Share

Chapter 4

Who is that girl?

Bakit ganito ang nararamdaman ko ng minsang mag tama ang mga mata namin? why the sudden strange feeling?

Kanina pa siya na sa balcony ng kanyang silid, hindi siya dalawin ng antok niya dahil kanina pa si binabagabag ng babaeng iyon. Ang imahe nito na tila pamilyar sa kanya but he is so sure na ngayon niya lamang iyon nakita. Nang mag tama ang mga mata nila kanina ay tila may kung anong kirot siyang naramdaman sa kanyang puso, para itong pinipiga na hindi niya maintindihan.

Marahas siyang nag pakawala ng hininga at tumingin sa kawalan. Ilang taon na rin ba na ganito ang nararamdaman niya, halos walong taon na yata. Tumawa siya ng pagak at muling binaling ang tingin sa malawak na karimlan, aanhin niya ang yamang meron siya ngayon kung hungkag naman ang pakiramdam niya. Pumikit siya ng biglang umihip ang malamig na hangin at tumama ito sa kanyang pisngi. Tila kahit ang hangin ay may gustong iparating sa kanya.

Persiguela..

Napamulat siya ng marinig ang malamyos na tinig na iyon, bumaling siya sa ibaba upang tingnan kung may tao roon subalit wala naman. Persiguela? spanish term for chase her.

Marahan siyang umiling iling, kung ano-ano na ang naririnig niya dala siguro ito ng pagod dahil galing p siya sa mahabang biyahe kanina at sa grand opening ng kanyang bagong forest resort.

Umalis siya sa balcony at tinungo ang kanyang kama, kailangan na niyang ipahinga ang pagal na katawan. Humiga siya at marahang ipinikt ang mga mata at tangayin ng antok ang kanyang buong diwa..

"Mi amor, akala ko ay hindi ka na sisipot" Niyakap ko siya ng mahigpit na parang anumang sandali ay may kukuha sa kanya.

"Hindi ko matiis na hindi ka makita mahal ko, bawat oras ay ikaw lamang ang aking naiisip," ang mabining sagot niya sa akin. Bawat bigkasn nito ng salita ay tila musikang kay sarap pakinggan.

"Ysabella, mahal ko" iniangat nito ang tingin sa akin at ang labi nitong nakakahalina ay tila nag aabang ng pag sinta. Buong galang niyang inangkin ang labi nito, napakatamis at napakalambot.

"Alejandro..." ang tila paos nitong tawag sa akin, buong pagmamahal nitong tinugon ang aking halik. Ang mainit nitong labi ay tila apoy na unti unting tumupok sa aking pag titimpi.

Pinagapang ko ang aking halik sa kanyang leeg habang dahan-dahan ko siyang inihiga sa malapad na bato, naroon kasi sila ngayon sa loob ng gubat, sa kanilang lihim na tagpuan. May inihanda akong malambot na tela sa ibabaw ng batong iyon. Ang mga kamay ko ay nag simulang lumikot sa kanyang katawan.

"Alejandro, baka may makakita dito sa atin?" ang tila nahihiyang tanong pa nito sa akin. Tinungo ko ang kanyang labi af marahan itong hinalikan.

"Walang ibang tao rito mi amor, dahil ang gubat na ito'y atin lamang." ngumiti ito at muli kong pinagpatuloy ang pag halik sa kanyang leeg. Walang pag mamadali sa aking kilos sapagkat nais kong ipadama sa aking Ysabella ang tamis ng aking pagmamahal.

Nang ganap kong masilayan ang hubad nitong katawan ay para akong uhaw na manlalakbay na biglang nakasumpong ng bukal ng buhay. Tinakpan nito ang kahubdan dahil mataman niya itong pinagmamasdan.

"Pakiusap Alejandro, itigil mo ang iyong pag titig. Walang sinuman ang naka silay pa sa aking katawan, ako'y labis na nahihiya ngayon,"

Ngumiti ako sa kanya at muling hinalikan ang kanyang labi, sa pagkakataong ito ay pinababa ko ang halik sa kanyang mayamang dibdib at doon ay tila sanggol na gutom at sabik sa gatas ng ina.

Napasinghap si Ysabella at napasabunot sa aking buhok, marahan ko siyang tiningnan at lalo akong nilukuban ng init ng makita ko ang ka-akit akit nitong mukha habang nakapikit at naka-kagat sa kanyang labi.

