Share

Born to Love you Again
Born to Love you Again
Author: Lyniel

Chapter 1

Hindi ko alam kung ano ang ibig sabihin ng paulit-ulit na panaginip ko simula ng ako ay tumuntong sa edad na 18 years old, it's a recurring dream kung nasaan nasa isang gubat ako na, napakaganda ng gubat na iyon, nag liliwanag ang buong paligid.

Tapos may bigla na lang lilitaw na lalake out of nowhere at dahan dahang lumalapit sa'ken. Hindi ko masyado maaninag ang mukha nito dahil sa sobrang liwanag ng araw na tumatama rito.

Pag lapit nito sa'ken ay may pinakita itong isang kwintas na hugis puso, umikot ito sa likuran ko at isinuot iyon sa'ken. Pag harap ko sa kanya ay bigla na lang mag lalaho ang lalake at ang tanging nakikita ko na lamang ay ang tattoo nito sa kamay na tila chained heart.

paulit ulit na ganito ang nangyayari sa'ke hanggang ngayon na 25 years old na ko. Pakiramdam ko nga dahil sa panaginip iyon kaya hindi ako magkaroon ng boyfriend dahil pakiramdam ko merong naghihintay sa'ken.

Simula rin noon kung ano-ano ng nararanasan akong weird na mga bagay. yung tipong bigla na lang ako matitigil dahil pakiramdam ko na ulit na ang eksenang iyon, kagaya na lang noong nakaraang araw na sobrang aga ko nagising as in maaga. 3:00 AM ng madaling araw bigla na lang akong bumangon at naligo, na tila meron akong pupuntahan.

Pero ng akmang lalabas na ko ng pintuan namin ay bigla akong tinawag ni Mama at tinanong kung saan ako pupunta. Bigla akong natigilan at naghanap ng isasagot kay Mama. Dahil ang totoo hindi ko alam kung saan ako pupunta.

Bumalik na lang ako sa k'warto ko at nagpalit ng pantulog at nahiga ulit.

I'm Heather Montecidad, meron akong sariling business ang HM Flower shop. paborito ko kasi ang mga bulaklak since I was a kid kaya ito ang naisipan kong i-negosyo. Good thing naman na well supported ako ng parents ko at tinulungan nila ako to establish my own business.

and yes at my age of 25 years old hindi pa ko nagkakaroon ng boyfriend. Maganda naman ako, makinis, maputi, sexy at higit sa lahat mapagmahal. Pero ewan ko ba kung bakit sa tuwing may manliligaw sa'ken palagi na lang nauuwi sa pagiging friends na lang. Siguro nga meron talagang taong nakalaan para sa'ken.

And sometimes I feel na may kinalaman doon ang recurring dreams ko at ang lalaking may tattoo ng chained heart. I hope sooner or later makilala ko na siya dahil sa totoo lang naiinggit na siya sa mga friends niya na may mga boyfriend na or di kaya ay asawa.

Ayoko na rin maging bridesmaid gusto ko naman maging bride!

****

"Papasok ka na ba sa shop mo anak?" it was my mommy Elaine, katulad niya ay maganda rin ito at hindi halata sa itsura nito na 50 years old na. Humalik siya sa pisngi ng ina at kinuha ang inihanda nitong pack lunch niya. Dahil nga only child siya, kaya spoiled siya sa mga magulang lalo na sa Daddy niya.

"Yes mom, I need to open early kasi meron kaming big clients ngayon,"

"Really anak? wow! your business is blooming just like my daughter,"

"Naman ma, mana yata ako sa inyo." sinakbit na niya ang bag at kumaway sa ina ng makasakay na siya sa kanyang kotse.

They need to open up this early dahil hindi nila natapos ni Kristel iyong mga flower arrangement nila kahapon para sa isang event ng bagong client nila. Kailangan nilang matapos iyon ngayon dahil bukas na ang event at i-dedeliver pa nila iyon sa mismong location at aayusin.

Halos three years na rin ang negosyo niya at so far naging maayos naman ang takbo nito. Marami na silang client na tumatangkilik sa shop niya dahil na rin sa quality service na binibigay nila. Meron siyang tatlong tauhan sa shops niya. Si Kristel ang flower arranger niya, si Mang Lito ang driver slash helper nila at si Nico ang kanilang security guard.

