MasukMAYA
“Ate, kamusta yung apply mo?” bungad agad ni Teo pagbukas na pagbukas ko ng pinto ng maliit na apartment namin.
Tsk. Nalintikan na. Naikuwento ko nga pala kay Teo tungkol sa “job interview” kuno ko ngayon.
“Ayos naman, Teo. Pumasa ako!” ngiti ko sa kanya.
“Wow, ang galing talaga ng ate ko!” talon ni Teo sabay yakap sa akin. “Sabi ko na makukuha mo yun eh!”
“Talaga, ganun ka ka-bilib sa ‘kin?” biro ko sa kanya sabay punta sa kusina para magluto ng hapunan namin.
“Oo naman. Lahat naman ng pinapasukan mo, lagi ka nakukuha,” sagot ni Teo habang nakaupo sa lamesa, kumakaway-kaway pa yung paa niya kasi hindi abot sa sahig.
“Ha? Exaggerated ka na naman,” sabi ko nang natatawa habang binubuksan ang sardinas.
“Hinde ah! Naalala ko pa nga lahat, Ate.” Nagsimula siyang magbilang gamit ang mga daliri niya. “Una, yung trabaho mo sa Jollibee, lagi mo kong binibigyan ng extra fries kahit bawal.”
Napahinto ako sa paghihiwa ng bawang. “Hoy, ‘wag mo ikukuwento ‘yan ha,” sabay tingin ko sa kanya.
Natawa si Teo. “Pero yung sa tiangge, Ate, yun yung favorite ko. Pasko pa, ang daming ilaw tapos andaming damit. Pinapasuot mo pa ako ng bonnet para ’di ako ginawin.”
Hindi ko mapigilang ngumiti habang nag-gi-gisa. “Hala, pati yun naalala mo pa.”
“Oo ‘te! Pati yung sa 7-Eleven. Halos ’di ka na natutulog nun kasi nag-aaral ka din. Pero gigising ka pa rin ng maaga para ihanda ako sa school.”
Hindi ko na napigilan, napatingin ako kay Teo. Parang ang bigat sa dibdib na maalala niya lahat ng pinagdaanan namin.
Sinubukan ko nalang pagaangin ang pag-uusap namin habang hinuhulog ang miswa. “Huwag mo ikukuwento kahit kanino yan ha, nakakahiya.”
Ngumiti lang siya. “Hindi ako nahihiya, Ate. Proud ako. Kasi kahit anong trabaho, kahit gaano kahirap, hindi ka sumusuko para sa ‘min ni Tatay.”
Sa sinabi niya, hindi naiwasan ng luha kong tumulo.
Hindi ko alam na lahat ng ginagawa ko, napapansin pala niya. Akala ko basta lang ako kumakayod para may makain kami bukas.
Pinunasan ko agad ang luha at humarap sa kanya.
“Huwag kang mag-alala, Teo. Hindi na tayo mahihirapan ngayon. Maganda yung napasukan ko. Mababayaran ko na din yung mga utang sa ospital pati yung mga naiwan nating bayarin nung namatay si Nanay.”
“Talaga, Ate?!” kumislap ang mata niya.
“Oo, pati yung mga kulang mo sa school! Lahat ’yon, mababayaran ko na.”
“Anong klase namang trabaho pinasok mo, Maya?” sabad ni Tatay, may halong pag-aalala at pagdududa ang tono.
Kalalabas lang nito sa kwarto at ika-ikang umupo sa tabi ni Teo.
Napakagat ako sa labi. Kung alam lang niya. Pero ngumiti ako at nagmano. “Huwag po kayong mag-alala Tay, maganda po ito.”
“Maganda?” Umiling siya. “Maya, siguraduhin mong malinis ang pinapasok mo. Alam kong hirap na tayo, pero hindi lahat ng daan na madali, tama. Ang pera, mabilis hanapin pero mas mabilis ding mawala kung mali ang pinanggalingan.”
Natigilan ako. Parang kumirot yung dibdib ko sa sinabi niya.Tama si Tatay. Paano kung mali nga itong desisyon ko?
Paano kung malaman ni Renzo na hindi pala ako alta, na hindi ako belong sa mundo niya? Na-imagine ko bigla yung mga eksena sa K-drama na pinapanood ko.
Yung binubuhusan ng tubig sa party, O kaya pinapainom ng lason ng kontrabida.
Napalunok ako. Baka ako na ang susunod na bida sa Batas ng Api!
“Tay, relax lang po kayo. Hindi naman ako magbebenta ng bato o mag-audition sa Batang Quiapo. Saka tingnan niyo nga ’to—kumukulo na yung miswa. Malinaw pa sa sabaw na wala akong ginagawang masama.”
