Share

Kabanata 7

Author: Shining Riviera
Sabay na lumabas sina Eddy at Caroline sa event hall. Pagkalabas na pagkalabas, hinatak ni Eddy si Caroline sa isang gilid at sinakal. “Wag kang magpakapanatag na hindi ka masasaktan dahil lang sa paborito ka ni lolo!”

Nahihirapan si Caroline na humingi pero ngumiti siya sa halip na magpumiglas. “Ikaw ang wag magpakapanatag! Itigil mo na yang pag iisip na gamitin ang kidney ko bilang kapalit ng kasal at makipag ayos kay Lolo! Kung hindi, hindi mo magugustuhan ang mga sunod kong ibubulgar!?”

Nanginginig si Eddy sa sobrang galit. Pakiramdam niya ay ibang Caroline ang nasa harapan niya. Hindi na ito sunud-sunuran na parang tupa.

Lalong hinigpitan ni Eddy ang pagkakasakal kay Caroline habang nagbabanta, "Hindi ako nakikipag laro sayo! Ayokong ikasal sayo kaya ibigay mo na ang kidney mo kay Layla!”

Pagkatapos magsalita, binitawan ni Eddy si Caroline at umalis.

Sinundan ni Caroline ng tingin si Eddy habang naglalakad ito palayo. Hindi niya alam kung paano siya naging patay na patay kay Eddy sa loob ng walong taon. Pero.. hindi na siya interesadong malaman ang kasagutan sa tanong na yun. Naglakad-lakad siya at naghanap ng isang staff para magtanong kung nakita ba nito ang uncle ni Eddy, at sakto, nakita niya si Kirk sa hindi kalayuan.

Hindi niya makita ang ekspresyon nito dahil madilim sa kinatatayuan nito.

Ang kanyang magandang kasuotan ay nagpapakita ng kanyang perpektong katawan. Dominante ang kanyang aura, parang mas mataas pa sa kanya.

“Anong ginagawa mo dito?” Nagtatakang tanong ni Caroline. Ang Starlust Hotel ang pinaka mamahaling hotel sa buong Osbury at tanging mga Morrison lang ang pwedeng pumunta dito.

Hindi sinagot ni Kirk ang kanyang tanong. Sa halip, tinitigan niya si Caroline.

"Si Eddy ba ang boyfriend mo?"

Noong una, akala niya ay coincidence lang na Eddy din ang panngalan ng fiance ni Caroline, pero matapos na tawagin ni Jude na Carrie ang kausap nito sa phone kanina, lumakas ang kutob niya at pinabackground check niya kaagad si Caroline sakanyang assistant.

Ang assistant niya ang tumawag. Noong nalaman ni Kirk na si Caroline ang girlfriend ni Eddy, nag umpisa siyang magkaroon ng hinala sa kasosyo nila.

Hindi na nagulat si Caroline na alam ni Kirk kung sino ang boyfriend niya dahil alam naman yun ng lahat ng taga Osbury. “Oo, may problema ba?”

Nagsalumbaba si Kirk at kumunot ang noo habang nakatitig kay Caroline na para bang isa siyang pulis.

Biglang lumapit si Kirk, kaya nangibabaw ang amoy na parang mint. Dahil dun, biglang bumilis ang tibok ng puso ni Caroline at namutla, "Ano … ano ang problema?"

Hindi nagpatinag si Kirk at nagpatuloy lang ito sa pagtitig sakanya.

Nanginig ang buong katawan ni Caroline at sobrang bilis din ng tibok ng kanyang puso. Nagpapanic siyang umiwas ng tingin at mahinang sinabi, “Tinatakot mo ako.”

Hindi nakuntento si Kirk sa sobrang lagkit niyang tingin kay Caroline at hinaplos niya pa ang maputi at makinis nitong mukha, kaya huminga ng malalim si Caroline at nakakunot ang noong tumingin kay Kirk. “Ano bang problema mo?”

Kumunot din ang noo ni Kirk at umiwas ng tingin kay Caroline. “Alam mo ba kung sino ako?”

Naguguluhang sumagot si Caroline. “Kirk Morrison.”

Ramdam sa mga mata ni Caroline na nagsasabi ito ng totoo. Niinis na binitawan ni Kirk si Caroline, at biglang nawalan ng emosyon ang kanyang mukha nang sabihing, “Maghiwalay na tayo bukas.”