"Ma'am buti dumating ka na, kanina pa kasi may pabalik-balik dito na customer natin eh, ang gusto ikaw ang kausap dahil may malaki daw silang event na gagawin at kailangan nila ng mga fresh flowers." bungad agad sa kanya ni Kristel, mukhang kanina pa rin ito naroon at nasimulan na nitong gawin ang naiwan nila kahapon.

she is so lucky sa mga tauhan niya dahil talagang may malasakit sa trabaho at maging sa negosyo niya. kaya naman in return ay maayos din ang pa-sweldo niya sa mga ito pati na rin ang mga benefits nila.

"Relax lang Kristel, nag iwan ba ng card iyon customer?"

"Hindi nga mam eh, basta ang sabi niya babalik na lang daw siya mamaya, sabi ko kasi before 8:00 AM ang andito na kayo,"

tumingin siya relo at nakita niyang 15 minutes na lang at alas otso na.

"Okay, hintayin na lang natin siya kung babalik nga. for now ayusin na natin itong mga flowers at bukas ay i-dedeliver na natin ito," nagtungo siya sa locker area nila at nagsuot ng gloves at apron.

Sa sobrang busy nila hindi nila halos namalayan ang oras at magtatanghalian na pala. Hindi rin dumating iyong sinasabi na client ni Kristel. While they are enjoying their lunch may isang matandang babae ang pumasok sa flower shop niya, may division kasi ng salamin ang mismong display area at ang office nila kaya makikita nila kung sino ang pumasok.

sumenyas siya sa mga tauhan na ituloy na lang ang pagkain at siya na ang bahala sa bagong dating na customer. sa unang tingin pa lang niya ay halata na may sinasabi sa buhay ang matanda, magara ang suot nitong kasuotan at marami itong kumikinang na alahas.

"Good morning Ma'am, welcome to HM Flower shop," nakangiti niyang bati sa matanda. Tumingin ito ng deretso sa kanya at ngumiti.

"Napakaganda mo pa rin hija," sabi nito. medyo nagtaka siya roon dahil parang kilala siya nito base sa papuri nito.

"A.anong ibing niyo po sabihin ma'am?"

sa halip na sagutin siya ay hinawakan nito ang kamay niya at marahan iyong pinisil. Nakaramdam naman siya ng biglang kilabot sa simpleng pagdidikit ng balat nila. Dahil doon ay napabitiw siya rito.

"Malapit na kayong magkita, sa wakas magiging maligaya na rin kayo," matalinhagang turan nito sa kanya.

"Teka ano ho ba ang ibig niyong sabihin, hindi ko po kayo maintindihan," takang taka siya sa sinabi ng matanda sa kanya, pakiramdam niya ay may nais itong iparating sa kanya. tatanungin na sana niya ulit ito ng biglang may pumasok na isang babae at agad lumapit sa matanda.

"Lola, narito lang pala kayo, kanina ko pa kayo hinahanap. tayo na po at kailangan niyo pa uminom ng gamot ninyo." sabi 'nung bagong dating na babae. sa tingin ko kasama ito ng matanda o marahil ay tagapagalaga ito niyon.

"Ah.. eh Miss, p'wedeng malaman kung sino siya?" ang tinutukoy niya ang matandang kanina pa rin nakangiti at nakatitig sa mukha niya.

"Naku pasensiya ka na mam kung ano man ang nasabi sa inyo ni Lola Anie wag niyo na lang po pansin. may sakit po siya eh, dementia." sagot nito sa'ken. bigla naman akong nakaramdam ng awa sa matanda at muling hinawakan ang kamay nito at inabutan ito ng kulay pulang american rose. Kinuha iyon ng matanda at inamoy amoy.

"Magpakatatag ka ineng, malapit ka ng lumigay."

Napailing na lang siya ng ganap ng lumabas ng shop niya ang matanda at ang kasama nito. Pero hindi niya mapigilan ang sarili mapaisip sa tinuran ng matanda.

"Malapit na raw kaming magkita? nino naman kaya?" mahinang usal niya sa sarili.

Muli siyang bumalik sa mga kasama at pinagpatuloy ang lunch niya. sa ka na lamang niya ito iisipin sa ngayon kasi marami silang kailangan tapusin na trabaho.

Related chapters

Latest chapter

DMCA.com Protection Status