Napailing si Tatay pero napangiti rin, kahit bahagya. Ngumiti ako pabalik, kahit deep inside, naiisip ko. Lord, tama ba talaga ’to?
Nagpaalam ako kina Tatay at Teo na malayo yung trabaho kaya kailangan kong mag-dorm. Wala na silang masyadong tanong kasi sanay na rin sila dati na umaalis ako para makipagsapalaran.
Kinabukasan pagkatapos mananghalian, hawak ang maliit kong maleta, dumiretso ako sa address na binigay ni Renzo. At grabe, pagdating ko—akala ko na-waze ako papuntang Malacañang!
Mansion pala yung bahay. As in yung tipong, kung may mawala kang hikaw sa sahig, baka abutin ka pa ng isang taon bago mo mahanap.
May malaking gate na parang mas mataas pa sa self-esteem ko.
At yung mismong bahay—three floors yata? O baka apat? Basta sobrang laki na parang kung magtatakbuhan kami ni Teo dito, baka kailangan pa ng tricycle.
“Mam, naligaw po kayo?” tanong sa akin ng isang kasambahay habang inaangat ang kilay.
“Ah… ito po ba yung La Vista, Quezon City, Block-something?” halos pabulong kong sagot, sabay tingin sa papel na hawak ko.
“Ito nga. Sino po hanap nyo?”
“Si Renzo. I mean… si Sir Alcantara.”
“Ah, wala pa po siya. Sa receiving area nyo na lang po siya hintayin. Andun din po si Manang Linda. Siya po yung namamahala sa lahat ng mga aplikante sa pagka-kasambahay.”
Napakurap ako.
Kasambahay?!
Ako?!
Napatingin ako sa outfit ko. Congrats, Maya, bulong ng utak ko. Kung may award for Best in Pretend Alta, ikaw na ang talo.
“It’s wife.”
Nagulat kami pareho nang may boses na sumabat mula sa gilid.
Nakasakay si Renzo sa kotse, nakababa ang bintana.
“You don’t talk that way to my wife,” seryoso niyang sabi. Tapos lumingon sa ’kin. “Love, get in.”
MAYA:Vikings - SM MOA 7pmPrivate room. Long table. Buffet setup.Dumating kami ni Renzo. Maaga kami. Then dumating si Lea at Tina nang magkasama. “Maya!” bati ni Lea sabay yakap.“Bhe,” sabi naman ni Tina habang bumebeso-beso. “Iba ang glow ha. Iba talaga kapag may dilig.”“Huy!” Hampas ko sa kanya. “Totoo,” sabi ni Lea. “Masaya kami ni Tina para sa inyo.”“Wala pa naman kasi…” sabi ko sabay tingin kay Renzo. Hindi naman siya nakatingin sa amin dahil paparating na rin ang mga kaibigan niya. Si Michael at si… Anton?“Lorenzo!” Sabi ni Michael, sabay bro hug. Nagkakamot ng ulo si Anton habang papalapit. “Maria, I mean, Maya, pwede ka ba makausap saglit?” Sabi niya. Tumingin ako kay Renzo. Tumango naman siya. “We already talked about it.”Tumango ako. May permiso naman pala niya. Baka naman okay na siya.Pagkatapos kasi ng insidente sa bar, hindi ko na siya nakita ulit. Nalaman ko nalang na nag-abroad pala siya. At ayon sa mga kwento, utos daw yun ni Renzo. Ngayon ko lang nalama
MAYATahimik yung drive pauwi. Pagkatapos ng sagutan nila ni Carlos. Pagkatapos kong ma-suspend. Pagkatapos ng lahat. Nakaupo ako sa passenger seat ng kotse ni Renzo. Nakatingin lang sa labas ng bintana. “Maya,” sabi ni Renzo.“Hmm?”“Stop thinking.”“Hindi ako nag-iisip.”“Nakikita ko yung mukha mo sa side mirror. You’re overthinking. Is it about Carlos? Stop.”Huminga ako ng malalim. “Hindi naman tungkol kay Carlos. Pero siguro kasama na rin siya. Hindi ko naman akalain na gagawin niya yun.”“He just cares about you.”Napatingin ako sa kanya.“Akala ko galit ka sa kanya?”“Iba lang kasi yung way niya of showing his love. And that’s what made me angry. Pero I’m glad that you have someone who cares for you deeply… But don’t get me wrong. I won’t give you to him.”“Give me? Nasaan na yung ‘respecter of choice’ kamo?” Biro ko. “Oo nga pala. You’re not mine anymore.”Tumahimik siya. Awkward moment. Iniba ko nalang yung usapan.“Isa pa sa iniisip ko ay yung suspension ko. Apektado yun
