Home / Romance / Bon Appetit / Bon Appetit CHAPTER 193

Share

Bon Appetit CHAPTER 193

Author: MIKS DELOSO
last update Last Updated: 2025-07-05 22:31:34

Tatlong araw na ang lumipas mula nang marinig ni Senyora ang balitang nagkakasama na muli ang mga Tan at Han sa California—isang pagkakaisang matagal niyang ipinagdasal na hindi na muling mangyari.

At ngayon… eto siya. Gising. Mag-isa. Nakaupo sa veranda ng kanyang villa, tanghaling tapat na pero parang walang araw sa kanyang mundo. Tangan ang isang piraso ng ultrasound photo na bahagyang lukot na sa gilid. Pinagmasdan niya ito nang matagal. Pinagmasdan, pinakiramdaman—tulad ng isang ina na pilit inaangkin ang katotohanang siya’y nagdadalang-tao, ngunit kasabay nito ay may mabigat na anino ng pagkukunwari’t panlilinlang.

Sa loob ng bahay, maririnig ang mahinang ringtone ng kanyang cellphone. Tumatawag na naman si Marco. Ilang araw na itong walang tigil sa pagtetext at pagtawag, ngunit iniiwasan niya. Wala siyang pasensyang harapin ito. Hindi pa ngayon.

Inend-call niya ito nang walang alinlangan. Muli siyang binalot ng katahimikan.

Sa inip, binuksan niya ang kanyang cellphone at in-scr
Continue to read this book for free
Scan code to download App
Locked Chapter

Latest chapter

  • Bon Appetit   Bon Appetit CHAPTER 206

    Habang binuksan ni John ang pinto ng kwarto, halos hindi pa rin maalis sa kanyang isipan ang tensyon ng komprontasyon sa baba. Ang mga salitang binitiwan ni Leona, pati na ang galit na naramdaman mula sa pamilya, ay matinding bigat sa kanyang puso. Ngunit wala siyang oras para magpahinga mula sa lahat ng iyon; may isa pang bagay na mas mahalaga sa lahat—si Señora."Señora, umakyat ka na sa kwarto. Magpahinga ka," ang malumanay na sabi ni John habang tinutulungan siyang makapasok sa kwarto. "Hindi ka pa rin okay. Alam ko na jetlag ka pa at pagod na pagod."Pumasok sila sa kwarto, at habang tinutulungan si Señora na mag-ayos ng sarili sa kama, pakiramdam ni John ay ang sakit na kanyang dinarama ay nakakatulong na mapawi ang pagod at tensyon na nararamdaman ni Señora. Hindi na ito makagalaw ng maayos, kaya’t ipinatong ni John ang kanyang mga kamay sa balikat nito at dahan-dahang tinulungan.Pagkatapos niyang ayusin ang mga kumot at pillow, tumayo siya upang magpaalam at lumabas na sa

  • Bon Appetit   Bon Appetit CHAPTER 205

    "Bakit?" patuloy ni Madam Irene. "Dahil hindi siya si Fortuna? Dahil hindi siya ang babaeng gusto mong makasama ng anak mo? Eh anong silbi ng gusto natin kung ang anak mo mismo ang sumira sa lahat? At ngayon, ang gusto mo, patahimikin ang babaeng ito gamit ang pera?"Hindi nakasagot si Leona. Ngunit ang galit sa kanyang mukha ay naglalagablab. Nag-aapoy ang bawat pulgada ng kanyang balat.Tumayo si Madam Irene, nilapitan si Señora, at tumitig sa kanya."At ikaw, Señora," aniya, "huwag mong isipin na kakampihan kita. Hindi ako pumapanig sa’yo. Pero mas pipiliin kong harapin ang katotohanan kaysa suportahan ang isang pamilyang hindi marunong humarap sa sariling kasalanan."Nanigas si Señora. Hindi niya inaasahan ang ganitong klaseng diretsahang pananalita mula kay Madam Irene. Ngunit sa kabila ng matitinding salita, alam niyang may laman ang bawat bitaw."Totoo po ang sinasabi ko," mariin niyang tugon. "Buntis ako sa anak ni John."Huminga siya nang malalim, mariin ang bawat salitang lu

