LOGINMAYA
“Good afternoon, Sir, Ma’am,” sabay yuko ng isang dosena atang kasambahay nang pumasok kami sa mansyon
“This is Maya, my wife,” pakilala ni Renzo.
Nanlaki ang mga mata nila at nagtinginan, halatang nagulat—hindi ko alam kung dahil ikinasal na pala ang sir nila o dahil hindi sila makapaniwalang sa isang tulad ko siya nagpakasal.
Sabay-sabay silang nagsiyukod at nagsabi ng, “Maligayang pagdating, Ma’am Maya.”
“Naku, Maya na lang…” natawa ako. Pero nang mapansin ko ang kakaibang tingin ni Renzo, naubo ako. Nakalimutan ko na namang dapat alta vibes ako. “Well, good morning. I hope we all get along well.”
“So,” sabi ni Renzo habang nakapasok ang mga kamay niya sa bulsa at naglakad papasok sa loob ng bahay na parang museum sa laki, “this is the main living area.”
Pinigilan kong manganga. Pa’no ba naman—ang taas ng kisame parang cathedral, may mga paintings na mukhang kinuha pa sa Louvre, at ang sofa set na siguradong mas mahal pa kaysa pinagsama-samang kita ko buong buhay ko.
“Okay lang bang… umupo dito?” tanong ko, sabay turo sa couch na sobrang puti, parang nilabhan sa isang sakong Tide.
Naningkit ang mga mata ni Renzo. “Lahat ng bagay dito ay sa’yo, Maya. Hindi mo na kailangang magpaalam.”
“Sa akin?” halos slo-mo kong nasabi, parang ang hirap paniwalaan. Mas malaki pa yata ang living area na ‘to kaysa buong apartment namin.
Naglibot pa kami sa mansion—kusina na mas malaki pa sa ground floor ng office namin sa Mandaluyong, library na may books mula sahig hanggang kisame, home theater na parang sinehan, at isa pang sala na mas maliit pero mukhang pang-royalty pa rin.
Ayos. Kahit iisang bahay lang kami, puwede pa rin kaming hindi magkakitaan.
Umakyat kami sa hagdang parang sa mga engrandeng hotel, hanggang sa pumasok kami sa isang kwarto.
“And this is our room.”
“Our room?” kumabog ang dibdib ko.
“Yup. Did you forget already? That’s part of the contract.”
“Oo nga pala.” Huminga ako nang malalim sabay pasok. At literal na napanganga ako.
Parang isang buong floor na ang kwarto—may walk-in closet, sariling sala, at floor-to-ceiling windows na tanaw ang garden. Pero ang pinaka-nakapagpahina ng tuhod ko? Ang higaan.
Hindi lang king-size—super duper king-size na may apat na poste, may kurtina pang imported, at kumot na mukhang mas malambot pa sa ulap.
“Don’t worry,” sabi ni Renzo habang inilalapag ang maleta ko sa kama, sa side malapit sa closet. “Kahit malikot tayo pareho matulog, the bed is big enough for both of us without any… accidental touching.”
Wait lang. Iba ata na-imagine ko sa accidental touching na ‘yon ha.
“Buti naman,” sabi ko na lang, sabay lakad papunta sa bintana para kumalma ang puso ko.
At doon na-distract ako—ang ganda ng garden. Perfect landscape, mga bulaklak na parang paintings, at fountain pa sa gitna.
“Ang ganda naman ng view. Ang sarap sigurong gumising tuwing umaga,” bulong ko.
“I know,” sagot ni Renzo.
Nasa likod ko na pala siya. Pero hindi siya nakatingin sa garden.
Sa akin.
Nanlaki ang mga mata ko. Ako ba ang tinutukoy niya?!
Hala, imposible!
Dali-dali kong binuksan ang maleta at isa-isa kong inilabas ang mga damit ko. Kunyari busy para hindi mapansin na nanginginig pa yung kamay ko.
Kinuha ko yung isa kong blouse at sinubukang isabit sa hanger, tapos isinampay sa closet. Ang problema, masyadong mataas yung rod. Tiptoe na ko, todo abot pa, pero hindi pa rin kaya.
“Ay—” muntik na akong madulas!
Agad akong nasalo ni Renzo sa baywang, mainit at matatag yung kamay niya. Bago ko pa namalayan, pareho kaming natumba sa kama.
Parang huminto ang oras. Ang lapit ng mukha niya. Kita ko pa bawat detalye ng mata niya, at yung ngiti na parang nang-aakit. Tiningnan niya ang lips ko at unti-unti siyang yumuko papalapit.
