Chapter 01
"Sebastian!" Nakahawak ang lalaki sa pader habang nanghihina na naglalakad palabas ng kwarto. "Master!" Apat sa mga bodyguard ni Sebastian ang pinipigilan ng lalaki na umalis. "Bitawan niyo ako! Gusto ko makita si Haven!" Napaupo ang lalaki sa sahig noong nawala bigla ng lakas mga tuhod niya. Hinang-hina siya at pinagpapawisan. Gusto niya makita si Haven. Hindi pa huli ang lahat. "Sebastian! Sabi ko pupunta ako hindi ba? Ano ginagawa mo dito?" May dumating na babae tapos bigla ito lumapit kay Sebastian tapos hinawakan sa pisngi. "Oh my god! Nilalagnat ka pa." Madami ngayon ang kumukuha sa kanila ng litrato. Na shock ang babae tapos bahagya tinakpan ang mukha. Sinabi ng babae na nakakahiya doon umalis na sila. Hahawakan ng babae si Sebastian noong tabigin iyon ni Sebastian sinabi na layuan siya. "Sebastian?" Hinawakan ng lalaki ang ulo. Walang ibang nasa isip niya kung hindi si Haven. Kailangan niya makita si Haven. "Hindi ba sinabi ko sa inyo na huwag niyo palalabasin ng room si Sebastian either magtanggap ng mga bisita?" Napatigil si Sebastian at nag-angat ng tingin. Nakita niya si Haven Bree Nicastro— salubong ang kilay nito na nakatingin sa kaniya at nakasuot ng highschool uniform. Tila huminto ang pag-ikot ng mundo ni Sebastian after makita si Bree na naiirita na nakatingin sa kaniya at sa babaeng katabi nito. "Haven—" Hindi maigalaw ni Sebastian ang mga paa. Nagulat si Bree noong nakita na umiyak si Sebastian. "F*ck! Why are you crying! For god's sake!" Napatakbo palapit si Bree kay Sebastian noong sinubukan ni Sebastian gumapang palapit sa kaniya. Noong makalapit si Bree bigla ito niyakap ni Sebastian. "Atleast kasama pa din kita. Ikaw pa din sumundo sa akin. Nakakatuwa kahit sa kabilang buhay sinusundan mo ako." "What the heck are you saying—" Hindi natapos ni Bree sasabihin dahil bigla nawalan ng malay si Sebastian. Nanggigil sinabi ni Claudine Ferrer na bakit nandoon pa si Bree. "Bitawan mo siya dahil alam mo na once na magising siya ulit mapapahiya ka na naman," proud na sambit ni Claudine. Huminga ng malalim si Brer na ngayon nakahiga sa mga braso niya si Sebastian. "Sa pananalita mo mukhang natutuwa ka pa na nagkakandarapa sa iyo si Sebastian." Tiningnan siya ni Bree at ngumisi. Sinabihan na third party si Claudine at proud sa pagiging kabet. "What!" Nagkaroon ng bulungan doon tapos may kumukuha pa ng video. Inutusan ni Bree ang mga tauhan niya na ipasok sa kwarto si Sebastian at ihatid si Claudine. "Wala ka karapatan paalisin ako dahil tinawagan ako ni Sebastan few hours ago at sinabing pumunta ako dito." Pinakita phone niya. Inayos ni Bree ang skirt niya at tinanong kung mukha ba siya may pake doon. "He was my fiancee. Kung hindi mo alam saan ka lulugar hayaan mo iremind kita," ani ni Bree at tiningnan si Claudine. "Sabihin na natin inlove sa iyo si Sebastian at first love ka niya but— as long as Volkov siya at Nicastro ako at the end of the day sa apartment ko pa din siya uuwi, maglalakad ako sa aisle na siya ang naghihintay sa altar at mananatili ang pangalan niya sa tabi ng pangalan ko." "Haven Bree Nicastro— Volkov." Ini-spelling pa iyon ni Bree dahilan para mawalan ng pasensya si Claudine sinabi na magsisisi si Bree at sasabihin niya lahat iyon kay Sebastian pagkagising nito. Umalis na si Claudine na ngayon hinahabol ng manager niya. Sa likod ni Bree