tayong lahat para icelebrate ang pagbabalik ng uncle ni Eddy.”

Bagamat hiningi ni Kirk na ito'y panatilihing lihim, may tiwala si Jude kay Caroline. Malakas ang paniniwala nito na hindi niya ipagkakalat.

Naalala no Caroline na may kapatid nga pala si Jude na umalis ng bansa matagal na panahon na ang nakakalipas. Narinig nga niya na may anak raw ito na sobrang galing sa negosyo kaya matagumpay nitong nagawang pinaka malaki at pinaka sikat ang company nito sa bansang yun. Pero bihira lang nakakaalam nun dahil sobrang low profile nga raw nito.

Biglang ginanahan si Caroline at excited siyang makita ang taong yun ngayong gabi.

Hindi nagtagal, muling bumukas ang pinto. Agad na napatingin si Caroline, ngunit bigla siyang nainis.

Maging si Eddy ay bigla ring naging seryoso ang mukha, Gait na galit siya kay Caroline at hindi niya kayang itago. “Anong ginagawa mo dito?”

Pinilit ni Caroline na pigilan ang kanyang galit para sa kanya at walang emosyong sinabi,, "Binisita ko lang si Lolo."

Inirapan ni Eddy si Caroline at sa isip niya. ‘Ha! Sigurado naman akong magsusumbong ka! Ang pinaka kinaiisinisan ko sa lahat ay yung mga babaeng hindi na nga marunong tumupad sa usapan ay sumbungera pa!’

Hindi na siya nagsalita, at tinignan ang paligid. "Nasaan si Uncle?"

"Lumabas lang skiya sandali para sumagot ng tawag." Tumingin si Jude kay Eddy at kay Caroline. "Ikinasal na ang uncle mo. Eh ikaw, Eddy? Wala ka pa bang balak? Hindi ba panahon na rin para sa'yo?”

Biglang bumilis ang tibok ng puso ni Caroline at napahawag siya ng mahigpit sa palda niya.

"Lolo …"

Sabay silang nagsalita, pero mas malakas ang boses ni Eddy kaysa kay Caroline. "Ikaw na ang bahala, Lolo."

Biglang natigilan si Caroline. Dati, tuwing babanggitin ni Jude ang tungkol sa kasal, tumutol kaagad si Eddy. Pero ngayon, para lang makuha ang kidney niya, magpapanggap siyang masunuring apo? Nakakatawa!

Sobrang nanggigil si Caroline.

Kabaliktaran naman ang naramdaman nina Jude at Thomas. Sobrang saya nila dahil ito ang unang pagkakataon na pumayag si Eddy sa kasal. Sa takot na baka magbago bigla ang isip nito, tinanong nila si Caroline, "Ano sa tingin mo, Carrie?"

Huminga ng malalim si Caroline at pinilit niyang kumalma. Dahil walang awa sakanya si Eddy, nagdesisyon siyang maging matapang para sa sarili niya.

Yumuko siya at nahihiyang sinabi, "Wa…wala naman pong problema sa akin yun, Lolo."

Nangibabaw ang tawa ni Jude sa buong event hall. "Mabuti kung ganun! Sige, ako ng bahala ha? Okay lang ba sainyo na ako na ang mamili ng petsa?”

Tinignan ni Eddy si Caroline, at naisip niya na siguro sobrang saya nito ngayon. Dahil dun, lalo lang nainis si Eddy sakanya.

Pero biglang bumulong si Caroline, “Lolo, may kailangan po akong sabihin.”

Biglang tumingin ang lahat sakanya.

Hindi niya alam kung paano siya mag uumpisa, pero nilakasan niya ang kanyang loob at sinabi, “Dahil napag uusapan na natin ang kasal, pwede ko bang hilingin kay Eddy na kausapin niya yung kabit niya na wag akong guluhin? Hindi ako galit at pwedeng pwede naman siyang magkaroon ng kahit ilang girlfriend na gustuhin niya, ayoko lang na magulo yung dream wedding ko.”

Sa isang iglap, biglang natahimik ang buong event hall.

Sobrang namula ang buong mukha ni Eddy. Si Layla lang naman ang ‘kabit’ niya, pero pinagmukha naman ni Caroline na salawahan siya. Higit sa lahat, ang pangangaliwa ang pinaka kinamumuhian ni Jude!

Sinadya niya ito! Sigurado akong sinadya ‘to ng bwisit na Caroline na ‘to!

Kumunot ang noo ni Eddy at nagpipigil ng galit na sinabi. "May patunay ka ba sa pambibintang mo sa akin?" Tatlong taon na sila ni Layla pero sobrang galing nilang magtago kaya walang nakaalam ng tungkol dito.

