Nakatayo si Lily sa kitchen counter niya habang hinahalo niya ang flour at cocoa powder sa isang bowl ng liquid ingredients na ginawa niya para sa brownies. Isang linggo na rin ang lumipas simula nang makabalik silang dalawa ni Isaac sa bahay nila na kasama si Ivor.“What are you doing?” Narinig niyang tanong ni Ivor mula sa kaniyang likuran. Hanggang sa maramdaman niyang niyakap siya nito mula sa kaniyang likod at sinandal nito ang baba sa balikat niya.“Gumagawa ako ng brownies. Merienda natin. Favorite din ito ni Isaac,” sagot ni Lily habang patuloy na naghahalo. Nanatili sila sa gano’ng posisyon habang pinapanuod ni Ivor ang kaniyang ginagawa.Hindi naman gano’n katagal ang kailangan niya sa paghahalo kaya naman binuhos na niya ang chocolate chips saka niya ito hinalong muli. Nang matapos siya, inalis niya ang braso ni Ivor na nakayakap sa kaniya. Hinarap niya ito at hindi niya binibitawan ang pagkakahawak sa kamay nito.“Bakit hindi mo na lang ako hintayin sa living area? Iniwan
“Cut!” Sigaw ni Cleon. Pagkatapos ay naghiyawan ang buong production staff dahil sa ginhawang natapos na ang kanilang filming shoot sa ISAAC’s. Hindi naman maiwasan ni Cleon na hindi matawa sa mga kasamahan niya.Tumikhim siya at kinuha ang atensyon nang mga ito. “Guys, guys! May I have your attention, please?”Tumahimik naman ang lahat at tumingin sa kaniya, naghihintay nang kaniyang sasabihin.Nginitian niya ang mga ito saka siya nagpasalamat. “Maraming salamat sa hard work ninyo. Hindi matatapos nang maayos ang ating shoot kung hindi dahil sa hard work nang bawat isa. Pagkatapos natin magligpit nang mga gamit, magce-celeberate tayo. Nakapagpa-reserve na ako ng team dinner dito sa ISAAC’s. “Ngunit kahit natapos na ang shoot, madami pa tayong haharapin at aayusin. Hindi pa nagtatapos dito ang lahat pero malapit na tayo sa ating goals! Maraming salamat sainyo!” Malakas na sabi ni Cleon.Nagpalakpakan naman ang kaniyang co-workers at sabay sabay na nagpasalamat ang mga ito hanggang s
Pinarada ni Ivor ang kotse sa parking lot ng Italian restaurant na pinuntahan nila. Nang patayin niya ang makina ng kotse, nakita niyang tahimik si Lily na nakaupo sa passenger seat at mukhang nag-aalala. Bago pa niya ito tanungin, dumungaw si Isaac mula sa backseat at ito na ang unang nagtanong.“Mommy, may problema po ba?”Lumingon si Lily kay Isaac. “Wala naman, anak. Kinakabahan lang ako.” Pagkatapos tumingin si Lily sa kaniya. “Ivor, ngayon na lang kami magkikita ng mommy mo. Is it really okay?”Ivor sighed and he smiled. Inabot niya ang kaliwang kamay ni Lily at marahan itong pinisil. “It’ll be fine. Naiintindihan ni Mom. She’s been waiting for you and Isaac.”“Uncle Ivor, mommy niyo po ang kikitain natin? What she’s like?” They heard Isaac ask and he unconsciously pout while thinking out of curiosity.Nilipat ni Ivor ang tingin sa kaniyang anak at ito naman ang nginitian niya. “Yes, and she’s your grandmother. She’s kind, gentle and sweet. And when you meet her, can you call he
Kapapasok lang ni Ivor at Isaac sa loob ng kotse. Nilingon ni Ivor ang kaniyang anak sa backseat.“Okay ka na, little buddy? Nakapag-seat belt ka na?”Nag-thumbs up si Isaac sa kaniya. “Yes po, Uncle Ivor.” Nakangiting sabi nito.Ngumiti si Ivor pabalik. “Good. Dahil ang mommy mo naman ang susunduin natin.”Tinaas ni Isaac ang kaniyang dalawang kamay. “Yehey!”Humarap si Ivor sa manibela na hindi naaalis ang ngiti sa kaniyang labi. It’s been a week since Lily said yes to him, to court her again. Sa isang linggo na iyon, naging routine na niyang hatid-sundo si Lily sa trabaho at si Isaac naman sa eskwelahan. Kahit na pansamantalang nakatira sina Lily at Isaac sa condo ni Ivor, ang old routine pa rin nang dalawa ang sinusunod niya. Ivor realized that before their current set-up happened, Lily was still struggling that he was around. Kahit ang ipagmaneho niya ito ng kotse, hindi niya halos magawa dahil mas madalas pa rin siyang tanggihan ni Lily. Naiintindihan naman niya, dahil ilang ta
Ang sleep over na ni-request ni Isaac ay naging “stay-over” dahil sa nakalipas na limang araw, nanatili sina Lily at Isaac sa condo ni Ivor. Walang nagawa si Lily kaya naman nagdala na rin siya nang ilang mga personal niyang gamit. Habang si Ivor naman ay inayos ang kwarto niya na para sa kanilang tatlo. Ginusto rin ni Ivor bumili nang bagong kama para magkasya sila, ngunit sinabi ni Isaac na mas gusto niyang magkakatabi silang tatlo.At ngayon ay Biyernes nang umaga. Kumakain nang agahan sina Lily, Ivor at Isaac. Nakasuot sila ng white t-shirt at maong jeans dahil iyon ang dress-code ng Family Day sa school ni Isaac. Parehas na nag-take ng day off sina Lily at Ivor para sumama. Hindi ito ang unang beses ni Lily, dahil simula noon hanggang ngayon ay wala pa siyang absent tuwing may Family Day event sa eskwelahan ni Isaac.Habang kumakain si Lily, nagbigay siya nang paalala kina Ivor at Isaac kahit hindi siya nakatingin sa mga ito dahil naka-focus siya sa pagkain na nasa harap niya. “G
Hindi namalayan ni Ivor na nakangiti na siya habang nakatingin kina Lily at Isaac. Masaya siyang nagkaayos na ang kaniyang mag-ina. Pasimple niyang pinunasan ang namumuong luha sa kaliwang mata niya.Tumikhim siya para kunin ang atensyon nang dalawa. “Ehem.”Naghiwalay mula sa pagkakayakap sina Lily at Isaac. Sabay na lumingon ang dalawa sa gawi niya. Bahagyang lumapit si Ivor kay Lily, gamit ang kaliwang kamay niya, pinunasan niya ang basang pisngi nito at sa kanang kamay naman niya, pinunasan niya ang basang pisngi ni Isaac.Tumingin si Ivor kay Lily. Nginitian niya ito. “Masaya ako na nagkaayos na kayo ni Isaac.”Ngumiti si Lily sa kaniya pabalik. “Thank you. Kung hindi dahil sa’yo, hindi rin lalakas ang loob ko.”Kinuha ni Ivor ang kanang kamay ni Lily gamit ang kaliwang kamay niya, hinalikan niya ang likod nang kamay nito. Then he looked at her. “You’re always welcome.”Pagkatapos, lumingon si Ivor kay Isaac. Nakasimangot ito sa kaniya ngunit may lungkot sa mga mata nito. Nakatay