nakatayo ang isang lalaki na malaki ang tanda kay Beryl. "Sigurado magagalit na naman si master kapag nalaman niya nag-away na naman kayo ni miss Claudine." "I dont mind. Lagi iyon galit sa akin." Napapagod si Bree na tinahak ang daan patungo sa room ni Sebastian. Binuksan niya ang pinto at dumiretso sa kama ni Sebastian. Maya-maya dumating ang tatlong doctor at nurse. Tinanong ni Bree kung ano nangyari kay Sebastian. Sinabi ng doctor na maaari under influence ng medicine si Sebastian or cause iyon ng mataas nito na lagnat. "Huwag ka mag-alala miss Bree icheck namin siya ulit." In some reason nakaramdam ng dissapointed si Bree kanina. Iyon unang pagkakataon na naginitiate si Sebastian yakapin siya at natutuwa na makita siya. All this years— after mai-announce ang engagement nila iniwasan na siya nito. Hindi niya ni Sebastian matanggap since wala ito gusto iba pakasalan bukod kay Claudine. Noong malalim na ang gabi nagising si Sebastian at agad ito lumingon. Muli nakita niya ang sarili sa hospital. Pilit na bumangon si Sebastian after makita na mag-isa siya sa kwarto. Huli niya naalala nasa balcony siya at nakatingin sa swimming pool. Bumukas ang pinto pumasok ang ina ni Sebastian. Agad ito lumapit tapos tinanong kung ayos lang si Sebastian. "Why?" Nangilid ang luha ni Sebastian na ngayon nakaupo sa ibabaw ng kama at nanginginig. "Kahit ba mamatay ayaw niyo ako hayaan!" Nagulat ang ginang noong marinig iyon at hinawakan ang balikat ni Sebastian. "Sebastian! Ano ba pinatake sa iyo ng mga doctor at nagkakaganiyan ka. Ano sinasabi mo at ano mamatay?" Napatigil si Sebastian noong maamoy ang natural na scent ni Bree na ilang taon din para sa kaniya na hindi naamoy. Napaangat ng tingin si Sebastian tapos nakita si Bree na masama ang timpla ng mukha na nakatingin sa kaniya. "If balak mo magpakamatay make sure hindi iyon sa public pool at walang nakakakita. Nakakahiya ka." Hindi nakapagsalita si Sebastian at natulala. Ngayon naniniwala siya na hindi iyon panaginip. Buhay na buhay si Bree at nasa harapan niya ngayon. Tiningnan niya ang ina. Bumata din ito ng ilang taon at ngayon nag-aalala nakatingin sa kaniya. "Anak, nagdadrugs ka ba?" Ibig sabihin 'non bumalik siya. Kinurot ni Sebastian ang sariling pisngi. Nakaramdam siya ng kirot at sakit. "Sorry mom. Ayos lang— ayos lang ako." Inisip ni Sebastian maaari panaginip lang iyon. Isang bangungot at iyon ang reality. Naramdaman ni Sebastian ang kamay ng ina sa ulo niya dahilan para mapatingala si Sebastian. "Kapag bumaba lagnat mo this week sinabi ng doctor pwede ka na umuwi. Magpagaling ka okay." Hindi alam ni Sebastian pero parang nangyari na iyon. Narinig niya na ang exact word at nakita ang new outfit ng ina. Naalala niya na una at huling sinuot iyon ng ina is noong 25th wedding anniversary nila ng dad nila. Binili ng ama niya dress na iyon 3 days before ang date nila abroad. Hindi natuloy date ng mga ito dahil— "Pinagtripan ako ng mga barkada ni Claudine." Sumalubong ang kilay ng ginang at tinanong kung ano sinasabi ni Sebastian. "Binubully ka ba ng Claudine na iyon!" Nagulat ang si Sebastian. Agad niya inalo ang ina sinabi na confused lang siya at huwag isipin iyon. "Masakit pa din ulo ko mom." Naglalambing na niyakap ni Sebastian ang ina then tiningnan si Bree na diretso sa kaniya nakatingin. Pumasok sa isip niya ang isang scenario kung saan