Share

CHAPTER 2

Penulis: soxsaffi
last update Terakhir Diperbarui: 2023-01-16 13:26:45

***SEVEN YEARS AGO.

Nakaupo sa kama si Lily habang nakatayo naman sa harap ng bintana ng kwarto si Ivor. Walang kumikibo sa kanila.

Binasag ni Lily ang katahimikan at kalmadong nagsalita, “Let’s get a divorce,” buo na ang desisyon niya.

Hindi makapaniwalang tumingin sa kaniya si Ivor. “What did you say?”

Inangat ni Lily ang ulo niya at diretso niyang tiningnan sa mga mata si Ivor. “Narinig mo ang sinabi ko, Ivor. Gusto ko ng divorce, maghiwalay na tayo.”

“No,” pagmamatigas ni Ivor. Nag-iwas nang tingin si Lily sa kaniya kaya nagsalita siyang muli, “Kahit sa ganitong bagay? Ikaw pa rin ang magde-desisyon?”

Binalik ni Lily ang tingin sa asawa. “Bakit? Ayaw mo? Hindi ka ba napapagod sa relasyon na ‘to?”

“Pagod ka na, Lily? Sinasabi mong pagod ka na sa’kin?” hindi maitago ni Ivor ang sakit sa boses niya na nanggagaling mula sa puso niya.

“Oo, Ivor! Pagod na ‘ko!” Lily burst out her frustration.

Hindi na niya kayang kimkimin ang damdamin niya. “Hindi ko na kayang ayusin ang relasyon na ‘to na mag-isa. Sabi mo partner tayo, pero hindi mo ‘ko tinutulungan. Mag-isa kong inaasikaso ang anak natin, pati na rin ikaw!” Kung nasasaktan si Ivor sa mga hinanaing niya, mas doble ang sakit at bigat na pasan ni Lily.

“Tinutulungan kita hanggang sa kaya ko, Lily. Ako ba naiintindihan mo? Bakit hindi ko maramdaman? Kapag kailangan kita kahit ang lapit mo, hindi kita kayang abutin.”

“Ivor, magsusumbatan ba tayo rito?” nakakunot noo na tanong ni Lily sa asawa.

Nanlaki ang mga mata ni Ivor sa galit, pero nanatili siyang kalmado. “Bakit? Ikaw ang nauna. Sa totoo lang, pagod na rin ako sa relasyon natin, pero hindi ko naisip ni minsan na bitiwan ka. Wala ba talaga akong silbi sa’yo? Nagta-trabaho akong maigi para sa’ting tatlo. Hindi mo alam ang hirap at pagod na pinagdadaanan ko sa opisina pati na rin sa boss ko.”

“Nahihirapan din naman ako rito sa bahay, Ivor! Ako lang mag-isa ang nag-aalaga sa anak natin, naglilinis ng bahay pati na rin sa pag-aasikaso ko sa’yo. Gigising ka, magbibihis, kakain at aalis na hindi man lang nagpapaalam sa’kin. Kapag uuwi ka naman, huhubarin mo lang ang damit mo at magpapalit ‘tapos matutulog ka na. Ni hindi mo ‘ko magawang batiin, tanungin man lang kung okay ako o kung nahihirapan ako.

“Gusto kong makipag-divorce dahil hindi ko kayang makita na wala kang ginagawa kahit nakikita mong nahihirapan ako. Kaya naisip kong mas mabuti na ako na lang mag-isa magpalaki kay Isaac. Kaysa nandito ka nga, hindi mo naman magampanan ang pagiging ama at asawa mo sa’min ng anak mo.”

Ivor looked at his wife intensely. “Bakit, Lily? Tinanong mo rin ba ako kung okay lang ako? Kapag day-off ko, kahit gusto kong magpahinga ay hindi ko ginagawa. Tinutulungan kita sa gawaing bahay para focus ka sa pag-aalaga kay Isaac. Kapag nandito ako, hindi mo nga ako kinakausap. Para akong multo na hindi mo nakikita.”