Hinubad ko aking mga kasuotan at inihanda si Ysabella sa aking pag salakay, mababakas sa magandang mukha nito ang takot at pangamba. Hinalikan ko siya ng mariin sa mga labi at marahang umulos, ramdam ko ang kanyang kasikipan. Isang impit na iyak ang narinig ko mula sa kanya, batid kong nasaktan ko siya ngunit hindi ko na kayang mag timpi pa.

"Mi amor, saglit lamang ang sakit at mamaya lamang ay mawawala din ito, pangako. Mahal na mahal kita aking Ysabella.." buong pag mamahal kong sambit sa kanya habang unti unti kong nasasakop ang buong pagkatao niya.

Marahan lamang ang pag galaw ko sa ibabaw niya, nakaalalay ako sa kanyang likuran upang hindi ito masaktan sa bawat ulos ko. Ilang saglit pa ay napalitan ng mahihinang ungol ang kaninang hikbi nito, hanggang sa ang pag galaw niya ay bumilis ng bumilis.

"Alejandrooo,"

"Ysabellaaa"

Pareho silang hapong-hapo matapos ang kanilang pagniniig. Pareho silang naghahabol ng hininga, ni hindi nila magawang kumilos muna bagkus ay nanatili silang magkatabing nakahiga sa ibabaw ng bato af nakatingin sa malawak na kalangitan. Buong suyong niyakap niya si Ysabella at inihilig ito sa kanyang dibdib.

"What the f*ck!" ang humihingal na sigaw ni Ares, pawis na pawis siya na parang nanggaling sa kung anong labanan. He saw his manhood hard as rock as if wanting to f*ck!

Bumangon siya at tinungo ang shower at binuksan iyon. Tumapat siya sa tubig kahit may suot pa siyang boxer. nakatuon ang dalawang kamay niya sa pader at hinahayaang tumama ang malamig na tubig sa kanyang katawan.

What was that dream? bakit parang pakiramdam ko totong nangyari siya?

Pinatay niya ang shower at kumuha ng towel at nagpunas.

He checked his phone and it was only four o'clock in the morning. Dahil pakiramdam niya ay hindi na rin siya makakatulog ulit, pinasya niyang mag jogging na lamang sa loob ng kanyang forest resort.

pababa na sana siya ng biglang umihip ang malamig na hangin sa kanyang katawan at tila may tinig siyang narinig.

Ve a ella...

"Whose in there? show yourself to me now!" ang ma-autoridad niyang turan. Pinagmasdan niya ang buong paligid subalit wala siyang makitang ibang tao liban sa kanya. He started to feel weird, hindi siya matatakutin at lalong hindi siya naniniwala sa multo.

Ve a ella...

Malinaw niyang narinig ang tinig na tila sumasama sa hangin, Ve a ella means go to her, pero kanino siya pupunta, sinong pupuntahan niya? Binalewala na lamang niya ang tinig na iyon at itinuloy ang paglabas.

Wala siyang panahong intindihin ang bulong ng hangin.

***

It was already two days since they went to cavite for that event, pero hanggang ngayon hindi pa rin maalis sa isip ni Heather anv lalaking iyon. Pakiramdam niya may something dito lalo na sa mga titig nito.

Sa tangin pa nga niya ay nasa early thirties lamamg ito. Matangkad ito at well built ang katawan, ang aura nito ay tila hindi pure blood filipino. Para itong spanish na may pagka-briton ang itsura. May makakapal itong kilay na binagayan ng malalim nitong mata, matangos din ang ilong nito, ang buhok nito ay may pagka-kulot ng bahagya. Ang mga labi nito ay manipis na parang laging may kapilyuhang gagawin.

She can't take him out of her mind since that day, at simula ng araw na iyon ay nag simula na rin ang mga weird dreams niya. Weird dahil sa panaginip niya ay parang may humahalik sa kanya at sa buong katawan niya. Nagigising ma lamang siya na tila pagod at hapong-hapo.

Goodness gracious! bakit naman ang halay yata ng mga panaginip ko ngayon! Ang masaklap pa nito hindi ko 'man lang makita ng malinaw ang mukha ng lalaking kahalikan ko!

Related chapters

Latest chapter

DMCA.com Protection Status