Napabuntong-hininga si Madam Irene. "Iha, alam kong ito'y isang malaking gulat para sa iyo, pero ito na ang nakatakdang mangyari. Hindi natin maaaring balewalain ang kasunduan ng ating mga pamilya."
Napatingin siya sa matanda, at sa kauna-unahang pagkakataon, may bahid ng hinanakit ang kanyang mga mata.
"Bakit po? Bakit kailangang magpakasal kami ni John?" Hindi na niya napigilan ang pagpalahaw ng kanyang damdamin. "Hindi ba’t dapat ang kasal ay dahil sa pagmamahal? Hindi dahil sa isang kasunduan?"
Muling nagpalitan ng tingin ang mga bisita. Maging ang kanyang ina ay tila naguguluhan sa kanyang emosyonal na pagtutol.
"Iha," sabat ni Leona Tan, na mula kanina'y tahimik lamang. "Ang kasunduang ito ay matagal nang napagkasunduan. Hindi lang ito tungkol sa inyo ni John, kundi tungkol sa ating mga pamilya. Ito ang paraan upang mapanatili ang ating legacy."
"B-Bakit ngayon lang po ito sinabi sa akin?" Nanginginig ang kanyang boses, pilit kinakalma ang sarili.
Napabuntong-hininga si Madam Irene. "Naghintay kami ng tamang panahon. At ngayon na tapos na kayo sa pag-aaral, ito na ang tamang oras para isakatuparan ang pangakong ito."
Tumingin si Fortuna kay Luigi Tan, ang ama ni John, na kanina pa tahimik.
"S-Sigurado po ba kayo na alam ni John ang tungkol dito?"
Napansin niyang tila may bahagyang pag-aalinlangan sa mukha ng matanda.
"Alam na niya," sagot nito sa mababang tinig. "Ngunit... hindi niya ito tinatanggap."
Muling bumigat ang kanyang dibdib sa narinig.
Siyempre. Bakit pa siya magtataka?
Si John ay may fiancée na. Si Senyora Abedida—ang babaeng minahal nito nang higit pa sa sarili niya.
Paano niya magagawang itulak ang kasal na ito kung alam niyang may iba nang iniibig si John?
At higit sa lahat… paano niya matitiis ang sakit na dulot nito?
Hindi niya alam kung paano na siya nakakangiti, pero pinilit niyang ikubli ang lungkot sa kanyang puso. "M-May ibang mahal si John. May fiancée na po siya…"
"Bata pa lang kayo, kayo na ang nakatakdang magpakasal," madiin na sagot ni Madam Irene. "At hindi pwedeng sirain ng ibang babae ang kasunduang ito."
Napalunok siya. Ramdam niya ang tila ba tinik na bumara sa kanyang lalamunan.
"Papaano po kung ayaw po niya magpakasal sa akin?"
Nanginginig ang tinig ni Fortuna habang mahigpit na nakakuyom ang kanyang mga palad sa kanyang kandungan. Pilit niyang nilalabanan ang matinding kaba na bumabalot sa kanyang dibdib. Hindi niya alam kung paano niya kakayanin ang ideyang ipipilit ang isang kasal na hindi naman gusto ni John.
Napatingin siya kay Madam Irene, na nanatiling tahimik at matalas ang mga matang nakatutok sa kanya.
"Hindi niya kayang tumanggi," madiin nitong sagot.
Napasinghap siya. Hindi dahil sa gulat, kundi dahil sa tono ng matanda—matigas, walang espasyo para sa alinlangan.
"B-Bakit po?" muli niyang tanong, kahit pa ramdam niyang nanginginig ang kanyang mga labi.
"Hindi lang ito tungkol sa inyo," mariing sagot ng matanda. "Ito ay tungkol sa pangako—isang sumpaan sa pagitan ng dalawang pamilya. Isang kasunduan na hindi maaaring mabali. Ang kasal ninyo ay hindi simpleng personal na bagay, kundi isang alyansa."
"A-Alyansa?" halos bulong na lang ni Fortuna.
Tumikhim si Luigi Tan, ang ama ni John. "Ang pamilyang Tan at Han ay matagal nang magkasosyo sa negosyo. Noong nabubuhay pa ang iyong Lola Rose, may napagkasunduan silang negosyo kasama ng aking mama Irene. Ang kasal ninyo ni John ang magiging garantiya na ang kasunduang iyon ay hindi mawawalan ng bisa."
Napalingon siya sa kanyang ina, si Jinky Han, na tahimik lang na nakikinig. Alam niyang may alam ito, ngunit hindi siya kailanman sinabihan tungkol dito.
"Ngunit paano kung tumanggi siya?" may bahid ng desperasyon ang kanyang tinig.