“H-hindi pwede ‘to,” bulong ko, nanginginig ang boses. “Wala pa akong first kiss!”
“Wala ka pang first kiss?” ulit niya, sabay ngiti. “Well, you’re my wife now.”
Napakagat ako ng labi. Oo nga pala. Pero—
“Hindi ‘to kasama sa contract,” palusot ko agad.
“Hmm…” tumingin siya diretso sa mga mata ko, halos marinig ko na ang tibok ng puso ko. “Yes. Pero bakit… ayaw mo bang ako ang maging first kiss mo?”
Natigilan ako. Umiikot yung mundo ko sa sobrang kaba. Sino bang matinong babae ang makakatanggi sa isang kagaya niya?
Tumingin siya ulit sa mga labi ko, at para akong natuyuan ng laway kaya napalunok ako. Unti-unti siyang yumuko, ilang pulgada na lang at magtatama na sana ang hininga namin nang—
“Sir? Ma’am?” tawag ng kasambahay mula sa labas ng pinto.
Para akong napaso, mabilis akong tumayo at ayusin ang blouse ko na parang walang nangyari. Pero ramdam ko pa rin ang init ng tingin ni Renzo.
Hindi ko alam kung manghihinayang ba ako o magpapasalamat na naistorbo kami.
Si Renzo naman, kalmado lang na tumayo at binuksan ang pinto. “What is it?”
“Nandito po si Sir Rogelio,” sagot ng kasambahay.
Napakunot ang noo ko. Sino yun?
Lumingon sa akin si Renzo, parang narinig ang nasa isip ko. “Get dressed,” aniya, seryoso ang tingin. “It seems Dad wants to meet you.”
MAYA:Vikings - SM MOA 7pmPrivate room. Long table. Buffet setup.Dumating kami ni Renzo. Maaga kami. Then dumating si Lea at Tina nang magkasama. “Maya!” bati ni Lea sabay yakap.“Bhe,” sabi naman ni Tina habang bumebeso-beso. “Iba ang glow ha. Iba talaga kapag may dilig.”“Huy!” Hampas ko sa kanya. “Totoo,” sabi ni Lea. “Masaya kami ni Tina para sa inyo.”“Wala pa naman kasi…” sabi ko sabay tingin kay Renzo. Hindi naman siya nakatingin sa amin dahil paparating na rin ang mga kaibigan niya. Si Michael at si… Anton?“Lorenzo!” Sabi ni Michael, sabay bro hug. Nagkakamot ng ulo si Anton habang papalapit. “Maria, I mean, Maya, pwede ka ba makausap saglit?” Sabi niya. Tumingin ako kay Renzo. Tumango naman siya. “We already talked about it.”Tumango ako. May permiso naman pala niya. Baka naman okay na siya.Pagkatapos kasi ng insidente sa bar, hindi ko na siya nakita ulit. Nalaman ko nalang na nag-abroad pala siya. At ayon sa mga kwento, utos daw yun ni Renzo. Ngayon ko lang nalama
MAYATahimik yung drive pauwi. Pagkatapos ng sagutan nila ni Carlos. Pagkatapos kong ma-suspend. Pagkatapos ng lahat. Nakaupo ako sa passenger seat ng kotse ni Renzo. Nakatingin lang sa labas ng bintana. “Maya,” sabi ni Renzo.“Hmm?”“Stop thinking.”“Hindi ako nag-iisip.”“Nakikita ko yung mukha mo sa side mirror. You’re overthinking. Is it about Carlos? Stop.”Huminga ako ng malalim. “Hindi naman tungkol kay Carlos. Pero siguro kasama na rin siya. Hindi ko naman akalain na gagawin niya yun.”“He just cares about you.”Napatingin ako sa kanya.“Akala ko galit ka sa kanya?”“Iba lang kasi yung way niya of showing his love. And that’s what made me angry. Pero I’m glad that you have someone who cares for you deeply… But don’t get me wrong. I won’t give you to him.”“Give me? Nasaan na yung ‘respecter of choice’ kamo?” Biro ko. “Oo nga pala. You’re not mine anymore.”Tumahimik siya. Awkward moment. Iniba ko nalang yung usapan.“Isa pa sa iniisip ko ay yung suspension ko. Apektado yun