"Bakit?"

Sobrang biglaan naman ata.

Inayos ni Kirk ang kanyang necktie at muling tumingin kay Caroline. Magkita tayo ng 9 am sa Munisipyo. Pagkatapos na pagkatapos magsalita, walang anu-anong naglakad paalis si Kirk.

Nagmamdaling sumunod si Caroline kay Kirk. “Sandali lang! Natatakot ka ba na baka habulin ka ni Eddy? Wag kang mag alala, hindi niya ako mahal kaya hindi niya tayo guguluhin.

Wala namang ibang gusto sakanya si Eddy kundi ang kidney niya, at matagal niya ng tinanggap na hindi talaga siya gusto nitong mapangasawa.

Kumunot ang noo ni Kirk at lalong binilisan ang kanyang paglalakad. Nang ganun-ganun nalang, gusto niya ng hiwalayan ito. ‘Ano bang nangyayari?!’

Bandang huli, hindi na nagpumilit pa si Caroline at pinanuod nalang itong maglakad palayo. Sobrang lungkot niya.

Siguro nga, kailangan niya ng tanggapin na baka nakatadhana talaga siyang mag donate ng kindey niya para lang mapakasalan..

Hindi alam ni Caroline kung anong nangyari kaya ilang minuto siyang nakatulala at nahimasmasan lang nang bigla siyang lapitan ng butler.

Nag-aalala, sinabi nito, "Ms. Evans, ayos lang ba kayo?"

Nalilito siya, pero sumagot pa rin, "Oo. Ano iyon?"

"Dumating na si Mr. Morrison. Sinabi sa akin ni Jude na sabihin sa iyo," Sagot ng butler.

Sa wakas, makikilala niya ang misteryosong uncle ni Eddy. Huminga ng malalim si Caroline para kumalma siya ng bahagya at naglakad pabalik sa event hall.

Pero walang uncle, at maging si Eddy ay wala rin.

Agad-agad na nagpaliwanag si Jude, “Kakaalis niya lang kasi may emergency daw. Kung napaaga ka siguro ng isang segundo, nakita mo siya.”

Nalungkot si Caroline, pero siyempre hindi niya naman yun pwedeng ipahalata kaya pumayag siya na makipag dinner pa rin kasama si Jude.

Pagkalabas niya ng hotel, pakiramdam niya ay pagod na pagod ang katawan niya kaya hindi muna siya umalis at nanatili lang siyang nakaupo sa loob ng kanyang kotse.

Sakto, biglang tumawag si Gwen na medyo nagpapanic, “Babe, kailangan kong mag overtime ngayong gabi. Pwede mo kayang deliveran si Mommy ng pagkain?”

Gusto sanang ibalita kaagad ni Caroline kaagad kay Gwen ang mga nangyari, pero sa tingin niya ay hindi pa ito ang tamang oras na sabihin yun kaya masaya siyang sumagot, “Oo naman.”

“Mwah! Love you, babe! Ittreat kita ng dinner kapag natanggap ko na yung bonus ko!”

Mga ilang minuto pa silang nag usap bago natapos ang tawag. Pagkatapos, sinabihan ni Caroline ang driver na dalhin siya sa ospital.

Pagdating niya, bumili kaagad siya ng lugaw at ilang tinapay bago siya pumunta sa ward. Nadaanan niya ang garden, at hindi niya inaasahan na makikita niya doon si Layla na sakay ng wheelchair at tinutulak ng isang nurse. Hindi lang yun, may isa pa itong kasama na tagahawak ng kape, at isa pa na taga paypay.. Kung titignan, mukha talaga itong reyna na pagala gala sa loob ng ospital.

Gusto sana niyang wag pansinin nalang ito, pero may narinig siya na biglang nagpintig ang tenga niya. “Ang bait bait niya naman sayo, Mrs. Morrison. Bukod sa araw-araw ka na niyang dinadalaw dito, binibigyan ka pa niya palagi ng mga alahas! Naiinggit tuloy ako!”

“At sa sobrang pagmamahal niya sayo, hindi siya nakuntento na isa lang ang mag aalaga sayo kaya kumuha siya ng labindalawa!”

Alam no Layla na nandoon si Caroline kaya sumagot siya ng may malakas na boses, “Totoong mahal na mahal ako ni Eddy!”