nakahiga si Bree sa metal bed at walang buhay. Napahawak sa dibdib si Sebastian dahil bigla pakiramdam niya hindi siya makahinga. Takot, lungkot at galit— lahat nasa dibdib niya at hindi alam paano iyon ilalabas. "Sebastian— ano ba nangyayari sa iyo na bata ka? Bakit wala ka ginawa kung hindi umiyak!" Tinawag ng ginangang doctor tapos ang asawa nito na nasa labas lang din ng pinto. Hindi alam ni Bree ngunit pagkatapos ng araw na iyon sobrang naging laki ng pagbabago ni Sebastian. Sa biglang laki ng pagbabago hindi niya maiwasan ma-anxious. "Sasama ako. Pupunta ka ba ng hospital?" Binubuntutan lang naman siya palagi ni Sebastian at wala ito ginawa kung hindi kulitin siya. She dont mind naman pero may mga time na siyempre kailangan niya ng privacy isa na doon ang pagpunta sa rest room. "Wag mo sabihin pati sa restroom susundan mo ako?" tanong ni Bree. Sumagot ng yes si Sebastian. "Manyak!" Sinipa ni Bree sa paa si Sebastian na agad napatalon at napa-aww. "Wait! Ouch! Nagbibiro lang ako. Doon lang ako sa labas." Pumasok si Bree sa isa sa mga shop ng mom niya sa area na iyon para magbihis sa restroom since naka uniform pa siya tapos pupuntahan niya sa hospital ang kakambal. "Hello sir!" Natutuwa na kumaway si Sebastian sinabi na manghihiram lang sila ng restroom. Dedma lang naman si Bree. Pumasok si Bree sa restroom tapos siyempre naiwan si Sebastian. Sumandal ang lalaki sa gilid ng pintuan tapos nagha-humming na tumingin-tingin sa pinto. Ni isang segundo after ng aksidente ayaw na ni Sebastian mawala sa paningin niya si Bree kaya naman kahit saan ito pumunta sumusunod siya. Hinihintay niya din ito sa labas ng building after class nito tapos sinasamahan ito sa hospital. "Sir sarado pa ang shop. Ano po ginagawa niyo dito?" May staff ang lumapit kay Sebastian. Sa main shop siya kilala since nandoon palagi ang auntie Hilda niya. Mukhang bagong shop lang iyon malapit sa school. "Heh, fiancee ako 'nong nasa loob ng restroom." Napakamot sa ulo ang staff sinabi na hindi pa bukas shop nila. Bawal pa ang costumer. Anxious na sambit ng staff. Bago pa makapagsalita ang staff ulit lumabas na si Bree na nakasuot ng purple na dress at high heels. Naglagay na din ito ng light make up at nagpalit ng slim bag. Kung titingnan si Bree sa ganoon na outfit hindi ito magmumukhang highschool student. "Miss Bree." Agad na yumuko ang staff. Napataas ng kilay si Bree at tinanong ano ginagawa doon ng staff. Nagdududa siya tiningnan ni Bree at bakas naman pagtatakha sa mukha ni Sebastian. Maya-maya narealize ni Sebastian ang maaaring iniisip ni Bree. Kasing edad niya iyong staff sa harapan niya. Agad na napatayo si Sebastian. "Mali ka ng iniisip!" Inirapan siya ni Bree at sumagot ng as if. Nilampasan siya ni Bree at dumiretso sa lobby. "Wait Haven! Tinatanong niya lang ako bakit ako nandoon at sinabi bawal ang guest!" Hinabol ni Sebastian si Bree ngunit sinabihan lang siya ni Bree ng f*ck off. Iritable ang babae. May nakita si Sebastian na blue rose and agad siya na kumuha ng isa. Humarang si Sebastian tapos inabot iyon kay Bree. Napatigil ang babae. Naalala niya mahilig sa blue rose si Bree. Napunta sa kaniya lahat ng atensyon ng babae. "Sinabi ko na nasa loob fiancee ko which is anak ng owner kaya nandito ako okay. Hindi ako nanlalandi." Hindi nagbago reaksyon ni Bree pero nawala na iyong pagkakasalubong kilay nito