“Oo, Ivor, tinanong kita. Kaya lang hindi mo yata maalala dahil sa tuwing sinusubukan kitang kausapin, kumustahin, o kung may problema ka, palagi mong sinasabing okay ka at puro ka wala kahit halata sa mukha mo na hindi ka naman okay. Iyon ang dahilan bakit hindi na lang kita kinakausap. Hindi ko gagawin kung hindi mo sinimulan. Kasalanan ko pa rin ba, Ivor?”

Marahas na nagpakawala nang paghinga si Ivor. “Alright. Kung ‘yan ang gusto mo at nahihirapan ka na talaga, payag na ‘kong makipag-divorce. Mahal kita, Lily at ayokong maging pabigat sa’yo.”

Nang matapos magsalita si Ivor, naglakad siya patungo sa pinto at lumabas ng kanilang kwarto. Nagpakawala nang malalim na paghinga si Lily nang maiwan siyang mag-isa sa kwarto.***

Bumalik sa realidad si Lily nang wala na siyang nainom na alak mula sa baso na hawak niya. Nakatayo siya ngayon sa harap ng bintana ng kwarto niya at umiinom siya nang alak dahil hindi siya makatulog. Hindi niya namalayan na nagbalik-tanaw siya sa nakaraan.

Ilang gabi na ang lumipas, pero palaisipan pa rin sa kaniya ang nangyari noong charity event. Gusto niyang makausap si Ivor, pero wala naman siyang contact dito. Maya maya pa, nakaramdam nang antok si Lily kaya naman nahiga na siya sa kama niya.

******

Binuksan ni Lily ang sliding door ng kaniyang opisina habang bitbit ang isang tray ng meryenda para sa bestfriend niya. Pagpasok niya sa loob, nakita niyang komportableng nakaupo sa couch ang bestfriend niyang si Gwyneth Ong habang hinihintay siya nito.

Naglakad siya palapit kay Gwyneth at nilapag niya ang tray sa center table na kaharap nito. Ibinaba niya ang red-velvet cake at iced americano na in-order ng bestfriend niya.

Umupo si Lily sa tabi ni Gwyneth at nagsimula itong magtanong, “Kumusta ka na, girl?”

“Mabuti naman, gano’n pa rin.”

“Wala kang ikukuwento?” pagtatanong ni Gwyneth sa kaniya.

“Ano naman ang ikukuwento ko?” patay malisya na tanong ni Lily pabalik.

Umayos nang upo si Gwyneth at tiningnan niyang mabuti ang kaibigan. “Sa itsura mo pa lang, Lily, alam ko nang may bumabagabag sa’yo. May iniisip ka na hindi maalis sa utak mo. Spill it, makikinig ako.”

Huminga nang malalim si Lily. “Am I that obvious?”

Umiling-iling si Gwyneth. “Nope, but my instinct says so.”

“Well, naalala mo ba iyong charity event na nabanggit ko sa’yo?” panimula ni Lily.

“Iyong same charity event na in-invite rin ako? What about it?”

“Nagkita kami ni Ivor sa event.”

Nanlaki ang mga mata ni Gwyneth. “Seryoso?” malakas na sabi nito. Nagsalita itong muli, “Anong nangyari? Nagka-usap kayo?”

Umiling-iling si Lily. “Hindi. Sa totoo lang nagulat din ako, pero ang mas ikinabigla ko, nilagpasan niya lang ako at nagpanggap na hindi ako kilala.”

Napatayo si Gwyneth at sumigaw, “He did what?!”

Hinawakan ni Lily sa pulso ang kaibigan at hinila ito paupo. “Huwag ka ngang sumigaw, Gwy! Kumalma ka.”

“Come on, Lily! Paano naman ako kakalma? Napakagago ng ex-husband mo.” Bakas sa mukha ni Gwyneth ang iritasyon dahil sa narinig.

“Alam ko, pero wala naman akong magagawa. Naguguluhan din ako bakit gano’n ang inakto niya.”