Kung noong mga nakalipas na araw ito ginawa ni Layla, palalampasin lang ni Caroline ang mga nangyari, pero sobrang init ng ulo nito ngayon kaya makakatikim talaga ito!

Bumalik si Caroline at dumireto kay Layla. “Huy, what a coincidence, pinsan. Nandito ka rin pala.”

Pagkatapos, bigla walang anu-ano niyang ibinuhos ang lugaw sa ulo ni Layla. "Ay akala ko bato! Yung makapal mo lang pala na mukha yan!"

Mainit yung lugaw.

At dahil dun, humiyaw si Layla na siyang umalingawngaw sa buong garden.

Continue to read this book for free
Scan code to download App

Latest chapter

  • Bogus Billionare   Kabanata 210

    Hindi na kailangang tapusin ni Charles ang pagsasalita. Binuksan ni Kirk ang kanyang tablet, at lumabas ang isang push notification tungkol sa akusasyon ni Sarah laban kay Caroline sa malaking screen.Isa itong video. Nagpapakita ito kay Sarah, na hindi maganda ang ayos at tila napapagod. Kaagad siyang umiyak nang magsalita."Alam kong hindi tama na ilantad natin ang mga lihim ng pamilya sa publiko, pero wala na kaming ibang pagkukunan. Ini-block ni Caroline ang lahat ng paraan ng komunikasyon namin, kaya't ito na lang ang natitira. Pasensya na at ginagamit namin ang mga resource ng publiko."Nilinis ni Sarah ang kanyang mga luha at tumingin nang diretso sa camera. Para itong nakatitig kay Caroline, at nagpakita ng pagmamahal sa mukha.Pinaabot niya, "Carrie, alam kong naririnig mo ito. Isa ka nang may-asawa at matanda na, kaya't hindi na kita gustong laging binibigyan ng kaginhawaan. Mas magiging masama lang ito para sa iyo. Hindi ka naman nagbigay ng anumang tulong sa pamilya nat

  • Bogus Billionare   Kabanata 209

    Mukhang napagtanto ni Adrian na hindi siya nakilala ni Caroline. Kaya't binago niya ang paksa. "Itatanong ko sa aking secretary na kausapin ka tungkol sa kompensasyon. Mayroon ka bang iba pang hiling?"Nagulat na tanong ni Caroline, "Kailangan bang magbigay ng kompensasyon ang pamamahala ng real estate?""Syempre, kailangan naming magbigay ng kompensasyon sa iyo. Nagdulot ka ng pinsala sa ari-arian sa ilalim ng aming pangangasiwa."Naintidihan ni Caroline. Hindi nakakagulat na umuunlad ang pamilya Sorkin sa pamamahala ng ari-arian. Ang kanilang sakop ay umabot sa lahat ng uri ng ari-arian sa Easton. Tunay nga nilang pinagsisilbihan ang kanilang mga kliyente.Nakuha na ng pulis ang lahat ng kuhang surveillance footage. Lumapit ito kay Caroline nang may kahihiyan."Ginang Evans, dahil maraming taong sangkot, mahihirapan kaming arestuhin silang isa-isa."Nilingon ni Caroline ang mga taong nagmamaliit sa kanya sa mga footage ng surveillance nang may pagkadismaya. Ngumiti siya ng baha

  • Bogus Billionare   Kabanata 208

    Pagdating ni Caroline sa kanyang apartment, naamoy niya ang nakakasulasok na amoy kaagad nang bumaba siya sa elevator.Ang pinto ng kanyang apartment ay may dungis, at ang mga pader ay may pintura ng mga salitang "Caroline Evans, ang disloyal na anak." Ang likido mula sa mga basag na itlog ay tumutulo sa mga biak sa mga bato.Naghintay siyang ang manager ng apartment ay nasa harap ng pinto. Nang makita siya nito, tinakpan nito ang kanyang ilong at lumapit."Ginang Evans, nasa opisina ang pulis para kunin ang mga kuhang footage ng surveillance."Bahagyang umiling si Caroline at binuksan ang pinto.Sa loob ng kanyang apartment, malinis ito. Ito ay tila wala pang nangyari, katulad ng dati bago sinira ito ni Layla.Huminga si Caroline ng malalim at tiningnan ulit ang labas ng pinto. Parang nagbalik-tanaw siya sa mga panahon na sinira ni Layla ang kanyang tahanan.Sinabi ng manager ng apartment, "Pumunta na lang tayo sa ibaba, Ginang Evans."Tumingin si Caroline palayo. Bahagyang tu

