Mag-log inNandito ang Chairman ng Alcantara Holdings Inc! Kailangan presentable ako!
Dali-dali kong tinignan ang mga nakasampay sa closet. Nagulat ako—may mga bagong damit na pala ro’n. Amoy department store pa.
Binili ba ‘to ni Renzo para sa’kin?
Kinuha ko ang isang simpleng cream dress na may pearls sa kwelyo. Nagpalit ako at, grabe, parang tailored talaga para sa akin. Nilugay ko ang mahaba kong buhok na itim at naglagay ng konting pulbo at lipstick bago tuluyang lumabas ng kwarto.
Pagkababa ko sa hagdan, muntik na akong mapatigil sa tindi ng aura ng isang lalaki katabi ni Renzo na nakaupo sa sala. At yung titig niya? Parang kaya niyang paaminin kahit sinong kriminal ng hindi nagsasalita.
Ito na ‘yun! Ito na yung eksenang lagi kong napapanuod sa K-drama!
Yung ama ng male lead na tututol, tapos hahampasin ako ng envelope ng pera. Worst case, bibigyan ako ng lason sa maliit na tasa ng tsaa.
Napakagat ako sa labi at agad na inayos ang postura ko. Ngumiti ako nang pilit at nag-bow pa ng konti.
“Good afternoon po, Sir Rogelio…” halos pabulong ko.
Tiningnan niya ako mula ulo hanggang paa. Napatigil ako sa paghinga. Any moment, baka sabihing, “Renzo! How dare you bring this woman into our house!”
Pero bigla siyang ngumiti. “So, ikaw pala si Maya? Maupo ka.”
Halos matumba ako sa gulat.
Naupo ako agad, tuwid na tuwid na parang estudyanteng ayaw mapagalitan ng principal.
Nag-abot ng mamahaling meryenda ang kasambahay—may mga mini sandwiches at parang imported na cookies.
“Masaya ako, Renzo,” biglang sabi ni Sir Rogelio habang nakangiti. “Matagal ko nang sinasabi sa’yo na gusto ko nang magkaroon ng manugang at mga apo. Kung hindi pa kita tinakot na hindi mo makukuha ang Alcantara Holdings, baka hanggang ngayon wala ka pang asawa.”
Napasinghap ako at napatitig kay Renzo.
Ayun pala! Kaya pala parang ora-orada ang marriage contract. Ultimatum pala ni Tatay niya.
“Akala ko nga pumasok na sa marriage contract si Renzo,” dagdag pa ni Sir Rogelio habang humigop ng kape.
Doon ako nabulunan sa cookies na kinakain ko.
“Kkhh—” Napaubo ako.
Agad akong hinimas ni Renzo sa likod.
“Are you all right, love?”
Ramdam ko yung totoong concern sa boses niya, lalo na nang abutan niya ako ng tubig.
Pagtingin ko sa kanya, seryoso ang mata niya—hindi scripted. Para bang genuine na nag-aalala siya.
Pero tuningin siya sa gilid, kay Sir Rogelio. Parang inuutos na, “Do your part.”
“Yes, love. I’m fine, thank you,” sabi ko agad, sabay hawak sa hita ni Renzo, kunyari natural lang.
Kinuha naman ni Renzo ang kamay ko at hinawakan nang mariin. :Alam mo namang ayokong nahihirapan ka,” sabay tingin sa akin nang may matamis na ngiti.
Ang galing naman ng acting! Lord, help me. Baka madala ako masyado.
Pagkatapos ng meryenda, nagpaalam si Sir Rogelio kay Renzo.
“Sa office tayo mag-usap,” sabi niya.
Kaya ako naman, balik sa kwarto. Pagkaayos ko ng mga gamit ko, chineck ko naman ang bank account ko.
Halos mahulog ako sa sahig.
Five. Million. Pesos.
Napalakpak ako ng mahina. Ito na yung pinakamasarap na number na nakita ko buong buhay ko!
Dali-dali kong binayaran ang mga utang namin online. May confirmation email pa, parang fireworks sa screen. Nakahinga ako nang maluwag.
Salamat, Renzo. Salamat, marriage contract!
Nag-text agad ako kina Tatay at Teo. “Nakarating na ako sa dorm! Huwag kayo mag-alala, ayos lang ako.”
Pagkatapos, naligo ako at naalala ko yung muntikan na kaming mag-kiss ni Renzo kanina. Matutuloy kaya yun ngayong gabi?
Napa-toothbrush tuloy ako ng tatlong beses.
Pagkahiga ko sa kama —- syempre sa dulo, baka magulat ako at biglang may tumabi. Nagmuni-muni ako.
Hindi naman pala kalbaryo ang buhay dito. May closet ako na puno ng bago. May pondo na ako para sa pamilya. At may asawa akong ubod ng gwapo!
Inantay ko si Renzo hanggang sa makatulog ako. Pero pagkagising ko—wala pa rin siya.