"Hindi siya tatanggi," madiin na sagot ni Madam Irene.
Nanlaki ang mga mata niya. "Pero... may iba na po siyang mahal!"
"At ano ngayon?" Walang bahid ng emosyon ang boses ng matanda. "Ang pagmamahal ay isang ilusyon. Lahat ng iyan ay lumilipas. Pero ang yaman, kapangyarihan, at pamilya—iyan ang tunay na pundasyon ng isang matibay na kasal."
Napakurap si Fortuna, hindi makapaniwala sa narinig. Para bang bawat salita ng matanda ay matalim na kutsilyong tumatarak sa kanyang puso.
"Ngunit ayaw niya sa akin..." mahina niyang bulong, ngunit agad siyang tinapunan ng malamig na tingin ni Madam Irene.
"Kung talagang ayaw niya sa iyo, bakit ikaw ang kasama niya noong gabing iyon?"
Parang binuhusan ng kumukulong tubig si Fortuna.
Hindi niya alam kung paano sumagot. Gusto niyang isigaw ang katotohanang hindi iyon ang nangyari—na isang pagkakamali ang gabing iyon! Ngunit paano niya ipapaliwanag nang hindi siya lalong lulubog sa kahihiyan?
"Alam mo, iha," malamig na saad ni Madam Irene, "kung sakali mang subukan niyang tanggihan ito, ipapaalala natin sa kanya kung paano siya nagpakasasa sa iyo noong gabing iyon. Hindi ba’t iyon naman ang dahilan kung bakit nandito tayo ngayon?"
Parang hinigop ang hangin sa kanyang dibdib.
Hindi! Hindi iyon totoo!
Ngunit paano niya ipapaliwanag ang lahat kung sa paningin ng ibang tao, siya lang ang may kasalanan?
Sa loob ng bahay ng mga Tan sa California, sumisigaw ang katahimikan. Naiwan ang tensyon sa pagitan ng mga titig, at ang bawat hakbang ni Leona ay mabigat, punô ng galit at pagkadismaya.“Lumayas ka na dito, Señora,” mariing sabi ni Leona, tinuturo ang pintuan.“Hindi ka na karapat-dapat manatili pa sa pamamahay na ito. Hindi matapos-tapos ang panloloko mo!”Umiiyak si Señora, ngunit walang makakuhang awa sa paligid. Nagsimula siyang lumapit kay John, nanginginig ang boses.“John, please… hindi ko alam kung paano tayo umabot sa ganito. Ayoko pang umalis.”Pero bago pa siya makalapit, biglang sumingit si Marco, mabilis na humakbang at mariing hinawakan ang braso ng babae.“Tama na 'yan.”“Marco? Bitawan mo ako! Ayoko sumama sa’yo!” sigaw ni Señora, nagpupumiglas.“Hindi ka pa ba nahihiya, ha?” singhal ni Marco. “Sa dami ng kasinungalingang niluto mo, may mukha ka pang humingi ng awa dito? Halika na. Huwag mo nang dagdagan pa ang kababuyan ng ginawa mo!”Hinila ni Marco si Señora palab
Tahimik ang paligid ng malawak na sala. Tanging ang malamig na tunog ng wall clock ang bumabasag sa katahimikan.Nakaharap sa isa’t isa sina John Tan, Leona at Luigi—ang kanyang mga magulang. Sa gilid ay nakatayo si Madam Irene, tahimik pero tensyonado ang postura. Sa tabi niya, si Marco, hawak-hawak ang isang envelope na parang may bigat ng isang buong mundo.Nakahawak si John sa sinturon ng pantalon niya, bakas sa mukha ang pagod at kaguluhan. “Bakit mo kami pinatawag, Marco? Anong mahalagang dapat mong sabihin sa amin?”Malalim ang buntong-hininga ni Marco bago nagsalita. “Alam kong wala akong karapatang makialam sa mga desisyon niyo. Pero hindi ko na kayang sikmurain ang kasinungalingan na ‘to.”Nakita ni Marco ang pagkunot ng noo ni Leona, habang si Luigi ay tila nahihintay na pumutok ang bomba.“Hindi ko ito ginagawa para kay Fortuna,” patuloy ni Marco. “Ginagawa ko ito para kay John—para sa katotohanan. At para walang inosenteng masaktan.”“Marco,” singit ni John, “anong pinags