tapos kinuha iyong blue rose. Nilampasan siya ng babae. Napa-yes si Sebastian tapos inabot card niya sa staff sinabi na bibilhin niya iyon. "Bilhin ko na din iyong bouquet." Sarado pa sila pero dahil fiancee ng anak ng owner ang costumer agad naman nila ito pinagbigyan. Kinikilig ang mga staff na nandoon after makita ang maiksi na scene doon. Para kay Bree ang flowers at siya ang nagdala. Pagkababa ng sasakyan suot ni Bree ang coat ng school uniform ni Sebastian tapos hawak ang isang blue rose na unang inabot sa kaniya ni Sebastian. Inabot ni Sebastian iyong basket ng fruits sa bodyguard niya sinabi na bitbitin iyon. Natutuwa na naglakad si Sebastian palapit kay Bree. Agad sila binati ng mga hospital staff na nandoon. Pumasok sila sa elevator. Noong nasa hospital na room na sila ni Castor Piero Nicastro which is ang twin brother ni Bree minura siya ng lalaki. "Nandito ka na naman. Sawa na ako sa pagmumukha mo." "Sino ba hindi? Kung hindi dito destinasyon ni Bree hindi kita pupuntahan gago." Bumaba tingin ni Castor sa hawak ni Sebastian na flowers at napapokerface. "Hindi naman siguro para sa akin iyan hindi ba?" tanong ni Castor. Sinabi ni Sebastian na hindi. "Bakit ako magbibigay ng bulaklak sa lalaki? Para ito kay Haven." Tinago iyon ni Sebastian sa likuran niya. Pinalapit ni Sebastian bodyguard niya sinabi na ilapag iyong basket ng fruits. Lumapit si Sebastian sa sofa at inilapag bag ni Bree tapos iyong bulaklak. "Heh, ano nangyari sa inyo dalawa? Beryl ano ginawa mo? Ginayuma mo na ba si Sebastian? Last resort mo na talaga iyon?" biro ni Castor. Umupo si Bree sa monoblock at kumuha ng apple. "Hindi ako gagawa ng ganoong kacomplicated na bagay para lang sa lalaki." Binuksan ni Sebastian ang kurtina at hindi sinasadya na napatingin siya sa ibaba. Umatras si Sebastian at lumingon. Tiningnan niya ang kambal. "Peri, gusto mo lumabas tayo mamaya. Dalhin kita sa garden?" tanong ni Sebastian. Sinabi ni Castor na nasa 16th floor sila. Paano siya dadalhin ni Sebastian sa ibaba. "Ilalagay kita sa wheel chair malamang. Dont worry ako magbubuhat sa iyo tapos magtutulak pababa." Napatigil si Castor. Hindi ito nagsalita. Natutuwa lumapit si Sebastian sa gilid ng kama at umupo doon. "Is that yes?" Sinabi ni Bree na katatapos lang ng surgery ni Castor. Baka madali sugat ni Castor at magalit na naman mom nila. Isang beses sinubukan ni Bree ilabas si Castor since nagiinsist ito na lumabas at nagpatulong siya sa mga bodyguard pero bumukas ang sugat ni Castor. Nagalit sa kaniya ang mom niya. Fade ang boses ni Castor sinabi na ayos lang siya. Hindi na siya lalabas. Noong makita ni Sebastian ang expression ni Castor— iniyukom ni Sebastian ang kamao. 'Bakit ito ginawa ni Peri! Bakit si Peri!' Nakita niya ang ina ni Castor na halos maglupasay sa sahig habang yakap ang picture ni Castor at nasa harapan ng isang kabaong. "Heh, magtiwala ka sa akin Haven. Mailalabas natin si Peri at maibabalik dito sa room niya ng walang naoopen na sugat at buo." Tiningnan siya ng twins. Siyempre iingatan niya si Castor. Papatayin siya ng parents niya kapag may nangyari sa isa sa mga tagapagmana. After nga ng breakfast sinabihan ni Sebastian si Castor na ibaba ni Peri ang isang kamay. Bubuhatin niya ito ng bridal style. "Wa—" "Wag ka umangal brother in law. Akala ko ba gusto mo lumabas?" Pareho napatigil si Castor at