MAYANapaisip ako. May point naman siya. Pero…“Pero may iba namang paraan. Yung ipaglaban yung katarungan. Yung makulong sila. Hindi ganito.”“Tingin mo ba talaga mas mataas ang katarungan kesa sa pera? Lalo sa sitwasyon ng bansa natin ngayon? Walang hindi kayang bilhin ang pera, Maya. At merun sila nun!”“Pero kung hindi natin, susubukan, paano natin malalaman? Habambuhay nalang ba tayong magpapailalim sa kanila? Kung hindi si Nanay, si Tita Loring, at iba pang biktima? Paano kung ang mga anak natin at magiging apo natin naman ang mabiktima nila?” “May ibang gagawa nun. Hindi kailangang ikaw, Maya.”“Bakit hindi ako?”“Kasi mahal kita. Hindi ko kayang panuorin kang masira. Deserve mo ng isang magandang buhay. Yung maranasan mo yung bunga ng lahat ng pinaghirapan mo. Yung hindi mo kailangang lumaban. Yung kaya mong makisama ng walang complications.”“At hindi rin ikaw yun.” May boses kaming narinig.“Your relationship will not work either.”Napatingin kami. Si Renzo. Nagulat kami
MAYAHindi man lang ako pinansin ni Carlos. “Yung timing ng kasal nila. Six months ago. Exactly bago na-assign si Ms. Cruz sa Alcantara audit. Coincidence ba yun o planado?”“Carlos! Alam mo ang lahat. Hindi ako aware na siya si Mr. Alcantara. Alam mo yung sitwasyon…”“Ang alam ko,” putol ni Carlos. “Ay nagpakasal ka sa CEO ng kumpanyang iimbestigahan mo. Kahit ano pang sitwasyon, conflict of interest yun. Ang tanong, kasama ba ang kasal sa plano mo? Para ma-abswelto si Mr. Alcantara?”Napaupo ako. HIndi makahinga. Tini-twist niya ang kwento. Pinagmumukha niyang pinlano ko ang lahat!“Sir,” dagdag pa ni Carlos kay Sir Patrick. “Based sa observations ko, naniniwala po ako na yung audit ni Ms. Cruz, kahit technically sound sa documentation ay na-compromise ng personal bias. At yung reputasyon po ng firm, especially ngayon sa pag-withdraw ni Congressman Salcedo. Nari-risk yung company dahil dito.”“I see,” tango ni Sir Patrick at tumingin sa akin. “Ms. Cruz, may sasabihin ka ba?”“Sir,
MAYA“Maya,” sabi ni Monette. “Mag-ingat ka. Alam kong tama yung ginawa mo. Pero si Sir Patrick, stressed. At kailangan niya ng masisisi.”“Naiintindihan ko,” bulong ko. Tumayo ako. Humanda for the meeting. Pagpasok ko sa office, andun si Sir Patrick. Galit na galit.“Sit down, Ms. Cruz,” sabi niya. Umupo naman ako. Formal.“I’ll be direct,” sabi niya. “Congressman Salcedo pulled out all his accounts. Approximately forty million pesos in business annually. Dahil sa conflict of interest na claim niya. Na ikaw, uimh auditor na nag-handle ng Alcantara case, ay may undisclosed relationship sa company.”“Sir,” sabi ko. “yung relationship ko is personal, hindi professional. At lahat po ng ginawa ko, by the book. Independent po. At may documents. Merun din pong third-party verification…”“Hindi mahalaga yun!” sigaw niya, sabay tayo. “Ang mahalaga kung paano tinitignan yun ni Congressman Salcedo! Yung desisyon niyang mag-pull out! Yung forty million pesos na nawala dahil sa’yo!”Tumayo rin
RENZO“Okay,” sabi niya. “Hihintayin kita.”I felt relieved. “Magpahinga ka na,” sabi ko. “Take the bedroom. I’ll stay here.”“Hindi,” sabi niya. “Dun tayo sa bedroom. Matutulog lang tayo. Wala ng iba. Tara….”Tumingin ako sa kanya.Part of me wanted to say no. Wanted to maintain distance. I can’t control my body with her.But part of me wanted to say yes. To the closeness. I wanted to hold her. “Okay, come on.”Ngumiti siya. Noong nasa bed na kami, we went to both sides of the bed and magkatalikod kami.May space sa gitna.The atmosphere was tensed and awkward. “Renzo?” Bulong niya after a few minutes.“Yes?”“Thank you ha,” sabi niya. “Sa pangalawang pagkakataon. Kahit alam kong galit ka pa at nasasaktan sa nagawa ko sa’yo.”Hindi ako sumagot. Hindi ko alam ang sasabihin. Totoo kasi. Pero I chose to give her the forgiveness kagaya ng sinabi nung pastor at ni Mom. Forgiveness hindi dahil sa okay na ako. Pero dahil sa effort niya na ipakita yung remorse niya. At dahil mukhang gi