“Nasaan kaya yun?” bulong ko habang nakakunot ang noo.
Tinanong ko ang mga kasambahay. “Ah, umalis po siya kagabi after ng pag-uusap nila ni Sir Rogelio. Hanggang ngayon, hindi pa bumabalik.”
Napamewang ako. “Hmph. Hamu na nga siya.”
Nag-ayos ako para pumasok. Hindi ko pinahalata na medyo naiinis ako. Pero sabi nga sa kontrata—pwede naman akong pumunta kahit saan kapag araw. Kaya ayun, tuloy pa rin ang lakad ko.
Pagpasok ko sa office, parang may mali. Kasi lahat ng tao, nakatingin sa akin.
“Aba, Maya!” bati ni Lea. “Ang ganda mo ngayon, ha. Bagong skincare? O bagong love life?”
“Uy, ano ba,” natatawa kong sagot habang nagtatago sa folder.
Kung alam niyo lang, bagong asawa.
Napailing na lang ako. “Baka bagong pulbo lang ‘to. Sale kasi kahapon,” biro ko, sabay upo sa desk.
Pero bago pa lumalim ang teasing, tinawag ako ng boss ko.
“Maya,” seryoso niyang sabi, hawak-hawak ang folder. “I’m assigning you to investigate ghost projects in flood control systems sa Hagonoy, Bulacan.”
Parang tumalon ang puso ko sa saya.
“Yes, sir!” halos pasigaw kong sagot sabay kaway ng papel sa ere.
Ito na! Ito talaga ang dahilan kung bakit ako nag-auditor! Hindi lang dahil sa sahod, kundi para malaman ang totoo. Para sa mga taong naapektuhan ng substandard construction. Para kay Nanay…
Naalala ko yung gabing biglang bumigay yung dike. Yung baha na parang tsunami na sumira ng bahay namin. Yung sigaw ni Nanay bago siya tangayin ng tubig.
Huminga ako ng malalim. Ito na yung chance ko.
Pagbalik ko sa mesa, sinilip ko ang mga dokumento. Line per line, project per project. Tapos biglang—
Alcantara Holdings Inc.
Napatigil ako. Nanlamig yung kamay ko.
Nabitiwan ko yung folder.
Paano… paano nangyari ‘to?
Ibig bang sabihin… konektado ang pamilya ni Renzo… at posibleng ang asawa ko ngayon ang dahilan kung bakit namatay ang nanay ko?!
MAYA:Vikings - SM MOA 7pmPrivate room. Long table. Buffet setup.Dumating kami ni Renzo. Maaga kami. Then dumating si Lea at Tina nang magkasama. “Maya!” bati ni Lea sabay yakap.“Bhe,” sabi naman ni Tina habang bumebeso-beso. “Iba ang glow ha. Iba talaga kapag may dilig.”“Huy!” Hampas ko sa kanya. “Totoo,” sabi ni Lea. “Masaya kami ni Tina para sa inyo.”“Wala pa naman kasi…” sabi ko sabay tingin kay Renzo. Hindi naman siya nakatingin sa amin dahil paparating na rin ang mga kaibigan niya. Si Michael at si… Anton?“Lorenzo!” Sabi ni Michael, sabay bro hug. Nagkakamot ng ulo si Anton habang papalapit. “Maria, I mean, Maya, pwede ka ba makausap saglit?” Sabi niya. Tumingin ako kay Renzo. Tumango naman siya. “We already talked about it.”Tumango ako. May permiso naman pala niya. Baka naman okay na siya.Pagkatapos kasi ng insidente sa bar, hindi ko na siya nakita ulit. Nalaman ko nalang na nag-abroad pala siya. At ayon sa mga kwento, utos daw yun ni Renzo. Ngayon ko lang nalama
MAYATahimik yung drive pauwi. Pagkatapos ng sagutan nila ni Carlos. Pagkatapos kong ma-suspend. Pagkatapos ng lahat. Nakaupo ako sa passenger seat ng kotse ni Renzo. Nakatingin lang sa labas ng bintana. “Maya,” sabi ni Renzo.“Hmm?”“Stop thinking.”“Hindi ako nag-iisip.”“Nakikita ko yung mukha mo sa side mirror. You’re overthinking. Is it about Carlos? Stop.”Huminga ako ng malalim. “Hindi naman tungkol kay Carlos. Pero siguro kasama na rin siya. Hindi ko naman akalain na gagawin niya yun.”“He just cares about you.”Napatingin ako sa kanya.“Akala ko galit ka sa kanya?”“Iba lang kasi yung way niya of showing his love. And that’s what made me angry. Pero I’m glad that you have someone who cares for you deeply… But don’t get me wrong. I won’t give you to him.”“Give me? Nasaan na yung ‘respecter of choice’ kamo?” Biro ko. “Oo nga pala. You’re not mine anymore.”Tumahimik siya. Awkward moment. Iniba ko nalang yung usapan.“Isa pa sa iniisip ko ay yung suspension ko. Apektado yun
