Share

Kabanata 5

Natawa si Caroline sa naisip ni Gwen. “Haha! Masyado ka na atang maraming nabasang romatic novel;! Nakita ko lang siya sa kung saan at siigurado ako na wala siyang kinalaman sa mga Morrison. Hmm siguro ang tanging pagkakaparehas sila ng kumpanyang pinagtatrabahuan.

“Ay.” Medyo nadismaya si Gwen. Ibig sabihin.. Empleyado siya ni Eddy, tama ba? Teka.. Hindi ka naman kaya gamitin nio Eddy ang pagkakataon na yan para ibully ka?”

Biglang kumunot ang noo ni Caroline at naging seryoso ang kanyang mukha. “Hin…hindi niya pwedeng gawin yun hanggat nabubuhay Old Mr. Morrison. Isa pa, wala naman talagang pakielam sa akin si Eddy kaya ngayong kasal na ako, baka nga mas maging masaya pa siya kasi wala ng mang aabala sa kanya.

Medyo kumalma si Gwen, pero nang maalala niya kung paano ginawang tanga ni Eddy ang kaibigan, muli siyang nag hysterical, “Kung ako ang tatanungin mo, dapat sinaktan mo siya eh. Bakit? Hindi niya ba alam kung gaano ka kadesperadang pakasalan siya?”

“Tapos na yun, Gwen at mula ngayon, magbabago na ang lahat sa pagitan namin ni Eddy.” Sagot ni Caroline.

"Pero ang iyong kasal..." Medyo nagdalawang-isip si Gwen. "Hindi pa ito alam ni Old Mr. Morrison, diba? Sa oras na malaman niya ‘to, sigurado ako na malulungkot siya."

Ngayon palang nagiging kalmado si Caroline, pero ngayong pinaalala sakanya ni Gwen ang mga posibilidad, muli nanaman siyang nag alala. Si Jude ang nagwakas ng engagement nila ni Eddy. Simula noong bumagsak ang mga Evans, inaasahan ng lahat na babawiin ni Old Morrison ang naging pahayag nito noon na magpakasal sila ng apo nito, pero hindi yun nangyari, at sa halip ay inannpunce pa nito sa publiko na siya lang ang tatanggapon nitong maging manugang!

Dahil kay Old Morrison, ilang beses silang nag away ni Eddy.

Ngayong nangyari na ang mga nangyari, nag aalala lang si Caroline sa mga pwedeng mangyari sa naging biglaan niyang pagpapakasal kay Kirk..

“Ako na ang magsasabi sakanya.” Sagot no Caroline. Sa puntong ‘to, wala na siyang magagawa kundi ang umamin at gusto niya na sakanya manggaling ang balita, kaysa sa iba.

“Gusto mo bang samahan kita?” Nag aalalang tanong ni Gwen.

“Hindi na.” Ngumiti si Caroline at nagpatuloy, “Mahal na mahal ako nun kaya wala kang dapat ipag alala sa akin.”

...

Sa engrandeng hall ng Starlust Hotel, nakaupo si Jude Morrison, nakaupo si Jude Morrison sa pinaka mataas na upuan bilang simbolo ng kanyang kapangyarihan at katayuan. Habang kausap niya si Kirk, natatawa niyang sinabi, “Nakakatawa lang na ikaw yung inaalagaan ng kapatid ko, pero di habam na mas nagalingan mo siya! Partida, sampung taon pa ang bata mo sa kanya!”

Si Thomas, ang daddy ni Eddy, ay nakaupo sa ilalim ni Jude. Bagamat may beer belly, kitang kita pa rin ang pagiging magandang lalaki nito.

“Ang gustong sabihin ni Daddy,” Sagot ni Thomas, na hindi maitago ang paghanga sakanyang nakakabatang kapatid na si KIrk, “Kahanga-hanga daw ang lahat ng mga binitawan mo sa ibang bansa para umuwi sa atin kasi bihira lang daw ang kayang gawin yun.”

Hindi maikakalilang masaya si Kirk sa mga papuring natanggap, kaya medyo nahihiya siyang nagkamot ng kanyang ulo at sumagot, “Salamat, Thomas at Uncle Jude. Naniniwala ako na mabilis na uunlad ang bansa natin, at sa katunayan nga, kaya ako bumalik dito ay dahil nakita kong maganda ang potencial commercial dito.”

Nakangiting tumango si Jude, bago siya nagpatuloy na may kaunting bakas ng lungkot, “Sayang lang kasi hindi nakasama yung daddy mong umuwi para sana makumpleto na kaming magkakapatid.”

Nang sandaling marinig yun, biglang naging seryoso ang mukha ni Kirk at walang emoruon niyang sumagot, “Maganda na rin na hindi siya umuwi, dahil kung nagkataon baka hindi niyo rin kami makikita.”

Biglang kumunot ang noo ni Jude at naguguluhang sumagot, “Ha? Anong ibig mong sabihin?”

“Naaksidente kami sa airport.”

"Ano?" Si Jude ay nag-alala. "Nasaktan ka ba?"