Bree. Hindi dahil sa pagsinghal ni Sebastian kay Castor kung hindi sa pagtawag ni Sebastian kay Castor. Katulad ng pinangako ni Sebastian puno ng ingat niya binuhat si Castor sa wheel chair. Nakita ni Bree na namumuo ang pawis ni Sebastian sa noo at binaba sa wheel chair. "Hah! Kailangan ko na yata mag-work out. Ang bigat mo pre." Nakaupo si Castor ngayon sa wheel chair ng walang problema at hindi dumudugo tahi niya. Tiningnan ni Sebastian si Bree. Nakatingin si Bree ngayon sa kapatid na may malamabot na expression. Napatigil si Bree at tiningnan si Sebastian noong maramdaman tingin nito. "Ano tumitingin-tingin mo diyan? Bababa na tayo. Bilisan mo na itulak mo na si Peri." Nauna maglakad palabas si Bree. Tumawa si Sebastian at sumaludo. "Yes ma'am!"Chapter 12Nashock ang ilang staff na nandoon sa club after makita si Sebastian. Lalapit ang manager noong palihim siya ni Sebastian sinyesan na huwag na lumapit. Hindi siya pumunta doon para umagaw ng atensyon. Nakita niya si Claudine na pinalilibutan ng mga tao at umiiyak. Nakita niya din ang babae na sobrang familiar sa kaniya. "Sebastian."Noong lumapit siya umiiyak si Claudine na lumapit at yumakap. Nagulat ang mga kaibigan ni Claudine na naalala ni Sebastian na pinagtitripan siya palagi.Gumusot ang mukha ni Minerva after siya makita. Curious si Sebastian ano na naman ginawa ni Claudine. Natulala ang mga kaibigan ni Claudine na babae kay Sebastian. Bukod kasi sa nagbago ang style ng pananamit nito pati ang aura nito is nagbago. Mas lumakas din ang karisma nito kaya madami sa mga babae sa club ang nakatingin sa side ni Sebastian. "Ano nangyari?" tanong ni Sebastian. Sinabi ni Claudine na bigla na lang lumapit sa kaniya si Minerva at kung anu-ano sinabi sa kaniya. "Look! Sina
Chapter 11Naging agaw pansin sila doon like karamihan sa room na iyon nakatingin kay Bree at Sebastian. Nakaupo si Bree sa table ni Sebastian dala ang bag nito. Tinanong ni Sebastian ano ginagawa doon ni Bree at tinanong kung wala ito klase. "Break time na namin. Hindi ka sumagot sa text ko kanina kaya naisipan ko dumaan."Pinakita ni Sebastian ang work books niya sa gilid ng table sinabi na kailangan niya ipasa iyon ngayon araw. "Low battery din ang phone ko. Hindi ko nadala iyong power bank ko."Winagayway ni Sebastian ang phone niya sa harapan ni Bree. May hinalungkat si Bree sa bag niya tapos inabot kay Sebastian ang power bank niya. "Icharge mo."Natutuwa na kinuha iyon ni Sebastian at isinaksak ang phone niya. Totoo namatay ang phone ni Sebastian at low battery ito. "Hey Volkov, kapatid mo ba iyan? Hindi namin alam na may maganda ka palang kapatid," bati ng isa sa mga kaklase ni Sebastian at nagtawanan. May grupuhan pa tinanong kung may boyfriend ito. Madalas niya kalaro
Chapter 10As expected nagalit ang parents ni Sebastian ngunit ang hindi nila inaasahan is nanatili tahimik si Sebastian at tinanggap lahat ng salita ng parents niya. Karaniwan kasi sa ginagawa nito is binubulyawan nito pabalik parents niya at umaalis pero ngayon nakaupo lang ito sa tabi niya at nakayuko. Sinabi ng ginang na sumasakit ang batok niya. Napatigil si Sebastian at napaangat ng tingin. "Nanny! Pakuha ng tubig si mom tapos patawag ng doctor!"Nataranta si Sebastian at tumabi sa mom niya. "Mom huwag ka na magalit. Im sorry okay hanggang ngayon iniisip ko pa din gagawin ko but sisiguraduhin ko na aakuin ko ang bata at tatanggapin ang responsibilidad kung akin talaga iyon. Wala sa choices ang abortion at napag-usapan na namin iyon ni Haven."Napatitig ang ginang kay Sebastian at bahagya nakalimutan ang inis nito sa anak. "Ano gagawin mo sa mga Nicastro? Pumayag si Bree paano ang parents niya?"Napatigil si Sebastian tapos tiningnan si Hilda. Napabuga ng hangin si Hilda na