“Tsk, tsk,” pagre-react ni Gwyneth. Sumandal ito sa couch at nag-cross arms. “Sa loob nang pitong taon na hindi siya nagpakita para suportahan at sustentuhan ang anak ninyo, siya pa ang may lakas ng loob na ganyanin ka? Hindi man lang kinumusta si Isaac!”

Sumandal din sa couch si Lily at nakatingin lang siya sa kawalan. “Ayan din ang pumasok sa isip ko, Gwy. Na-bother talaga ako kaya hanggang ngayon napapaisip pa rin ako. Gusto ko siyang kausapin kaya lang sa tinagal nang panahon, wala na akong contact sa kaniya.”

“Naku! Nakakagigil talaga ang ginawa niya. Gusto ko siyang suntukin sa mukha,” madiin ang bawat salitang binibitawan ni Gwyneth at ramdam iyon ni Lily kahit hindi siya nakatingin sa kaibigan.

“Akala ko nga, susubukan niyang makita o tanungin man lang ang tungkol kay Isaac, pero wala siyang ginawa. Palagi naman, hindi na sana ako nag-expect. Hindi ko naman sinubukan ipagkait sa kaniya ang bata, pero siya ang lumayo. Maisip ko pa lang na malalaman ‘to ng anak ko, nasasaktan na ako para sa kaniya,” hindi maitago ni Lily ang sakit sa tono ng boses niya.

“Mapanindigan sana ‘yan ng ex-husband mo, Lily. Kapag bumigay siya at gusto makita ang inaanak ko, huwag mong hayaan,” seryosong sabi ni Gywneth.

Bumuntong hininga si Lily. “Biglang pumasok sa isip ko, hindi kaya galit pa rin siya sa’kin? Iyon lang ang puwedeng dahilan bakit gano’n ang inaakto niya.”

“Anong sabi mo sa’kin dati? Parehas kayong nagkamali sa marriage ninyo. Ibig sabihin, wala siyang karapatan na magalit. Ilang taon din kayong magkarelasyon, kahit pa may hindi kayo pagkakaintindihan, mali iyong ginawa niya.”

“Alam mo, Gwy, hindi naman importante sa’kin ‘yong ginawa niya sa’kin no’ng nagkita kami. Hindi ko lang talaga matanggap na nadadamay ang anak namin sa alitan naming dalawa.”

Naramdaman ni Lily na umayos nang upo si Gwyneth kaya tiningnan niya ito. Itinaas nito ang kanang kamay hanggang sa mukha nito at naka-close fist. “Fighting, Lily! Kaya mo ‘yan! Isa pa, nandito ako. Support kita!”

Sumilay ang ngiti sa labi ni Lily dahil sa sinabi ni Gwyneth. “Thank you. Wala man akong bunsong kapatid na babae, nagpapasalamat ako na nandito ka, Gwy.”

Nginitian ni Gwyneth pabalik si Lily at pabiro itong hinampas. “Ano ka ba! Ako lang ‘to, oh.”

Natawa siya sa inakto ng kaibigan kaya naman natawa rin ito. Kahit paano ay gumaan na ang loob ni Lily nang makausap niya si Gwyneth. Hindi siya dependent na tao. Kung kaya niya gawin mag-isa, gagawin niya. Ngunit may pagkakataon talaga na kailangan niya nang makakausap para mabawasan ang bigat na nararamdaman niya. Mabuti na lang may kaibigan siyang kagaya ni Gywneth.

Tatlong oras ang lumipas matapos makapag-usap at bonding, lumabas mula sa sariling office si Lily kasama si Gwyneth para ihatid ito sa labas. Nang madaan sila sa counter, huminto si Gwyneth at binati niya si Russel Pascual— ang head manager sa café&restaurant ni Lily.

Tinawag ni Gwyneth ang head manager, “Manager Russel, mauna na ‘ko,” nakangiting sabi niya habang nagpapaalam.