MAYANapaisip ako. May point naman siya. Pero…“Pero may iba namang paraan. Yung ipaglaban yung katarungan. Yung makulong sila. Hindi ganito.”“Tingin mo ba talaga mas mataas ang katarungan kesa sa pera? Lalo sa sitwasyon ng bansa natin ngayon? Walang hindi kayang bilhin ang pera, Maya. At merun sila nun!”“Pero kung hindi natin, susubukan, paano natin malalaman? Habambuhay nalang ba tayong magpapailalim sa kanila? Kung hindi si Nanay, si Tita Loring, at iba pang biktima? Paano kung ang mga anak natin at magiging apo natin naman ang mabiktima nila?” “May ibang gagawa nun. Hindi kailangang ikaw, Maya.”“Bakit hindi ako?”“Kasi mahal kita. Hindi ko kayang panuorin kang masira. Deserve mo ng isang magandang buhay. Yung maranasan mo yung bunga ng lahat ng pinaghirapan mo. Yung hindi mo kailangang lumaban. Yung kaya mong makisama ng walang complications.”“At hindi rin ikaw yun.” May boses kaming narinig.“Your relationship will not work either.”Napatingin kami. Si Renzo. Nagulat kami
MAYAHindi man lang ako pinansin ni Carlos. “Yung timing ng kasal nila. Six months ago. Exactly bago na-assign si Ms. Cruz sa Alcantara audit. Coincidence ba yun o planado?”“Carlos! Alam mo ang lahat. Hindi ako aware na siya si Mr. Alcantara. Alam mo yung sitwasyon…”“Ang alam ko,” putol ni Carlos. “Ay nagpakasal ka sa CEO ng kumpanyang iimbestigahan mo. Kahit ano pang sitwasyon, conflict of interest yun. Ang tanong, kasama ba ang kasal sa plano mo? Para ma-abswelto si Mr. Alcantara?”Napaupo ako. HIndi makahinga. Tini-twist niya ang kwento. Pinagmumukha niyang pinlano ko ang lahat!“Sir,” dagdag pa ni Carlos kay Sir Patrick. “Based sa observations ko, naniniwala po ako na yung audit ni Ms. Cruz, kahit technically sound sa documentation ay na-compromise ng personal bias. At yung reputasyon po ng firm, especially ngayon sa pag-withdraw ni Congressman Salcedo. Nari-risk yung company dahil dito.”“I see,” tango ni Sir Patrick at tumingin sa akin. “Ms. Cruz, may sasabihin ka ba?”“Sir,
MAYA“Maya,” sabi ni Monette. “Mag-ingat ka. Alam kong tama yung ginawa mo. Pero si Sir Patrick, stressed. At kailangan niya ng masisisi.”“Naiintindihan ko,” bulong ko. Tumayo ako. Humanda for the meeting. Pagpasok ko sa office, andun si Sir Patrick. Galit na galit.“Sit down, Ms. Cruz,” sabi niya. Umupo naman ako. Formal.“I’ll be direct,” sabi niya. “Congressman Salcedo pulled out all his accounts. Approximately forty million pesos in business annually. Dahil sa conflict of interest na claim niya. Na ikaw, uimh auditor na nag-handle ng Alcantara case, ay may undisclosed relationship sa company.”“Sir,” sabi ko. “yung relationship ko is personal, hindi professional. At lahat po ng ginawa ko, by the book. Independent po. At may documents. Merun din pong third-party verification…”“Hindi mahalaga yun!” sigaw niya, sabay tayo. “Ang mahalaga kung paano tinitignan yun ni Congressman Salcedo! Yung desisyon niyang mag-pull out! Yung forty million pesos na nawala dahil sa’yo!”Tumayo rin
RENZO“Okay,” sabi niya. “Hihintayin kita.”I felt relieved. “Magpahinga ka na,” sabi ko. “Take the bedroom. I’ll stay here.”“Hindi,” sabi niya. “Dun tayo sa bedroom. Matutulog lang tayo. Wala ng iba. Tara….”Tumingin ako sa kanya.Part of me wanted to say no. Wanted to maintain distance. I can’t control my body with her.But part of me wanted to say yes. To the closeness. I wanted to hold her. “Okay, come on.”Ngumiti siya. Noong nasa bed na kami, we went to both sides of the bed and magkatalikod kami.May space sa gitna.The atmosphere was tensed and awkward. “Renzo?” Bulong niya after a few minutes.“Yes?”“Thank you ha,” sabi niya. “Sa pangalawang pagkakataon. Kahit alam kong galit ka pa at nasasaktan sa nagawa ko sa’yo.”Hindi ako sumagot. Hindi ko alam ang sasabihin. Totoo kasi. Pero I chose to give her the forgiveness kagaya ng sinabi nung pastor at ni Mom. Forgiveness hindi dahil sa okay na ako. Pero dahil sa effort niya na ipakita yung remorse niya. At dahil mukhang gi







