Share

Chapter 3

Ares Evan Martinez, a business tycoon famous to the business circle. He owned a lot of fortune and business not just in the Philippines but also in southeast Asian country. During his young age he managed to become the most successful and wealthy businessman in the country, he do whatever he needs to do to be able to achieve what he has right now.

Just recently he bought a one hundred hectares of land in Cavite and made it a forest resort for the reason that still up to now he doesn't know.

Pakiramdam niya lang kasi dapat niya iyong gawin. Sa edad niya ngayon na thirty-three years old ay wala pa rin siyang matatawag na pamilya. Ulilang lubos na siya, ang mag asawang umampon sa kanya noon na sina Miguel and Rebecca Martinez ay matagal ng yumao, sa kanya naiwan ang yaman ng mga ito dito sa pilipinas at maging sa espanya.

Pag dating sa mga babae, hindi siya nauubusan. Kapag kailangan niya ng taga aliw sa malungkot niyang mga gabi ay meron siyang natatawagan at presto napapawi na nito ang lungkot niya. Subalit hanggang doon lamang iyon, hanggang init lang katawan.

Hindi niya kasi maintindihan ang sarili niya parang may hinahanap ito or mas tamang sabihin na hinihintay. But d*amn! he's not getting any younger, gusto niya na rin magkaroon ng sariling pamilya, ng asawa at mga anak.

Sometimes there is this weird dream that keep on happening since he was twenty-five years old. The dream is situated in a spanish era, he saw men and women wearing old clothes. Meron din siyang nakikitang mga kalesa at mga istruktura na pawang mga sinauna rin.

And then there was this young girl smiling while holding an abaniko covering her lips everytime she smiles and laugh. Matagal lang siyang nakatitig sa babae habang abala ito sa pakikipag-usap sa kung sino. Pakiramdam niya ay biglang bumilis ang tibok ng puso niya ng tumingin sa kanya ang magandang babae at ngumiti ng ubod tamis. He was mesmerized. Hindi niya magawang maihakbang ang paa para lapitan 'man lang ang babae.

Pagkatapos noon ay bigla na lamang itong mag lalaho na parang bula. Madalas siyang managinip ng ganun na parang nasa spanish era siya, kung minsan pa nga ay tila nasa isang pagtitipon siya o kaya naman ay nasa tila meeting ng mga mataas na tao ng panahon na iyon. Sa bawat pagkakataon na iyon ay palaging lumilitaw ang imahe ng babaeng iyon.

Bagaman hindi niya masyadong maaninag ang itsura nito batid niyang ubod ito ng ganda at hinhin. Hanggang ngayon hindi niya maintindihan ang kahulugan ng mga bagay na iyon sa kanyang panaginip. Pakiramdam niya ay may kinalaman iyon sa kanya at sa kanyang magiging hinaharap pa.

"Sir Ares, Mr. Montecillo is here."

It was his butler, Gideon. Matagal na rin itong nag sisilbi sa pamilya nila at kabisado na nito ang ugali niya. Si Mr. Montecillo ay isa sa mayamang pamilya rito sa Cavite, narito ito ngayon para mag alok sa kanya ng isang business proposal.

"Send him in Gideon,"

Inayos niya ang sarili at hinintay ang bisitang dumating. Hindi niya alam kung anong business proposal ang nais nito sa kanya pero mabuti na rin iyong meron siyang makilala sa lugar na ito kaya naman pinag-bigyan niya ito. Nang pumasok ang lalaki ay agad itong malugod na bumati sa kanya at nakipag-kamay pa.

"Mr. Ares Martinez, it's nice to finally meet you in the flesh!"

Ngumiti lamang siya dito at tinuro itong maupo sa harap ng lamesa niya.

***

"P'wede na siguro tayong umuwi Kristel, hanapin mo na si Emman para makapag-paalam na tayo sa kanya, malayo-layo pa rin ang lalakbayin natin baka abutin pa tayo ng traffic sa daan." mahabang turan niya kay Kristel. Tapos na kasi ang opening at programa ng naturang event, marami nga siyang nakitang mga sikat na personality at politiko na dumalo sa opening ng forest resort and hotel na ito. Hindi niya kilala kung sino ang may-ari nito pero kung sino 'man siya malamang ubod ito ng yaman.

Ilang saglit pa ay nakita niya si Emman na tila humahangos palapit sa kinaroroonan niya,

"Your going home?" agad na tanong nito sa kanya.

"Oo kasi malayo pa ang biyahe namin at mahirap na ma-traffic, tapos na rin naman ang event." paliwanag niya dito. Nakita niyang palapit na rin sa kanila si Kristel kaya agad na niya itong sinabihan na mauna na sa sasakyan nila at naroon na rin si Mang Lito.

"P'wede ba kitang ma-invite na lumabas naman minsan?" muling tanong ni Emman. Tumingin siya dito at hindi niya maintindihan kung bakit parang hindi niya magawang biguin ang maaamo nitong mata. Napilitan tuloy siyang ngumiti dito at tumango.

"Si..sige, sabihan mo na lang ako kung kelan." nag liwanag naman ang aura nito at agad hinawakan ang dalawa niyang kamay at pinisil iyon.

"Salamat Heather. I'll call you one of this day."

Nag paalam na siya kay Emman at tinungo ang area kung saan nag park ng sasakyan nila si Mang Lito. Malapit na siya sa likuran ng hotel ng tila may malakas na pwersang nag tutulak sa kanya para lumingon at tumingala sa itaas ng hotel na iyon, parang may malamig na hangin ang tila bumulong sa kanya na hindi niya maintindihan.

Sinubukan niyang lumingon at tumingala at doon nakita niya ang lalaki kanina na nasa isang balcony at nakatingin sa malawak na karagatan. Hindi niya maintindihan ang sarili bakit hindi niya magawang alisin ang mata sa lalaki! ng walang ano-ano'y bigla itong tumingin sa direksiyon niya at muling nag tama ang mga mata nila.

Gustuhin 'man niyang umiwas ay hindi niya magawa, tila nanigas na ang leeg niya at hindi na niya maigalaw. Maging ang lalaki ay titig na titig rin sa kanya ngayon, parang tagusan ang tingin nito sa kanya. Nakaramdam siya ng kaba at tila kinakapos siya ng hangin, sandali siyang napahawak sa dibdib habang nakatitig pa rin sila sa isat-isa.

"Mam Heather!" ang malakas na tawag na iyon ni Kristel ang muling nag pabalik sa kanya sa huwisyo. Tumingin siya kay Kristel na kumakaway na sa kanya at tinatawag siya. Inihakbang niya ang mga paa palayo sa lugar na iyon at lumapit sa sasakyan nila.

Bago siya sumakay sa passenger seat ay isang sulyap pa ang ginawa niya muli sa lalaking nasa balcony.

Parang may humaplos na kung anong malamig na bagay sa puso niya ng matanaw itong nakatingin pa rin sa kanya. Nang sandaling iyon parang ayaw lisanin ng katawan niya ang lugar. Hindi niya maintindihan ang sarili ng bigla na lang pumatak ang luha niya.

"Bakit ka umiiyak ma'am? may masakit ho ba sa inyo?" ang nag aalalang tanong ni Mang lito sa kanya. Pinunasan niya ang luha at ngumiti sa matanda. Hindi niya alam ang sasabihin dito kung bakit siya biglang naluha dahil maging siya ay hindi niya rin maintindihan.

Pakiramdam niya may kinalaman roon ang lalaking iyon.

Related chapters

Latest chapter

DMCA.com Protection Status