Bumaling nang tingin si Russel kay Gwyneth at nginitian ito pabalik. “Salamat, Gwy. Ingat ka.”

Palabas na nang restaurant sina Lily at Gwyneth nang biglang pumasok sa entrance si Lian kaya nakasalubong nila ito.

Nanlaki ang mga mata ni Lily nang makita ang kapatid. “Lian? Anong ginagawa mo rito? May kailangan ka?”

Malawak ang ngiti na ibinigay ni Lian sa ate niya. “Pauwi na ‘ko galing work, Ate. Kaya lang naisip ko na dumaan muna at bumili ng kape.”

Tumango-tango si Lily. “I see, sige una na ‘ko. Ihahatid ko pa itong kaibigan ko.”

Nagkatinginan sina Lian at Gwyneth. Nagsimulang ipakilala ni Lily ang kaibigan at ang kapatid niya sa isa’t isa. “Gwy, he’s my long-lost brother— Lian Andra. And Lian, she’s my bestfriend— Gwyneth Ong.”

Inilahad ni Gwyneth ang kamay niya para makipag-shake hands. “Nice to meet you, Lian.”

Tinanggap ni Lian ang kamay ni Gwyneth at nag-shake hands sila. “Nice to meet you too, Gwyneth,” he can’t help himself, but to smile.

Si Gywneth na ang unang bumitaw mula sa kamay ni Lian at in-excuse niya ang sarili na kailangan na niyang umalis. Nagpaalam naman si Lian sa kaniya at ngiti lang ang isinagot pabalik ni Gwyneth.

Sabay na lumabas sina Lily at Gywneth mula sa café&restaurant. At sa pagbalik ni Lily sa loob, naglakad siya palapit sa kapatid niya na nakatayo sa counter at hinihintay ang order nito.

“Gusto mo si Gwyneth, ‘no?” diretsong tanong ni Lily sa kapatid niya.

Napatingin sa kaniya si Lian at nahihiya itong napahawak sa sariling batok. “Halata ba, Ate?”

“Kung hindi, ‘di naman ako magtatanong. Kalimutan mo na ‘yan.”

“Bakit? May boyfriend siya?”

Sasagot pa lang sana si Lily, pero sumali sa usapan nila si Russel at tinukso si Lian. “Ibig sabihin ni Ma’am Lily, wala kang pag-asa kay Gwyneth.”

Kumunot ang noo ni Lian. “Paano mo naman nasabi ‘yon, Ate? Hindi pa naman niya ‘ko nakikilala.”

Lily let out a soft chuckles. “Alam ko, pero kilala ko kayong dalawa. Ayaw ni Gywneth sa mga iyakin.”

“Grabe ka naman, Ate Lily! Hindi naman ako iyakin.”

“Oh. Parang paiyak ka na nga, Lian.” Tumatawang sabi ni Russel.

“Hindi kaya!” defensive naman na sabi ni Lian.

Nagkatinginan sina Lily at Russel pagkatapos ay tumingin sila kay Lian at sabay nila itong tinawanan.

“Kuya Russel naman, Ate Lily, huwag niyo ‘kong tawanan. Hindi naman ako iyakin, promise!” hindi pa rin tumitigil si Lian sa pagtatanggol sa kaniyang sarili.

They’re supposed to stop, but Lily and Russel laughed even more at Lian.

Lanjutkan membaca buku ini secara gratis
Pindai kode untuk mengunduh Aplikasi
Komen (1)
goodnovel comment avatar
Ej Villamor Naelgas
Yung magkasama kayo pero may malaking bitak sa pagitan niyong mag asawa hangang sa lumawak at tuluyang mawasan.
LIHAT SEMUA KOMENTAR