SA LOOB NG BAHAY NI FORTUNA…“Please, John,” mahina pero matatag ang tinig ni Fortuna, habang nakatayo siya sa may pintuan, harap-harapan si John na pilit sumusuyo. “Umalis ka na. Wala na tayong dapat pag-usapan.”“Fortuna…” halos mangiyak-ngiyak si John, namumula ang mata, halatang ilang gabi nang hindi natutulog. “Pakinggan mo naman ako, please. Mahal kita. Mahal ko kayo ni Alessia. Aaminin ko—nagkamali ako, pero kaya ko pa itong itama. Bigyan mo lang ako ng pagkakataon.”Tumayo mula sa sofa si Kuya Tony, ang panganay na kapatid ni Fortuna. Malaki ang katawan, madilim ang mukha, at ngayon ay namumula sa galit. “John, tigilan mo na ‘to. Tapos na kayo. Masyado ka nang nakasakit. Akala mo ba ganon lang kadaling kalimutan ang lahat ng ginawa mo kay Fortuna?”“Kuya Tony, please,” pakiusap ni Fortuna. “Ako na bahala.”Pero hindi pa rin umaatras si John. “Hindi ko intensyong saktan ka, Fortuna. Naguluhan lang ako. Nabulag ako sa mga obligasyon, sa pressure, sa pamilya ko, kay Señora—”“Kay
Mula sa labas ng pader, sumisilip pa rin si Marco, habang si Señora ay bumalik sa loob, hawak pa rin ang kanyang tiyan na parang sinasalo ang bigat hindi lamang ng batang kanyang dinadala, kundi ng kasalanang pilit niyang tinatakpan. Nanginginig ang kanyang mga kamay habang pinupunasan ang luha sa kanyang pisngi. Nangingilid pa rin ang mga ito kahit anong pilit niyang pigilan.“Señora,” muling tanong ni Madam Irene, habang pinagmamasdan ang pamumutla ng babae, “umiyak ka ba?”“Hindi po, Madam. Hormones lang po siguro. Alam niyo na, buntis.”Matalim ang tingin ni Madam Irene. “Huwag mo akong ginagago, Señora. May lalaking dumating, hindi ba? Sinong lalaki ‘yon? May nabanggit siyang pangalan. Narinig ko.”Nanlaki ang mata ni Señora. Napatingin siya sa pintuang isinara ni Madam Irene. Gusto niyang takbuhan ang sandaling ito. Gusto niyang magtago. Pero wala na siyang matatakbuhan. Unti-unti nang lumalapit ang kapalarang pilit niyang tinatakasan.Señora, balot ng manipis na cardigan, nangi
Madilim ang silid maliban sa ilaw ng laptop na nakapatong sa mesa. Naglalagablab ang mga mata ni Marco habang binabasa ang email ng private investigator na matagal na niyang hinire upang bantayan si Señora.From: j.p.investigations@securemail.ph.llTo: marco.san@phrealtygroup.com.llSubject: CONFIRMED: Location of TargetMr. Marco,Confirmed. Ms. Señora is currently residing at the Tan Family Estate in Los Angeles, California. Photographic evidence and timestamped logs attached. Further intel suggests personal involvement with John Tan. Please advise next move.Hindi na siya nagdalawang-isip. Tumayo agad si Marco, kinuha ang cellphone, at mabilis na tinawagan ang assistant.“Laila, magpa-book ka ng first available flight to L.A., California. Business class. Hindi ako pwedeng ma-late. I need to be there tonight if possible.”Naputol sandali ang katahimikan habang hinihintay niyang mag-reply ang nasa kabilang linya.“Sir, may 11:40 PM flight via PAL. Naka-book na po sa pangalan niyo. VI
Bumanggang pinto. Tumunog ang mabagsik na tunog sa buong bahay nang lumabas si John mula sa kwarto ni Señora. Ang kanyang dibdib ay punong-puno ng tensyon at hindi matapusang pagkalito. Dumiretso siya patungo sa bahay nila Fortuna, ang kanyang utak ay puno ng sigalot mga tanong at hinala, galit at pagnanasa. Masyado nang komplikado ang lahat, at hindi na siya sigurado kung paano niya mapipigilan ang mga bagay na unti-unting dumadaan sa kanyang buhay.Habang papalapit siya sa bahay, narinig niyang tinawag siya ni Tony ang kuya ni Fortuna na nakatambay sa sala. Puno ng galit ang mga mata nito, at ang tono ng boses ay parang kidlat na dumapo sa katahimikan ng gabi."John!" sigaw ni Tony, ang boses nito ay parang isang kidlat na pumutok sa gitna ng katahimikan. Hindi na siya nag-atubiling lumapit, matalim ang tingin sa kanya. "Tigilan mo na 'yan! Huwag mong gawing gulo ang buhay ng kapatid ko!"Napasigaw si John, hindi dahil sa takot, kundi dahil sa kaguluhang nararamdaman niya. Hindi na