  • Bon Appetit   Bon Appetit CHAPTER 204

    Ang buong bahay ng mga Tan ay nilamon ng malamig na katahimikan, isang lamig na hindi kayang tibagin kahit ng pinakamainit na liwanag. Isang araw pa lang ang lumipas mula nang ibunyag ni Señora ang kanyang pagbubuntis sa harap nina Fortuna, Luigi, Leona, at ng matandang si Madam Irene. Ngunit sapat na ang isang araw na iyon para magdulot ng permanenteng lamat sa pamilyang matagal nang pilit pinapagtibay ng karangalan at pangalan.Nang umalis si Fortuna, bitbit ang anak na si baby Alessia, kasunod ng sakit, hiya, at pagtataksil na hindi niya kinaya, nanahimik ang buong mansion. Walang nais magsalita. Walang makapaniwala. Ngunit may isang hindi pa tapos. Isang babae na hindi uurong sa galit, at mas lalong hindi hahayaan ang anak niyang si John na masangkot pa sa mas malaking eskandalo.Sa ikalawang palapag, sa mismong opisina ni Luigi Tan, tahimik na nakaupo si Señora sa itim na leather couch. Nakayuko siya, ang mga palad ay magkahawak sa ibabaw ng kanyang tiyan. Nais niyang pakalmahin

  • Bon Appetit   Bon Appetit CHAPTER 203

    Habang ang araw ay nagsisimulang magtakip ng mga ulap, si Marco ay nakaupo sa kanyang apartment, ang kanyang isip ay puno ng tanong at pag-aalala. Muling tumunog ang kanyang telepono. Isang tawag mula sa private investigator ang muling nagbigay ng kakaibang kaba sa dibdib ni Marco. Hindi niya alam kung ano ang aasahan, pero alam niyang may mahalagang impormasyon na naman.Sumagot siya, at agad na nagsalita ang investigator sa kabilang linya."Sir, may nahanap kami," wika ng investigator, ang tono ng kanyang boses ay hindi tiyak kung magaan o mabigat. "Tama po kayo. Si Señora ay nasa California."Naramdaman ni Marco ang isang matalim na sakit sa kanyang dibdib. Hindi niya alam kung anong uri ng reaksyon ang ipapakita, pero nagtakda siya ng saglit na katahimikan bago nagsalita."California?" tanong ni Marco, ang boses niya ay halatang naguguluhan, puno ng takot. "Bakit? Ano'ng ginagawa niya doon?""Sa ngayon, hindi pa kami sigurado kung anong partikular na lugar, ngunit may nakuha kamin

  • Bon Appetit   Bon Appetit CHAPTER 202

    Sa Pilipinas, ang tahimik na apartment ni Marco ay tila isang piitan ng kanyang mga pag-iisip. Araw-araw, siya'y nagiging biktima ng mga tanong na walang sagot. Ang mga mata niya'y hindi matanggal sa cellphone screen, ang pangalan ni Señora nakasave pa rin sa speed dial bilang My Love . Parang anino ng nakaraan na patuloy na sumusunod sa kanya. Minsan, hindi na niya kayang balewalain ang sakit na dulot ng kawalan ng sagot mula sa babaeng minahal niya.Calling…Tuuuut… Tuuut… The number you dialed is either unattended or out of coverage area…Pak!Bumagsak ang cellphone sa mesa ng may lakas. Isang malalim na buntong-hininga ang sumunod sa pagdaing sa loob ng dibdib ni Marco. Nakaupo siya sa kanyang mesa, nakasandal ang siko, hawak ang cellphone, na parang patuloy na tinutukso ang kanyang pagkatao.“Bakit? Anong nangyari?” Tanong niya sa sarili habang tinititigan ang screen. “May ginawa ba akong mali?”Alam niyang hindi perpekto ang relasyon nila, may mga tampuhan, may mga hindi pagkaka

  • Bon Appetit   Bon Appetit CHAPTER 201

    Pagdating nila sa bahay, ang mabigat na katahimikan ay bumalot sa buong paligid. Wala nang salitang lumabas mula sa mga labi ni Fortuna, na naglalakad nang mabigat ang mga hakbang. Ang lahat ng mga nangyari sa bahay ni John, ang mga sigawan, ang mga pag-aakusa—lahat ng iyon ay nagiiwan ng malupit na sugat sa kanyang puso.Habang papasok siya sa loob ng kanilang bahay, nakita niyang naroroon ang kanyang kuya Tony, ang kanyang pinakamalapit na kakampi. Subalit sa mga mata ng kanyang kuya, hindi na ang mga simpleng tanong ang makikita, kundi ang isang matinding pag-aalala—isang pag-aalang na puno ng malasakit at proteksyon para kay Fortuna."Fortuna, may gusto akong iparating sa'yo," ang sabi ni Tony, ang kanyang tinig ay puno ng kabigatan. Tumayo siya sa harap ni Fortuna, at tinitigan siya ng masusing mata—hindi galit, kundi malasakit at pagpapayo. "Hindi ko na kayang makita kang patuloy na masaktan. Gusto ko lang na malaman mo, hindi mo na kailangang makipagkita kay John."Dahil sa nar

More Chapters
Explore and read good novels for free
Free access to a vast number of good novels on GoodNovel app. Download the books you like and read anywhere & anytime.
Read books for free on the app
SCAN CODE TO READ ON APP
DMCA.com Protection Status