  • Bogus Billionare   Kabanata 207

    Nag-kulot ng bahagya ang noo ni Caroline. Hindi niya maaring mapaniwalaan ang lasa ng lalaking nagsalita sa press conference ng higit sa isang buwan na ang nakakalipas.Gayunpaman, ang mga pinagmulan ng website ng entertainment ay maaasahan.May mga tao pa nga na natuklasang si Daphne ay naglaro ng mga maliit na supporting roles bago siya ikasal.Ngunit ngayon, lahat ng kanyang mga bahagi ay pangalawang o pangatlong pangunahing roles na lamang. Maari lamang niyang magkaruon ng mga koneksyon na ito dahil sa kanyang pag-aasawa sa pangalawang uncle ni Eddy at pagiging kaugnay sa mga Morrison."Ano'ng tinitignan mo?" Tanong ni Kirk, tahimik na lumitaw sa kanyang tabi.Tumingin si Caroline, halos isipin na ang lalaking nasa harap niya ay ang pangalawang uncle ni Eddy. Maliban sa kanilang mga mukha, magkapareho talaga ang itsura nina Kirk at ng pangalawang uncle ni Eddy."Wala importante. Mga chismis lang."Naalala ni Caroline na nag-away sila dahil sa pangalawang uncle ni Eddy, kaya'

  • Bogus Billionare   Kabanata 206

    Nakita at naramdaman ni Mia kung gaano kadisappointed sakanya si Kirk base sa mga mata nito. Inilagay ni Kirk ang kanyang mga kamay sa kanyang mga bulsa, at malamig ang kanyang mga mata. Wala siyang balak na ipagtanggol si Mia.Sa nakita ito, sumama ang loob ni Mia at naglakad nang galit palayo.Namutla si Caroline habang pinagmamasdan si Mia habang umaalis. Pagkatapos, ibinalik ni Caroline ang pera sa kanyang bag.Lumapit si Kirk at inakbayan si Caroline. Sinabi niya, "Maghanap tayo ng makakain."Tiningnan ni Caroline ang elevator at nagtanong nang may pag-aalinlangan, "Hindi ba natin sila dapat puntahan?"Ngumiti si Kirk. "Ano bang gagawin mo?""Pero kinakabahan ako para sa kanila..."Pilit na dinala siya ni Kirk papuntang restaurant sa katabi. "Sila'y mga adulto na. Kaya nila ang kanilang sarili."Hindi sumagot si Caroline.Kahit nasa restaurant na sila para kumain, patuloy pa ring nag-aalala si Caroline para sa kanila. Kaya't nag-impake siya ng pagkain para sa kanila at pu

  • Bogus Billionare   Kabanata 205

    Nakatayo si Kirk sa may pintuan. Ang liwanag ay bumagsak sa kanyang mukha, at ang mga gilid ng kanyang bibig ay nag-angat papataas na may kasamang ngiti."Tara na," sabi niya kay Caroline, na tumingin upang maharap ang kanyang mata.Tumungo si Caroline patungo sa kanya at kumapit ng braso sa kanyang braso. "Oo."Tumingin si Kirk sa gilid. "Bakit ka sobrang masaya?"Binigyan siya ni Caroline ng misteryosong ngiti. "Malalaman mo na kapag kumain tayo."Pagkatapos, nag-fist pump siya nang kaunti papunta kay Gwen bilang tanda ng pagsusustento. Ikinurba ni Gwen ang kanyang mga labi dahil dito.Nang magtungo silang tatlo sa ibaba, naghihintay na si Sean sa labas ng pintuan. Ang pupuntahan nilang hapunan ay sa kabilang bahay lang.Nang magsimula na silang lahat papunta sa labas, nagmadaling lumapit si Mia sa kanila. "Sean, kakain ba kayo?" Tanong niya."Oo.""Pwede ba akong sumama?" Pagtaas-baba niya ng kilay, nakawink siya kay Sean.Subconsciously, tiningnan ni Sean si Gwen, na bigl

More Chapters
Explore and read good novels for free
Free access to a vast number of good novels on GoodNovel app. Download the books you like and read anywhere & anytime.
Read books for free on the app
SCAN CODE TO READ ON APP
DMCA.com Protection Status