Beranda / Romance / Bound To My Boss / Chapter 43: Love, SA (Samantha)

Share

Chapter 43: Love, SA (Samantha)

Penulis: thegreatestjan
last update Terakhir Diperbarui: 2025-08-18 20:43:29

Samantha's Point of View

Nakaupo ako ngayon sa swivel chair ni Walter, samantalang siya naman ay nasa aking likuran, ang katawan ay bahagyang nakayuko—mga isang dangkal ang layo ng pisngi namin.

May ipinasang file si Conrad sa laptop niya kanina at hinayaan niya lang ito. Nang hanapin na niya ang file, hindi niya mahanap ang file kahit na alam niya kung ano ang file name no'n. Dahil may pagkamainipin ito, ako ang inutusan nitong maghanap. Pero ang weird lang na ako na nga ang inutusan nito, pero nanatili naman siya sa aking likod. Sa tuwing nakikita ko siya, naalala ko ang panty kong naiwan sa sasakyan niya. Hindi ko na matandaan kung ano ang design no'n, pero sana naman ang medyo may makatarungang panty 'yon.

Hindi rin naman nito m-in-ention ang tungkol doon. May mga naiisip akong posibilidad. Una, hindi pa siya naglilinis ng kotse. Pangalawa, nakita na niya iyon at itinapon. Pangatlo, nakita niya iyon pero itinago lang. Pero ano naman ang gagawin niya sa panty ko?

“Wala rin dito,” s
thegreatestjan

Maraming salamat po sa patuloy na pagbabasa. Na-a-appreciate ko po ang lahat ng ito. Suportahan niyo po ako sa pamamagitan ng pag-add ng story sa inyong library (subscribe), pagbibigay ng komento, at pagbigay ng gifts.

| Sukai
Lanjutkan membaca buku ini secara gratis
Pindai kode untuk mengunduh Aplikasi
Bab Terkunci

Bab terbaru

  • Bound To My Boss   Chapter 44: Triggered and Concerned (Walter)

    Walter's Point of View“What brought you here?” iyon ang naging bungad na tanong sa akin ni Sid pagkatapos nitong iangat ang kaniyang ulo mula sa kailaliman ng kanilang pool. Gabi na ngunit may maliliit na solar lamps na nakapalibot sa pool area kung kaya'y nakikita ko ang mukha nito.When I didn't answer, he swam his way to the stair and dragged himself out of the water. Wala itong suot na damit pero naka-black swimming shorts ito. He reached for the towel that was sitting on the brown wooden beach chair. Pinunasan niya ang kaniyang ulo at ang kaniyang mukha.“May problema ka ba?” tanong ulit nito sa akin bago isabit sa kaniyang balikat ang kaniyang towel.“I just missed seeing your ugly face,” sarkastiko kong sagot dito. Pero kahit na hindi ko na sabihin, may ideya na kaagad itong si Sid kung bakit ako nandito.He just laughed at my sarcastic joke and started walking inside of their house. Feeling like someone who also lives here, I followed him. Pumasok ito sa kaniyang kuwarto at h

  • Bound To My Boss   Chapter 43: Love, SA (Samantha)

    Samantha's Point of ViewNakaupo ako ngayon sa swivel chair ni Walter, samantalang siya naman ay nasa aking likuran, ang katawan ay bahagyang nakayuko—mga isang dangkal ang layo ng pisngi namin.May ipinasang file si Conrad sa laptop niya kanina at hinayaan niya lang ito. Nang hanapin na niya ang file, hindi niya mahanap ang file kahit na alam niya kung ano ang file name no'n. Dahil may pagkamainipin ito, ako ang inutusan nitong maghanap. Pero ang weird lang na ako na nga ang inutusan nito, pero nanatili naman siya sa aking likod. Sa tuwing nakikita ko siya, naalala ko ang panty kong naiwan sa sasakyan niya. Hindi ko na matandaan kung ano ang design no'n, pero sana naman ang medyo may makatarungang panty 'yon.Hindi rin naman nito m-in-ention ang tungkol doon. May mga naiisip akong posibilidad. Una, hindi pa siya naglilinis ng kotse. Pangalawa, nakita na niya iyon at itinapon. Pangatlo, nakita niya iyon pero itinago lang. Pero ano naman ang gagawin niya sa panty ko?“Wala rin dito,” s

  • Bound To My Boss   Chapter 42: Father Knows Best (Samantha)