Chapter 09Tinabig niya lahat ng bagay na nasa table. Nasa loob siya ng library at ngayon nag-iinit ang mga mata niya. "Bwisit!"Hinampas ng lalaki ang table at napaupo sa sahig. "Bakit feeling ko mas lalo lumalala ang sitwasyon tuwing sinusubukan ko iyon baguhin?"Pilit na pinakakalma ni Sebastian ang sarili. Tiningnan ni Sebastian ang notebook na nasa paanan niya. Nakabukas iyon at nakasulat ang pangalan ni Bree at Castor. Before ang operation ni Castor nag-away si Bree at ang ama nito na si Arthur Nicastro. After 'non hindi na ni Bree kinausap ang ama at isa iyon sa narinig niya sa last will. Iyon ang unang beses na nagkagitgitan ang mag-ama at nagkaroon ng lamat sa pagitan ng mga Nicastro at Volkov. Isa iyon sa reason bakit naisipan niya ang family reunion na iyon at iinvite ang dalawang pamilya. FlashbackNoong 5am na nagtawag ng mga tao iyong doctor na nagbabantay kay Castor. Bigla kasi hindi nagising si Castor at super hina ng heartbeat nito. Nagkagulo ang mansion at mab
Chapter 08"Sabihin mo Beryl na hindi mo alam ito."Nasa loob sila ng mansion. Sinabi ni Beryl alam niya iyon at siya nagaya kay Castor na sumama. "Hindi totoo iyon. Wala ako sinabi kay Haven na binigyan niyo ako ng permiso ilabas si Peri."Naiyukom ng matandang Nicastro ang mga kamao. Nagulat naman doon si Bree like umamin ito. "Sebastian!" may diin na sambit ni Bree. Bumigat ang atmosphere. "Huh! Sebastian, hindi ka ba talaga magtitino at titigil sa pagbibigay sa amin ng problema?" pikon na sambit ng matandang Volkov. "Hindi maganda ang lagay ni Peri bakit niyo siya nilabas sa hospital!" histerical na tanong ni Hilda tapos tiningnan si Bree. "Beryl naman. Alam mo na hindi pwede lumabas si Peri sa hospital. Bakit hindi mo pinigilan si Sebastian?"Lumabas kasalanan na naman ni Bree. Nanlamig si Sebastian noong mapansin na lahat ng tingin ng tao na nasa living room is nakapako ang tingin kay Bree. Malinaw na siya may kasalanan at umamin siya. Bakit kay Bree pa din iyon sinisisi.
Chapter 07"Just call me kung gagawa ka ng mga ganoon na stunt. Sasamahan kita."Napatigil si Sebastian and nilingon si Bree. Pagkashower at pagkapalit ng damit bumalik sa Bree sa rooftop kung nasaan ang pool. Siyempre noong bumaba siya kasama nito si Sebastian na agad naman sumunod sa kaniya. "Sasamahan? Mag-night swimming ka din?" tanong ni Sebastian na natatawa. Ayaw ni Bree sa tubig. Why? 'Sobrang lamig ng tubig at sobrang creepy sa ilalim. Feeling ko kinakain ako ng tubig.'Narinig niya iyon accidentally noong nagkukuwentuhan si Bree at Castor about sa night out ng section ni Bree. "I just not want to see you eaten."Nabato si Sebastian sa kinauupuan. Nasa bench si Bree habang si Sebastian nakaupo sa sahig at nakasandal sa gutter. Nakatingala ang lalaki habang nakatingin kay Bree na nakatingin sa pool. Napatingin si Bree sinabi na ipupull out niya si Sebastian. Napalunok si Sebastian at naiyukom ang kamao. "Then ikaw na bahala sa akin Haven."Sandali napatigil si Bree then