Lumunok si Caroline, at nagsalita na para bang hirap na hirap… “HIndi rin ako naniniwala noong una hanggang sa makita yung mga video niyo. Hindi ko talaga inexpect na may iba kang babae.”

Sa pagkakataong ito, galit na galit na si Eddy. “Asan? Nasaan ang ebidensya mo?”

Biglang umiyak si Caroline. "Binura ko na ang lahat pagkatapos kong makita. Bakit ko itatago? Tanga ba ako? Masasaktan lang ako kapag ginawa ko yun.” Pagkatapos, pinunasan niya ang kanyang mga luha at ngumiti. "Kung hindi naman ako nasasaktan, hindi ko naman ‘to sasabihin eh."

Galit na galit si Eddy. Alam niyang nagsisinungaling si Caroline. Hindi totoong may mga video, pero sobrang naniniwala rito ang lolo niya kaya siguradong may kalalagyan siya.

At, tulad ng inaasahan, itinaas ni Jude ang kanyang tungkod sa galit at malakas itong pinalo si Eddy. "Walanghiya ka! Wala akong pinalaking walang kwentang tao na kagaya mo!"

Dahil mamahalin ang tungkol ni Jude, wala itong tunog nang tumama sa katawan ni Eddy, pero sa totoo lang ay sobrang sakit nito kaya sobrang namula ang likod ni Eddy.

Galit na galit si Eddy!

Kung ang dating Caroline ang pag uusapan, sigurado siyang masasaktan siya para kay Eddy, pero ngayon…wala siyang nararamdaman at sa tingin niya ay dapat lang yun kay Eddy. Pag tingin niya rito, sakto namang nakatingin din ito sakanya kaya nagtitigan sila.

Walang balak na magpaawat si Caroline. Hinawakan niya ang braso ni Jude para lalayan ito at walang malumanay na sinabi, “Wag na po kayong magalit, Lolo. Kasalan ko po… Sana hindi ko nalang sinabi sainyo.”

Galit na ibinaba ni Jude ang kanyang tungkol at pasinghal na sinabi, "Nakita mo na? Tignan mo si Carrie! Hindi ka ba nakokonsensya na sobrang bait at maunawain niya?! Ano pang ginagawa mo dito? Umalis ka at putulin mo yang relasyon mo sa kabit mo dahil kung hindi hindi kita kailanman mapapatawad!"

Ito ang unang pagkakataon na napagbuhatan ng kamay si Eddy, at dahil pa sa babaeng pinandidirian niya ng sobra. Galit na galit siya at hindi niya palalampasin. “Nagkamali ako Lolo.”

Alam ng lahat kung gaano kamahal ni Jude si Caroline. Dahil hindi pa kay Eddy napapasa ang kapangyarihan, kinailangan niyang sumunod.

Kumalma si Jude. "Kailangan mong maging mabuting asawa kay Caroline sa hinaharap, naiintindihan mo?"

Tinignan ni Eddy si Carolinem, na alam niyang sobrang saya sa ginawa nito. Gigil na gigil siya at parang gusto niya itong sampalin ng malakas!

Sa isip niya, ‘Gusto mo akong pakasalan? Ha! Sige, hintayin mo lang Caroline! Dahil ipaparanas ko sayo ang impyerno!’

Sarcastic na ngumiti si Caroline kay Eddy at hindi siya natatakot. Matagal na siyang nag tiiis, pero anong ginawa sakanya ni Eddy? Niloko na nga siya tapos ngayon, parang utang na loob niya pang papakasalan siya nito? Tama lang ang ginawa niya para maturuan ito ng leksyopn!

Gusto niya ng kasal diba? Sige! Tignan lang nila kung sino ang matitrang matibay sakanila!

Nakita ni Thomas na umiinit na ang sitwasyon, kaya bigla siyang nagsalita, "Eddy, hanapin mo nga muna ang uncle mo. Baka naligaw kasi siya.”

Hindi na rin naman gusto ni Eddy na magtagal pa roon kaya kinuha niya ang pagkakataon na yun para umalis. "Hahanapin ko siya, Lolo."

Naiinis na kumaway si Jude para paalisin si Eddy. Kahit anong mangyari, apo niya pa rin ito at dahil pumayag naman itong pakasalan si Caroline, hindi niya na ito pag iinitan pa basta ipangako lang nito na magpapakabaiot na ito, wala s na silang magiging problema.

Tumayo rin si Caroline. "Mag-CR lang po ako, Lolo."

Kailangan niya munang huminga.

Kaugnay na kabanata

Pinakabagong kabanata

DMCA.com Protection Status