    Samantha's Point of View“Una na ako,” pagbasag ni Jefferson sa katahimikan sa pagitan naming dalawa. Tatalikod na sana ito pero bigla itong tinawag ni tatay.“Jepoy.” Humakbang ako palayo rito para makita nito si tatay. “Mamaya ka na umalis dahil malakas ang ulan.”“May payong naman po ako . . . T-tito,” tugon nito, nag-aalangan sa kung ano ang itatawag nito kay tatay. “Alam mo bang accident prone 'yong kalsada palabas dito sa amin?” pagtatanong ni tatay. Nakapako lang ang mga mata ni tatay sa kaniyang inaayos.“Oo nga, Kuya. 'Di ba kanina nga muntikan na tayong mabunggo sa isa pang sasakyan,” biglang singit naman ni Erwin. Wala itong damit pero nakasabit sa balikat nito ang kaniyang tuwalya.Wala akong balak makinig sa pag-uusapan nila. Wala rin akong pakialam kung hindi na muna uuwi itong si Jefferson. Pero sana ay umuwi na lang ito. Gusto kong sabihin na okay lang kahit madisgrasya ito, pero bigla akong nakaramdam ng konsensiya. Kahit na masakit ang ginawa niya sa akin, hindi nam

  • Bound To My Boss   Chapter 41: He's Not Around (Samantha)

    Samantha's Point of View Maaga akong pumasok nang may malapad na ngiti sa aking mukha. Walang mapagsidlan ang tuwa ko't pakiramdam ko ay nanalo ako sa lotto. Wala kasi ngayon si Walter dahil mayroon itong meeting at hindi ako nito pinasama. Pero kahit na wala ito, kinailangan ko pa ring mag-report dito sa office. Walang problema iyon sa akin. Ang importante ay hindi ako nito maiinis. Iniwan ko na munang nakabukas ang laptop ko nang mapasulyap ako sa mga wine sa may wooden shelf sa likod ng table ni Walter. Hindi ko na matandaan kung kailan ko iyon huling pinunasan. Restricted area ang office niya para sa mga staff na walang mataas na posisyon sa kompanya. May exemption naman kapag kaibigan o kapamilya lalo na kung si Walter mismo ang nagpatawag sa mga ito. Dahil pili lang ang nakakapasok dito, isa rin sa trabaho ko ang maglinis dito. Simpleng linis lang naman ang ginagawa ko at hindi ko rin ito ginagawa araw-araw. Isa pa, hindi rin naman marumi rito. Sinimulan ko na ang pagpupunas

  • Bound To My Boss   Chapter 40: What's Wrong (Samantha)

    Samantha's Point of View Dapat sana ay maaga akong makakapasok ngayon ngunit nagkaaberya ang sinasakyan kong taxi. Kinailangan kong bumaba at maghintay ng bagong taxi. Dahil rush hour ngayon, pahirapan talaga ang makasakay. Ilang minuto rin akong naghintay hanggang sa makasakay ako ulit. Pagkababa ko ay mabilis akong naglakad papasok sa building. Napahawak ako sa dingding ng elevator at hinabol ang hininga dahil sa pagod. Mabuti na lang at wala akong kasabay dahil kung mayroon, magmumukha akong baliw sa mga mata nito. Kaya ako nagmamadali dahil late na ako. Hindi naman iyon issue dahil ilang beses na akong na-late. Ang problema lang ay hindi ko na-inform kaagad si Walter na male-late ako. Hindi ko rin naman alam na magkakaaberya ang sinasakyan ko. Inayos ko ang aking suot na blouse at sumakto naman iyon sa pagbukas ng elevator. May nakasalubong akong isang staff habang binabaybay ang daan papasok sa office. Napatingin pa talaga ito sa relo niya nang makita ako. Kulang na lang talag

  • Bound To My Boss   Chapter 39: Wake Up (Samantha)

    Samantha's Point of View Ramdam ko ang bigat ng talukap ng aking mga mata nang dahan-dahang imulat iyon. Sobrang sakit din ng ulo ko—para iyong pinupukpok ng martilyo. Napahawak ako sa aking ulo habang unti-unting iniikot ang paningin. Kahit na maingat lang ako sa paggalaw ng aking ulo, may kaunting hilo akong nadarama. Tulog pa si Walter at dumaragdag lang sa sakit ng ulo ko ang malakas nitong paghilik. Hindi naman ako nagka-amnesia kaya kahit papaano ay naaalala ko pa rin ang nangyari kagabi. Nagpaliwanag si Jefferson, sumama ako kay Walter, nag-inom kami at pagkatapos ay . . . Nanlaki ang aking mga mata nang mapagtanto kung ano pa 'yong ginawa namin. Napapikit ako at itinulak ang sarili sa upuan. Mas lalo lang akong nahilo. “Ang tanga mo, Samantha! Ang tanga mo!” bulong ko sa aking sarili. Pagkatapos ng mainit naming tagpo sa may kubo, ipinangako ko sa sarili kong hindi na iyon mauulit. Pero ano'ng nangyari? Bumigay na naman ako. Baka mas lalong humangin itong boss ko at isipin

Bab Lainnya
Jelajahi dan baca novel bagus secara gratis
Akses gratis ke berbagai novel bagus di aplikasi GoodNovel. Unduh buku yang kamu suka dan baca di mana saja & kapan saja.
Baca buku gratis di Aplikasi
Pindai kode untuk membaca di Aplikasi
DMCA.com Protection Status