Bab terbaru

  • Bound To My Ex-Husband   CHAPTER 62

    Nakatayo si Lily sa kitchen counter niya habang hinahalo niya ang flour at cocoa powder sa isang bowl ng liquid ingredients na ginawa niya para sa brownies. Isang linggo na rin ang lumipas simula nang makabalik silang dalawa ni Isaac sa bahay nila na kasama si Ivor.“What are you doing?” Narinig niyang tanong ni Ivor mula sa kaniyang likuran. Hanggang sa maramdaman niyang niyakap siya nito mula sa kaniyang likod at sinandal nito ang baba sa balikat niya.“Gumagawa ako ng brownies. Merienda natin. Favorite din ito ni Isaac,” sagot ni Lily habang patuloy na naghahalo. Nanatili sila sa gano’ng posisyon habang pinapanuod ni Ivor ang kaniyang ginagawa.Hindi naman gano’n katagal ang kailangan niya sa paghahalo kaya naman binuhos na niya ang chocolate chips saka niya ito hinalong muli. Nang matapos siya, inalis niya ang braso ni Ivor na nakayakap sa kaniya. Hinarap niya ito at hindi niya binibitawan ang pagkakahawak sa kamay nito.“Bakit hindi mo na lang ako hintayin sa living area? Iniwan

  • Bound To My Ex-Husband   CHAPTER 61

    “Cut!” Sigaw ni Cleon. Pagkatapos ay naghiyawan ang buong production staff dahil sa ginhawang natapos na ang kanilang filming shoot sa ISAAC’s. Hindi naman maiwasan ni Cleon na hindi matawa sa mga kasamahan niya.Tumikhim siya at kinuha ang atensyon nang mga ito. “Guys, guys! May I have your attention, please?”Tumahimik naman ang lahat at tumingin sa kaniya, naghihintay nang kaniyang sasabihin.Nginitian niya ang mga ito saka siya nagpasalamat. “Maraming salamat sa hard work ninyo. Hindi matatapos nang maayos ang ating shoot kung hindi dahil sa hard work nang bawat isa. Pagkatapos natin magligpit nang mga gamit, magce-celeberate tayo. Nakapagpa-reserve na ako ng team dinner dito sa ISAAC’s. “Ngunit kahit natapos na ang shoot, madami pa tayong haharapin at aayusin. Hindi pa nagtatapos dito ang lahat pero malapit na tayo sa ating goals! Maraming salamat sainyo!” Malakas na sabi ni Cleon.Nagpalakpakan naman ang kaniyang co-workers at sabay sabay na nagpasalamat ang mga ito hanggang s

  • Bound To My Ex-Husband   CHAPTER 60

    Pinarada ni Ivor ang kotse sa parking lot ng Italian restaurant na pinuntahan nila. Nang patayin niya ang makina ng kotse, nakita niyang tahimik si Lily na nakaupo sa passenger seat at mukhang nag-aalala. Bago pa niya ito tanungin, dumungaw si Isaac mula sa backseat at ito na ang unang nagtanong.“Mommy, may problema po ba?”Lumingon si Lily kay Isaac. “Wala naman, anak. Kinakabahan lang ako.” Pagkatapos tumingin si Lily sa kaniya. “Ivor, ngayon na lang kami magkikita ng mommy mo. Is it really okay?”Ivor sighed and he smiled. Inabot niya ang kaliwang kamay ni Lily at marahan itong pinisil. “It’ll be fine. Naiintindihan ni Mom. She’s been waiting for you and Isaac.”“Uncle Ivor, mommy niyo po ang kikitain natin? What she’s like?” They heard Isaac ask and he unconsciously pout while thinking out of curiosity.Nilipat ni Ivor ang tingin sa kaniyang anak at ito naman ang nginitian niya. “Yes, and she’s your grandmother. She’s kind, gentle and sweet. And when you meet her, can you call he

