Mag-log inNAEVIA’S POVGaya ng ipinangako ni Dravian, kasama sina Mama, Tita Clara at ang mga bata ay nagpunta kami sa isang resort sa bandang Quezon. Napakaganda ng tanawin, sariwang hangin at higit sa lahat ay napakasarap sa pandinig ang mga alon na na humahampas sa dalampasigan. Agad na tumakbo patungong dalampasigan ang mga bata dahil sa labis na pagkasabik nang makita ng mga ito ang dagat lalong lalo na si Rowan na ngayon lang nakakita ng dagat. Sa tuwing magkakaroon ng outing ang pamilya noon ni Rhaziel, madalas na private resort ang pinupuntahan namin pero kapag sa dagat na ay hindi kami pinapasama ni Rhaziel. Ang dahilan nito ay delikado umano ang dagat para sa mga maliliit na bata. Baka raw matangay ng alon at malunod. Agad kong ipiniksi sa aking isip ang alaalang may kaugnayan sa dati kong kinakasama pero sa bawat sandali na kasama ko si Dravian, kahit pa hindi ganoon katagal. Marami na itong bagay na ginawa sa akin. Mga bagay na tila nagbigay sa akin ng linaw at nagpagising sa akin
NAEVIA’S POVPagkatapos ng aming kasal ay sunod na inasikaso ni Dravian ang pagpapalipat ng mga apelyido ng mga bata mula sa apelyido ni Rhaziel at pinalitan ng apelyido niya. Hindi ko alam kung gaano kalaki o kalawak ang koneksyon ni Dravian dahil sa loob lamang ng isang araw ay agad na napabago ang apelyido ng mga bata kasabay ng pagpapalit ng apelyido ko. Sa pagkakaalam ko kasi ay aabutin pa iyon ng ilang buwan at minsan ay taon bago mapalitan ang apelyido ng mga bata. Tuluyan na ring lumipat si Dravian sa bahay namin at naging kasama. “Coffee?”Hindi ko napansin ang biglaang paglapit nito sa aking tabi. Iniabot niya sa akin ang isang tasa ng mainit na kape. “Salamat,” nahihiyang sagot ko habang inaabot ang tasa. Nasa maliit na bakuran ako ngayon kung saan natataniman ng ilang mga halaman gaya ng magkahalong kulay dilaw at pulang santan. May mga nakapaso ring rosas na halos kakabili lang ni Mama mula sa merkado. Simula ng magbakasyon si Mama ay muli niyang binuhay ang aming malii
NAEVIA’S POV“Drave, paanong? “ hindi ko na natapos pa ang aking sasabihin dahil sa labis na pagkagulat nang makita ko sina Mama, Tito at Tita Clara, ang kapatid niya, si Selene maging ang aking mga anak na sina Melody at Rowan na pawang nakaayos na parang pinaghandaan at alam nila ang tungkol sa kasalang ito. “Surprise? While you’re busy, tinawagan ko na sina Mama para maghanda sila at masaksihan ang kasal natin. Ayaw ko naman na hindi nila masaksihan ang pinaka-importanteng araw sa buhay mo kaya tinawagan ko sila,” Paliwanag nito sa akin. “Pero, paano mo napapayag ang mga bata?” tanong ko pa ulit. “I’ll explain everything to you later. But for now, can we proceed to the important part? They are all here to witness the exchange of our vows,” bulong nito sa akin saka tumingin sa harapan namin. Doon ko lamang napansin na hindi lamang mga kamag-anak namin ang naroon dahil may isang pares pa ang nasa kanan kasama ang ilang mga lalaki para maging mga witness sa aming kasal. Sunod ay tin
NAEVIA’S POVAng plano ko lang sana ay bumili ng hindi kamahalan na puting damit at mag-ahit ng aking kilay saka maglagay ng make-up at lipstick para naman kahit papaano ay maging presentable ako sa araw mismo ng aming kasal ni Dravian pero hindi ko inaasahan na sa ganito kamahal na botika niya ako dadalhin. Sa sampung damit na aking sinukat, wala yata doon ang nasa 4 digits lang ang halaga. Lahat ng mga damit ay magaganda pero sobrang ganda rin ng presyo na tipong mapapaiyak ka na lang sa ganda. Plano ko sana ay pumili ng pinaka-simple at pinakamura pero hindi pumayag ang lalaking parang bakla na kasama ko na sa tingin ko’y siyang may-ari ng shop. Siya ang halos pumili ng lahat ng damit na aking sinukat. “Perfect! Simple but elegant! Paniguradong magugustuhan ka lalo ni Sir Dravian sa damit na iyan,” malapad ang ngiting sabi ng lalaki. Nagkaroon pa ng kaunting diskusyon kung saan ako magpapaayos pero kinalaunan ay ang may-ari na rin mismo ng shop ang siyang nag-ayos sa akin dahil an
DRAVIAN’S POVHindi ko napigilang sipatin ang kanyang kabuuang kasuotan. Nakasuot ito ng hapit na maong na pinaresan ng isang plain tshirt na kulay puti. Kahit na dalawa na ang anak nito ay kapansin-pansin na wala itong malaking puson hindi kagaya ng ibang mga babae na dumaan sa panganganak. Medyo mayapis ang kanyang katawan pero hindi pa rin nito naitago ang laki ng kanyang dibdib maging ang kurba ng kanyang katawan. Bigla kong ipinilig ang aking ulo nang humantong sa paghahangad at pagpapantasya sa kanyang katawan ang naging laman ng aking utak. “That jerk! Anong pinagsasabi niya na hindi kaakit-akit ang asawa niya. Mas pinili niya pa ang isang babaeng hukluban na gawa sa teknolohiya ang katawan kaysa sa asawa niyang natural ang ganda. He lost her, now she’s mine.”“I’m sorry, I don't have any intention to neglect your outfit. Wala namang problema sa suot mo dahil maganda ka naman kahit ano ang suot mo pero kung gusto mong mag-ayos, we can do that. Tatawagan ko na lang si Judge C
NAEVIA’S POV“P-Pakiulit nga ang sinabi mo? Tama ba ang narinig ko? K-Kasal natin?” gulat na gulat na tanong ko kay Dravian. “Yeah. Kasal natin,” seryosong sagot nito habang nakatingin sa akin. “Papaanong ikakasal? Eh, ngayon lang tayo nag-usap at ngayon lang din ako nakapagdesisyon,” naguguluhang tanong ko sa kanya. Paanong ikakasal samantalang hindi man lang kami naka-attend ng seminar at wala rin akong CENOMAR na ibinigay sa kanya.“Actually, Tita Sara prepared all the things we needed for this wedding. It’s their idea actually, isama mo na si Mama. Sila na ang nag-asikaso mula sa mga papel pati na rin ang judge na magkakasal sa atin.” Hindi ito makatingin sa akin habang nagsasalita at kinakamot ang kanyang batok. “Si Mama ang nagplano ng lahat ng ito?”“Huwag mong masamain, Via. Mali ang iniisip mo. Sa totoo lang, namomroblema rin si Tita Sara kung paano niya maililigtas mula sa diskriminasyon ang mga bata dahil sa ginawa ng ama nila. She said, she can’t bear hearing rude things







