Share

Chapter 6

"OMG! I'm late!" humahangos na bumangon si Heather mula sa kama. Pasado alas sais na kasi ng umaga, dapat ay bago mag alas otso ay nasa resort na sila para ma-arrange pa nila ang mga roses na dala nila.

Mabilis siyang naligo at nag bihis. Nag suot na lamang siya ng jeans at light pink polo shirt. Hahayaan na lamang niya sana na nakalugay ang mahaba at unat niyang buhok ng mahagip ng mata niya ang red box na inabot sa kanya ni Mang Lito kahapon.

Kinuha niya ito at binuksan. Parang may kusang isip ang mga kamay niya na kinuha niya ang hair clip at isinuot iyon sa kanyang buhok. Bahagya nitong nahawi ang kanyang buhok pakanan, nag mukha tuloy maliit ang kanyang mukha.

Sinipat niya ang sarili sa salamin at ng masiyahan ay agad na sana siyang lalabas bg silid ng may marinig siyang mahinang bulong kung saan.

Eres Hermosa..

Ano daw? Eres Hermosa? anong salita yun? Tila kinilabutan din siya ng bahagya ng muli niyang marinig ang salitang iyon. Sigurado naman siya na wala siyang kasama sa silid
Bab Terkunci
Membaca bab selanjutnya di APP

Bab terkait

Bab terbaru

DMCA.com Protection Status