MAYANapaisip ako. May point naman siya. Pero…“Pero may iba namang paraan. Yung ipaglaban yung katarungan. Yung makulong sila. Hindi ganito.”“Tingin mo ba talaga mas mataas ang katarungan kesa sa pera? Lalo sa sitwasyon ng bansa natin ngayon? Walang hindi kayang bilhin ang pera, Maya. At merun sila nun!”“Pero kung hindi natin, susubukan, paano natin malalaman? Habambuhay nalang ba tayong magpapailalim sa kanila? Kung hindi si Nanay, si Tita Loring, at iba pang biktima? Paano kung ang mga anak natin at magiging apo natin naman ang mabiktima nila?” “May ibang gagawa nun. Hindi kailangang ikaw, Maya.”“Bakit hindi ako?”“Kasi mahal kita. Hindi ko kayang panuorin kang masira. Deserve mo ng isang magandang buhay. Yung maranasan mo yung bunga ng lahat ng pinaghirapan mo. Yung hindi mo kailangang lumaban. Yung kaya mong makisama ng walang complications.”“At hindi rin ikaw yun.” May boses kaming narinig.“Your relationship will not work either.”Napatingin kami. Si Renzo. Nagulat kami
MAYAHindi man lang ako pinansin ni Carlos. “Yung timing ng kasal nila. Six months ago. Exactly bago na-assign si Ms. Cruz sa Alcantara audit. Coincidence ba yun o planado?”“Carlos! Alam mo ang lahat. Hindi ako aware na siya si Mr. Alcantara. Alam mo yung sitwasyon…”“Ang alam ko,” putol ni Carlos. “Ay nagpakasal ka sa CEO ng kumpanyang iimbestigahan mo. Kahit ano pang sitwasyon, conflict of interest yun. Ang tanong, kasama ba ang kasal sa plano mo? Para ma-abswelto si Mr. Alcantara?”Napaupo ako. HIndi makahinga. Tini-twist niya ang kwento. Pinagmumukha niyang pinlano ko ang lahat!“Sir,” dagdag pa ni Carlos kay Sir Patrick. “Based sa observations ko, naniniwala po ako na yung audit ni Ms. Cruz, kahit technically sound sa documentation ay na-compromise ng personal bias. At yung reputasyon po ng firm, especially ngayon sa pag-withdraw ni Congressman Salcedo. Nari-risk yung company dahil dito.”“I see,” tango ni Sir Patrick at tumingin sa akin. “Ms. Cruz, may sasabihin ka ba?”“Sir,
MAYA“Maya,” sabi ni Monette. “Mag-ingat ka. Alam kong tama yung ginawa mo. Pero si Sir Patrick, stressed. At kailangan niya ng masisisi.”“Naiintindihan ko,” bulong ko. Tumayo ako. Humanda for the meeting. Pagpasok ko sa office, andun si Sir Patrick. Galit na galit.“Sit down, Ms. Cruz,” sabi niya. Umupo naman ako. Formal.“I’ll be direct,” sabi niya. “Congressman Salcedo pulled out all his accounts. Approximately forty million pesos in business annually. Dahil sa conflict of interest na claim niya. Na ikaw, uimh auditor na nag-handle ng Alcantara case, ay may undisclosed relationship sa company.”“Sir,” sabi ko. “yung relationship ko is personal, hindi professional. At lahat po ng ginawa ko, by the book. Independent po. At may documents. Merun din pong third-party verification…”“Hindi mahalaga yun!” sigaw niya, sabay tayo. “Ang mahalaga kung paano tinitignan yun ni Congressman Salcedo! Yung desisyon niyang mag-pull out! Yung forty million pesos na nawala dahil sa’yo!”Tumayo rin
RENZO“Okay,” sabi niya. “Hihintayin kita.”I felt relieved. “Magpahinga ka na,” sabi ko. “Take the bedroom. I’ll stay here.”“Hindi,” sabi niya. “Dun tayo sa bedroom. Matutulog lang tayo. Wala ng iba. Tara….”Tumingin ako sa kanya.Part of me wanted to say no. Wanted to maintain distance. I can’t control my body with her.But part of me wanted to say yes. To the closeness. I wanted to hold her. “Okay, come on.”Ngumiti siya. Noong nasa bed na kami, we went to both sides of the bed and magkatalikod kami.May space sa gitna.The atmosphere was tensed and awkward. “Renzo?” Bulong niya after a few minutes.“Yes?”“Thank you ha,” sabi niya. “Sa pangalawang pagkakataon. Kahit alam kong galit ka pa at nasasaktan sa nagawa ko sa’yo.”Hindi ako sumagot. Hindi ko alam ang sasabihin. Totoo kasi. Pero I chose to give her the forgiveness kagaya ng sinabi nung pastor at ni Mom. Forgiveness hindi dahil sa okay na ako. Pero dahil sa effort niya na ipakita yung remorse niya. At dahil mukhang gi







