Home / Romance / Bound To My Boss / Chapter 36: She Deserves To Know (Samantha)

Share

Chapter 36: She Deserves To Know (Samantha)

last update Last Updated: 2025-08-15 14:55:16
BACK TO PRESENT

Samantha's Point of View

“Sam, please. Pakinggan mo ako. Hayaan mo akong magpaliwanag,” pagmamakaawa ulit sa akin ni Jefferson.

Sa tagal ng panahon na hindi kami nagkita, akala ko'y okay na ako. Pero ngayong nandito siya at nagmamakaawang pakinggan ko, muling nanumbalik ang lahat ng sakit. Na parang kahapon lang iniwan niya akong humahagulhol sa may ilog—tinatawag at nagmamakaawa sa kaniya na huwag akong iwan.

“A-alam mo bang halos mabaliw ako no'n?” tanong ko rito, umiiyak habang sunod-sunod ang malalim na paghinga. “Ilang araw pa lang iyon nang iwan kami ni nanay. Tapos ilang araw lang ang lumipas, iniwan mo rin ako.”

Unti-unting nawalan ng higpit ang pagkakayakap nito hanggang sa tuluyan ako nitong pinakawalan.

“Akala ko no'n okay tayo,” mariin kong sabi at dahan-dahang nilingon ito. “Kasi 'yon 'yong sinasabi ng kilos, pananalita, at mga mata mo. Iyon ang ipinaniwala mo.”

Muli akong huminga nang malalim at pinunasan ang aking luha.

“Siguro mahal na mahal lang
thegreatestjan

Maraming salamat po sa patuloy na pagbabasa. Na-a-appreciate ko po ang lahat ng ito. Suportahan niyo po ako sa pamamagitan ng pag-add ng story sa inyong library (subscribe), pagbibigay ng komento, at pagbigay ng gifts.

| Like
Continue to read this book for free
Scan code to download App
Locked Chapter

Latest chapter

  • Bound To My Boss   Chapter 36: She Deserves To Know (Samantha)

    BACK TO PRESENT Samantha's Point of View “Sam, please. Pakinggan mo ako. Hayaan mo akong magpaliwanag,” pagmamakaawa ulit sa akin ni Jefferson. Sa tagal ng panahon na hindi kami nagkita, akala ko'y okay na ako. Pero ngayong nandito siya at nagmamakaawang pakinggan ko, muling nanumbalik ang lahat ng sakit. Na parang kahapon lang iniwan niya akong humahagulhol sa may ilog—tinatawag at nagmamakaawa sa kaniya na huwag akong iwan. “A-alam mo bang halos mabaliw ako no'n?” tanong ko rito, umiiyak habang sunod-sunod ang malalim na paghinga. “Ilang araw pa lang iyon nang iwan kami ni nanay. Tapos ilang araw lang ang lumipas, iniwan mo rin ako.” Unti-unting nawalan ng higpit ang pagkakayakap nito hanggang sa tuluyan ako nitong pinakawalan. “Akala ko no'n okay tayo,” mariin kong sabi at dahan-dahang nilingon ito. “Kasi 'yon 'yong sinasabi ng kilos, pananalita, at mga mata mo. Iyon ang ipinaniwala mo.” Muli akong huminga nang malalim at pinunasan ang aking luha. “Siguro mahal na mahal lang

  • Bound To My Boss   Chapter 35: River Knows (Samantha)

    FLASHBACK - 7 Years Ago Samantha's Point of View Magdadalawang linggo na kaming hindi nagkikita ni Jefferson. Sa tuwing tinatawagan ko ito, sinasagot lang nito ang tawag, pero hindi nagsasalita. Kapag nagte-text naman ako ay sobrang dalang lang nito mag-reply. Sinusubukan ko siyang intindihin, pero noong nakaraang linggo pa iyong exam week nila. Hindi naman siya ganito. Kahit nga may kasunduan kaming tuwing Sabado lang kami dapat magkita, minsan hindi iyon nasusunod dahil hindi ito makapaghintay na magkita kami. Hindi ako sanay na ganito siya. “Hoy!” bigla akong nahimasmasan nang mahinang tapikin ni Valerie ang aking pisngi. “Fantasy mo ba maging estatuwa?” Pabiro akong umirap kay Valerie. “May iniisip lang.” Si Valerie ang aking maituturing na matalik na kaibigan. Lahat ng sekreto ko alam niya, maliban na lamang sa nangyayari sa aking pamilya. Kaklase ko ito simula pa noong first year college pa lang kami. Kahit may pagkakalog, nag-uumapaw din ng kabutihan ang puso nito. May k

  • Bound To My Boss   Chapter 34: Alibi (Jefferson)