"Hindi."

“Mabuti naman kung ganun.” Muntik ng mahimatay si Jude sa kinauupuan. “A..ano bang nangyari?”

“Car Accident. Namatay yung parehong driver.”

“Teka, ang ibig mo bang sabihin ay hindi natin malalaman kung sinadya o hindi ang aksidente?” Matalas ang pag iisip ni Jude kaya nakuha niya kaagad ang pinupunto ni Kirk.

Pinagmasdan ng maigi ni Kirk ang reaksyon ng matanda, at sa tingin niya ay wala naman itong kinalaman, “Mhm, kaya kailangan ko ang tulong mo.”

“Oo naman! Tutulungan kita.” Sagot ni Jude. “Magkapatid kami ng Daddy mo at kahit hindi ka humingi ng tulong, papaimbestigahan ko pa roin ‘to.”

Salamat, Uncle Jude. Pero wag ka na ring mag alala masyado.” Pagtanggi ni Kirk. “Malalaman ko rin ang katotohanan. Ilan lang ang nakakalaam na bumalik na ako, kaya naniniwala ako na malalaman ko kaagad ang katotohanan. Yung tulong na hinihingi ko sayo, yun ay yung sana ipahinto mo ang anumang balitta na nakabalik na ako.”

Medyo hininaan ni Jude ang kanyang boses, “Sa tingin mo ba ginawa ito ng mga kalaban nating pamilya?”

Bago umuwi si Kirk, ibinalita ni Jude sa tatlong pinaka malalaking pamilya sa Osbury ang pag uwi nito.

Hindi sinagot ni KIrk ang tanong, bagkus ay puno ng determinasyon niyang sinabi, “Umaasa ako na matutulungan mo ako.”

Kumunot ang noo ni Jude at halos ilang segundo rin ang lumipas bago niya basagin ang katahimikan sa isang malakas na tawa, sabay bago ng usapan. “Oo naman. Oo nga pala, masaan si Eddy? Bakit wala siya dito?”

Sumagot si Thomas, “Baka na busy lang sa trabaho. Dapat nandito na siya ngayon eh lalo na at gustong gusto niya raw na makita si Kirk.”

“Oo,” Nakangiting sagot ni Jude. “Ilang beses ka na rin niyang nakita na pumunta dito, at simulang noong unang beses, sobrang hinangaan ka na niya. Nasubaybayan ko siyang lumaki, pero medyo bastos lang talaga yung batang yun.”

Ngumiti si Kirk at bigla niyang naalala si Caroline.

‘Eddy? Teka… diba yun ang pangalan ng finace niya? What a coincidence!’

“KIrk?” Tawag ni Thomas nang makita niyang nakatulala si Kirk.

Biglang nahimasmasan si Kirk at tumgin kay Thomas.

"Ano ang iniisip mo? Mukhang malalim kang nagmumuni-muni."

Natigilan si Kirk. Para sa kanya, malaking kasalanan ang pagtulala, pero nagawa niya yun? Nang dahil sa babaeng yun?

“Tinatanong ni Daddy kung may asawa ka na raw ba?”

Kinalma ni Kirk ang kanyang sarili at umupo ng maayos, “Mhm.”

Nagulat si JUde. “Teka, kailangan nangyari yun? Nag usap pa kami ng daddy mo bago ka umuwi at nagpatulong pa nga siya sa akin na hanapan ka ng girlfriend eh! Saan mo siya nakita at bakit parang sobrang bilis naman ng mga pangyayari?”

“Nito ko lang sioya nakilala at parehas kaming na love at first sight sa isa’t-isa kaya wala na kaming sinayang na panahon at nagpakasal na kami. Dahil masyadong biglaan, wala kaming napag sabihan na kahit sino tungkol dito.”

“Ay sayang naman.” Inilabas ni Jude ang isnag picture. “May inihanda pa nama ako para sayo. Ginulat mo ako dun ah! Hindi ko inaasahan na ang bilis mo palang maghanap! Sana ganyan din si Eddy katulon magdesisyon nang hindi na ako nag aalala sakanya.”

Nang maisip niya ang tungkol sa pagpapakasal nina Eddy at Caroline, biglang nagbuntong hininga si Jude. Hindi niya talaga maintindihan kung bakit hindi mainlove inlove si Eddy kay Caroline, na maganda, matalino at galing pa sa mayamang pamilya na dalaga!

"Sir," sabi ng butler, na kumakatok muna bago pumasok. Dinala niya ang phone kay Jude at bumulong, "Si Ms. Evans po."

Agad na ngumiti si Jude ng abot-tenga. Kinuha niya ang kanyang phone at malambing na sinabi, “Kamusta ka na, Carrie? Bakit bigla kang napatawag? May gusto ka bang sabihin sa akin? Kung gusto mo pag usapan natin yan sa personal. Nandito ako ngayon sa Starlust Hotel. Gusto mo bang ipasundo kita?”

Kaugnay na kabanata

Pinakabagong kabanata

DMCA.com Protection Status