  • Bound To My Ex-Husband   CHAPTER 59

    Kapapasok lang ni Ivor at Isaac sa loob ng kotse. Nilingon ni Ivor ang kaniyang anak sa backseat.“Okay ka na, little buddy? Nakapag-seat belt ka na?”Nag-thumbs up si Isaac sa kaniya. “Yes po, Uncle Ivor.” Nakangiting sabi nito.Ngumiti si Ivor pabalik. “Good. Dahil ang mommy mo naman ang susunduin natin.”Tinaas ni Isaac ang kaniyang dalawang kamay. “Yehey!”Humarap si Ivor sa manibela na hindi naaalis ang ngiti sa kaniyang labi. It’s been a week since Lily said yes to him, to court her again. Sa isang linggo na iyon, naging routine na niyang hatid-sundo si Lily sa trabaho at si Isaac naman sa eskwelahan. Kahit na pansamantalang nakatira sina Lily at Isaac sa condo ni Ivor, ang old routine pa rin nang dalawa ang sinusunod niya. Ivor realized that before their current set-up happened, Lily was still struggling that he was around. Kahit ang ipagmaneho niya ito ng kotse, hindi niya halos magawa dahil mas madalas pa rin siyang tanggihan ni Lily. Naiintindihan naman niya, dahil ilang ta

  • Bound To My Ex-Husband   CHAPTER 58

    Ang sleep over na ni-request ni Isaac ay naging “stay-over” dahil sa nakalipas na limang araw, nanatili sina Lily at Isaac sa condo ni Ivor. Walang nagawa si Lily kaya naman nagdala na rin siya nang ilang mga personal niyang gamit. Habang si Ivor naman ay inayos ang kwarto niya na para sa kanilang tatlo. Ginusto rin ni Ivor bumili nang bagong kama para magkasya sila, ngunit sinabi ni Isaac na mas gusto niyang magkakatabi silang tatlo.At ngayon ay Biyernes nang umaga. Kumakain nang agahan sina Lily, Ivor at Isaac. Nakasuot sila ng white t-shirt at maong jeans dahil iyon ang dress-code ng Family Day sa school ni Isaac. Parehas na nag-take ng day off sina Lily at Ivor para sumama. Hindi ito ang unang beses ni Lily, dahil simula noon hanggang ngayon ay wala pa siyang absent tuwing may Family Day event sa eskwelahan ni Isaac.Habang kumakain si Lily, nagbigay siya nang paalala kina Ivor at Isaac kahit hindi siya nakatingin sa mga ito dahil naka-focus siya sa pagkain na nasa harap niya. “G

  • Bound To My Ex-Husband   CHAPTER 57

    Hindi namalayan ni Ivor na nakangiti na siya habang nakatingin kina Lily at Isaac. Masaya siyang nagkaayos na ang kaniyang mag-ina. Pasimple niyang pinunasan ang namumuong luha sa kaliwang mata niya.Tumikhim siya para kunin ang atensyon nang dalawa. “Ehem.”Naghiwalay mula sa pagkakayakap sina Lily at Isaac. Sabay na lumingon ang dalawa sa gawi niya. Bahagyang lumapit si Ivor kay Lily, gamit ang kaliwang kamay niya, pinunasan niya ang basang pisngi nito at sa kanang kamay naman niya, pinunasan niya ang basang pisngi ni Isaac.Tumingin si Ivor kay Lily. Nginitian niya ito. “Masaya ako na nagkaayos na kayo ni Isaac.”Ngumiti si Lily sa kaniya pabalik. “Thank you. Kung hindi dahil sa’yo, hindi rin lalakas ang loob ko.”Kinuha ni Ivor ang kanang kamay ni Lily gamit ang kaliwang kamay niya, hinalikan niya ang likod nang kamay nito. Then he looked at her. “You’re always welcome.”Pagkatapos, lumingon si Ivor kay Isaac. Nakasimangot ito sa kaniya ngunit may lungkot sa mga mata nito. Nakatay

Bab Lainnya
Jelajahi dan baca novel bagus secara gratis
Akses gratis ke berbagai novel bagus di aplikasi GoodNovel. Unduh buku yang kamu suka dan baca di mana saja & kapan saja.
Baca buku gratis di Aplikasi
Pindai kode untuk membaca di Aplikasi
DMCA.com Protection Status