    FLASHBACK - 7 Years Ago Jefferson's Point of View “Sakay ka na.” Nagulat ako nang biglang huminto ang traysikel na pinapasada ng tatay ni Sam. Inalok pa ako nitong sumakay sa kaniya. Kanina pa kasi ako naghihintay ng masasakyan pauwi. Inutusan kasi ako ni mama na bumili ng isda. Si Papa naman ay umalis at dinala ang motor nito. Hindi naman ako nagdalawang-isip pa at sumakay na rin dito. “Salamat po, Tito,” wika ko nang makapasok sa traysikel. Sa tagal ng relasyon namin ni Sam, close na kami ng mga magulang nito lalo na sa tatay nito. Ito kasi ang madalas na nasa bahay nila kung kaya ay ito ang nakakausap at nakakasama ko. Mabait ang tatay ni Sam, mas mabait pa kay papa. Mapagmahal ito sa kaniyang mga anak, pero hindi sapat ang pagmamahal na iyon para buhayin ang pamilya niya. Kahit na may busilak na puso, naging bisyo na nito ang pag-iinom. Ayon sa kuwento ni Sam, ang madalas na kinikita ng tatay niya ay ipinambibili lang nito ng alak. Hindi naman daw ganito noon ang tatay niya

  • Bound To My Boss   Chapter 33: Touch (Jefferson)

    FLASHBACK - 7 Years Ago Jefferson's Point of View Umalis si papa at mama para um-attend sa birthday celebration ng pamangkin ko. Sinundo sila kanina ni kuya kung kaya'y naiwan sa bahay ang motor ni papa. Malayo-layo rin ang venue kung kaya ay kailangan nilang gumamit ng kotse. Pinapasama nila ako dahil saktong Sabado at wala akong pasok. Pero hindi ako sumama at nagdahilang may thesis akong tinatrabaho. Pero ang totoo talaga niyan ay magkikita na naman kami ni Sam. Hindi na kami araw-araw kung magkita dahil pareho kaming graduating—busy sa kaniya-kaniyang requirements. Ngunit napagkasunduan namin na ang araw ng Sabado ay araw namin. Araw-araw din naman kaming nag-uusap through text and call. Binuksan ko na ang gate ng bahay namin para ilabas ang motor. Sa halip na isuot ang helmet, iniwan ko lang iyong nakasabit at pinili na lang ang sumbrero. Bago buhayin ang motor, nag-text muna ako kay Sam. “Otw na ako.” Hindi ko na siya hinintay pang mag-reply at saka bumiyahe na. Matapos ang

  • Bound To My Boss   Chapter 32: Fleeting Time ( Samantha)

    FLASHBACK (7 Years Ago) Samantha's Point of View Masaya kong pinagmamasdan ang payapang daloy ng ilog habang nasa lilim ng mangga. Nakaupo ako sa sementadong bench habang naghihintay kay Jefferson. Mayamaya pa, bigla na lang may nagtakip sa aking mga mata mula sa aking likod. Isang kamay lang ang gamit nito. Naramdaman ko ang aking ulo na dumikit sa dibdib nito. “Hulaan mo kung sino ako,” tanong nito sa akin. Kaagad naman akong napangiti at napahawak sa kamay nito. Dahan-dahan kong ibinaba ang kamay nito at napalingon dito. Nakangiti ito, isang ngiting nakahahawa at matamis. Dali-dali kong hinawakan ang pisngi nito at hinalikan—mariin at puno ng pangungulila. Ilang araw din kasi kaming hindi nagkita dahil abala ito no'ng nakaraang araw. “'Yong salamin ko malalaglag,” saad nito nang maghiwalay ang mga labi namin. Inayos din nito ang pagkakasuot sa kaniyang salamin. Medyo malabo kasi ang mata ni Jefferson. Dahil siguro sa kaaaral nito. Bigla itong naglakad patungo sa aking tabi, an

  • Bound To My Boss   Chapter 31: All She Ever Asked For (Samantha)

    Samantha's Point of View Base sa report na binigay ng marketing team last week, bumaba ang engagement na nakukuha ng Sirak Wines kumpara sa rival companies nito. Dahil malaking bagay ang engagement para sa reach ng product sa potential clients, nagpatawag ng meeting si Walter. Katatapos lang mag-present ng marketing specialist na si Jessel ng mga naiisip nitong solusyon. “You're saying that we should collaborate with a celebrity. Tell me who's on top of your mind,” sambit ni Walter habang pinapaikot-ikot sa kaniyang daliri ang ballpen. Napangiti si Jessel at pagkatapos ay pinindot ang hawak nitong presentation remote. Nag-flash naman kaagad ang mukha ni Jose Sixto Gonzalez, isang tanyag na aktor ng bansa at pantasya ng maraming kababaihan. “Si JSG?” napailing si Walter at natawa. “Of course our company has a budget for marketing. Pero para sa isang JSG? Napakamahal ng bayad niyan. We are uncertain whether the funds allocated for our collaboration with him will yield a return. Bak

More Chapters
Explore and read good novels for free
Free access to a vast number of good novels on GoodNovel app. Download the books you like and read anywhere & anytime.
Read books for free on the app
SCAN CODE TO READ ON APP
DMCA.com Protection Status